Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Alas dose y medya na ng oras na iyon sa opisina ni Garet, nakaupo siya sa kanyang mesa habang pilit na nagpopokus sa mga dokumentong kailangang tapusin. Ngunit sa kabila ng tahimik na ambiance ng kanyang silid ay alam niyang hindi magtatagal ang katahimikan. Ang araw na ito ay tila puno ng distractions at challenges, idagdag pa ang headache mula sa hang-over na parang mas lumala dahil sa sinabi ni Margaret sa kaniya.

Biglang bumukas ang pinto nang walang paalam. Bumungad ang isang masayahing babae, si Yuri, hawak nito ang isang paper bag na halatang may lamang pagkain. Naka-jeans ito at simpleng blouse lang siya, ngunit ang kanyang ngiti ay parang kayang punuin ang buong opisina ng enerhiya.

"Margaret! Andito na ako!" malakas na sabi ni Yuri habang naglalakad papunta sa mesa ng kapatid niyang si Margaret, sa dulo naman ang desk ni Garet at kasalukuyang abala sa isang report. Narinig din nito ang boses ng dalaga. Kaya kinabahan siya. Mabuti na lang talaga at may division ang office niya s desk ni Margaret.

Napatingin si Margaret sa kapatid at bahagyang nairita. "Ate Yuri, ano ba?! Bakit ka nandito? Sinabi ko na doon ka lang sa lounge area!"

Ngunit walang pakialam si Yuri. Itinaas niya ang hawak na paper bag. "Dinalhan kita ng lunch! Baka nakakalimutan mo nang kumain dahil sa sobrang busy mo. Kailangan mong kumain, Margaret!"

Hindi napigilan ni Garet na mapatingin sa dalawang babae mula sa kanyang mesa.  Ayaw niyang magpahalata sa oras na iyon. Gayundin ang pagkabigla ni Yuri dahil sa presensya ni Garet.

"Ate Yuri, umalis ka na. Salamat sa lunch, pero kaya ko naman 'to, salamat sa paghatid," sagot ni Margaret habang pilit na inaabot ang bag mula sa kapatid.

Ngunit sa halip na umalis, naupo si Yuri sa isa sa mga upuan sa harap ng mesa ni Garet at lumingon sa kanya. "Margaret, tungkol sa boss mo? Bakit hindi mo pa ako ipinapakilala?"

Nagulat si Margaret at mabilis na lumingon kay Garet, na halatang nagkukunwaring abala sa kanyang laptop. "Ah, eh, hindi na kailangan, Ate Yuri. Busy siya. Huwag mo na siyang abalahin."

Ngumiti si Yuri, halatang hindi siya naniniwala. "Naku, ang damot mo naman. Gusto ko lang namang makilala ang boss mo. Baka naman suplado?" narinig ni Garet na sabi ni Yuri. Wala pa rin itong alam na siya ang boss ni Margaret.

Bahagyang napasimangot si Garet, ngunit hindi niya inangat ang kanyang ulo mula sa laptop. Ayaw niyang magbigay ng kahit anong dahilan para lalong maging interesado ang dalawa.

"Ate Yuri, please. Umuwi ka na. May trabaho ako," sabi ni Margaret habang pilit na tinutulak ang kapatid palabas.

Ngunit nanatiling nakaupo si Yuri at tumingin ulit sa opisina ni  Garet, kung saan may division na pinto. Nakaawang iyon kaya alam ni Yuri na naririnig nito ang sinasabi niya. 

"Gusto ko lang naman makilala ang boss mo, Margaret."

"Naku, ate, baka pagalitan ako ni Sir. Sige na please."

"Just a second..."

Ilang sandali pa ay hindi na napigilan ni Garet na tumayo mula sa kaniyang swivel chair. Unti-unti niyang tinungo ang pintuan at hinarap ang desk ni Margaret. Ganoon ang pagkabigla ni Yuri nang makita ang mukha nito.

"Ikaw ang boss ng kapatid ko???"

Napilitan si Garet na itaas ang kanyang tingin at magbigay ng maikli, pormal na sagot. "Yes, I am. Nice to meet you, Yuri." 

Napaawang ang bibig ni Yuri sa sandaling iyon. Si Margaret naman ay nalilito dahil sa reaksyon ng ate niya.

"Uhm, magkakilala ba kayo ni Sir, Ate?"

"Yes, we are." Sabi naman ni Garet.

"No, hindi ko siya kilala." Pagtanggi ni Yuri.

"Oh, I guess you're right. Kamukha mo kasi ang kakilala ko." Sabay naman ni Garet kay Yuri.

"Well, baka kamukha ko nga lang yun, Sir. Napaka-common kasi ng mukha ko. Sorry pala sa abala. Nice to meet you, Sir..."

Halos mamilipit si Margaret sa hiya. "Ate Yuri! Ate ! Tumigil ka na at umuwi ka na nga!"

Napatigil si Yuri at ngumiti nang may hapdi sa labi. "Bakit naman? Mukhang mabait naman si Sir Garet. Hindi ba, Sir?" Mapanuyang saad niya rito.

Napapikit si Garet at pilit na inipon ang kanyang pasensiya. Tumikhim siya at tumingin kay Yuri. "Margaret is right, Yuri. This is a professional environment, and she's quite busy. Perhaps you should let her focus on her work." 

Nagtiim-bagang siya. Iyon ang tanging paraan para mapaalis niya ang dalaga.

Napahinto si Yuri at bahagyang napaisip, ngunit sa halip na tumigil, lalo lang siyang naging makulit. "Ang seryoso naman dito, Sir! Hindi ba puwedeng konting fun lang? Nakaka-stress kaya ang laging trabaho..." Dagdag pa nito.

"Ate Yuri, please," mariing sabi ni Margaret habang pilit na hinahatak ang kapatid. "Umalis ka na! Ayaw kitang masermonan ni Sir Garet!" Margaret is obviously concerned that time.

Napatingin si Yuri kay Garet at ngumiti. "Siya? Sermonan ako? E mukha naman siyang chill na boss. Hindi ba, Sir?"

Nagtaas ng kilay si Garet at hindi sumagot. Sa halip, bumuntong-hininga siya. "Excuse me, I need to step out for a moment." Dumiretso siya sa pintuan at mabilis na lumabas ng opisina at iniiwan ang magkapatid. Alam niyang paraan ito ni Yuri na ipakita sa kaniya na she's upset!

"Ayun! Tingnan mo 'yang ginawa mo, Ate Yuri! Napalabas mo tuloy si Sir!" sabi ni Margaret, na ngayon ay namumula sa hiya at inis.

"Anong ginawa ko? Wala naman akong ginawang masama! Friendly lang naman ako," sagot ni Yuri habang nagtutunog inosente.

"Hindi siya nakikipag-usap sa 'yo dahil busy siya! Ate Yuri, please, huwag mo nang ulitin 'to. Ayoko ng gulo sa trabaho," pakiusap ni Margaret.

Tumayo si Yuri at ngumiti. "Fine, fine. Pero, seryoso, tama nga ang sinabi mo, he is wicked.  Kulang siguro siya sa aruga, at kung ako ang tatanungin mo, baka siya ang sisira sa buhay mo, kaya h'wag kang papayag na ikasal sa kaniy—"

"Ate Yuri, tumigil ka na!" singit ni Margaret bago pa matapos ang sinabi ng kapatid.

Habang nag-uusap ang dalawa, si Garet naman ay nakasandal sa pader sa hallway, pilit na humihinga ng malalim para kalmahin ang sarili. "Why do I always attract the chaos?" tanong niya sa sarili bago bumalik sa opisina matapos masiguradong tapos na ang eksena sa loob.

Pagbalik niya, tumingin siya kay Margaret, na ngayon ay halatang na-stress din sa nangyari. "Margaret, please make sure your visitors follow protocol next time. This is a workplace, not a social hub."

Tumango si Margaret, halatang nahiya. "Pasensya na po, Sir. Hindi na po mauulit."

Ngumiti nang bahagya si Garet, ngunit hindi niya napigilan ang mapailing. "Let's hope so."

Sa huli, tahimik nang bumalik si Garet sa kanyang mesa, habang si Margaret naman ay nagdesisyon nang itago ang pagkain na dinala ni Yuri. Alam niyang hindi matatapos ang araw na ito nang walang leksyon mula sa nangyari.

Sa kabilang banda naman ay, mabilis na umalis si Yuri sa loob ng building. Parang gusto niyang manapak that time. Hindi niya alam kung bakit naiinis siya sa sarili, the moment na malaman niyang si Garet ang sinasabi ni Margaret na boss nito.

"That moron!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro