Chapter 19 💖
° Chapter Nineteen:
The 7th Sense °
Thirdivin's POV
"Oh Ser Bach, hindi ka magpapahatid sa school mo?" Takang tanong sakin ni Manong Loyang, family driver namin. Actually siya yung madalas kong tagahatid-sundo sa school.
"Hindi muna Kuya, gusto ko munang subukan tong bagong ayos na bike. Parang masarap po kasing magbisikleta ngayon hehe." Sagot ko kay Manong, napahawak pa ako sa batok habang nagpapaliwanag sa kanya. Ngumiti naman siya sakin.
"Ah, sige po Ser. Sabihan ko nalang po si Mam na umalis ka na po." Tumango lang ako sa kanya tsaka ako nagdecide na umalis na ng bahay.
Nang mapadpad ako sa school gamit itong bike ay sumakto pang bumungad sakin si Nerdy which is the real owner of this bicycle. Napansin ko rin ang masayang awra niya habang naglalakad. Mabuti nga dahil siya lang mag-isa at wala yung dalawa niya pang kaibigan. Ibig sabihin nito walang makakakita na ibabalik ko yung sinira kong gamit sa kanya. Huminga muna ako ng malalim bago ko siya pinuntahan.
Sinadya kong iparada sa harapan niya yung bike niya at nakita ko kung pano mag-transition yung masayang mukha niya sa fierce na mukha. Inis niya akong tiningnan kaya medyo napalayo ako pero hawak ko pa rin yung hawakan ng bike.
"Anong trip mo na naman ha? Tsaka bakit nasayo tong bike ko at mukhang inayos mo pa o baka pinaayos mo?" -sunod sunod na tanong niya habang inis na nakatingin sakin.
"Wag mo kong tanungin dahil wala akong balak na sagutin yung mga tanong mo." Tinarayan niya lang ako pagkatapos kong magsalita.
"Pagkatapos mo tong sirain tsh." -singhal niya.
"Ano ba?! Aawayin mo pa rin ba ako ha? Eto na nga eh. I will return this to you and if you don't like it then I will take it." Seryosong sabi ko pero imbis na thankyou ang marinig ko e iba pa yung sinabi niya.
"Return return ka dyan, pwede namang ibabalik nalang tsh. Talagang mahilig magtaglish yung mga spoiled brat hanu?" Nainis ako bigla sa tanong niya. Napatitig ako sa kanya at napaiwas naman siya ng tingin.
"Return balik, pareho lang." Simpleng reply ko, pinilit kong maging kalmado kahit na napikon ako sa sinabi niya.
"Nyenyenyenye." Parang batang namimikon na usal pa ni Nerdy.
"Hindi ko alam kung saan ka nakakakuha ng ganyang lakas ng loob na sagutin ako. Ako to. Si Third, na kilala dito as Bach tapos ikaw na nerd eh kala mo kung sino makaasta." Seryosong komento ko sa ginagawa niya sakin.
Pambihira, ang bait ko na nga sa lagay na to eh. Hindi man lang marunong magpasalamat ts.
"Tinuruan mo kasi ako." Direktang sagot niya tsaka kinuha yung bike niya. Binigay ko naman ng kusa yung buong bisikleta sa kanya.
"Ano ba?!" Reklamo niya nung hinila ko bigla yung parang backseat sa bike. Hindi niya mapaardar yung bike kasi hawak ko yun.
"Pasakay. Gusto ko lang magpaalam dyan sa unang bike na naayos ko--" Nakayukong paalam ko na medyo nagulat pa dahil nagkasalubong ang mga mata namin.
"Dahil sinira mo." Pagputol niya sa dapat na sasabihin ko. Iniwas niya ang tingin sakin tsaka siya tumingin sa harap habang nakaupo siya sa bike.
"Tsh. Oo na." Napilitang sagot ko. Medyo natuwa naman ako dahil pumayag siyang sumakay ako.
Umupo ako opposite sa upo niya. Siya nasa harap ang tingin at ako naman sa likod. Napasandal ako sa bag niya na nakalagay sa likod niya. Dahan dahan kong hiniga ang ulo ko sa likod niya habang nagmamaneho siya. Napapikit pa ko dahil sa lamig ng hangin na nararamdaman ko habang nakasakay ako. Napangiti ako sa hindi ko malamang kadahilanan.
Tug Dug Tug Dug Tug Dug.
Kinapa ko agad yung dibdib ko nung maramdaman ko yung kakaibang kabog.
Shit, hindi to pwede.
Napaayos agad ako ng upo nung may marelise ako. Nung makita ko naman sila Seven na naglalaro ng basketball ay agad akong umalis sa pagkakaupo ko sa backseat nung bike. Napansin naman ni Nerdy Nerd yung biglang pag-alis ko sa bike. Takang siyang napatingin sakin pero hindi ko na hinayaan na malapitan niya pa ako dahil agad akong lumakad palayo sa kanya.
Hindi pwede. Hindi talaga.
Napailing pa ako ng ilang beses sa naisip ko at sa naramdaman ko kanina.
Nagdecide akong hindi pumasok sa klase. Nagcut ako ng class ngayon. Naglakad ako papunta sa gym at nagulat ako dahil nandun yung 7th sense. Ngumiti sila sakin nung nakita nila ako.
"Coach, nandito ang star ng basketball team hahaha!" -Si Jurry, hindi ko alam kung nang-aasar o ano.
"Bach!" Bati ni Flames sakin tsaka ako inakbayan.
"Panigurado nag-cutting na naman to." Parinig ni Captain sakin na tinawanan ko tsaka ako tumango.
"Ohhh tingnan niyo cutting boi talaga" Tumawa si Captain sakin. Hindi na ko inakbayan pa ni Flames dahil pareho kaming umupo sa bench.
"Oy Bach! May plinaplano kami." -Si Jholus na tumingin pa kay Haypek.
"Wag kang maniwala Bach, siya lang may plano." Natawa ako bigla sa pagsuplado ni Pathric.
"Bakit ako lang ba may gusto? Baka magustuhan niyo rin tong suggestion ko." Natutuwang sabi pa ni Haypek.
"Ano naman yun?" -tanong ko.
"Total nanalo naman tayo. Bakit hindi tayo magcelebrate?" -Nakangiting suggest ni Haypek
"Celebrate sus, saan naman?" -usisa ni Pathric.
"Kahit saan. Kung saan pwede." Napaisip ako saglit sa sagot na to ni Jholus.
"Libre niyo ba?" -singit ni Leyo.
"Ambagan syempre abah. Andaya naman kung gastus lang ng isa." -si Haypek.
"Pero Bach, kung gusto mong ikaw nalang gumastos e okay na okay lang samin total ikaw ang aming star." -Pasimpleng parinig sakin ni Flames.
"Abah. Akala ko ba madaya pag ganun?" -parinig ko rin.
"Ay hindi madaya pag galing sayo." -singit ni Kylie na umakbay pa sakin.
"Mga loko hahahaha!" -nasabi ko nalang.
"Pero seryoso gusto kong icelebrate natin yun pero syempre kasama si Coach diba Coach?" -si Haypek ulit. Tinanong pa niya si Sir.
"Ay wag niyo na kong idamay. Kayo nalang." Depensa ni Sir nung narinig niya yung pangalan niya sa usapan namin.
"Pero Sir, mas masaya pag kasama ka--" -si Captain.
"Hindi ako papayagan ni Misis, mga anak." Sinserong usal ni Sir Coach na tinawanan namin.
Kaya naman pala hindi pwede eh.
"Kaya pala ayaw sumama ni Ser eh hahahaha!" Si Jholus. Tumawa lang kami lahat.
By the way, nalilito na siguro kayo. Meet the 7th sense, we are nine sa official basketball team namin tas nadagdagan pa yung mga members namin dahil may mga sumali sa basketball sports club namin. Actually sila Warren, Noel at Seven mga baguhan lang sila sa BB club namin parang trainees ba kasi kahit naglalaro sila ng basketball, still hindi sila ganun kagaling. 7th sense official team/group names. Unahin natin si Captain, realname? Lucky. Naging captain siya kasi nakitaan siya ni Sir Coach na kaya niyang maging leader samin so yun nga ang nangyari, naging leader siya ng team namin. Sunod sila Jurry, Pathric at Flames. The well-known trio tandem. Silang tatlo yung mga habulin ng chicks kasi mga gwapo sila tsaka iba charisma kapag nasa court na. Then sina Leyo at Jholus, the well-known shooters and rebounders. Matangkad sila pareho tsaka kilala sila sa school dahil magaling silang BB players, ay lahat pala kami magaling sabi ni Coach. Sunod si Haypek na kilala sa varsity name niyang Hypek, madalas siyang hype (halata naman siguro sa name niya) at may pagkakuya ang dating. Lastly si Kylie Joles na parang sunod sakin, ako kasi yung tinuturing na bunso sa team kaya madalas akong pagsabihan nila Captain at Sir Coach. Siguro ang pinagkaiba namin ni Kylie ay yung pagiging mabait niya. Mabait ako pero mas mabait siya tsaka mabilis siyang kagaanan ng loob. Tama ba yung term ko? Basta yun. So we are all nine, kasi kasama ako syempre.
So yun. Sa mga nagtatanong naman bakit the 7th sense ang pangalan ng team namin eh tanong niyo sa Captain namin hahahaha! Joke. Eto sagot. Diba may 5 senses tayo; sense of touch, sense of smell, sense of hearing, sense of taste, and sense of sight. +2 sense of feelings and sense of humor. Yung sa feelings and humor dinagdag namin yun kaya nagkaroon ng pangalan na 7th sense. Pinakamahalagang sense samin ay itong feelings kasi dito nakapaloob yung reason why we are playing basketball. Yung sa Humor naman, para yun sa practice namin at yung sa legit na 5 senses para sa personal hygiene ng buong team. Gets niyo ba? Kasi kung hindi, ayoko ng magpaliwanag. Nakakatamad eh.
Bahagya kong ginulo ang buhok ko pagkatapos naming magpraktis.
Magandang pampapawis talaga tong basketball.
"Bach ah! Mag-outing tayo!" Suggest ulit ni Haypek
"Next week, sembreak natin. Magset na kayo para may gala tayong basketball team." Gatong pa ni Leyo sa sinabi ni Haypek. Pareho ko silang tinanguan.
Nakangiti akong nakauwi ng bahay namin dahil sa nangyari sakin sa buong maghapon. Ewan ko pero lakas makagood mood yung basketball sakin, idamay mo na rin yung mga kateam ko na sobrang stress reliever.
Sakto namang pagkapasok ko ng bahay ay nakahain na ang hapunan namin. Hindi sana ako sisipot dun sa lamesa kaso nakaabang na ang matalas na tingin sakin ng Papa ko. Napabugtong hininga ako tsaka napilitang magpunta sa hapagkainan. Tahimik kong inubos ang pagkain ko tsaka ako umakyat sa kuwarto. Nilagay ko sa sofa ang lahat ng gamit ko tsaka ko hiniga ang sarili ko sa kama. Pinagmasdan ko ang kisame, hanggang sa di ko namalayang nakatulog ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro