Chapter 30
Sa loob ng villa ni Garet, naglalakad-lakad si Yuri habang inaayos ang kanyang maleta. Ilang oras na lang at aalis na siya papunta sa Coron, Palawan para sa shooting ng pelikula niya.
Nakaupo naman si Garet sa gilid ng kama, nakakunot ang noo habang pinapanood ang kasintahang abala sa paghahanda.
"Babe, are you sure you don't want me to come with you?" tanong ni Garet, nakasandal ang siko sa tuhod habang pinagmamasdan si Yuri.
Napatingin si Yuri sa kanya at tumigil sandali sa pag-aayos ng damit. "Garet, sinabi ko na sa'yo, trabaho 'to. Hindi bakasyon. Hindi ako makakapag-focus kung nandiyan ka."
Nag-angat ng kilay si Garet. "I promise I won't be a distraction. I just want to be there for you. You know how much I hate being away from you."
Lumapit si Yuri sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. "Alam ko, love. Pero kailangan kong gawin 'to mag-isa. Ayoko namang isipin mo na dinadala kita kahit sa trabaho ko. Anong masasani ni direk?"
Humugot ng malalim na hininga si Garet bago hinawakan ang kamay ni Yuri. "At least let me visit you. Just for a few days. I won't disturb your work, I swear."
Ngumiti si Yuri at umiling. "Tingnan natin, ha? Kapag may free time ako, ikaw ang unang tatawagan ko. Pero please, stay here muna."
Tumayo si Garet at niyakap siya nang mahigpit. "Fine. But you owe me a lot of calls and video chats, okay?"
Tumawa si Yuri. "Oo na. Tatawagan kita palagi."
"I hate this being vocal..." mahinang usal ni Garet sa sarili pero narinig siya ni Yuri.
"Hmm, hindi ko nga alam na napaka-super clingy mo palang boyfriend..." tudyo pa ni Yuri sa kaniya.
"Of course, I'm into you... a hundred percent."
"Wow ha."
"I mean it."
"Hmm, sige na na, kiss mo na ako, dali!" tudyo ulit pa ni Yuri sa binata pero imbes na lumapit ay hinapit ni Garet ang kanang braso niya kaya nag-landing siya sa kandungan nito.
Their eyes met. Kaya hindi maiwasan ni Yuri na hindi makuryentehan sa bolta-boltaheng naglalakbay sa kaniya.
Garet stare her eyes down to her soul.
"Hoy, nakakatunaw naman 'yang tingin mo..." biro pa niya pero nanatiling seryoso si Garet.
Eventually, Garet cupped her small face just to kiss her lips. Nag-panic si Yuri nang maramdamang lumalalim ang halik na iyon, ni hindi na nga niya alam kung saan siya humuhugot ng lakas ng loob para tugunan iyon. She moved her mouth as if she wants Garet's tongue enter hers.
She closed her eyes that time nang maglakbay ang kamay ni Garet sa kaniyang kurba. Napasinghap siya.
She's packing her things! Right! Stop it now! Iyon ang nasa utak niya sa sandaling iyon.
Garet's mouth is now serving her neck.
"G-Garet... I have to go."
Sa sandaling iyon ay nagbalik sa katinuan si Garet.
"Right... I forgot."
***
Nakahawak si Garet sa kamay ni Yuri habang naglalakad sila papunta sa check-in counter. Halata sa mukha ni Garet ang lungkot, pero hindi niya kayang pigilan si Yuri sa pangarap nito.
"Are you sure you have everything? Passport, ticket, script?" tanong ni Garet habang sinusuri ang bitbit na backpack ni Yuri.
"Yes, love. Hindi ko makakalimutan 'yan, promise," sagot ni Yuri, pinisil ang kamay niya.
Napahinto si Garet at marahang hinila si Yuri sa tabi. "Come back to me soon, okay?" bulong niya habang hinahaplos ang pisngi ni Yuri.
Napangiti si Yuri, hinawakan ang magkabilang pisngi ni Garet at masuyong hinalikan ito sa labi. "Babalik ako agad. Baka nga ikaw ang hindi makatagal na hindi ako makita."
Garet smirked. "I bet you'll miss me more."
"We'll see about that," pabirong sagot ni Yuri.
Nang tawagin na ang flight niya, muling niyakap siya ni Garet nang mahigpit. "Take care, love. Call me when you land."
"Oo, tatawag ako. Mahal kita, Garet."
"I love you more, Yuri."
At sa huling sulyap ni Yuri bago siya lumakad papunta sa departure gate, nakita niya si Garet na nakatayo pa rin, nakatingin sa kanya na parang ayaw siyang pakawalan.
Pagkababa ni Yuri sa paliparan ng Busuanga, agad niyang hinugot ang cellphone at tinawagan si Garet.
"Love, nakarating na ako. Safe and sound," ani Yuri habang hinihintay ang service na susundo sa kanya.
"Good. How's Coron?" tanong ni Garet sa kabilang linya.
Napatingin si Yuri sa paligid—ang malinaw na asul na langit, ang berdeng bundok sa di kalayuan, at ang simoy ng hangin na may halong alat ng dagat. "Ang ganda dito, Garet. Sana makita mo rin."
"I wish I was there with you," malambing na sagot ni Garet. "But for now, just send me lots of pictures, okay?"
"Yes, yes, alam ko na! Tatawagan kita mamaya pagdating ko sa hotel."
Pagkatapos ng tawag, sumakay na si Yuri sa van na naghihintay sa kanya at dumiretso sa resort kung saan sila mag-i-stay habang nagsu-shooting.
Kinabukasan, maagang nagtipon ang buong production team sa isang magandang beach para sa unang araw ng shooting. Nakasuot na ng costume si Yuri at handa nang gampanan ang kanyang papel.
Habang abala sa pag-aayos ang staff, biglang may tumakbong babae papunta sa kanya.
"Yuri!!!" sigaw ng isang pamilyar na tinig.
Napalingon si Yuri at nanlaki ang mata nang makita ang kanyang matalik na kaibigan na si Jenna.
"Jenna! Oh my God!" sigaw din ni Yuri bago mabilis na niyakap ang kaibigan. "Bakit hindi mo sinabi na nandito ka rin?!"
"Gusto kitang sorpresahin! Kasama ako sa supporting cast, girl!" masayang sagot ni Jenna habang tumatawa.
"Ang saya naman! At least, may kakampi ako rito!" sagot ni Yuri, tuwang-tuwa sa hindi inaasahang pagkikita nila.
Nakangiti lang si Jenna habang pinagmamasdan si Yuri. "You're glowing, girl. Iba 'yung aura mo ngayon. Hmmm... Love life?"
Natawa si Yuri at umiling. "Garet," sagot niya ng may kilig.
"Ah-ha! Alam ko na! Kaya ka blooming!" biro ni Jenna.
Napailing na lang si Yuri habang tinutulak ng mahina si Jenna. "Tara na nga! Magsisimula na 'yung shooting."
"Hoy! teka lang... i-chika mo naman sa'kin, ano na?"
"Ha?"
"Ano na? Naka-score na ba siya?"
"Psst! Tumigil ka nga!"
"Hala siya! Ikaw ha, teka nga..." habol pa ni Jenna sa kaniya dahil binilisan ni Yuri ang paglalakad.
Natawa nalang si Yuri that time dahil ramdam niyang ganado siya sa trabaho ngayon, hindi maiwasan ni Yuri ang makaramdam ng saya at excitement.
Bagamat nasa malayo siya kay Garet, alam niyang susuportahan siya nito. At higit sa lahat, alam niyang may isang kaibigan na kasama niya sa panibagong paglalakbay na ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro