Chapter 22 💗
° Chapter XXII:
A Vintage Haus Hotel °
Thirdivin's POV
["Hello Taky? Nasan ka na? Paalis na ko ng bahay namin. Bala gusto mong iwanan kita."] Pigil ang tawang sabi ko sa linya. Kausap ko kasi si Taky sa cellphone.
["Wait lang pwede ba! Parating na ko dyan!"] Ramdam kong natataranta na siya sa kabilang linya kaya palihim akong tumawa.
Ilang minuto pa ang lumipas and finally, nasa harapan ko na ang bestfriend kong gustong gusto sumama sa bakasyon ng 7th sense.
"Tara?" Nakangiting sabi ko. Agad namang tumango si Taky.
Tinulungan ko siyang ilagay sa backseat ng kotse ko ang mga gamit niya. Sinabihan ko kasi siya na isang linggo kami dun sa vintage village na sinabi ni Papa sakin nung nakaraang gabi. And as usual excited siya kasi syempre one week silang magkikita ni Lucky, which is crush niya. Si Lucky yung tinutukoy kong Captain ah baka malito na kayo.
Ginamit ko ang itim na kotse ko papunta kila Leyo, one of my teammates sa 7th sense. Siya kasi ang nagkusa na mag-arkila ng medyo malaking van na tipong kayang magsakay ng sampung katao.
Pinarada ko sa garahe ng bahay nila Leyo ang kotse ko. Sabay kaming bumaba ni Taky sa kotse. Napahangang napatingin naman samin si Leyo. Halatang gulat na gulat na may kasama akong babae.
"Oy Taky? Kasama ka rin pala." Baling pa niya kay Taky.
"Yes. Kasama ako, ito ang benefit ng may kaibigan kang Thirdi." Napailing ako sa mataray na sagot ni Taky.
Inilabas ko na ang mga gamit namin tsaka nilipat sa inarkilang van ni Leyo.
Ilang minuto pa ang lumipas at magsidatingan na rin yung iba. Medyo nauna nga lang kami ni Taky kasi tinulungan ko pa si Leyo na linisin muna yung van nagagamitin namin.
Nung makumpleto na ang lahat ay nagsisakay na kami sa loob ng van. Hindi ko hinayaan na mapagitnaan si Taky ng mga kolokoy na to kaya pinatabi ko siya kay Leyo dun sa passenger seat. Si Leyo na kasi ang nagpresinta na magmaneho.
Nainis si Takie sa ginawa kong pagpilit sa kanya na umupo siya dun sa harapan dahil alam kong gusto niyang makatabi si Captain pero syempre dahil ako yung masusunod napilit ko siyang umupo dun kahit sobrang labag sa kalooban niya.
Napakapikonin talaga ni Taky, hahahaha!
Iniwas ko ang tingin kay Takie dahil alam kong masamang titig lang ang ibibigay niya sakin. Binaling ko nalang ang atensyon ko sa iba ko pang mga kasama.
"Grabe Bach! Hindi namin aakalin na seseryosuhin mo yung biro namin nung nakaraan!" -Jholus na tinawanan ni Haypek.
"Sira! Si Papa yung nagpresenta, sumunod lang ako." depensang sagot ko.
"Mabuti pala nasabi ko sa Papa mo." Biglang singit ni Captain. Pinandilatan ko siya ng mata.
"Ano?! Kaya pala nalaman niya! Nagdaldal ka na naman pala!" Natatawang sabi ko na tinawanan niya lang din.
"Ano ka ba Bach, magpasalamat ka nalang, ang ganda na nga ng resulta eh." Napatango ako sa sinabi ni Captain.
Well, oo nga atlis napalibre pa.
"We will enjoy the whole sem break!" Maaliwalas na sabi naman ng katabi kong si Joles.
"Sobrang nakakaexciting! Excited na kong magrelax." -Jurry.
"Hay naku, relax ka dyan. Ang sabihin mo gusto mo lang matulog." Si Flames na tumingin pa kay Jurry. Ending nakatinginan silang dalawa.
"Ganun na nga. Bakit parang nagagalit ka dyan." Singhal ni Jurry kay Flames.
"Hindi ako galit, nagsasabi lang ng totoo." Mahinahong depensa ni Flames.
"Tama na nga yan. Baka mamaya magulat nalang kami nagsalpukan na kayo." -singit ni Kylie dahilan para matawa kaming lahat.
Ang kulet kasi ng pagkakasabi niya hahahaha!
"Bahala kayo dyan, basta ako matutulog na muna." -Pathric
"Hayan na may nauna ng magsungit hahaha!" Banat ni Kylie. Napangisi lang naman sa kanya ang pinakacold naming prince na si Pathric.
"Tigilan mo ko tuleg." Parang nababagot na sagot ni Pathric kay Kylie.
"Tuleg amp HAHAHAHA!" Nakangising sabat ni Jholus, na tinawanan nila pareho ni Kylie.
Ramdam ko ang excitement ng lahat dahil sa bakasyon namin na sinet ni Papa, syempre sa kanya lahat ng gastos. Binigyan pa nga niya ako kanina ng atm card para kung sakaling mashortage sa pagkain, may madudukot kaming pambili.
Ilang oras pa ang lumipas at nakarating na rin kami sa sinasabi ni Papa na Vintage Village. Bumaba na kaming lahat sa green na van at lahat kami ay na amaze sa kabuoan ng village. Grabe ang ganda.
Iniwas ko ang atensyon ko sa ganda na mayroon ang buong village, para matulungan ko si Leyo. Tinulungan ko siya na ilabas yung mga gamit namin para maipasok sa hotel na tutuluyan namin this whole week.
Pagkatapos mailabas lahat ng gamit ay sumakay ulit si Leyo, without any passagers tsaka niya pinarada ang van sa garahe ng hotel.
Dala ang mga kanya kanya naming gamit, pumunta na kami sa loob ng Vintage Village Hotel na pagmamay-ari ng old friend ni Papa. Ito yung hotel na magiging bahay namin sa mga susunod na mga araw.
Nagcheck-in na kami dun tsaka kami nagpuntang elevator. Nasa fifth floor yung mga kuwarto namin. We have 5 different rooms. So bali, tig dalawang tao sa isang kuwarto. Ang kinuha kasi namin yung dual bed e karamihan daw sa mga kuwarto dito puro masterbed yung gamit so yun.
Hinati namin yung mga grupo, ako syempre kasama ko si Taky sa kuwarto. Hindi pwedeng masunod ang imaginative niyang utak na gustong makasama ang crush niyang si Captain.
Jurry and Flames, Pathric and Captain Lucky, si Kylie and Leyo then sila Jholus at Haypek naman yung last.
Pumunta na kaming lahat sa mga designated rooms namin. At tulad ng inaasahan ko, tinadtaran ako ni Takie ng mga reklamo niya sa buhay--este sa desisyon ko.
"Ikaw Thirdi, nakakainis ka! Akala ko pa naman tutulungan mo ko kay Lucky amp. Nakakatampo." Nakapout niyang reklamo na sinusubukan pang magpakyut sa harap ko.
Kala niya ba kapag nagpakyut siya dyan e papayag na ko? ASA.
Baka gusto niyang mapagalitan kaming dalawa ng mga magulang niya. Ay kapag mangyari yun, talagang hindi ko na siya isasama ulit sa ganito.
"Ano ka ba, baka wala ng next time na ganito kung hahayaan kong makasama ka niyang matulog. Mas okay na to atlis nasunod yung bilin ng Mom mo." Nakunsinte naman siya sa paliwanag ko. Tumango lang siya sakin.
"Pero Thirdi--" pinutol ko agad ang dapat na sasabihin niya.
"No buts. Ayusin mo nalang mga gamit mo." Seryosong sabi ko na sinunod naman niya.
Nag-ayos siya ng gamit niya habang ako ay nakahiga sa malambot na kama ng hotel.
Ilang minuto pa ang lumipas at ginising ako ni Takie.
Sheyt. Di ko namalayan na nakaidlip ako.
"Oy maliligo na muna ako." Paalam niya sakin. Tumango lang ako sa kanya tsaka pinilit na makatulog ulit pero hindi na ko makatulog pa.
Huminga ako ng malalim pagkabangon ko, medyo ginulo ko pa ang buhok ko sa inis ko dahil hindi na ko makatulog ulit. Napalingon ako sa bintana tsaka ako nagdecide na pumunta sa mini veranda ng room namin.
Pinagmasdan ko ang nasa paligid. Napahanga ulit ako sa ganda ng lugar. Makikita mo talagang vintage yung style ng buong village mas lalo na sa mga bahay na nandun at kahit na bungad sa inyo yung iba't ibang vintage style na mga bahay, makikita mo pa rin sa dulo nito na may white sand na nakatago dun sa dulo ng village. Kitang kita mo yung ganda ng Vintage Village dito sa loob ng hotel mas lalo na dito sa taas.
"Oy Bach! Maligo ka na rin, tapos na ko." Nabalik ang atensyon ko sa loob ng kuwarto nang marinig kong magsalita si Takie.
Hindi ako sumagot. Ilang minuto pa, pumunta rin siya sa terrace kung saan ako nagmumuni. At tulad ko, humanga rin siya sa ganda na nakikita niya sa paligid.
"Grabe, may nag-eexist palang ganitong lugar. Sobrang ganda." Wala sa sariling komento niya. Saglit ko siya tiningnan saka ako ulit tumingin sa paligid.
"Sa sobrang ganda, sinong mag-aakala na may white sand beach sa isang vintage village? Ang angas ng taong nakaisip na magdesign ng ganitong lugar." Komento ko rin na tinawanan ni Takie.
"Oo nga no? Hindi ko na isip yan, hahahaha!" sabi pa niya.
Iniwan ko na si Taky dun sa terrace tsaka ako naligo. Pagkatapos kong maligo ay sakto namang nagsidatingan sa kuwarto namin yung iba pa naming kasama. Nag-aaya silang maglaro dun sa white sand beach na nasa dulo pa nung village. Sumama naman lahat at muli ay sumakay kami sa green van kasi medyo malayo yung hotel dun sa beach.
Pagkarating namin dun, nalula kaming lahat sa ganda ng buong beach, ang linaw ng tubig kahit na 3pm na. Hapon na pero parang tanghaling tapat pa rin kasi makikita mo pa rin yung sinag ng araw na nagiging dahilan para kumislap yung tubig sa dagat.
Pinalipas muna namin ang ilang minuto para humupa ang init ng araw, tumambay muna kami sa isang bahay kubo na malapit dun. Nung nag 4pm na, syempre hapon na kaya hindi na mainit. Dun lang kami nagsimulang maglaro. Volleyball yung nilaro namin. Actually ito yung sport ni Takie kaya inasahan ko na talagang magaling siyang tumira ng bola. 5 vs 5 kami. Ako, si Taky, si Kylie Joles, si Flames tsaka si Captain Lucky. Kalaban namin sila Pathric, Jholus, Jurry, Haypek tsaka si Leyo.
Tuwang tuwa naman si Taky kasi kakampi namin yung crush niya at dahil dun kaya inspired siya sa paglalaro ngayon. Napansin ko ngang iba yung tinginan nilang dalawa ni Lucky eh. Ahm. Feeling ko nagkakausap din minsan tong dalawang to. Sa huli, nanalo kami sa volleyball.
Ilang oras pa kaming naglaro, nagfootball pa nga kami at nagstay dun sa beach hanggang sa mapagod kami at nagdecide na rin na umuwi na kasi gabi na rin. Pagkabalik namin sa hotel nagulat ako dahil may hindi ako inaasahan na makita.
Bakit siya nandito?!
...............
(U/N)
Yey! Happy 1k reads!
Dahil dyan bagong buhay tayo sa spacing hoho! *041120*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro