Chapter 1 ❤️
° Chapter One:
First Day, First Trouble? °
Brianna's POV
"Leya! Babyy bumangon ka na dyan."
Nagising ang diwa ko dahil sa pag-aalog ni Mommy sa kama ko. Ang lakas ng boses kaaga aga.
"Mommy Ma... Mamaya na. 5 mins pa." Mahing sabi ko habang nakapikit ang mga mata ko.
"Baby! Anong oras na! Papasok ka na ngayon sa bagong school mo." Patuloy akong ginising ni Mommy.
Kahit na tinatamad pa ako ay bumangon na ako at pinahinga yung sarili. Pagkatapos ay naligo na ko.
At nang matapos akong mag-ayos ay bumaba na ako for my breakfast.
At pagkapasok ko sa kusina ay kaagad kong hinanap si Mommy at nakita ko naman siyang naghahanda na ng pagkain.
Tiningnan ko ang wall clock sa kusina namin. Napalaki ang pareho kong mata dahil sa nakita ko.
"Mom! Anong oras na. Late mo na ako nagising." Pagmamadali ko saka ko binilisan ang pagkain ko.
"Oh. Hinay lang baby bakit ka ba nagmamadali dyan."
"E Mom? Around 7 na po sobrang late ko na sa school." Stress kong sabi na tinawanan ni Mommy. Nagtaka naman ako.
"Leya, bago na school mo today at ibang iba yung schedule nila dito. 8am pa ang umpisa ng klase mo. Take your time baby. Mabubulunan ka nyan." At tuluyan nga akong nabulunan dahil sa sinabi ni Mom. Binigyan agad ako ni Mommy ng tubig.
Onga pala bago na yung school ko. New environment ulit, hayst.
"Oo nga pala! E saan pala yung bagong school ko Mom?" Takang tanong ko. Umupo naman siya sa tabi ko.
"Ihahatid kita dun mamaya kaya bilisan mo ng kumain at magsepilyo." Tumango nalang ako sa sinabi ni Mommy.
Pagkatapos kong kumain at magsepilyo ay inayos ko ang mga gamit ko sa bag. Sinadya kong konti lang ang dalhin kong gamit kasi first day ko palang at mamaya pa sakin sasabihin yung mga needed sa school.
"Mom! Alis na po ako." Paalam ko kay Mommy pero pinigilan niya ako.
"Teka ayaw mo bang magpahatid? Baka maligaw ka baby." Malambing na tanong ni Mom sakin. Nginitian ko lang siya at tumango.
"Mom. Kaya ko na po. May google maps naman hihiz! Bye po." Nakangiting sabi ko.
"Okay baby. See you later." Napilitang ngumiti si Mommy sakin.
Nilapitan ko siya at binigyan ng yakap. "Don't worry about me Mom. Pramis, makakarating ako sa school." Ngumiti lang ulit si Mommy sakin at hinayaan akong umalis ng bahay.
Thanks to google maps dahil napadpad nga ako sa school. Agad akong pumunta sa Guidance office para malaman ang section ko dahil nga sa BAGO LANG AKO DITO.
May binigay sila saking mga papel. Ay actually, forms ko ito kaya nila binigay. Tiningnan ko kung nakalagay ba dito ang section ko at hindi nga ako nagkamali.
Building 3, ROOM 215 ; Section 1 - Venus
Kailangan ko itong hanapin. Tiningnan ko ang mga building, Building 3? Ahmm.
Pagkalabas ko ng office ay kinuha ko muna ang bisikleta ko na nasa bike rail. Itong bike na to ang ginamit ko para makapasok dito. Medyo malayo kasi itong school sa bahay namin kaya ayon imbis na mag-kommute eh bike nalang tipid pa diba? Saka nakita ko din na pwedeng magpark ng bike dito sa school kaya okay lang. Hindi naman kasi kami mayaman pero masasabi kong maykaya ang pamilya namin. May isa kaming kotse at iyon ang ginagamit ni Daddy sa trabaho niya. Si Mommy naman saka na daw siya bibili kapag nakaipon na daw siya. Eh ako enjoy naman sa biking kaya okay lang kahit bisikleta lang ang meron ako. Atlis meron.
Kasalukuyan akong nagbi-bike sa malawak na court ng school na to. Nung biglang may magtangkang harangan ako. Hinarangan ako ng mga tatlong hindi ko kakilalang lalaki. Kamuntikan ko na nga silang mabangga eh kung di ko lang nailiko ang bike ko.
Sheyt. Ang sakit.
Hindi ko alam na nagasgasan ako dahil sa pagkakasemplang ko. Napatayo nalang ako saka inis na humarap sa mga lalaki.
Sino ba tong mga to? Kung hindi nila ako hinarangan edi sana hindi ako sumemplang at sana! Wala akong sugat ngayon. Argh!
"Bago ka?" Nakangising tanong ng isa sa mga lalaking humarang sakin kanina. Pero imbes na sagutin ko ang tanong niya ay sinamaan ko siya ng tingin.
Pesti kayo. Dahil sa inyo nagasgasan ako! May dugo tuloy.
"Hey! What's with that eyes?!" Biglang sabat naman ng isang nakasalamin na lalaki.
Gusto ko sanang umiwas kasi first day palang at ayaw kong magkarecord sa guidance office. At ang malala pa, tatlo sila eh isa lang ako anong laban ko dito?
Hindi. Hindi. No way. Kailangan di ako papatalo anoh. Bullies sila kaya dapat sila maparusahan and not me.
Pero nagulat ako nung bigla nilang kinuha yung papel na hawak hawak ko. Binasa nila iyon at doon nalaman nilang bagong transfer ako sa school nato.
"Huy! Ano ba?!" Reklamo ko sa kanila pero waepek.
Tinatawanan lang nila ako habang ako ay parang tangang kinukuha sa kanila yung forms ko.
Nakatitig lang ako sa kanila hinihintay kung ano ang susunod na gagawin nila. Wala naman kasi akong magawa eh. Nakakainis.
Nakita kong ngumisi ang isa pa nilang kasamang lalaki.
Oh No!
"Ibigay niyo na nga sakin yan!!" Inis kong sigaw sa kanila pero tinatawanan lang nila ako.
Tsh! Bullies!
"Hmm... Kung maabot mo ito, ibibigay ko sayo." Nakangising sabi pa nung kumuha ng mga form papers ko.
At dahil sa SIYA yung matangkad ay bigo kong abutin ang mga papel.
Pesti.
Nung di ko na inaabot yung mga papel slash! Forms ko ay ibinigay ni Kuya matangkad ke Kuyang nakasalamin yung mga papel.
At nung binigay na ito ni Kuyang matangkad ay bigla na lang niyang itinapon ang mga papel sa ere.
Kakainis naman, pupulotin ko pa isa-isa yan!!
Sinamaan ko agad ko sila ng tingin ngunit...
?!!
Pero nagulat ako nung bigla nilang kinuha yung bag ko.
Putek talaga oh!! Pati ba naman bag ko?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro