Chapter 13 💖
° Chapter Thirteen:
Bumalik ang Nakaraan °
Third's POV
Wednesday.
Ito na ang araw ng laban namin sa basketball dito mismo sa school gym namin.
6am palang ng umaga ang dami na agad tao sa school. May mga nag-aayos ng mga tents para sa booths na gagawin ng iba, meron ding nag-iikot para makita kung anong meron sa paligid. May mga nakatambay sa canteen at sa ibang lugar. Actually, nung Monday nagsimula na yung intrams namin dito sa school at inaasahan na talaga na dadami ang tao mas lalo na't may laban din kami sa ibang school at kapag minamalas ka nga naman ay agad kong nakita si Nerdy kasama yung dalawa niyang asungot na kasama niya rin nung nakita ko siya nung nakaraan.
Nilapitan ko sila. Agad na hinarangan nung lalaki si Nerdy. Napangisi ako dahil sa ginawa nung lalaki. As if namang bubugbugin ko si Nerdy Nerd tsk. Mang-aasar lang ako kasi yun din naman ang ginawa niya sakin nung huli kaming nagkita.
"Anong booth to?" Pasimple kong tanong habang pinagmamasdan yung kabuoan ng booth nila.
"Isang booth na walang 3rd Warning." Si Nerdy Nerd sumagot. Saglit akong napatingin sa kanya.
"Ah ganun? Sayang naman. Mukhang interesado pa naman ako." Ani ko na kunware interesado talaga ako.
"Interesado ka sa booth? O sa pagsira ng booth?" Si Nerdy Nerd ulit.
Teka nga, kelan siya nagkaroon ng lakas ng loob na sagot sagutin ako ng ganito ha?!
"Both." Direktang sabi ko. Mariin ko siyang tinitigan pero iniwas niya sakin yung tingin niya.
"Umalis ka na dito. Baka ano pang magawa ko sayo." Singit nung lalaki saka tinago si Nerdy Nerd sa likod niya.
"Uy Jicks, tama na yan." Biglang pag-eksena nung babaeng maliit.
"Wag mo kong tinatakot dyan. Siguraduhin mo lang na magagawa mo yang banta mo." Seryosong sabi ko dun sa lalaki.
"Bach! Umalis ka na nga lang dito!" Pagtataboy sakin nung babaeng maliit na kasama din ni Nerdy sa pag-aayos ng booth.
"Di pa tayo tapos Nerdy Nerd." Seryosong banat ko na direktang tiningnan siya. Tsaka ako umalis sa lugar nila.
Tumuloy na ako sa gym. Napangiti ako nung makita kong kumpleto na ang team 7th sense na nandun. Sinalubong nila ako kasama si Sir Coach.
"Ohhh nandyan na yung star player natin!" Bungad sakin ni Haypek. Tumawa ako sa kanila.
"Loko kayo. Player lang ako hindi star." Nakangiting sabi ko sa kanila.
"Sus pahumble ka pa dyan Bach."
-Joles
"Uy ayos laro Bach ah!" -Seven
"Nakita niyo naman kung pano ako maglaro kahapon diba?" Pagsisigurado ko sa kanila. Sumang-ayon naman sila.
"Oo na. Basta ayusin mo mamaya para sure win na tayo!" -Kylie na tuwang tuwa pa.
"Sige lang." Nasabi ko nalang saka ko nilapag ang gamit ko.
Makikipagkuwentuhan pa sana ako sa kanila nung bigla mahagip ng mata ko ay hindi ko inaasahan na bisita.
"Harley, Krimi." Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Ilang minuto ko silang tinitigan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong nakita ko ulit yung unang babaeng minahal ko kasama yung taong naging karibal ko sa kanya. Napako ang tingin ko sa puwesto nila. So ibig sabihin, sila yung makakalaban namin sa BB court.
"Thirdiii!" Nawala ang atensyon ko sa kanila nung may marinig akong pamilyar na boses.
Nagulat ako nung bigla siyang sumulpot sa tabi ko. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Thirdiii! Galingan mo ah! Supporter mo ko dito." Natawa ako dahil sa sinabi niya.
As if namang ako lang yung dahilan bakit siya nandito. Alam kong gusto niya ring makita si Captain.
"Oh bakit ka tumawa?" Takang tanong niya sa reaksyon ko.
"Alam ko kasing hindi lang ako yung pinunta mo dito." Parinig ko sa kanya tsaka sumimpleng tumingin kay Captain. Napansin kong natahimik siya bigla kaya ngumiti ako.
"So blush on yan?" Tanong ko saka ko kinurot yung dalawa niyang pisnge na namumula na. Nainis naman siya sa ginawa ko.
"Ano ba! Oo blush on yan." Depensa niya. Tumango nalang ako para kunwari naniniwala ako sa sinabi niya.
Alam kong kinikilig lang yan kasi nandito ngayon yung crush niya.
Ilang oras pa ang lumipas at pinaghanda na rin kami ni Coach. Nagwarm up na kami at nagbihis na rin ng mga jersey namin. Nung pumito na ang referee na nasa court ay nagpulong kami saglit.
"Tandaan niyo. Laro lang to pero nakasalalay sa inyo yung pagkapanalo. Bach, natatandaan mo pa ba yung sinabi ko sayo? Gawin niyo lahat yun. Focus kayo sa laro niyo. Kaya natin to. Galingan niyo!" Pag-eenganyo ni Coach na sinang-ayunan namin.
Pagkatapos ay pinatong namin yung mga kamay namin sa nakaabang na kamay ni Sir Coach. Dalawa beses nilundag iyon saka kami sumigaw ng, let's go 7th sense let's go!
Pumuwesto na kami sa court at kapag minalas ka talagang katapat ko pa tong si Harley. Tinitigan namin ang isa't isa.
"Kamusta munting kaibigan." Panimul niya. Naaasiwa ako sa tingin niya, nakakaasar.
"Hindi kita kaibigan at hinding hindi yun mangyayari." Seryosong sabi ko. Ngumisi siya sakin.
Agad akong tumakbo nung napasa sakin ni Warren yung bola. Nakita ko kung paano magulat si Harley sa bilis kong pagkuha ng bola at pagtira nun sa ring.
"Wag kasi puro salita." Simpleng parinig ko sa kanya. Syempre sinigurado kong maririnig niya. Nakita kong nainis siya sa ginawa ko.
Sa amin ang unang puntos na dos. Ngayon nasa kalaban yung bola. Pinasa nila kay Harley at ngayon ako ang nagbabantay sa kanya.
Tingnan natin kung makakalusot ka.
Bulong ko sa utak ko saka ako ngumisi sa kanya. Nagtaka siya sa ekspresyon ko. Sinubukan niyang tumakbo pero mas mabilis ako sa kanya. Habang nagdri-dribble siya nakuha ko yung bola at agad na pinasa kay Kylie na pinasa naman kay Seven na pinasa ulit sakin at dun ko na tinira.
"Tatlong puntos para kay Third!" Sigaw nung announcer.
Awtomatik na ngumiti ulit ako kay Harley. Nakita kong nag-iinit na ang tingin niya sakin. Nagsunod sunod yung puntos ko at gigil na gigil na rin yung nagbabantay sakin.
"Time-out! Mula sa kabilang grupo." Ani referee na pumito pa.
Bumalik kami sa mga bangko namin. Nagsiinom kami ng tubig at saglit na nagpahinga. Maya maya pa ay nagsimula ulit yung laro. Hindi ko alam kung naging magana ba o ano yung kalaban kasi nakahabol sila sa score namin at biglang nagtie.
"Bach! Itira mo na!" Sigaw sakin ni Noel na sinunod ko pero pumalya. Agad nanahimik yung crowd namin at nag-ingay naman ang sa kabila.
"Ano na Third? Ayan na yun? Ang yabang mo lang kanina tas ayan lang pala kaya mo." Pagyayabang sakin ni Harley. Inis ko siyang tiningnan.
"Hindi pa tayo tapos, may oras pa." Seryosong sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sakin.
Nasa kalagitnaan na yung laro namin, medyo pagod na rin ako pero kaya ko pa. Pawis lang to. Ipapanalo ko to para kila Captain at Sir Coach.
Hinihingal akong tumakbo nang tumakbo hanggang sa maangkin ko ulit yung bola pero naagaw ni Harley at sadyang tinulak ako saka siya nagslamdunk sa ring. Malakas ang pagkakatumba ko. Agad akong pinuntahan ni Noel at tinutulungan na makatayo.
"Kaya mo pa ba Bach? Puwede tayong magtime out." Tanong niya sakin habang nakatingin sa kabuoan ko.
"Sige lang. Kaya ko pa. Ipapanalo pa natin to diba?" Nakangiting tanong ko na sinang-ayunan niya. Iniwan na niya ako at pinuntahan yung kalaban na binabantayan niya.
Nagpatuloy ako sa laro kahit medyo pagod na yung katawan ko. Patuloy akong tumatakbo at hinahabol yung bola. Pero patuloy din akong pinepeste nitong Harley na to. Ilang beses niyang sinadya akong mapaupo sa court at talagang nagtitimpi lang ako sa ginagawa niya.
Kapag laro, laro lang. Focus ka muna dun sa laro.
Kung di ko lang talaga sinusunod yung sinabi ni Coach edi sana kanina pa siya tumba dito sa court. Ang makitang siya yung kasama ni Krimi sobrang nakakagigil na, ngayon pa kayang sinasadya niya akong mapaupo sa court ng ilang beses?
Sa paglalaro, hindi mo kailangang dalhin sa loob ng court yung emosyon mo galing sa labas ng court mismo
Tama si Coach. Hindi ko dapat dinadala yung emosyon ko dahil apektado ang paglalaro ko.
Bago naubos yung oras ay nagcall ng timeout si Sir Coach. Nalamangan kami ng kalaban at alam kong pansin din nila na ako yung puntirya nila dahil ilang beses akong binangga ng kalaban namin.
"Bach, dito ka na muna papalitan ka--" hindi ko pinatapos si Coach sa dapat na sasabihin niya.
"Hindi, kaya ko pa. Ipapanalo natin to." Buo ang loob na sabi ko sa kanilang lahat.
"Sure ka? Feeling ko kasi ikaw talaga puntirya nila, kanina ka pa nila sinasadyang ipaupo sa sahig e." Ramdam ko yung inis ni Captain habang nagsasalita siya.
Sino nga ba kasing matutuwa dun. Kahit naman ako sobrang naiinis na rin.
"Pramis kaya natin to ipanalo. Basta hindi ako aalis sa laro." Paninigurado ko sa kanila at sumang ayon sila sakin.
Pagkatapos nun ay nagplano kami ng teknik tsaka mga gagawin namin para manalo. Sinabihan kami ni Sir na mag-iba ng mga taong babantayan at nag-iba rin yung mga puwesto namin.
Nagsimula na ulit yung laro. Sinunod namin yung plano ni Sir. Pumuwesto kami dun sa lugar na inassign samin at mga taong dapat na babantayan namin.
At dahil sa pagsunod namin sa sinabi ni Sir, nanalo kami. Sa palagi kong pagtres, oo panalo nga kami. Kitang kita ko yung saya sa mga mata nung mga kateam ko. Tuwang tuwa sila sakin syempre kasi ako yung madalas na tumitira ng bola. Nung matapos yung laro ay nagsalubong ulit kami nila Harley. Matalim siyang tumingin sakin tsaka siya nagsabi ng congrats. Ramdam kong labag sa loob niya ang pagsabi nun.
Hindi ko namalayan na biglang sumulpot si Taky sa gilid ko. Yumakap siya at nag-congrats din. Ngumiti lang ako sa kanya saka siya kumalas sa yakap. Nagpunta din siya sa ibang kateam ko. Sa di inaasahan, biglang nahagip ng mata ko si Krimi na nakangiti sakin. Bahagya akong nagulat dahil pareho pala kaming nakatingin sa isa't isa.
Ngumiti din ako sa kanya. Nakita ni Taky yung tinginan namin ni Krimi. Lumapit siya samin ni Taky. Mas nakita ko ng malapitan ang mukha niya.
Grabe, sobrang namiss ko siya.
"Congrats sa grupo mo Third." Nakangiting bati niya na nagpangiti sakin.
"Salamat." Simpleng sabi ko.
"Hi Taky." Baling naman niya kay Taky na nasa tabi ko.
"Hi Krimielly, long time no see. Kamusta?" Reply ni Taky sa kanya.
"Okay lang--"
"Krimiel! Tara na!" Sigaw ni Harley dahilan para matigil si Krimi sa sasabihin niya.
"Sorry. Kailangan ko ng umalis. It's nice to see you again Taky, Third." Malungkot niyang paalam saka siya umalis sa harapan namin.
"Ano Thirdi? Siya pa rin ba kahit na may iba na siya?" Tanong ni Taky sakin pero di ko sinagot.
"Tama na Taky. Ayokong pag-usapan." Tumahimik na siya tsaka niya ako iniwan dun sa puwesto ko. Pumunta siya sa iba ko pang kasama.
Masakit man aminin, pero oo. Siya pa rin yung taong gusto ko nuon pa man, siya pa rin yung gusto kong mahalin kahit na may iba ng nagmamay-ari sa puso niya ngayon.
Krimielly pa rin ang pangalan ng taong mahal ko na iniwan na ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro