Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28 💗

° Chapter XXVIII:
Straightforward °

Thirdivin's POV

"Sus. Ang sabihin mo naiinlove ka na naman sakin." Mahanging banat ko na ngumisi pa sa kanya.

"Ang kapal mo ah. Ang yabang mo talaga." Mataray na komento ni Nerdy sa sinabi ko. Saglit akong napatitig sa kanya ngunit iniwas niya ang tingin sakin.

"Ganun talaga pag confident na gwapo." Proud na saad ko kay Nerdy Nerd saka ko siya kinindatan.

Wait, what? Bakit ko siya kinindatan?!

Akmang aalis na sana ako nang biglang,

Ahhh---

*bogsh*

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa bigla ko na naman napanaginipan ang Nerdy Nerd na yun.

What the heck? Bakit ko ba siya napapanaginipan?

Ginulo ko ang buhok dahil sa frustration na gumugulo sa utak ko.

Huminga ako ng malalim saka tumingin sa calendaryo na nakasabit sa wall na katapat ng kama ko.

It's her special day.

Marahan kong inayos ang sarili ko pagkatayo ko sa binagsakan kong kama tsaka ako nagdecide na maligo na.

Pagkatapos kong maligo ay saktong tumawag ang birthday girl. Kinuha ko ang cellphone kong nakalagay sa ilalim ng unan ko. I slide the screen of the phone to answer her call.

["Thirdi! Hindi ko na dapat sabihin to so dapat alam mo na--"] Pinutol ko agad ang sasabihin niya. Ang daldal niya talaga hahaha.

"Happy Birthday Takie Lore" Nakangiting bati ko sa telepono, as if namang nakikita niyang nakangiti ako.

["Thankyouuu! Basta text ko nalang sayo kung saan celebration, punta ka ah. See you."]

"Sige, see you." then I ended the call.

Naglakad ako papuntang closet ko. Namili ng comfortable clothes na magagamit ko bilang pambahay syempre. Mamaya pa naman yung birthday party ni Taky.

I texted the three ugoks na sila Warren, Seven at Noel na puntahan ako sa bahay mamaya para may kasama akong pumunta kila Taky para kapag naligaw ako papunta dun ay kasama ko sila, pero syempre joke lang ulit iyon. May google map naman kaya hindi kami maliligaw.

Mabilis lang lumipas ang oras at eto na nga kami ready to go na sa hotel kung saan ise-celebrate ang birthday ng girl bestfriend ko. Pumasok na kami sa elevator at pinindot ang floor kung saan nakapuwesto yung celebration room ni Taky.

As we entered the room, makikitang magarbo yung party, mapapansin na agad yun base sa designs and theme ng buong room na pinasukan naming tatlo. Sa pagkakakilala ko kay Taky ganito nga yung dream party niya at ito na nga yung tinupad nila Tito at Tita para sa kanya.

Naghanap kami ng magandang puwesto nila Warren at napili namin yung sa bandang likuran na medyo malayo sa center stage kung saan may makikitang malaking couch na kulay red na may halong konting pink.

Ilang minuto pa ang lumipas at napansin ko ang isang pamilyar--or I should say very familiar face sa party.

Kasama pala siya dito? Teka, kelan pa sila naging friends ni Taky!?

Hindi ko na inabala ang sarili kong sagutin ang mga tanong ko sa isip ko dahil nagsimula na ang pag-entrance ni Taky papunta sa upuan niya na nasa harapan.

I genuinely smiled at her when I see her na palapit sa puwesto namin. I whispered 'happy 16th birthday' Ngumiti naman si Taky sakin at bumulong din ng 'thank you'.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa saglit na mapatingin ako kay Nerdy Nerd na nakapuwesto malapit sa center stage, together with her so-called friends.

Infairness iba ang aura niya ngayon.

Ha!? Anong sinasabi ko.

"Weird." Mahinang bulong ko na sinalubong pa ng dalawang kilay ko.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, sakto namang nagyaya si Seven na magpunta sa pool na katabi lang nitong room kung saan maraming tao na kumakain.

Huminga ako ng malalim saka ko sila sinundan palabas ng kuwarto.

The pool is different from other pools. Sa unang tingin, aakalain mong malalim siya kaya hindi mo gugustuhing magswimming sa pool na to.

I was about to say something nang bigla bumanat itong si Noel.

"Alam niyo ba bro, pag yang chicks na yan tumingin sakin magiging akin yan." Tumawa kami nila Seven at Warren sa sinabi ni Noel.

Grabe sa confidence ah, pft hahahaha napasobra ata.

"Oh tingnan niyo oh tumingin na dito!" Nakangiting sabi samin ni Noel nung lumingon sa gawi namin yung babaeng blonde na para sakin half sexy lang dahil sa revealing na suot nito na actually kanina pa tinitingnan ni Noel.

"Alam mo ikaw Noel inaantok ka na ata. Nakikita mo yang chicks na sinasabi mo. Sa akin nga nakatingin yan e." Tumawa ako ulit. Pati ba naman si Seven?! Pareho na silang tatlo na nakatingin dun sa babae.

"Tumigil nga kayo baka masaktan lang kayo kasi sakin talaga nakatingin yan." Proud na sabi ni Warren dahilan para mas matawa kaming lahat.

Ilang minuto kaming nagtawanan dahil sa mga kayabangan ng mga kasamahan ko nung bigla akong usisahin ni Seven.

"Bach oh, si Nerd." Saglit akong napatahimik dahil sa sinabi niya saka ko nilingon ng tingin ang gawi kung saan siya nakatingin.

"Ang tapang ah. Talagang lumapit pa satin." Si Noel na mahinang bumulong pa kay Seven na rinig ko naman. Hindi ko sila pinansin, napatitig ako kay Nerdy.

Kaya pala feeling ko nag-iba aura niya, nag-iba pala siya ng porma at style... na siyang gusto ko.

Huh!? What am I saying again!?

Wala sa sariling ngumiti ako nang makitang palapit siyang nakatingin sakin.

I slowly move forward palapit sa kanya at hindi ko alam kung bakit siya lumalakad paatras--or should I say palayo sakin?

Nakita kong napacross ang paa niya dahilan para matumba siya at di sinasadyang naiabot ko ang kamay ko na siyang inabot niya agad.

Ngayon nakakapit siya sa kamay ko. Medyo nagulat ako dahil dumami bigla ang nakapaligid sakin.

"Ihulog na yan! Ihulog na yan! Ihulog na yan!" Sabay sabay nilang sabi dahilan para sumakit ang tenga at ulo ko.

Ang ingay!

Dahil sa frustration na kasalukuyang bumabalot sakin dahil sa pressure na binibigay ng mga taong nagsasabi na ihulog ko raw siya ay hindi ako makakilos agad o makaisip ng tamang desisyon. Hawak ko pa rin siya at di sinasadyang napatitig ako sa muka niya.

Bahagya siyang ngumisi sakin tsaka niya ako binitawan.

Literal na dumilat ang pareho kong mata dahil sa ginawa niya and at the same time, napanganga dahil unexpected to sa naisip kong gagawin niya.

Inaasahan ko kasi ako ang ihuhulog niya, pwede na niya akong gantihan dahil sa ginawa ko e pero hindi niya ginawa kaya takang taka talaga ako.

Nang marealize kong mali ang ginawa ko at tiningnan ko siya na kasalukuyang nalulunod na. Hala teka anong gagawin ko baka mamatay to. Napapikit ako sa naisip ko at muling dumilat para makita ang sitwasyon ngayon ni Nerdy Nerd.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na isalba siya. Agad akong nagdive in sa pool without knowing na mababaw pala ito.

Gigil. Akala ko nalulunod talaga siya tsk.

Agad akong umahon sa tubig ng pool at sumunod naman siya.

What the heck, anong nangyari!?

Hindi ko alam kung maiinis ba ako, maasar o tatawa nalang kasi napahiya ako sa ginawa ko. Nahihiyang tiningnan ko ang mga nakakita. Shit sabay sabay nila akong tinawanan. Kainis.

"A-akala ko, malalim." Depensa ko na tinawanan ulit nung mga nakanuod. Shit nakakahiya talaga. Marahan akong nagkamot ng ulo ko.

At itong Nerd na to nakangiti lang sakin, ano naman kayang iniisip nito ngayon?

"Hindi kita ginantihan pero ikaw mismo gumawa nito sa sarili mo." Taka akong napatingin nung nagsalita siya at talagang ngumiti pa siya sakin ha. Kaasar ts.

Bahagya akong dinaplisan ng tubig ni Nerd saka siya---tumawa?! Teka, tama bang tumawa siya sa harapan ko?

Saglit akong napatitig sa tawa niya. Yes this is the first time I saw her smiling at hindi lang yun, talagang tumawa pa siya sa harapan ko pa mismo.

Wala sa sariling ngumiti nalang din ako tsaka ko siya dinaplisan ng konting tubig galing sa pool.

Ang weird ko ngayon at ang mas nakakapagtaka pa ay bakit parang amaze na amaze ako sa ganda nitong Nerd na to?!

Nah. Hindi. No. Hindi siya maganda--ts oo na nga maganda na ang indenial ko lang tsh.

Napailing ako sa naisip ko tsaka ako umahon sa pool. Hinayaan kong tulungan nung dalawang kaibigan niya si Nerd. Pasimple ko siyang tiningnan mula sa malayo. Palihim akong ngumiti sa gilid tsaka ako dumeretso sa banyo para maligo at magpalit ng damit.

Ilang oras pa kaming nagstay dun sa party, mabuti nalang talaga may mga extrang damit sila Tito at Tita na parehong parents ni Takie, na dinala dito sa hotel room nila kundi pareho kami ni Nerdy Nerd na basa ang damit pauwi.

And speaking of uwian, hindi ko pinalampas na hindi umamin kaagad kay Nerdy.

Yes. Lately ko nga rin nalaman ito at medyo mabilis pero mas maganda ng maaga palang alam na niya.

Ilang beses akong bumugtong-hininga bago ko hinila si Nerdy dito sa isang maliit na room na nasa loob lang nitong malaking hotel room na ginamit para sa party.

"Anong--" Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita niya. Agad kong sinabi ang gusto kong aminin sa kanya.

"I like you." and as a common reaction, nagulat siya sa sinabi ko.

"Ha paanong--" alam kong magtatanong siya ng ganito, pangungunahan ko na.

"I don't know. Narealize ko lang siya lately and maybe I'm just denying my feelings for you kasi hindi ko matanggap. Gusto ko lang sabihin agad para alam mo." Hindi na siya nakapagsalita after kong sabihin iyon. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko hinawakan ang kamay niya para pareho na kaming lumabas ng room not until one of her friends saw us.

Agad kong binitawan ang kamay niyang hawak ko.

"Bye. Ingat kayo." Simpleng paalam ko saka ako naglakad palabas doon. Hindi ko na talaga alam mga pinaggagawa ko ngayong gabi at hindi ko alam kung saang lupalop ko nakuha yung mga inamin ko kay Nerdy kani-kanina lang.

This is the first time na naging straightforward ako sa isang babae wews.







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro