Chapter 18 💖
° Chapter Eighteen:
The Noisy Friend °
Taky's POV
"Dad! Good morning!" Masayang bati ko kay Dad tska ako pumuwesto sa upuan ko. Breakfast kasi at kailangan sabay sabay kaming kumain.
"Why Takie? Do need something?" Takang tanong ni Dad habang nagbabasa ng newspaper.
"Nothing Dad. Just want to visit Thirdi's house. Can I?" Nagpacute pa ko kay Dad para payagan niya ako.
Pretty please, sana payagan.
"Ikaw ha. Napapadalas ka dyan sa best friend mo. Baka mamaya nakakaistorbo ka na sa kanila." Parinig niya sakin dahilan para magpout ako sa harapan niya.
"No Dad. Hindi ako istorbo sa kanila. Actually Tita wants me to be there mas lalo na kapag may free time ako. Eh palagi naman kayong wala dito ni Mom kaya dun nalang ako kesa dito na mag-isa lang ako." Paliwanag ko. Tumango lang siya sakin.
"Sus nagdrama pa si Takie namin. Sige na pwedeng pwede ka naman magstay dun pero uuwi ka pa rin syempre." Singit ni Mom na naging dahilan ng happiness ko.
Iba talaga kapag pumayag ang Mom, papayag na rin si Dad hahahaha!
"Yes Mom! Thanks!" Masayang sabi ko na ginanahan sa pagkain. Parehong natawa sakin sila Mom and Dad.
Pagkatapos kong kumain with my parents ay nagpaalam na rin akong umalis ng bahay. Naligo ako at nag-ayos ng sarili then I've decided na bumisita ulit kila Thirdi ngayong weekend. Nagpahatid ako kay Manong Driver sa mismong bahay nila then I press the bell na nasa gate nila. Agad akong pinagbuksan nung isa sa mga maids nila Thirdi. Una kong nakita sa sala ng bahay nila si Tita. Nagbeso kami at tinanong ko na rin kung nasan si Thirdi at sumaktong nakita ko siya sa likod ng bahay nila. Nag-aayos ng kung ano. Agad akong nagpaalam kay Tita na titingnan ko yung ginagawa ni Thirdi. Namamanghang nilapitan ko si Thirdi at nagulat siya sakin kasi di niya ata expected na bibisita ako.
"Aba. Himala yata to, Thirdi. Nag-aayos ka ng gamit mo? Sayo ba tong bike ha? Ang ganda ah." I said amazingly while watching Thirdi fixing the whole bicycle.
"No. Ahhh oo akin." Nagtaka ako bigla sa reply niya.
No tas oo?!
Ano yun... No+oo=Noo charr! Just kidding.
"Ano ba talaga? Oo o hindi?" Takang kong tanong sa kanya.
"To be honest, this is not mine." Napatingin agad ako sa buong mukha niya.
"Ha? Eh kanino pala to? Tsaka bakit nasayo? At bakit inaayos mo?" Tanong ko ulit habang nakatingin naman sa bike.
"Secret." -he replied.
"What? Talagang ngayon mo pa ako balak na paghulain ah. May pasecret ka na ngayon sakin. Sige ah." Parinig ko.
"Okay! Joke lang naman yun. Kay Nerdy Nerd to. Nasira ko tong bike niya." I raise an eyebrow because of what he said.
"And who's this Nerdy Nerd?" Kunot noo kong tanong ulit.
"Siya yung nakausap mo nung nakaraan. Naalala mo yung nagkagroup project kami dito sa bahay?" Napaisip ako sa sinabi niya.
Oh the girl who's wearing an eyeglasses?
"Ahhh yung Brianna?" paninigurado ko. Tumango siya sakin.
"Yes, yung nerd na yun. Actually hindi naman maganda yun eh pati yung name niya di ko gusto." Pinanliitan ko siya ng tingin dahil sa mga sinabi niya.
She's just wearing an eye glasses, nerd na agad? Hindi ba pwedeng malabo lang mata niya? Hay naku Thirdi.
"Bakit? Maganda naman siya ah? Maganda rin yung name niya kaya wag ka ngang judger dyan." I said defending Brianna.
Oy totoo yung sinabi ko ah. Maganda kaya siya.
"That's my opinion Taky. Masama bang magsabi ng opinyon ha?" Maangas niyang tanong.
"O bakit ba nagsusungit ka ha?!" Pagtaas ko ng boses ko sa kanya.
"Ewan ko rin. Ang gulo mo kasi eh." Paninisi niya pa sakin. Natahimik nalang ako sa sinabi niya.
Pinanuod ko si Thirdi kung paano niya ayusin yung sira sirang bike then nung nakaramdam ako ng boredom ay pinuntahan ko si Tita sa kitchen at sakto dahil naghahanda na siya ng meryenda. Agad ko siyang tinulungang maghanda saka ako nagkusang kunin kay Tita yung pagkain. Nilabas ko yun kung saan nag-aayos ng bike si Thirdi.
"Hey kumain ka muna. Gawa to ni Tita. Mukha pa namang masarap." Yaya ko sa kanya tsaka ngumuya ng cookies na bake ng stepmom niya.
"Tsk. Nagyayaya ka ba o nag-eenganyo kasi kung oo hindi umoobra Taky." Parang nandidiring comment niya sa ginawa kong pagnguya.
"As if naman tsh. Kumain ka na nga lang. Seryoso masarap." Pagsasabi ko ng totoo habang kumakain.
Tumigil siya sa pag-aayos niya saka ako nilapitan. Tinawanan pa ako ni Thirdi tsaka niya sinubukang tikman ang isa sa mga cookies na gawa ni Tita which is stepmom niya. Nasatisfy naman ako nung nakita ko siyang tumango at kumuha pa ulit ng cookies. Pagkatapos ay uminom na agad siya ng orange juice.
"You know what? I have this kind of feeling na magugustuhan mo si Brianna." Kamuntikan siyang mabulunan sa sinabi ko.
What? I'm just sharing my thought. May mali ba?
"ANO?! Hinding hindi ako magkakagusto dun. Inaayos ko lang tong sinira ko sa kanya kasi kailangan ko tong isuli. Para mawala tong pakiramdam ko na parang may utang na loob ako sa kanya." Depensa niya sa naisip ko.
"Sus. Kilala kita Thirdi. Kahit kay Krimiel ganyan ka noon. Naalala mo pa ba yung mga pinagsasabi mo sakin dati?" Nagtaka si Thirdi sa sinabi ko.
Mukhang nakalimutan na niya ah. Well ipapaalala natin.
"No. I don't like boyish type girls, I don't like her. Bakit ako mas kakagusto dun eh mas adik pa yun sa basketball kaysa sakin. Like duh! Naalala mo ha?!" Me imitating Thirdi's voice but he just laughed at me. Tinarayan ko siya dahil dun.
"Alam mo Taky manahimik ka nalang dyan." Napacrossed arm naman ako sa sinabi niya.
"Ayoko nga. Ang tahimik ko na nga sa bahay tas dito papatahimik mo pa ako? Mas gusto kong magsitalsikan ang laway ko sayo kesa lunukin lahat ng laway ko." Pagtataray ko.
"Yak. Ang sabihin mo, di mo kayang hindi dumaldal" nakangising sabi niya na tinanguan ko.
"Tompak! Alam mo pala eh. Di ko na kailangan iexplain pa sayo." Direktang reply ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin.
"Yeah, kaya nga bestfriend kita diba?" He said. I just rolled my eyes at him and again, he just laugh.
"Baka sa pag-aayos mo ng bike niya e may magbuild na something sa inyo ah. Uy Thirdi, dapat ako unang makaalam ah! Don't worry support ako kung sakaling maging kayo." Biglang sabi ko nung nanahimik agad siya.
"Napakaadvance mo naman Taky. As if naman na magustuhan namin isa't isa eh binubully ko siya sa school." Kuwento niya. Napaisip naman ako sandali.
Ay ohh? Hate to love relationship pala ang peg ni Thirdi ngayon?
"Ohh?! Talaga ba?" Takang tanong ko sa kanya and I realise something, "Edi mas may chance nga na maging kayo!" Dagdag kong sabi.
"Alam mo ikaw, kakabasa mo yan e kaya ganyan ka na mag-isip." Singhal niya sakin tsaka tinuon sa bike ang atensyon niya.
"Woi! Totoo kaya yung hate to love relationship. Marami akong friends na nagdaan din dyan. Tingnan mo nagtagal sila. Unlike sa inyo nung ex girlfriend mo nuon na puro sweetness lang--ay sorry." Biglang bawi ko nung nakita kong lumungkot yung mukha ni Thirdi.
"Atlis nagtagal kami, hindi nga lang pang-hanggang dulo." Nakapout niyang sabi. Nalungkot din tuloy ako.
"Sorry na. Di ko na ibabalik yung past. Lumungkot na mukha mo eh." Panlalambing ko. Malungkot lang siyang ngumiti sakin.
"Namiss ko lang siya. Ikaw kasi binanggit mo." Paninisi niya.
"Teka nga! Akala ko ba si Krimiel pa rin? Eh bakit namimiss mo ex mo?" Takang tanong ko nung maalala ko si Krimielly at yung eksena namin nung basketball game nila Thirdi.
"Taky, first love never dies kaya kay Krimi pa rin ako kahit sinaktan niya ako. At itong si Ex kahit papano naging kami so syempre may mga pinagsamahan din kami kahit pano kaya nakakamiss lang pero hindi yung pagkamiss ko sa first love ko. Gets mo ha?" Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa explanation niya.
"Wait. Let me analyze. You still love Krimi and you miss your ex pero hindi tulad ng pagkamiss mo kay Krimi?" Tumango lang si Thirdi sa sinabi ko.
"Ohhh I see. Kaya pala." Nasabi ko nalang. Nanahimik ulit si Thirdi.
"Oy tapos ka na?" Tanong ko nung napansin kong nagliligpit na siya ng gamit niya na pang-ayos. Ngumiti lang siya tsaka tumango.
"Sa kakadaldal mo natapos ko siya." Komento niya pa.
"Ah so, thanks to me? Ganun?" taas kilay kong tanong na tinawanan niya.
"Yes." Simpleng reply niya. Napangiti naman ako.
"Oh edi dapat ilibre mo ko nyan." Parinig ko.
"Sige. San mo ba gusto?" Medyo nagulat ako dahil pumayag siya agad.
Infairness, good mood na ulee!
"I know you know what I want." Nakangising sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"Tsk. Oo na. Magbibihis lang ako at bibili tayong milktea. Yun lang naman gusto mo kasi uso ngayon." Niyakap ko siya agad sa sinabi niya.
Yessss libreng milktea is the best!
"You really know me Besh." Masayang sabi ko pa.
"Yak, don't call me that." Reklamo niya tsaka kumalas sa hug ko.
"HAHAHAHAHA edi wag." nasabi ko nalang. Total manlilibre siya, wag nating galitin baka bawiin HAHAHAHA!
Hanging out with my bestfriend is the best feeling ever!!
..............
(U/N)
Naol may libre. Naol may besprend gaya ni Third hahaha! Sorry nainggit lang sa character ko, jokk!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro