Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20 💖


° Chapter Twenty:
Ice Cream Hater? °





Third's POV




Nagbugtong hininga ako. Napakabilis ng araw. Biro mo parang kahapon lang e lunes palang tapos biyernes na ulit!

Nag-inat ako ng braso ko tsaka ako naghikab. Kakagaling ko lang kasi sa tulog dito sa arm chair ko. Medyo hinilot ko rin ang batok kong nangangalay. Hindi sinasadya ay napatingin ako sa katabi ko.

Aba, tulog din?

Saglit akong napatitig sa mukha niyang nakapikit at para bang mahimbing na natutulog. Napangisi ako nung may biglang mantrip sa kanya. Nakita ko kung paano pagbuhulin ng isang lalaki yung tali ng bagpack ni Nerdy sa upuan niya. Medyo natawa pa ako dahil naimagine ko agad yung mukha niyang inis habang tatangalin yung pinagbuhol na bagpack niya sa arm chair niya.

Uwian na kasi at hanggang ngayon hindi pa rin siya gising. Eh kapag may natutulog kapag uwian, madalas mapagtripan ng mga students. Mas lalo na pag mahimbing talaga yung tulog. At tulad nga ng sinabi ko, tinodo talaga nung mga kaklase namin yung pantri-trip kay Nerdy Nerd. Una yung sa buhol na bag, pangalawa ay itong pagbudbud nila ng pulbo sa buong mukha niya, pangatlo ay itong pagpadlock sa kanya sa classroom namin. Pinigilan pa nung iba yung dalawang kaibigan ni Nerdy na pumasok para magising yung kaibigan nilang nerd. Sa huli, walang nakatulong kay Nerdy Nerd. Binitbit ng iba mapantrip naming kaklase yung dalawang asungot ni Nerdy papunta sa school gate. Walang magawa yung dalawa kundi sumunod nalang kasi the more na ipu-push nilang tulungan si Nerdy, the more na mas mapapahamak siya.


Malalim akong huminga tsaka ako nagdecide na umalis na ng school pero sa di inaasahang pagkakataon muli kong nakita ang ex girlfriend kong matagal ko nang hindi nakita. Nagpako ang tingin namin sa isa't isa. Nawala yun nung bigla siyang umalis. Kinusot, kinurap ko ng ilang beses ang mata ko. Napaisip din kung bakit ko makikita ang ex ko sa ganitong lugar at talagang dito pa sa loob ng school na to.


Imposibleng makita ko siya dito, siguro namalikmata lang ako.


Napailing ako sa naisip ko tsaka ako naglakad palayo sa classroon namin. Ilang minutong paglalakad palayo ay narinig ko si Nerdy na padabog na binubuksan ang pinto ng classroom.


Hindi ko na sana siya papansinin kung hindi ko lang narinig yung pag-iyak niya. Kahit medyo malayo ako, ramdam ko at rinig kong umiiyak siya. Pilit na pinapalakas yung paghikbi niya para siguro may makarinig.


Suddenly, nagkaroon ako ng awa. Bully ako pero nakakaramdam din ako ng awa. Sa totoo lang ngayon ko nalang ulit naramdaman yung ganitong pakiramdam na parang guilty ka na ewan.

Malalim akong huminga tsaka ako nagdecide na tulungan siya. Hinanap ko si kuya janitor sa school namin. Siya kasi yung may hawak sa lahat ng kandado dito sa school.


Nung nakita ko siya, agad akong nagpatulong na buksan yung pinto ng classroom namin kasi naiwan dun si Nerdy. Medyo nagalit naman si Kuya kasi bakit daw naglock ng classroom e may tao pa pala. 

Pagkabukas ng pinto ni Kuyang Janitor ay nasaktuhan na ako yung nasa harap kaya ang nangyari, ako yung agad na niyakap ni Nerdy. Nagulat ako dahil sa biglang pagyakap niya habang patuloy siyang umiiyak.


"Salamat, Maraming salamat." Umiiyak niyang usal habang nakayakap sakin. Hindi ko siya niyakap pabalik. Nung nakita niya ako bigla niyang inayos ang sarili niya tsaka agad na lumabas ng classroom.

"Hay naku. Kung may lq kayong dalawa, wag naman sa ganitong paraan. Madadale kayo sa ginagawa niyo eh." reklamo ni Kuya Jani.

"Ah. Hindi po kami Kuya. Btw. Salamat po." Magalang kong sabi na yumuko pa sa kanya.

Ngumiti siya sakin sabay sabing, "Iho, alam mo ba yung kasabihan ng iba na, the more you hate, the more you love? Siguro naman, aware ka dun e muka ka namang matalino. Gwapo ka, maganda siya kaya di na ako magtataka kung magkatuluyan kayo." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya Jani.


"Ahhh, sige po. Una na ko." Paalam ko nalang saka ko patakbong sinundan si Nerdy Nerd. Buti nalang naabutan ko siya.


"Grabe ka. Bakit mo ko iniwan dun? Tinulungan ka kaya ni Kuya para makalabas dun sa classroom natin. Dapat nga magpasalamat ka man lang sa kanya. Hay naku, kung alam mo lang kung paano siya maghinala kanina. Sobrang nakaka--" kuwento ko habang naglalakad kami pero naputol dahil sa pag-alburoto ni Nerdy.

"Anong pakulo na naman to Third?!" bungad niyang tanong habang nakatingin ako sa namumugtong mata niya.

"Aawayin mo na naman ba ako ha?!" Pinilit kong hindi magpaapekto sa tingin niya.

"Tinatanong kita. Hindi kita inaaway. In the first place, ikaw ang unang nagbully sakin." Paliwanag niya.

"Eh, hindi naman ako may gawa nyan sayo eh." Depensa ko.

"Pero dahil sayo kaya nangyayari sakin yung mga bagay na to. Hayst. Ewan ko ba bakit kailangan kong maranasan tong nga to dito sa school niyo." Wala sa sariling kuwento niya. Napayuko siya habang naglalakad.




Napatahimik ako sa sinabi niya. Saglit na napaisip.

Oo nga. Ako ang unang nagbully sa kanya at dinikitan pa ng 3rd warning at dahil dun kaya mas dumadami na yung bashers niya at mga taong gustong pagtripan siya ngayon.

Hindi ko alam pero sa tagal ko ng gawain itong pambubully, ngayon ko lang naramdaman na parang apektado ako.



Ramdam ko yung lungkot ni Nerdy Nerd habang naglalakad at sa di ko malamang dahilan ay huminto ako sa harapan niya. Napahinto siya sa paglalakad dahil sa biglang pagharang ko. Malungkot siyang tumingin sakin.

"Wag kang ganyan, may pupuntahan tayo para hindi ka na maging malungkot." Nagtaka siya dahil sa sinabi ko.

"Saan naman?" tanong pa niya.

"Basta sumama ka nalang." sambit ko nalang tsaka ko siya dinala sa ice cream parlor.

Ito kasi ang alam kong pampasaya ng mga karaniwang babae mas lalo na kapag nalulungkot sila. Mga kapatid ko kasi ganito.




Nagtanong ako kung anong flavor ng ice cream ang gusto niya at ang sinagot niya ay cookies and cream. Binilhan ko siya at taka siyang napatingin sakin nung hawak ko na yung ice cream niya. Kinuha ko ang kamay niya para dun ipahawak ang ice cream.


"Matutunaw na yan kung di mo pa kakainin." parinig ko nung napansin kong hindi niya pa kinakain yung ice cream.

"Eh ayokong ako lang yung kumakain. Pano ikaw?" Concern ba siya sakin o ano?


"Hayaan mo ko. Hindi ako mahilig sa ice cream. Sobrang lamig kasi, mabilis mangilo yung ngipin ko dyan." Preskong sagot ko tsaka tumingin sa glass window na nasa gilid ko.

"Hindi ako sanay na ako lang kumakain mas lalo na ngayon na may kasama ako. Okay sana kung literal na ako lang mag-isa ih kaso nandyna ka. Ano titigan mo lang ako habang kumakain?" Mahabang salaysay niya. Napatitig ako sa kanya. Napaiwas naman siya ng tingin.


"Parang ganun. Siguro." nasagot ko nalang tsaka tumingin ulit sa bintana.

"'Ha? Gulo mo." Naguluhang sabi niya na nagpangiti saglit sakin.


Hays. Kahit kelan mahirap tong kausap.


"Isipin mo nalang ice cream hater ako para di ka na maguluhan dyan." Explain ko sa kanya habang nakamasid ako sa pagkain niya ng ice cream.

"Okay. Salamat ah. Nanlibre ka." Medyo natuwa naman ako nung marinig ko ulit yung thank you niya.

Medyo natuwa lang. MEDYO.

"Libre ka dyan. Utang mo yan." Biro ko na umakting pa na seryoso ako para maniwala siya.

"Utang? Ay ibabalik ko nalang to." Odiba, naniwala nga siya.

Talagang balak pa niyang ibalik yung nakain na niyang ice cream? Yak. Baka mabalik niya.

Hindi nag-iisap tong Nerd na to. Hays.

"Sira. Kainin mo na. Uto uto ka talaga. Joke lang yun." Sunod sunod kong sagot na nginitian niya.



Pagkatapos niyang kumain. Syempre nagdecide na rin kaming umuwi na. Tinanong ko siya kung kaya niya bang umuwi tas ang sagot niya kaya naman daw niya mas lalo na ngayon na naibalik ko na yung bike niya. Hinayaan ko nalang siyang umuwi nang mag-isa tutal kaya naman niya sarili niya.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro