Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23 💗


° Chapter XXIII:
Not a detailed story? °

Brianna's POV

*It will rain by Bruno Mars ringing*

Nagising ang diwa ko dahil sa biglang pagtunog ng cellphone ko na nakalagay sa ilalim ng unan ko. Agad ko itong kinuha dun. Naniniliit ang mga matang tiningnan ko ang screen at nung nakita kong tawag ito ay agad ko tong sinagot at tamad na pinatong sa tenga ko.

["Hello? Bria! Miss na kita!"] bungad sakin ni Cath na nasa kabilang linya. Mas nagising ako sa lakas ng boses niya.

"Oy Cath, ikaw pala yan. Punta kayo dito ni Jicks sa bahay mamaya. Alam niyo naman kung saan diba?" takang tanong ko na medyo inaantok pa.

["Ay sige lang. Oo alam pa naman kung saan. Para makabawi man lang kami dun sa last meeting natin. Sorry talaga ah? Hindi ka namin natulungan nung pinagtripan ka nung mga walangyang bullies."] Bumalik ulit sa isip ko yung aksidenteng pagyakap ko kay Third. Napabangon ako nang wala sa oras.

Bakit ba kasi minention pa ni Cath, hays.

"Ah yun? Wala na yun. Ang mahalaga nakauwi ako sa bahay." nasagot ko nalang.

["Sige na. Sasabihan ko na rin si Jicks na puntahan ako dito sa bahay para sabay kaming pumunta dyan sa inyo."] Napangiti ako dahil sa sinabi ni Cath. I just find it sweet and cute.

"Sige, see you both. Miss ko na rin kayo." Nakangiting sabi ko kay Cath.

["See you din. Mamaya nalang ulit. Babye!"] reply ni Cath saka pinatay yung call.

Tuluyan na kong bumangon sa kama. Nang mahimasmasan ako ay naligo na ko. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako sa kuwarto saka bumaba sa hagdan. Bumungad sakin si Mommy Ma na nakangiting naghahain ng pagkain namin. Nilapitan ko siya tsaka niyakap.

"Goodmorning, Mommy Ma. Si Daddy Da?" Bati ko kay Mami Ma na pasimpleng tinanong kung nasan si Dada.

"Nandun sa sala kasama si Bunso." Pagkasagot ni Mami, napatingin ako sa sala at nakita ko sila Dada at bunso na nanunuod ng spongebob sa nickelodeon.

Bumitaw na ako sa yakap at nagdecide na sabihin kay Mami na may bisita akong parating. Natuwa naman si Mami sakin kasi finally daw may ipapakilala na akong friends ko sa bago kong school. Buong akala nila, wala akong problema sa school and how I wish na sana nga wala akong problema.

"Tawagin mo na Dada mo pati kapatid mo, kakain na tayo." Utos ni Mami sakin na agad kong sinunod.

Pumunta na ako sa sala tsaka tumabi kay Jajah na nakaupo sa sofa kasama si Dada.

Meet Jajah, our bunso. Jahsten Jasper Seruth, yan ang real namen ng bunso namin. He is already 7 years old currently grade 4 student, actually he is a honor student. Unlike sakin na consistent average student since grade 1. Jajah ang palayaw niya sa bahay pero mas gusto naming tinatawag siyang bunso kasi literal na bunso namin siya sa bahay.

Niyaya ko silang kumain na at sabay sabay naman kaming nagpuntang dining area. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang biglang tumunog ng tatlong beses ang doorbell namin.

Meaning nandito na yung mga inaasahang bisita. Hinayaan ako nila Dada at Mami na buksan yung gate namin.

"Briaaa! Namiss talaga kita!" Bungad ni Cath sakin na may kasamang mahigpit na yakap.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa at ganun lang din sila sakin. Nagngitian kami habang pinapapasok ko silang dalawa. Sinabihan ko rin sila na wag sabihin yung sa mga nangyayari sakin sa school kasi talagang mayayari ako. Clueless both parents ko about dun kaya bago pa sila makapasok sa mismong bahay, binalaan ko na sila. Nangako naman silang dalawa na hindi sila magbabanggit ng kahit na anong school related na may topic na bully.

As usual, winelcome ng pamilya ko yung dalawa. Nagkakuwentuhan kami habang kumakain hanggang sa mabanggit ni Dada yung about sa family vacation namin. Niyaya niya sila Jicks at Cath na sumama. Gusto naman nung dalawa pero kailangan pa nilang magpaalam na sinang-ayunan naman ni Daddy Da. Nagsalo kaming lahat sa pagkain at nung natapos ay niyaya ko ang dalawa na umakyat sa kuwarto ko para mas makapagkuwentuhan kami na syempre kaming tatlo lang.

"Bria, sorry talaga nung nakaraan na nakulong ka sa classroom. Pramis sinubukan namin ni Jicks na tulungan ka pero wala eh, mas malakas yung mga bullies..." nakapout na sabi ni Cath. Pareho kaming tatlo na nakaupo sa kama ko.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin na okay nga lang. Kasi nakauwi naman ako ih. Wag ka ng magsorry, wala ka namang ginawang masama sakin." Sinserong sabi ko na sinang-ayunan ni Jicks.

"Pero Bria, paano ka pala nakalabas dun sa classroom? May tumulong ba sayo?" Takang tanong ni Jicks. Tumango lang ako bilang sagot.

"Ha?! Sino naman tong mabait na taong tumulong sayo na makalabas sa classroom. Kuwento dali!" Naeexcite na komento ni Cath dahilan para magdalawang isip ako.

Dapat ko bang ikuwento sa kanila yun? Ih nakakahiya.

"Bria. Kwentuhan mo na kami. Kawawa yung nagpaakyut na Catherine ohh." pang-aasar ni Jicks, agad naman siyang hinampas sa braso ni Cath.

"Sige na nga ikukuwento ko pero hindi to detailed ah" Napilitang sagot ko. Tumango lang silang dalawa. Huminga muna ako ng malalim saka ko sinimulan ang pagkukuwento.

Flashback**

"Bria? Hindi ka talaga sasama samin? Pupunta kami ni Jicks sa Canteen." Yaya sakin ni Cath na tinangihan ko.

"Inaantok kasi ako. Tsaka hindi pa naman ako nagugutom. Dito muna ako sa classroom, matutulog." Nakatingalang sagot ko habang nakaupo sa arm chair ko. Ngumiti lang sila sakin saka nila ako iniwan at hinayaan na makatulog.

Ilang minuto ang lumipas at bigla nalang akong nagising. Dun ko lang napansin na wala ng tao sa classroom, except sakin. Kasi literal na ako nalang yung nandito. Tiningnan ko ang orasan ko at uwian na pala. Tinangka kong bitbitin ang bag ko nang biglang sumama yung upuan. Dun ko narealize na nakabuhol pala yung bag ko sa upuan ko. Sa sobrang pagmamadali ko nainis ako dahil hindi basta basta yung pagkabuhol. Inis kong tinanggal yung mga buhol sa bag ko at nung natanggal ko na ay kaagad kong binuksan yung pinto ng classroom pero sa malas ko, hindi ko mabuksan.

Paniguradong pantri-trip na naman to sakin. Pesteng mga bullies.

Tiningnan ko ang orasan at malapit ng mag5pm. Sobrang kinakabahan na ko kasi hapon na at medyo madilim na sa labas. Sa takot ko napaiyak ako. Nilakasan ko yung pag-iyak ko na sinusubukan pa ring katukin ng malakas yung pinto.

Sana naman may makarinig sakin. Sobrang natatakot na ko dito.

Niyakap ko ang mga tuhod ko saka ko nilublob ang mukha ko sa tuloy tuloy kong pag-iyak. Halo halo yung nararamdaman ko ngayon. Naiinis kasi hindi lang yung pagbuhol sa bag ko yung nangyari, pati pulbo sa buong mukha ko nakita ko rin sa screen ng cellphone ko. Nalulungkot kasi ang bait ko naman pero nararanasan ko to. Emotionally na nasasaktan kasi hindi ko matanggap na ganito yung trato sakin dito sa school na to.

Gusto ko ng lumipat ng school pero sa tuwing gugustuhin kong lumipat, naiisip ko sila Jicks at Cath. Yung mga sinabi nila sakin dati na dahilan para magustuhan kong magstay dito.

Pinili kong manatili dahil sa mga kaibigan ko at nalulungkot ako dahil hindi ko man lang kayang ipaglaban yung sarili ko sa eskuwelahan na to.

Sa ilang minutong pagmumuni at pag-iiyak ko. Sa wakas may narinig akong nag-uusap sa may pinto. Sinubukan kong kalabugin ang pintuan ng classroom at hayun, finally nailabas ako.

Medyo blurred yung paningin ko dahil galing ako sa pag-iyak at hindi ko suot ang eyeglasses ko. Agad kong niyakap yung taong nagbukas ng pinto ng classroom. Nagpasalamat ako ng matindi at nung marealize kong si Third yung niyakap ko ay bigla akong bumitaw. Sinuot ko ang eye glasses na hawak ko at dun ko nakita nang mas malinaw yung katauhan ni Third.

Inis akong umalis sa harapan niya. Habang naglalakad palayo, pinupunasan ko ng maigi ang mukha ko na may mga natuyong luha at pulbo. Pagkatapos ay binilisan ko pa ang lakad ko para hindi ako masundan ni Third pero ilang minuto pa ulit ang lumipas, nasundan niya pa rin ako.

"Grabe ka. Bakit mo ko iniwan dun? Tinulungan ka kaya ni Kuya para makalabas dun sa classroom natin. Dapat nga magpasalamat ka man lang sa kanya. Hay naku, kung alam mo lang kung paano siya maghinala kanina. Sobrang nakaka--" bungad na kuwento niya na pinutol ko agad.

Hindi kami close para magkuwento siya sakin na para kaming magkaibigan kasi hinding hindi kami magiging magkaibigan.

Ayoko.

"Anong pakulo na naman to Third?!" Pigil ang inis na tanong ko sa kanya.

"Aawayin mo na naman ba ako ha?!" Hindi ko alam kung maasar ako o malulungkot sa mga pinagsasabi niya sakin.

"Tinatanong kita. Hindi kita inaaway. In the first place, ikaw ang unang nagbully sakin." Paliwanag ko na pilit pinapakalma ang sarili ko.

"Eh, hindi naman ako may gawa nyan sayo eh." Depensa naman niya.

Hindi nga ikaw! Pero ikaw pasimuno!

"Pero dahil sayo kaya nangyayari sakin yung mga bagay na to. Hayst. Ewan ko ba bakit kailangan kong maranasan tong nga to dito sa school niyo." Malungkot kong kuwento saka yumuko. Napansin ko namang tumahimik si Third.

Nagpatuloy kaming maglakad ng tahimik nang bigla siyang humarang sa dadaanan ko. Taka akong napatingin sa kanya.

"Wag kang ganyan, may pupuntahan tayo para hindi ka na maging malungkot." Mas lalo pa akong nagtaka dahil hindi ito yung usual na Third na kilala ko.

Eh ano ngayon kung malungkot ako? Ba't parang nagkakaroon siya ng pakialam sakin?
-puso

No Brianna, no. Wag. Don't be fool again dahil sa ganyang trato niya. Remember what he said before, 'hinding hindi ako magiging mabait sayo Nerdy Nerd.' -utak

Oo nga, -puso ko.

Napailing ako sa sarili ko.

"Saan naman?" takang tanong ko nalang saka ko iniwas ang tingin sa kanya.

"Basta sumama ka nalang." yaya niya na hinila pa ang kamay ko.

Tug dug * Tug dug * Tug dug

Bahagyang lumaki ang pareho kong mata. Tulad ng inaasahan ko, alam kong si Third pa rin yung taong gusto ko at gugustuhin ko pa rin.

Ang tanga ko ba? Kasi kahit anong pilit kong huwag na siya eh siya pa rin?

Nalungkot ako sa naisip ko bigla. Nawala yung lungkot sa mukha ko nung mapagtanto ko kung saan niya ako dinala. Ice cream parlor na medyo malapit lang sa school namin. Nagtanong siya kung anong flavor ng ice cream ang gusto ko at cookies and cream ang sinagot ko.

Bahagya akong nagulat nyng bigla niya akong iniwan sa table saka siya agad nagpunta sa counter. Binilhan niya ako ng ice cream at dahil dun kumabig ulit yung puso ko.

Ang gwapo niyang tingnan ngayon. Mas lalo na sa ganyang anggulo.

Ano ba tong naiisip ko.

Napailing ako bigla. Hindi ko na sana kukunin yung ice cream na bili niya pero hinigit niya yung kamay ko at nilagay yung ice cream cone sakin. Hindi na ko nakatanggi pa kasi literal na binigay na nga niya sakin. Napahanga pa ako kasi hindi lang cookies and cream yung binili niya. May ibang flavor pa. Hindi ko tuloy maalis sa isip ko itong mga ganitong moments na naging mabait siya sakin pansamantala.

Bakit ba kasi ganito siya sakin lately? Kahit nung binalik niya sakin yung bike ko ganito din siya ih.

"Matutunaw na yan kung di mo pa kakainin." sabi pa niya sakin nung napansin niya nakatitig ako sa ice cream.

"Eh ayokong ako lang yung kumakain. Pano ikaw?" nag-aalalang sabi ko.

Napansin ko kasing nasa iisang table kami, ako lang kumakain ng ice cream, tas wala siyang kinakain na kahit ano. Hindi ba parang ang sama ko naman kung hahayaan ko siyang tumingin lang sakin?

"Hayaan mo ko. Hindi ako mahilig sa ice cream. Sobrang lamig kasi, mabilis mangilo yung ngipin ko dyan." Depensa niya saka tumingin sa side glass window ng ice cream parlor.

"Hindi ako sanay na ako lang kumakain mas lalo na ngayon na may kasama ako. Okay sana kung literal na ako lang mag-isa ih kaso nandyna ka. Ano titigan mo lang ako habang kumakain?" Sinserong tanong ko dahilan para tingnan niya ako saglit.

"Parang ganun. Siguro." nasagot nalang niya saka tumingin ulit sa glass na nakapalibot sa parlor shop.

Mahilig siya sa mga simpleng reply hanu? Wala lang nahalata ko lang.

"'Ha? Gulo mo." Kunot noong komento ko sa sagot niya.

"Isipin mo nalang ice cream hater ako para di ka na maguluhan dyan." Parang napipilitang paliwanag niya sakin ulit.

"Okay. Salamat ah. Nanlibre ka." Sincere kong reply na sumubo pa ng libre niyang ice cream.

"Libre ka dyan. Utang mo yan." Napatitig ako sa sinabi niya.

Ha?! May bayad to?!

"Utang? Ay ibabalik ko nalang to." Sabi ko tsaka inabot yung ice cream sa kanya.

"Sira. Kainin mo na. Uto uto ka talaga. Joke lang yun." Sunod sunod niyang sabi tsaka ngumiti sakin.

Lintek na yan. Talagang ngumiti pa.

Iniwas ko agad ang paningin ko sa mukha niya dahil pakiramdam ko kinikilig na ko.

Pinilit kong hindi niya makita yun. At pinilit ko ring hindi magpaapekto sa mga kinikilos niya na normal lang sa kanya.

Pagkatapos naming kumain, ay ako lang pala. Nagdecide na rin kaming umuwi na kasi gabi na rin nung natapos ako. Ang dami kasing ice cream yung binili niya, edi busog busog ka na nun ay ako lang pala yung nabusog kasi nga ako lang yung kumain kanina.

"Kaya mo bang umuwi mag-isa?" Ewan ko pero nalalambingan ako sa kanya. Sheyt, parang may mali na sakin.

Tumango lang ako sa kanya sabay sabing, "Oo kaya ko. May bike naman ako e." reply ko pa. Tumango lang siya sakin.

Paalis na sana ako kung hindi lang ako nagkaproblema sa pagsuot ko ng mini helmet sa bike ko. Medyo nagulat ako dahil pagkatapos bumugtong hininga ni Third ay tinulungan niya akong ayusin yung helmet ko. Napatitig ako sa kanya habang kinakabit yun sa ulo ko. Hindi ko hinayaan na tumagal yung pagtitig ko na yun dahil alam kong mas mahuhulog lang ako sa kanya.

Nagpaalam na akong umalis at kumaway lang siya sakin.

***End of Flashback

"OMOOO! Bakit kinikilig ako Bria? Feeling ko tuloy may kung ano kay Third kaya naging mabait na sayo." react ni Cath sa kuwento ko. Pinanliitan ko siya ng tingin. Si Jicks naman parang normal lang na ewan.

"Masama pakiramdam ko sa kuwento mo. Eh dalawang beses lang siya naging mabait sayo. Tulad nga ng kuwento mo, yung pagbalik niya sayo ng bike mo tsaka yung sa ice cream parlor, dun lang siya bumait. Baka mamaya, may mas grabe pa pala siyang plinaplano sayo. Naku Bria, mag-ingat ka." payo ni Jicks na sinang-ayunan namin ni Cath.

Actually, tama si Jicks. Baka yung mga mabait moments ni Third, sign yun na may mas grabe pa siyang gagawin sakin. Ang hirap ng magtiwala sa panahon ngayon. Mas lalo na sa Third na yun. Hayst. Dinaig pa kasing babae sa pagiging moody.

"Osiya, aalis na kami. Kailangan na naming maghanda para sa makapagpaalam sa mga magulang namin about dun sa plano natin." Sabi ni Jicks na tumayo pa sa kama ko. Ganun din si Cath, tumayo na rin at inayos ang sarili.

Nakangiti ko silang hinatid palabas ng gate namin. Sinigurado ko munang may sundo sila dahil ginabi na kami sa pagkukuwentuhan. May tiwala naman ako kay Jicks na iuuwi niya sa Cath. Total magbestfriend naman yung dalawa yun.

Bumalik na ko sa loob ng bahay at medyo nagulat ako dahil agad kong nakita sila Mommy Ma at Daddy Da.

"Anak maupo ka muna, may sasabihin kami ng Dada mo." Mahinahong sabi ni Mami Ma sakin.

Ano kayang sasabihin ng mga to sakin?



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro