Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21 💗

° Chapter XXI: New Person °


Thirdivin's POV

"Thirdi!! Bumangon ka na dyan!" Bigla akong nagising dahil sa pagbubulabog ni Taky.

Takte, kaaga aga nandito na naman siya sa bahay?!

"Bakit ba? Gusto ko pang matulog. Mamaya na." Nakapikit kong sabi sa kanya. Talagang inaantok pa ako.

"Ano ka ba! Nandito si Vhitz!" Napamulat agad ako ng mata dahil sa balita niya.

"Ha? Eh nasa ibang bansa pa yun diba? Nakauwi na ba siya?" Sunod sunod kong tanong kay Taky. Magsasalita pa sana ako ulit nang biglang may magsalita.

"Yohooo!" May biglang lumitaw sa pinto ng kuwarto ko at agad akong bumangon para salubungan siya.

"Par! Kelan ka pa nakabalik?! Loko ka ah hindi ka man lang nagsabi." Masayang sabi ko pagkatapos ko siyang yakapin. Brohug hahaha!

"Surprise nga dapat to e kaso alam na agad ni Taky. Napakaingay talaga." Nagkatitigan silang dalawa ni Taky. Medyo natawa pa ko dahil sa mukha nilang dalawa.

"Waw. Kung hindi ko pa nga sinabi na nandito ka na e hindi pa yan babangon." Depensa naman ni Taky sa parinig ni Marko.

"Oo nga pala, tamad bumangon ng maaga ang isang Thirdivin. Hahahaha!" Natawang sambit pa ni Marko sakin.

"Tigilan mo ko, Markorio ah. Sige na, ligo na muna ako. Magsilayas na muna kayong dalawa sa kuwarto ko." Pagtaboy ko sa dalawa palabas ng kuwarto ko.

"Bilisan mo lalarga tayo ah!" Excited pang usal ni Taky sakin.

"Oo na." Sabi ko nalang tsaka ko sinirado ang pinto.

Yung bagong dating pala, hindi niyo pa kilala. He's my boy best friend. Siya yung pinakakaibigan ko sa lahat ng mga naging kaibigan ko. Kababata ko rin siya but unlike kay Taky, mas nauna kong makilala si Marko kesa sa kanya. His realname is Markorio Vhitz Philoriño. Ako, tinatawag ko siyang Marko for short nung first name niya pero pag tinawag niya ako sa fullname ko na ayaw kong naririnig ay tinatawag ko rin siyang Markorio minsan. Tas si Taky naman Vhitz yung madalas niyang itawag kay Marko. Mas maganda nga naman kasi yung second name niya kesa sa first name niya.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin akong mag-ayos ng sarili ko. Bumaba na ako ng hagdan para makita yung dalawa kong kaibigan at tulad ng inaasahan ko, kumakain na silang lahat maliban sakin. Niyaya ako ni Taky na kumain na rin tsaka ako pinaupo sa gitna nilang dalawa ni Marko.

Tahimik kong inubos ang pagkain ko at ramdam kong nagtataka na si Marko sa asta ko dahil hindi man lang ako kumikibo kapag nagkakakuwentuhan sila.

Pagkatapos kumain ay pinaalam ako nila Marko at Taky na aalis ako kasama sila. Hinayaan ko silang gawin yun hanggang sa makaalis na kami ng bahay.

"So san tayo? Sa kotse mo ba Third?" takang tanong ni Marko.

"Hindi. Sa kotse mo nalang. Total mas mukhang magara yung sayo." Tinaas ko ng dalawang beses ang kilay ko at natawa silang dalawa sakin.

"Sigee!" -Si Taky na excited.

Sa pulang kotse ni Marko kami sumakay at nagpuntang mall. Syempre kapag sa galaan si Taky ang palaging nasusunod, mas lalo na sa lugar na pupuntahan. Saming tatlo kasi siya ang tunay na palagala. Nasa driver seat si Marko, nasa passenger seat naman ako at si Taky naman ang nasa backseat.

"Third, bakit di mo pinapansin Mama mo?" tanong ni Marko habang nagmamaneho.

"Hindi ko siya Mama." direktang sagot ko. Napasinghal naman si Taky sa sinagot ko.

"Ohh, edi stepmom. Bakit ganun ka sa kanya?" dagdag tanong ni Marko.

"Naiinis ako sa kanya. Ayaw ko sa kanya. Mas lalo akong nagagalit kay Papa sa tuwing makikita ko silang dalawa. Parang ang dali lang kay Papa na pakawalan si Mama. Ayoko ko sa kanilang dalawa, period." Blangko ang mukhang kuwento ko. Napatango si Marko sakin.

"Pero Third, wala na si Tita. Hindi na siya babalik. Dapat alam mo yan." Bigla akong natauhan sa sinabi ni Marko.

"Oo. Nawala siya. Nawala siya dahil kay Papa. Kung hindi niya lang sana niloko si Mama, hindi sana siya aalis. Hindi niya sana ako iniwan." Hindi ko mapigilang hindi umiyak habang nagkukuwento ako.

"Thirdi..." Malungkot na usal ni Taky mula sa back seat.

"Pinanghahawakan ko pa rin yung pangako niyang babalik siya. Babalikan niya ako." Napatingin sila Marko at Taky sakin. Saglit akong napayuko tsaka ako tumingin sa side mirror.

"Osiya. Titigilan ko na mangulit sayo, napaiyak na naman kita tsh." Napangisi si Marko sakin. Inis naman akong tumitig sa kanya.

"Alam mong pinakaayaw ko yung pinag-uusapan yung ganitong mga bagay." Seryosong sabi ko. Tumango silang dalawa sakin.

"Oo nga. Ang daya mo nga eh, kasi talagang kay Vhitz ka lang ganyan. Kapag ako nagtatanong kulang nalang sigawan mo ko." Reklamo ni Taky na tinawanan ni Marko.

"Mas close kasi kami Taky, hahahaha!" Pang-aasar ni Marko kay Taky. Nagcross arm nalang si Taky at inis na sumandal sa upuan niya.

Ganyan siya kapag napikon na.

Napailing ako sa inasta ng dalawa. Nung napadpad na kami sa mall ay naghanap si Marko ng parking. Pagkatapos magpark ng kotse, nagsibaba na kami sa sasakyan.

"Kamusta na pala sila Ate dun sa Thailand?" Pasimpleng tanong ko kay Marko habang busy sa pagwi-window shopping itong si Taky.

"Hayon, mga wala pa ring jowa hahahaha!" Napaface palm ako dahil sa sagot niya.

Loko talaga kahit kailan.

"Seryoso kasi. Kamusta na sila? May balak pa ba silang umuwi dito?" Seryoso ng tanong ko.

"Okay naman yung mga Ate mo. Huling usap nga namin nung nakaraan, eh may balak na daw silang kunin ka dito." Sagot ni Marko. Napangiti ako sa balita niya.

Talagang hinintay pa ako magseryoso bago siya sumagot ng matino ano?

"Hay salamat. Makakaalis na ko dito sa Pinas. Sobrang nasu-suffocate na kasi ako sa bahay. Palagi nalang akong pinapagalitan." Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.

"Mabait naman yung stepmom mo ah?" Patanong na compliment niya, na medyo out of the blue.

"Mas gusto ko pa ring makasama si Mama tsaka sina Ate Lois at Ate Kiriz." Sinserong kuwento ko. Tumango lang siya sakin.

Nawala ang pag-uusap namin dalawa dahil may biglang sumingit samin.

"Uy! Kayong dalawa. Talagang papanuorin niyo kong tumingin ng mga damit dito? Bakit di kayo magtry. Ay teka may mga napili ako sa inyo, sukatin niyo to." As a casual type of a girl, talagang nakapamili na nga si Taky ng mga balak niyang bilhin na damit.

Sinukat namin ni Marko yung mga piniling damit ni Taky samin. Literal na magtatampo si Taky kung hindi namin siya pagbibigyan. Total libre naman niya edi wala na ring masama atlis mapapakinabangan naman.

Pagkatapos magshopping ni Taky, next na pinuntahan namin yung tambayan naming tatlo. TIMEZONE! Naglaro kami dun at nagkantahan din. Pagkatapos ng timezone syempre pagod kaming tatlo. Nakakagutom din namang maglaro kaya naghapunan na rin kami dun sa mall na pinuntahan namin. Sa isang thai restaurant kami kumain, libre naman ni Marko kaya sinulit talaga namin ni Taky.

"By the way! Bakit hindi nalang kayo sumama sakin next week? Libre ba kayo?" Pasimpleng tanong ko sa dalawa kong kasama.

"Ako, libreng libre! Sembreak namin hihiz." Masiglang sagot ni Taky. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Same, Taky. Ikaw Marko?" Simpleng reply ko na bumaling kay Marko.

"Hindi eh. Bawal ako. Pano naman kasi. Pinapasabak na agad ako ni Daddy na subukan yung family business namin dito. Nakakainis nga, kasi pinauwi niya pa talaga ako para lang magbusiness dito." Mariing reklamo ni Marko.

"Aba. Parang sinabi mo na rin na ayaw mo kaming makita ah. Wala ka palang balak na umuwi dito eh." Puna ni Taky sa statement ni Marko.

"Hindi sa ganun. Ang gusto ko, uuwi ako dito na parang nagbabakasyon hindi yung para maging ulirang tagapagmana ng business ng Daddy ko." Nakapout na sabi ulit ni Marko.

"Ganun na talaga siguro kapag lumalaki ka na no? No choice ka nalang talaga. Ako rin kasi, gusto na rin akong ipasok ni Dad sa company namin e nagpapatulong pa ako kay Mom para hindi matuloy yun kasi ayaw ko pa talaga." Gatong naman ni Taky.

"Mabuti pa tong Thirdivin natin, walang problema sa mga ganitong bagay." Narinig ako bigla sa pagpuna sakin ni Marko.

"Natutuwa ka na naman sakin Markorio ah." Mapang-asar na sabi ko na may pagdiin sa fullname niya rin. Natawa lang ang dalawa sa sinabi ko.

Ilang beses ko ba dapat sabihin sa mga tao na ayokong tinatawag akong Thirdivin ts.

"Teka, ano palang meron? Bakit bigla kang nagtanong kung libre ba kami? Oy Thirdi, mag-explain ka nga." Ganito si Taky kapag curious siya.

"I and my basketball team, we'll having our own celebration. Remember nung nanalo kami sa intrams? Gusto ng mga kateam ko na i-celebrate yun." Tumango sila Marko at Taky sa explanation ko.

"Nice. Congrats! Its good to know na panalo na naman kayo sa basketball!" Masayang bati ni Marko sakin.

"Salamat." nakangiting reply ko.

"Mabuti pala libre ako, edi makikita ko si Cap--este yung buong 7th sense!" Napangisi ako nung biglang mautal si Taky.

"Alam mo Marko, si Taky may--" hindi ko natuloy ang dapat na kuwento ko nung biglang takpan ni Taky yung bunganga ko.

Pinandilatan niya ako ng mata tsaka niya inalis ang kamay sa bibig ko. Inis naming tiningnan ang isa't isa.

Nagulat kaya ako nung bigla niyang tinakpan bibig ko. May pagkabrutal tong babaeng to ah. Takot na takot mahuli ts.

"I smell something sa inyo ha. Don't tell me kayo--"

"No way!" Sabay naming sabi ni Taky at tumawa lang si Marko.

"Why so depensive my friends? hahahaha!" Pang-aasar niya pa samin ni Taky. Inis ko siyang tiningnan habang tinarayan naman siya ni Taky.

Natapos ang kuwentuhan namin sa simpleng pagkain lang namin sa isang thai restaurant. Nagdecide na rin kaming umuwi na kasi pagod na rin kami kakalakad sa mall na madalas gustong puntahan nitong Takie Lore na to.

Unang hinatid namin sa bahay si Taky at kitang kita mo yung saya sa mga mata niya nung nagpaalam na siya samin at nagpasalamat.

"Its was a great day for me. Thank you for the libre, hihiz!" Pareho kaming natawa ni Marko sa paalam ni Taky.

Sinigurado na muna namin na makakapasok si Taky sa bahay nila at nung nasa loob na siya ay umalis na rin kami. Ako naman ang huling hinatid ni Marko. Same with Taky, nagpasalamat din ako kay Marko tsaka nagpaalam.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at halos atakihin ako sa puso nung makita ko ang seryisong mukha ni Papa na nakatitig sakin. Bigla akong kinabahan dahil sa tingin niya sakin.

Akala ko kasi tulog na silang lahat kasi patay na lahat ng ilaw. Pero hindi ako nainform na may gising pa pala at talagang naghintay sakin.

Tahimik akong lumapit sa kanya. Umupo ako sa katapat na upuan niya. Naglabas siya na bugtong hininga bago nagsimulang magsalita.

"I've heard that you will have celebration. Totoo ba?" Tumango lang ako bilang sagot sa tanong ni Papa.

"May nakita na ba kayong resort or anything, kung saan kayo magce-celebrate?" Tanong ulit ni Papa. Napaisip ako saglit.

"Actually, wala pa po." honest kong sagot. Tumango lang siya.

"I suggest sa Vintage Village kayo pumunta. Old friend ko ang may-ari nung village na yun and I can assure you na magugustuhan niyo yun."

"Village? Baka sa probinsya naman yan Pa." Malumanay kong sabi.

"Actually, probinsya nga." Napangiti ako sa sagot ni Papa na pasimpleng hinawakan pa ang batok niya.

"Sige Pa, total nagsuggest na rin kayo sakin. Sasabihan ko na rin sila." Sabi ko na tatayo na sana sa upuan pero pinigilan niya ako.

"Sabihan mo na rin sila na sagot mo-este sagot ko." Taka akong napatingin kay Papa pero imbis na magpaliwanag pa siya ay pinili na niyang tumahimik at iniwan ako sa lamesa.

What? Sagot na niya yung bakasyon ng buong basketball team?

Pinatay ko ang ilang lamps sa bahay at ang tanging tinira ko lang ay yung nag-iisang chandelier namin.

Agad kong pinamalita sa buong team ang naging usapan namin ni Papa at tulad ng inaasahan ko sobrang nasiyahan sila na tipong pati pagkain gusto din ipasolo sakin.

Pero kasama na rin ata yun sa gastos ni Papa?

Sinang-ayunan ng lahat ang kuwento ko at pare-pareho na kaming excited sa kung anong meron dun sa vintage village na sinasabi ni Papa.

I'm already curious sa kabuuan ng village na yun.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro