Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16 💖

° Chapter Sixteen:
He's the bully that I understand °

Brianna's POV




Nakita ko kung paano ngumiti si Third sa harapan niya. Kilala ko si Third. Naging long time crush ko siya dati kahit na nuon palang eh alam kong gusto niya pa si Krimiel. Wala na kong balak na magustuhan pa ang isang Bach Thirdivin pagkatapos ng lahat ng pinaggagawa niya sakin? Ay ewan ko lang.

Umalis na kami sa gym at bumalik na sa booth na inayos namin kanina. Pareho kaming nagulat nila Jicks at Cath nung makita namin na yung tent na inayos namin at yung designs na pinaglalagay namin ay nasira. May mga pentel na drawing sa tent namin na di ko maintindihan.

"Kagagawan na naman to nung mga kunwaring bullies tsh." Singhal ni Cath.

Gusto kong mainis at magalit pero para saan pa? Sira na yung pinaghirapan naming ayusin kanina. Wala na. Sirang sira na.

"Paano yan. Tayo pa naman yung section na pinayagang magbooth ngayong sports day natin. I mean intrams." Nanlalamyang komento ni Jicks habang nakatingin sa sira naming booth.


"Hayaan mo na. Iligpit nalang natin. May mga kuha naman ako na nagtayo tayo eh. Ipakita nalang natin to sa kanila." Malungkot kong suggest na sinang-ayunan nilang dalawa. Nagligpit na kami at nung matapos ay kumain na kami sa canteen.

Nagpaalam ako sa dalawa na may pupuntahan lang ako saglit at pumayag naman sila. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako papunta. Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa mapadpad ako sa medyo malawak na bakuran. Lumapit ako sa matandang puno na nakatanim dun saka ako umupo sa lilim nung puno.


"Hays. Hindi ko alam na may ganitong lugar pala dito." Mahinang sabi ko na pinikit pa ang mata ko.

Napamulat agad ako nung maramdaman kong biglang lumakas ang hangin. Napalingon ako sa likuran ng puno at di ko sinasadyang makita ang parang natutulog na si... Third?!

"Thirdivin?!" Alanganing tawag ko sa pangalan niya at hindi nga ako nagkamali si Third nga.

Ano namang gagawin ng isang bully sa ganitong kapeaceful na lugar?

"Diba sinabi ko na sayong ayokong tinatawag mo ko sa full name ko?!" Inis niyang reklamo sa tawag ko sa kanya kanina.

"Hindi ko alam na tumatambay ka sa ganitong lugar." Wala sa sariling nasabi ko sa kanya. Inis siyang napatingin sakin.

"Wala ka kasing alam." Malamig niyang reply na kinatahimik ko saglit pero nagsalita ulit ako.

"Pero Third, nakita ko yung laban niyo kanina. Ang pressure siguro nun no? Ahm, nakita ko si Krimiel na--" ikukuwento ko sana yung pag-uusap namin ni Krimiel kanina pero pinigilan ako ni Third.

"Wag mong banggitin-- teka, kilala mo siya?" Taka siyang napatingin sakin.

"Oo. Naging kaklase ko siya dati." Kuwento ko.

"Ay oh? Nagkaroon pala siya ng kaklaseng Nerd?" Pang-aasar niya pa. Pinanliitan ko lang siya ng mata. Inayos ni Third ang pagkakasandal niya sa puno.

"Kanina, nagkausap kami ni Krimiel. Dun ko lang nakita na may iba kayong koneksyon. Akala ko kasi dati naging kayo, pero hindi pala." Direkta kong sabi sa kanya.

"Alam mo ikaw? Ang dami mong nalalaman." Iritableng sabi niya saka pinilit na ipikit ang mga mata niya.

"Tsh. Ako na nga tong nagkukuwento ng kusa tapos ganyan ka pa. Edi wag na. Aalis na ko." Sunod sunod kong saad dahilan para mapamulat siya agad ng mata niya.

"Woi! Teka lang! Bumalik ka nga rito." Sabi niya dahilan para bumalik ako sa puwesto ko kanina. Umupo ako sa tapat niya.

"Ano pang sinabi niya?" Curious niyang tanong, napangisi ako.

Kapag about kay Krimiel yung topic, alam kong interesado siya.


"Ikaw muna magkuwento. Saka ko sasagutin yang tanong mo." Simpleng sabi ko na sinunod naman niya.



"Kuwento? About saan?" -tanong niya.

Tingnan mo to. Gagawin niya nga talaga, hahahaha!




"Kay Krimiel. Anong nangyare sa inyo? Bakit mo siya hinayaan na makuha ng iba? Akala ko ba gusto mo siya nun? Bakit di ka gumawa ng paraan para makuha siya?" Sunod sunod kong tanong sa kanya. Umayos siya ng upo at maayos na nagsalita sa harapan ko.




"Yung samin ni Krimi, sobrang komplikado na. Oo, naging torpe nga ako sa kanya akala ko kasi sapat na yung pagpaparamdam ko sa kanya pero hindi pala. Umamin din naman ako pero ilang beses niya akong nireject. Hanggang sa dumating si Harley sa buhay namin at nagbago lahat. Trinopa ako ni Krimi at umaasa siyang magbabago yung tingin ko sa kanya kapag naging magkaibigan lang kami pero hindi niya alam, mas nagiging malalim yung pagkagusto ko sa kanya. Not until nung malaman kong sila na ni Harley. Umasa akong may tyansa kami pero wala. Pinipilit kong si Krimi pa rin kahit iba na yung pinili niya. Masakit sakin pero kailangang tanggapin. Iyon na kasi ang desisyon niya na kailanman ay di na pwede pang baguhin." Ramdam kong nalulungkot siya habang nagkukuwento. Tumango lang ako para aware siya na nakikinig ako sa kanya.


"Now I know. Sinabihan kasi ako dati ni Krimiel na hindi niya deserve ang gaya mo. Naalala mo ba yung madalas na magkaaway kayo? Palaging nagkukuwento yun dahil napamahal siya sayo pero tulad nga ng sinabi mo, hanggang kaibigan lang talaga yung kaya niyang ibigay sayo dahil maski siya, alam niyang iba yung gusto niya at hindi ikaw yun." Seryoso munit malumanay kong sabi sa kanya. Napaiwas siya ng tingin sakin. Tsaka siya tumingala at tumingin sa mga dahon na meron ang matandang puno.

"Si Krimi, mananatili nalang na magandang alaala ko ng nakaraan. Hindi na ko aasa. Ayoko ng gawing tanga yung sarili ko sa isang babae na gustong gusto ko na iniwan ako para sa isang taong gusto ng taong gusto ko rin. Masakit malaman at sobrang sakit na makita yun ng harap-harapan." Napatitig ako kay Third nung biglang makita kong tumulo ang luha niya sa pisnge niya mismo.

This is the first time that I saw him crying.


At hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Maaawa ba ako, manlalambot o ano dahil sa ganitong sitwasyon niya.

Dahan dahan niyang pinunasan ang luha niya pero nagtuloy tuloy iyon hanggang sa mapatingin siya ulit sakin. Agad niyang niyakap ang tuhod niya at hinayaan ang sarili na humikbi at umiyak.

Ilang minuto ang pinalipas ko bago ko mas nilapitan si Third para hawiin ang ulo niya.

Ramdam kong nasasaktan siya ngayon at alam kong nahihirapan din siya dahil sa tagal ng panahon, yung taong gusto niya yun pa rin ang taong gustong gusto niya pero may iba na.

Kung sana lang napipigilan ang puso, edi sana hindi ganito.




"Alam mo Third? Sa maniwala ka man o hindi, naiintindihan kita. Hayaan mong umiyak yung sarili mo. Huwag mong itago lagi yang nararamdaman mo dahil bibigat yan." Sinserong payo ko sa kanya tsaka nag-iwan ng panyo sa paahan niya. Tsaka ako nagpasyang bumalik na sa classroom.










Napansin kong masaya ang lahat nung makapasok ako sa classroom. Nilapitan ko sila Jicks at Cath.

"Anyare? Bakit ang saya niyo?" Takang tanong ko sa dalawa.

"Dahil next next week na raw yung sembreak!" Natutuwang balita sakin ni Catherine.

"Ay talaga ba?" Naniniguradong tanong ko. Tumango lang si Jicks sa sinabi ko.






Nakakanaksss!

Edi may isang linggo akong pahinga sa mga bullies!?

Yessss! I deserved a vacation ay mali, we deserved a vacation!





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro