Chapter 26 💗
° Chapter XXVI:
The Truth behind Him °
Aalis na sana si Thirdivin sa kuwarto nang biglang sumigaw si Brianna. Sa gulat niya ay tumakbo ito palapit sa dalaga.
"Oy! Ano ba kasing nangyayari sayo ah?" Magkahalo ang inis at pagtataka sa tanong ng binata.
"Hindi ko naman kasi alam na may bato dyan." Napasapo sa noo si Third sa sinagot ni Bria sa kanya.
Napakatanga naman ng babaeng to. Maglalakad nalang, matatapilok pa.
-Ani Third sa isip niya.
"Patingin nga. Tanggalin ko muna tong sapatos mo ah?" Paalam ni Third. Tumango lang ang dalaga sa kanya.
"Aray! Dahan dahan lang naman. Masakit." Reklamo ni Bria dahil sa biglang pagtanggal ni Third ng kulay puti niyang rubber shoes.
"Hindi ka kasi nag-iingat. Kaya maraming nantri-trip sayo kasi tatanga-tanga ka." Biglang nakaramdam ng inis si Bria sa komento ni Third kaya sinadya niya itong itulak.
"Ano bang problema mo?! Ako na nga lang tumutulong, ikaw pa tong manunulak?!" Nanggigigil na saad ni Third na inis pang tumingin sa dalagang nais niya sanang tulungan.
"Tanga ako diba? Lumayas ka na dito. Wag mo kong tulungan. Akala mo kung sino ka. Alis na bago pa kita ipahuli talaga tsk." Singhal ng napikon na dalagang si Bria.
Pinilit pa ng dalaga na makatayo pero hindi niya kaya. Hanggang sa tuluyang bumagsak ang mga luha nito dahil sa sobrang sakit ng sugat niya sa paa.
Natapilok kasi siya sa isang malaking bato na naligaw sa loob ng kuwarto niya. Nasa dalawang dangkal ang laki ng batong naroon.
Aalis na sana si Third sa kuwartong yun pero hindi niya maatim na makakita ng babaeng umiiyak. Mas lalo lang siyang naawa sa kalagayan ng dalaga.
Huminga ng malalim ang binata tsaka naglakas loob na lapitan ang dalaga. Inilagay ni Third ang kaliwang braso niya sa magkabilang tuhod ng dalaga tsaka nito nilagay sa leeg ang isa pa niyang braso, at dun niya tuluyang binuhat ang dalaga.
"Ano ba Third! Ibaba mo nga ako!" Pagpupumiglas pa ni Brianna pero hindi iyon pinakinggan ni Thirdivin.
Binitawan lang ng binata ang dalaga nung nakarating na sila sa malaking kama. Luminga sa paligid ang binatang si Bach, naghahanap siya ng pwedeng ipanglunas sa sugat na nasa paa ng dalaga pero wala siyang mahanap kaya ang ginawa niya. Lumapit siya kay Bria. Nagulat ang dalaga dahilan para manigas ito. Medyo natawa ang binata sa reaksyon ni Brianna.
"Anong akala mo? Hahalikan kita? No way! Kumuha lang ako ng unan. Ts." Pigil ang tawang ani Thirdivin. Natahimik lang si Bria.
Umupo ang binata sa tapat niya saka nito tiningnan ng maigi ang sugat. Nagpunit ng punda si Third tsaka pinunasan ang dugong lumabas sa sugat ng dalaga mula sa paa nito saka niya ito binalotan ng natirang pinunit na punda.
"Sa-salamat" Nahihiyang usal ng dalaga sa nagbigay ng pansamantalang lunas sa kanya.
Tumayo si Third tsaka nilapit ang mukha kay Bria. Saglit silang nagkatitigan. Sinadya ni Third na ilapit ang mukha niya tsaka nito pinitik ang noo si Brianna.
"Aray!" Waring nasaktang reklamo ni Bria. Agad namang lumaki ang parehong mata ni Third dahil namula ang pagpitik niya.
"Hala sorry. Hindi ko alam na mamumula agad." Sinserong usal ng binata sa dalagang kasama niya sa kuwarto.
"Hayaan mo na mawawala rin naman to." Malumanay na tugon naman ni Brianna.
"Talaga? Baka kasi magtaka sila bakit namumula noo mo." Nag-aalalang saad ni Third. Napatitig naman sa kanya si Bria at dahil dun napalunok ang binata.
"Hindi kita isusumbong. Sa dami ng ginawa mo sakin, ngayon pa ako magsusumbong? Mag-isip ka nga Thirdivin." Seryosong komento ni Brianna kay Thirdivin. Agad namang lumiit ang mga mata ni Third kay Bria.
"Pang-ilang ulit ko na bang sinabi sayo na--"
"Huwag kang tatawagin sa fullname mo. Yeah right." Pagputol ni Bria sa dapat na sasabihin ng binata sa kanya.
"Mabuti alam mo. Ngayon lang to Nerdy Nerd. Hindi ko gustong mapahamak kaya ako ganito sayo. Wag na wag kang magbibigay ng malisya." Seryosong usal ng binatang si Bach Thirdivin.
"Alam ko." Blankong tugon ng dalaga na tinanguan ng binata.
"Then good. Sige. Alis na ko. Baka hinahanap na ko ni Taky." Paalam ni Third tsaka umalis sa silid ni Bria.
Nung iniwan na siya ng binata sa kuwarto, doon lang nagkaroon ng oras si Brianna na pagmasdan ang kabuoan ng silid kung nasaan siya ngayon.
Gawa sa kakaibang semento ang dingding ng kuwarto. Hindi mawari ng dalaga kung anong klaseng bato o semento ang kabuoan ng silid basta ito ay kulay ginto na may halong luntian ang kulay. May ilang paintings na nakasabit din doon. Paintings ng mga iba't ibang tao na sa hula ni Brianna ay may kaugnayan sa kaniyang totoong pagkatao. Napako ang tingin niya sa isang painting na nasa itaas ng headrest ng kamang inuupuan niya.
Lumapit siya doon at tinitigan ang picture sa painting. Lumaki ang pareho niyang mata nang makitang kamukhang kamukha niya ang babaeng nakangiti sa kuwadradong larawan na sa pakiwari ni Bria ay isang oil painting.
"Hala, baka ito si Mommy Ma? Grabe, kamukhang kamukha ko pala siya." Namamanghang komento ng dalagang si Bria habang nakatingin sa larawan.
Naantala ang pakikipagtitigan ni Brianna sa painting nang may biglang kumatok sa kuwarto. Napalingon siya doon at nakita ang kaibigan ni Third na si Taky.
Umayos ng pagkakaupo si Brianna sa malambot na kama kung siya nakapuwesto kanina pa.
"May I disturb the princess?" Sinserong paalam ni Taky na nagpangiti kay Bria.
"Sure, pero pwede bang wag mo nalang akong tawaging princess. Naiilang kasi ako." Komento ni Bria na tinanguan ni Takie.
Lumapit ang dalagang si Takie Lore kay Brianna. Pareho na silang nakaupo sa malaking kama ngayon. Bago tuluyang umupo si Taky, napansin niya na may benda ang paa ni Bria. Taka niya itong tiningnan.
"Anong nangyari dyan? Binully ka ba ni Thirdi ulit?" Nag-aalalang tanong ni Taky tsaka siya umupo sa tabi ng dalagang prinsesa.
"Nope. Natapilok lang. Tinulungan pa nga niya ako. Siya ang nagbenda ng sugat ko dito sa paa." Tuloy tuloy na paliwanag ni Bria.
"Ah. Good to know. Actually hindi naman talaga bully yan si Thirdi e. May naging dahilan lang kung bakit siya naging ganyan." Malungkot na kuwento ni Takie. Nacurious naman agad si Bria sa panimulang kuwento ng kaibigan ni Thirdivin.
"Bakit? Ano bang nagtulak sa kanya para maging bully?" Takang tanong ni Brianna. Malungkot namang tumingin si Taky sa kanya.
"Dati, may student na gustong gustong tulungan ni Thirdi. Nagkuwento siya sakin noon, na kaya niya gustong mambully is because of that student. Di ko maalala yung name e. So yun nga. Kaklase niya yung girl student na yun. He's trying his best to help that girl para maging matapang siya kasi ayaw ni Thirdi na makakita ng mga students na mahihina, tipong hindi nila kayang ipaglaban yung sarili nila sa mga taong inaabuso o inaapi sila. That thought made him realize na maybe being a bully is good sometimes, madalas kasi kapag bully iniisip na agad ng tao na masama sila, but they didn't realize why people do bullying." Mahabang salaysay ni Takie sa katabi niyang dalaga na si Brianna.
"Pero hindi sa lahat ng oras kailangan mong maging bully." Wala sa sariling komento ni Bria.
"Hayan ang sinabi ko noon kay Thirdi pero tinawanan lang niya ako that time. Saying na totoo, hindi naman daw needed na maging bully pa para iparealize sa iba na kailangan nilang maging matapang kasi sa huli, choice pa rin ng mga tao yun. Ang importante daw, alam niya yung limitation niya as a bully." Kuwento ulit ni Taky.
Limitation as a bully? May ganun palang pag-iisip si Thirdivin, hindi halata ah.
-Bulong ni Bria sa isip niya.
"Pero..." Napatingin si Bria kay Taky nung bigla itong magsalita muli.
"Nung nag-ibang bansa yung Mama niya kasama yung dalawang Ate niya, nagbago nang tuluyan si Thirdi." Ngumuso si Taky habang inaalala ang naging asta sa kanya ni Third. Nagtaka naman si Bria sa ekspresyon ni Takie.
"Bakit? Hindi niya ba Nanay yung naging kasama niya nung nakaraang kumain tayo sa isang restaurant sa hotel na tinutuluyan niyo?" Umiling si Taky bilang sagot sa tanong ni Bria.
"You mean, last last night?" Tanong ni Takie Lore. Tumango lang si Brianna.
"She's the stepmother of Thirdi. Pangalawang asawa ng totoong Papa niya. And to be honest with you, ayaw niya sa stepmom niya. I don't know why. Siguro kasi ayaw palitan ni Thirdi ang Mama niya. Mama's boy kasi yun." Napangiti si Taky sa huli niyang nasabi.
"Mapagmahal siya pero sa totoong Mama niya lang. Ayaw niyang bigyan ng pagkakataon yung stepmom niya para maging ina man lang sa kanya. Actually mabait si Tita, yung stepmom ni Thirdi. Feeling ko nga magkakasundo rin kayo kasi magkasundo rin kami ni Tita. Tas--"
"Teka. Nagtataka lang ako Taky, bakit mo to sinasabi ngayon sakin?" Napaayos ng upo si Taky sa harapan ni Brianna.
"Cause I want to tell you the truth behind him. And I know na kahit hindi mo sabihin, hinuhusgahan mo siya dahil sa mga pinaggagawa niya sayo but know this, mabait si Third." Sinserong paliwanag ni Taky. Wala sa sariling sumang-ayon si Brianna.
Mabait nga siya... Lately.
-komento ni Bria sa utak niya.
"Alam mo bang ayaw ni Thirdi sa mga ice creams? Naalala ko nung niyaya ko siyang kumain nun, ayaw niya talaga! Tapos nung napilit ko siyang kumain, grabe! Matatawa ka nalang sa reaksyon niya kasi para siyang nakakain ng hilaw na mangga sa itsura niya nung tumikim siya ng ice cream." Parehong natawa ang dalawang dalaga.
Ah. Kaya pala ayaw niya akong saluhan nung pinakain niya ako ng ice cream. Ice cream hater nga talaga siya.
-ani muli Bria sa isip niya.
"Tapos nung mga bata pa kami, mga nasa 10 years old palang ata kami nun? Ah basta yun. Nagsabi siya sakin dati na gustong gusto niya daw tumugtog at kumanta. Gusto niyang ipursue yung singging career niya which is sinusuportahan ko naman. Until now on-going pa rin yung gusto niyang maging career someday and I'm hoping na yung mga pangarap niya sa sarili niya ay matupad." Kuwento ulit ni Taky na tumingin pa kay Bria. Ngumiti ang dalawa sa isa't isa.
"Walang duda. Girl bestfriend ka nga niya. You want to best for him and you're willing to support him all the way." Ngumiti si Brianna kay Taky, ganun din naman si Takie kay Bria.
"At ikaw naman ang future girlfriend niya." Napatahimik si Brianna sa sinabi ni Taky dahilan para tawanan siya nito.
Nang hindi na nakapagsalita pa si Bria, tinuloy na ni Taky ang pakikipagdaldalan niya sa dalagang kausap niya ngayon.
"To tell you honestly, I smell something sa inyong dalawa..." Awtomatik na lumaki ang parehong mata ni Brianna sa sinabi ni Taky.
"Ha?" Takang tanong ni Bria.
"Kahit di mo sabihin, I know that you like Thirdi. Don't worry, I can also say na may chance kayo. Shipper niyo ko kung sakali man hahahaha!" Komento ni Takie Lore dahilan para matigilan saglit si Brianna.
"Pero bakit? I mean, paano mo nasabi?" Ngumiti lang si Taky kay Bria.
"I really know Thirdi, childhood bestfriends kami and I know you too kahit na hindi kita ganun kaclose hehe." Nakangiting tugon ni Takie tsaka tinuloy ang kuwento niya.
"Actually. Una kong nakitang may chance kayo ay nung pumunta ako kila Third tas naabutan ko siyang nag-aayos ng bike mo. Alam mo bang bihira lang mag-ayos ng gamit si Thirdi!? Sa isip ko nun pag naging kayong dalawa ang sweet niyo siguro. Hate and Love relationship niyo eh tas may pagka-aso at pusa pa kapag nag-aaway kayo for me lang ha? Ang sweet ng ganun hehe. Mas lalo na ngayon na sinabi mong tinulungan ka pa niya sa sugat mo dyan sa paa mo." Makabuluhang kuwento ng dalagang si Takie.
"Hay naku Taky. Hinding hindi ko siya magugustuhan--" Itatangi sana ni Bria ang paratang sa kanya ni Taky pero pinigilan siya nito.
"Pero naging long time crush?" Direktang saad ni Takie.
"Ha! Teka? Paano mo nalaman?!" Gulat na gulat si Bria. Samantalang sure na sure naman si Taky sa mga sinasabi niya at conclusion niya sa isip niya.
"Narinig ko kayo kanina at nakita ko rin kung paano ka niya buhatin papunta sa kamang to." Pasaring ng dalagang kaibigan ni Third.
"Huwat?! Nakakahiya." Napaiwas si Bria ng tignin kay Taky.
"Hindi no. Ang sweet kaya. Hindi ka ba nagtataka bakit naging ganun si Third sayo?" Tanong ni Takie Lore.
"Ha, bakit?" wala sa sariling tanong ng dalagang prinsesa.
"Because he likes you. Indenial lang siya ngayon pramis. Gusto mong patunay? Pumunta ka sa party ko this saturday. Ito invitation, isama mo rin yung dalawang friends mo." Ani Taky. Ngumisi naman si Bria.
"Sus. Ang sabihin mo, ito talaga yung pinunta mo dito Taky." Parehong tumawa ang dalawang dalaga.
"Sa totoo lang talaga!" Natatawang komento pa ni Taky na tinawanan pa nila ulit.
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ng dalawang dalaga ay nagpasya na silang lumabas ng kuwarto kung saan sila nag-usap. Mabuti nalang at nakakatayo na nang maayos si Brianna pagkatapos niyang matapilok, medyo kumikirot lang dahil hindi pa fully healed ang sugat ng dalaga sa kaniyang paa.
Hinayaan ng buong palasyo na lumisan na ang buong grupo. Nagsabi kasi ang kanilang tinuturing na Prinsesa Neria na kailangan na nilang lumisan kasama ang grupo nila Thirdivin. Malapit na kasing gumabi at kailangan na rin nilang makauwi sa mga bahay nila pero imbis na umuwi ang mga taong napadpad sa tinagurian ng mga taganayon na misteryosong isla ay mas pinili ng dalawang grupo na manatili muna doon pansamantala.
Ngayon ay nasa baybayin sila ng dagat. Walang mga enkantado o anumang hindi normal na tao sa paligid. Tanging ang grupo lang nila Third at Brianna ang nandun. Mga nagkakantahan, nagkukuwentuhan at nagtatawanan sa ilang mga asaran ng mga kasamahan nila.
Ang ilan sa mga grupo ng binatang si Bach ay gumawa ng tent na kinuha pa sa yateng sinakyan nila.
Nilagyan nila ito ng ilang palamuting christmas lights sa paligid ng tents na tinayo nila para may magsilbing ilaw sa kanilang gabi.
Kumuha ng gitara si Captain Lucky, isa sa mga kasamahan ni Third, na siya ring gusto ng kaibigan niyang si Takie.
Nakatitig lang si Taky kay Captain habang nagsstrum ito at kumakanta kasabay ang ilang basketball players na kateam ng kaibigan niyang si Bach.
Si Catherine naman ay kasalukuyang namamangha sa boses ni Jicks na ngayon ay sumasabay na rin sa pagkanta ng mga kasamahan ni Third.
Ang ganda talaga ng boses ni Jicks.
-Ani pa ni Cath sa isip niya na tumitig pa sa binata.
Wala pang ilang oras ay napatingin din si Jicks sa gawi ni Catherine dahilan para magkatitigan silang dalawa. Napaiwas sila pareho ng tingin nang mapansin nilang tumagal ang pakikipagtitigan nila sa isa't isa. Marahang kinapa ni Cath ang kanyang pisnge dahil pakiramdam niya ay namumula na ito nung tinitigan siya ng binatang matagal na niyang gusto.
Magkatabi ngayon sa isang malaking sanga ng puno sila Brianna at Third. Pareho nakatingin sa kawalan. Parehong iniisip ang isa't isa pero sa magkaibang paraan.
Si Bach Thirdivin kasi, iniisip niya kung naging tama ba ang pagtrato niya kay Brianna kanina. Napansin kasi ng binata na hindi nawala ang pamumula ng noo ng dalagang pinitik niya kanina sa noo at ang sugat pa nito sa paa ay hindi pa gumagaling kaya iniisip niya kung dapat ba siyang magsorry sa dalaga o hindi.
Si Brianna Leya naman, iniisip niya kung tama ba yung mga hula o mga pinagsasabi ni Taky sa kanya kanina. Iniisip ng dalaga kung possible ba talagang nagkagusto ang binatang si Third sa kanya.
"Third" , "Sorry" Sabay na usal ng dalawa na tumitig pa sa mukha ng isa't isa. Saglit na tumahimik ang paligid nila.
**Tug dug tug dug tug dug**
Napalunok si Third sa bilis ng kabog ng dibdib niya. Si Brianna naman nanghina nalang bigla dahil sa karerang nasa puso niya.
Ang gwapo niya talaga.
-usal ni Bria sa isip niya.
A-ang ganda pala niya.
-aminadong ani Third sa utak niya.
"Ahm. Ba-bakit ka pala nagsosorry?" Sa wakas naputol din ni Bria ang katahimikan sa kanilang dalawa ng binata.
"Feeling ko kasi pinalala ko ang kondisyon mo. Hindi kasi nawala yang pamumula ng noo mo, tsaka itong paa mo... Hindi pa magaling." Sinserong saad ni Third na bahagyang ngumuso pa.
"Ano ka ba. Hindi ka naman doktor para maging ganyan. Huwag mong isipin na kasalanan mo to no. Ikaw nga naglagay ng lunas dito ih. Ako nga tong dapat magpasalamat. Kaya thank you sayo." Ngumiti si Bria kay Third. Natulala naman si Third sa ngiting iyon ng dalaga.
"Eh ikaw. Bakit mo pala ako tinawag?" Takang tanong ni Third nang makabalik siya sa kanyang wisyo.
"Wala. May tatanong sana ako." Nakangusong usal ni Brianna.
"Ano yun?" Kunot noong tanong ni Third sa dalaga.
"Hays. Gusto kong magtanong pero wag nalang. Feel ko ring tatawanan mo ko." Pagtanggi ng dalaga subalit imbis na hindi na siya kulitin ng binata ay mas naging curious ito sa gusto niyang sabihin.
Nag-aalangan ako kung dapat ba kong magtanong sa kanya.
-alanganin saad pa ni Bria sa utak niya.
"Ano ba yang tanong mo kasi." Pigil ang tawang saad ni Third. Saglit na tumahimik ang dalawa.
Iba talaga charisma ng lalaking to kapag nakangiti.
-Komento ni Bria sa isip niya.
Marahang tumikhim si Brianna bago nilakasan ang loob na magsalita.
"Kung posible bang magkagusto ka sakin?" Direktang tanong ng dalaga. Parang nabulunan naman si Third dahil sa naging tanong ni Bria.
"What? Paano mo naman naisip yan?" nanlalaki ang mga matang reaksyong ni Third.
"Aba malay ko. Tinatanong ko lang sayo no. At isa pa, si Taky nagsabi sakin kanina." Wala sa sariling kuwento ni Bria. Agad siyang napaiwas ng tingin nang mapagtanto ng dalaga ang kaniyang nasabi.
"Ah kaya pala wala siya kanina nung hinahanap ko. Kausap mo pala. Ano pang sinabi sayo nun?" Kunot noong tanong pa ni Thirdivin saka tumingin ng mataman sa dalaga.
"Oh bakit curious ka?" Taas kilay na banata naman ni Bria.
"Kilala ko si Taky. Maraming kuwento sa buhay yun. So ano pa ngang sinabi niya sayo?" Pagtatanong muli ni Third na bahagya pang tumitig kay Brianna.
"Wala na. Kinuwento niya lang naman kung sino siya sa buhay mo ganun." Mukhang nakombinsi naman ni Bria si Third. Tumango lang ang binata sa narinig niya. Doon lamang nakahinga ng maluwag si Brianna.
Mabuti nalang napaniwala ko to. Bakit ba kasi nadulas ako kanina hays.
-komento ni Bria sa nasabi niya kanina.
"Atlis. Wala siyang kinuwento about sakin, sayo. Mahirap na baka isulat mo pa ako sa nobela mo, Nerdy Nerd." Awtomatik na tumaas ang kilay ni Brianna.
Hayan na naman siya. Nang-aasar na ulit. Bully nga.
-Komento ni Brianna sa isip niya.
"Ay! Hindi naman ako nagsusulat ng nobela no! Nagbabasa lang ts. Bully ka na naman ha Thirdivin?" Natawa nalang sila pareho sa inasta nila. Para kasi silang bata na nag-aasaran sa tawagan nila sa isa't isa.
Ilang oras na nagkasiyahan ang dalawang grupo na magkakaibigan na ngayon sa baybayin ng dagat. Hanggang sa nakaramdam na sila ng antok at doon ay nagkanya-kanya na sila ng mga tents na naging tulugan nila. Pagsapit ng alas dose ng hating gabi. Saktong tulog na silang lahat. Napadpad ang parehong magulang ni Brianna sa nasabing misteryosong isla. Nakita nitong maraming nakakita sa palasyong itinatago ng angkan nila at pinatunayan yun ng mga engkantadong nakakita sa kanila.
Kaya para mapangalagaan ang isla at para hindi mailabas ng mga kabataan na nagpunta roon ang totoong impormasyon sa misteryosong isla ay minabuti ng dating prinsesa na si Nerdia na burain ang lahat lahat ng alaala ng mga kasamahan nina Third at ang dalawa pang kaibigan ni Bria. Pati na ang kaniyang anak na prinsesa ay sinigurado ring mawawalan ng alaala sa isla.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro