7. Be strong
Eva
.
"Here, Eva. That's for you."
Inabot ni Vansel sa akin ang isang supot na kung saan sa tingin ko ay pagkain ito.
Maaga ako kanina umalis sa dormitoryo. Hindi ko na naabutan si Vansel. Alam ko naman na madalas ay naabutan ko siya dahil nakaabang siya palagi sa daanan ko. Palagi niya akong binibigyan ng pagkain sa umaga.
"Salamat." Ngumiti ako, hindi sa kanya, kung 'di sa babaeng kasama niya. Si Desiree.
"By the way, are you free later tonight? May after party mamaya sa bahay ng classmate namin. I told them that I would take you with me."
Kumurap ako. Nakatitig si Desiree sa akin at seryoso.
"I-I don't think I can join you, Van. . . May gagawin kasi ako, bali study group namin."
Kahit naman na walang study group ay magsisinungaling ako ano! I don't want to join them. I don't know his friends, and I doubt if I am welcome there.
Iba si Desiree makatingin sa akin. Siya palagi ang kasama ni Vansel, at close ang dalawa. Mukhang crush nga niya si Vansel sa tingin ko.
Feeling ko lang! Pero mukhang totoo.
"I see. . . That's alright. I will catch up with you later soon, and if not, tomorrow."
"Okay. . . Thank you ulit nito."
Ako na ang kumaway. Ako na ang umalis.
Pakiramdam ko parang binagsakan ng langit ang balikat ko sa lahat ng problema. May up-coming study case kami, at survey. Kailangan ko ng pera, pero wala ng laman ang savings ko. Due ko sa bayad sa renta ngayong linggo, at sa susunod na sampung araw pa ang sweldo ko.
Kahit anong klaseng math at ethics ay wala talaga! Walang maghihimala.
I FOUND MYSELF staring at the lavish door of the Rampage Rock Bar. It's closed during the day and opens at seven in the afternoon every day. I tilted my head and sighed as I surveyed the building.
Subukan ko kaya? Pero kakayanin ko ba? Hindi naman yata masama ito ano? Hay naku! Ang gulo.
Umalis na ako at nagtungo sa ikalawang shift na trabaho. Maaga rin natapos at ang ending ay sa dormitoryo ako.
Malakas ang musika ni Tricia at napansin ko kanina ang tatlong lalaki na labas pasok sa unit niya. Nakakainis nga! Dahil sa tuwing lalabas ako, ay nakatitig ang mga lalaki na humihithit ng sigarilyo sa labas ng unit niya. Kapatapat lang iyon ng pinto ko. Wala namang bawal sa pagsisigarilyo rito. Pero mali pa rin! Hindi dapat nagsisigarilyo ang mga batang ito rito.
30,000 . . . Hindi na masama.
Paulit-ulit ito sa utak ko habang nakatitig sa screen ng laptop ko ngayon. May limitasyon sa hiring at hanggang ngayong araw lang din. Kung hindi ako mag-a-apply, ay ano pa ba ang gagawin ko? Kulang na kulang ang pera ko.
I hit the send button, and my resume was sent online.
That's it. I will try it. I have no choice. I need to survive.
"Ayan na naman ang The King mo. Serve him with love. . ." Gumuhit puso ang bibig ni Emelda at bahagya akong natawa. Kinindatan ko na lang ang bruha.
"Good morning, Mr. Grayson, Sir. How's your morning?"
Iniba ko ang tuno ng pangungumusta ko sa kanya. Hindi na kailangan na magkunwari ako sa ngiti, dahil totoo naman ang bawat ngiti na pinapakawalan ko sa kanya ngayon.
"Good, now that I see you, Miss Eva." He gave me a flirty smile, and that melted my stupid heart.
Polido, malinis, gwapo at mabango. Ano pa ba ang kulang sa kanya? Wala na. Perfect na perfect siya sa mga mata ko. At kahit na medyo matanda siya sa akin, ay alam kong paborito siyang tingnan ng lahat ng mga babaeng customer dito.
Ba't ba kasi hanggang macchiato lang siya? Ba't hanggang ngayon ay hindi pa rin niya hinihingi ang numero ko? Ano pa ba ang kulang? Eh, halata naman na type niya ako. Iba siya makatingin eh... tingin na parang hinuhubaran ako.
"I will make your macchiato truly special today, Mr. Grayson." I raised an eyebrow while he pursed his lips, his gaze fixed on mine as he licked his lips.
Dang it! See that? We are flirting. . . really, really, flirting.
Nakakainis. Hindi naman ako pakipot pagdating sa kanya dahil alam kong mabuti siyang tao.
Mapagbigay siya. May ginto siyang puso. Hindi lahat ng lalaki ay kagaya niya. Iba siya. . .ayaw ko na sa mga lalaking kasing edad ko!
Look at what happened to me and my bastard ex? He's an absolute jerk! Immature. Red flag sa simula pa lang, pero ako kasi si tanga, kaya heto, walang pera, at mas mahirap pa sa daga!
"Here's your macchiato, Mr. Grayson. . . Be careful. It's hot." I bit my lower lip as I smiled at him, and his eyes hoovered into my breast.
Shit. Dang it! He is the only person who gives me a crawling sensation right through my core. It melts me. His presence strikes me.
"Thanks, Eva."
And that's it. . . in the same old routine. Umaalis na hindi hinihingi ang numero ko at nagpapalandian lang kami pareho.
Umalis agad ako sa counter at natatawang tinanaw siya habang tumatawid. Binibilang ko ang hakbang niya, hanggang sa marating niya ang palikong eskinita, at saka, itinapon ang macchiato na gawa ko.
"He really hates my macchiato!" Lakas na halakhak ko.
"And that makes you happy?" Ang boses ni Emelda ito. Nasa tabi ko na siya at alam kong nakita rin niya ang pagtapon ni Sebastian sa macchiato sa basurahan.
"Yes. That's makes me happy!" I flicked my hair and moved back to the counter.
"Baliw ka na," pahabol niya.
"Eh, sa talagang nakakabaliw siya eh. Don't worry, babalik iyon bukas. Hindi iyon magsasawa sa macchiato ko. Promise," pagmamayabang ko. Napailing na lang si Emelda sa kabaliwan ko.
"Ang saya nito. Si Sebastian lang ang nagpapasaya sa umaga ko."
-
No retreat, no surrender. Nakakakaba man ay hindi ako aatras sa sinimulan ko.
One day, I will be a lawyer. I must stand firm to advocate for my clients. I need to have faith and confidence in myself. I must remember that I am pursuing this for my future.
Yes, I'm doing this for myself because no one will help me except me.
"Evangeline Grace Serino?"
Isang magandang babae na sa tingin ko ay siguro limang taon ang tanda sa akin. Manipis ang katawan niya, pero busog ang dibdib. Medyo kulot ang mahabang buhok, maputi, matangos ang ilong, at hugis puso ang pulang labi.
Tumayo ako. Walang ibang aplikante rito maliban nga lang sa akin.
Dumapo ang mata niya sa paa ko pataas sa mukha. Ngumiti siya, kaya ngumiti rin ako sa kanya.
Napaisip ako. Ano kaya ang trabaho niya rito? Server? Entertainer?
"This way, Eva."
Sumunod ako sa kanya, at tahimik kong pinagmasdan ang paligid.
Halos itim ang entrada ng bar, at minipis lang ang pinto. Hindi mo akalain na parte ito ng gusali. Siguro dalawang dipa lang ang lawak ng hallway, at saka bumungad sa mga mata ko ang kwarto-kwartong pinto.
"Maupo ka lang muna. May ini-interview pa si Madam."
Itinuro niya ang upuan at saka umalis. Puno ng kaba ang puso ko. Gusto kong umatras, pero huli na dahil nandito na ako.
Tama ba itong ginagawa ko? Oo, tama, Eva. Tama lang din ito.
Ako lang din ang sumasagot sa tanong ko. Ang hanep talaga. Kinakausap ko na ang sarili ko.
This is it... be strong, Eva. You can do this.
.
c.m. louden
Always vote for support. Thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro