Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24 💗


° Chapter XXIV: Real Identity? °

Bria's POV

Bumalik na ko sa loob ng bahay at medyo nagulat ako dahil sinalubong ako nina Mommy Ma at Daddy Da. Si Mami parang balisa na ewan. Parang nag-aalangan siya at hindi ko alam kung bakit. Si Dada naman, straigth body lang na nakaupo sa sofa. Pakiramdam ko may sasabihin sila sakin na sobrang importante na hindi pwedeng biruin.

"Anak maupo ka muna, may sasabihin kami ng Dada mo." Mahinahong sabi ni Mami Ma sa akin, pinilit niyang hindi ipakita yung pag-aalala niya.

Ano kayang sasabihin nila sa akin?

"Dun sa vacation house na nirecommend kong puntahan niyo ng mga kaibigan mo, may istorya sa lugar na yun at nais namin ng Mommy mo na ipaalam sayo to." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Dada. Nakita kong huminga ng malalim si Mami na pinagtaka ko. Hindi ako nagsalita, hinintay ko silang magsalita ulit.

"Anak, you're a princess." Literal na napangiwi ang bibig ko bilang reaksyon sa sinabi ni Mami.

Akala ko importante? Prinsesa? Ako? Oh no. What a great fantasy.

"Mommy Ma naman, akala ko importante yung sasabihin niyo sakin... pft, hahahaha." Natatawang komento ko sa sinabi nila sakin.

Ilang minuto akong tumawa pero nawala yun dahil sa seryosong mga mukha nila.

Totoo ba talaga yun?

"Seryoso to anak. Hindi man kapani-paniwala pero totoo." Seryosong ani Dada dahilan para umayos ako sa pagkakaupo ko.

"Pero Daddy Da, paano ako magiging prinsesa? Like kelan nangyari? Paano?" Sunod sunod kong tanong sa kanilang dalawa.

"Anak, paano ba nagiging prinsesa ang isang tao? Diba dahil sa anak sila ng isang reyna at hari?" Tumango lang ako sa tanong ni Dada.

"So, anak ako ng reyna at hari? Edi hindi niyo ko anak?" Malungkot kong tanong. Bumigat ang atmospera sa paligid dahil sa pagtatanong ko.

"Yes. Anak ka ng isang reyna ngunit anak ka rin namin." Mas lalo akong naguluhan sa sagot ni Mami Ma.

"You're a half princess and half human. You're mom is a pure immortal and I am pure mortal." Sabi naman ni Dada na para bang may deeper meaning pa.

Sa totoo lang, hirap na kong intindihin yung mga pinagsasabi ng magulang ko sakin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, o kung ano ba ang dapat na maramdaman ko sa mga naririnig ko ngayon.

"Bakit niyo to sinasabi ngayon? Bakit nung bata pa ako hindi niyo sinabi? Ba't ngayon lang?" Pakiramdam ko anytime soon, maiiyak na ko.

"Nangako kami na sa tamang panahon, ipapaalam namin to sayo. Maybe its a right time to tell you this. Anak, alam naming lumaki ka ng maintindihin sa lahat at naniniwala kami ng Mommy mo na maiintindihan mo to, maybe hindi pa ngayon pero someday." Tuluyan na kong umiyak sa harapan nila.

Agad akong nilapitan ni Mami para yakapin. Si Dada naman tumabi rin sakin at hinagod ang likod ko.

Maybe soon maiintindihan ko rin kung bakit. Sa ngayon, thankful ako dahil may mga magulang akong katulad nila. Suwerte pa rin ako kasi alam kong hindi naglilihim ang mga magulang ko.

Ilang minuto pa ang lumipas, pumunta kami ni Mommy sa kuwarto ko.

"Kung half ako, si bunso ano?" Takang tanong ko kay Mami.

"Pure human siya anak. Hindi siya half immortal gaya mo." Awtomatik na nanlamya ako sa naging sagot ni Mommy sakin.

Mabuti pa si Bunso, purong tao.

"Nalilito pa rin ako Mom." Sinserong sabi ko pa na hindi pa rin makapaniwala sa lahat ng nalaman ko ngayong araw.

"I know. Sino ba naman kasing hindi malilito sa identity niya kung malalaman ng tao na half immortal siya, diba?" Natawa ako sa sinabi ni Mom. Halatang gusto niyang paganin ang loob ko.

"Good night Mommy Ma." Nakangiting usal ko habang inaayos ni Mami Ma ang kama ko.

"Goodnight anak. Sleep tight, sweet dreams amd don't forget to pray. I love you." Sinserong sabi ni Mami na hinalikan pa ang noo ko. Umalis na siya sa kuwarto at pinatay ang ilaw, maliban sa lamp na nasa gilid ng bed ko.

Nagdasal muna ako bago ako tuluyang matulog.

Ilang araw ang lumipas at sa wakas, matutuloy na ang bakasyon namin para sa sembreak. Mabuti nalang dahil pinayagan sila Cath at Jicks na sumama sa amin kaya paniguradong magiging sobrang saya ng buong linggong to para sakin.

Gumamit kami ng itim na van papunta sa vacation house na sinasabi ni Dada. Ilang oras kaming bumiyahe papunta dun hanggang sa makarating kami sa malawak na village na parang vintage yung style, dahil karamihan sa mga bahay na andun ay vintage yung itsura.

Gabi na nung saktong mapadpad kami sa isang hotel. Pagkababa namin ng sasakyan, kitang kita namin ang iba't ibang klase ng ilaw at lampposts sa paligid ng village.

Namanghang pinagmasdan ko ang kabuoan ng village hanggang sa may makita akong asungot na biglang lumitaw sa kung saan.

Teka, bakit siya nandito?

Hindi ko na siya natitigan pa dahil agad akong hinila ni Cath papunta sa loob ng hotel na pansamantalang tutuluyan namin. Gabi na kasi kaya hindi na kami bumiyahe pa ulit papunta dun sa vacation house na sinasabi ni Dada.

Pagkapasok namin sa hotel, maraming bumati samin, mas lalo na kay Daddy Da.

Pagkakuha namin ng mga susi sa kuwarto ay nagdecide na kaming pumunta sa elevator. 5th floor ang assigned rooms namin. Anyways, same room kami nina Jicks at Cath. Then magkasama naman sa kuwarto sina Dada, Mami at Jajah.

Inayos muna namin ang mga gamit sa kuwarto. Pagkatapos ay pinuntahan kami nila Mami.

"Guys. Dinner time na. Bilisan niyo na dyan." Nakangiting yaya ni Mami pagkapasok niya ng kuwarto namin. Agad akong lumabas ng room kasama yung dalawa ko pang kaibigan.

Habang naglalakad papunta sa elevator ay nagsalita si Daddy. "Just to inform you, may kasabay tayong kakain." Kumunot ang noo ko habang si Mami ay parang naeexcite na ewan.

"Sino po Dad?" Takang tanong ko.

"Old friend." Simpleng reply ni Dad na tinanguan ko.

Nawala ang atensyon ko kay Daddy dahil sa biglang pagkalabit sakin ni Catherine.

"Oyyy! Excited na kong mamasyal bukas hihiz." Napangisi ako sa biglang usal ni Cath.

Kahit naman ako excited na rin hihiz.

Dumeretso na kami sa isang restaurant na makikita sa ground floor ng hotel.

Habang naglalakad kami papunta sa isang pahabang malaking lamesa na nakapuwesto sa gitnang parte ng restaurant ay may nakita na naman akong asungot na bida bida ng buhay ko.

Tinarayan ko lang siya. Wishing na sana hindi kami magkakasalubong pero kapag minamalas ka nga naman. Mukhang pinaglalaruan kami ng tadhana dahil feeling ko, tatay niya yung sinasabi ng Daddy ko na old friend niya. Literal na facepalm ang ginawa ko.

Bakit kasi sa dinami-rami ng tao na pwedeng maging kaibigan ng Dada ko ay talaga sa Tatay pa ni Thirdivin.

Kumaway si Dad sa isang pormadong lalaki na katabi ni Third. Which is sa hula ko ay Tatay nga niya.

Lumapit kami sa lamesa kung nasaan sila nakapuwesto. Nakangiti sila Mom at Dad na bumati sa lalaking katabi ni Third.

"Long time no see, old friend." Bakas ang pang-aasar ni Dad sa pormadong lalaki.

"Ang panget naman ng salubong mo sakin. Ganyan ka na ba sakin, old friend." Banat naman nung lalaking kausap ni Dada.

Pareho nilang pinagdidiinan yung old friend na yan. Naalala ko tuloy yung pakilala sakin ni Third dati. Hays.

Ah teka. Bakit ko pala naalala yun?!

Pagkatapos ng mahabang chikahan ng mga matatanda ay sa wakas nakaupo na rin kaming tatlo. Pinilit kong hindi pansinin si Third na nasa tapat ko lang nakaupo.

"Akala ko pa naman tayo tayo lang." Bulong ni Jicks samin ni Cath.

"Ako nga rin eh. Malay ba nating magkakilala pala yung fathers ninyo ni Third, Bria." Usisa naman ni Cath na tumingin pa sakin.

"Pramis. Hindi ko talaga alam. Kahit ako nagulat no." sagot ko naman sa kanilang dalawa.

"Well, literal na goodluck nalang sa bakasyon natin." Makabuluhang ani Jicks samin.

Natigil ang usapan naming tatlo dahil dumating na ang mga pagkain na inorder mismo ng mga matatanda na kasama namin.

Habang kumakain kaming lahat napansin ko si Third na hindi kumikibo. I mean literal na tahimik lang siya which is unusual na sa akin kasi madalas niya akong ibully na medyo kinasanayan ko na rin, hindi na ako sanay na tahimik lang siya.

Para kasi siyang nagkikimkim ng ano. Hindi ko maexplain e.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya bago pa niya ako mahuling tinititigan ko siya.

Pagkatapos ng kainan syempre uwian na. Nagsipuntahan na kami sa mga unit rooms namin.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ko nang biglang---

Bogsh*

Bakit ba sunod sunod yung kamalasan ko ngayon araw ha?!



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro