52. Gay
Eva
.
I'm feeling nervous today.
Ito yata ang unang pagkakataon na makilala ko ang buong pamilya ni Sebastian. Kinakabahan ako at hindi ako mapakali sa sarili. Alam ko naman na balang araw ay mangyayari ito. Ilang beses na rin na gusto ni Sebastian na ipakilala ako sa mga magulang niya at kapatid, pero hindi pa ako handa. Ngayon lang ulit ako naglakas loob na pumayag sa gusto niya.
My bruise is fading now. There's not much to it, but you can stilln see the marks. The cut was still there, and I just covered it with a light bandage.
"Relax, baby. Come here. . ." He hugged me tightly. "Don't be scared. I'm with you."
"I know..." I smiled, feeling a little better now.
Bumukas ang magarbong pinto ng bahay ng mga magulang ni Sebastian. Malayo ito sa syudad at walang kapit-bahay. Nasa gitna ng hecta-hectariang lupain na napapalibutan ng mga magagandang halaman at malalaking puno. Malawak ang harden at may sarili silang golf course sa mismong paligid.
"Sebastian, hijo, anak. . ."
Yumakap ang Mama ni Sebastian sa kanya at umayos akong lalo. Hindi na ako makangiti nang maayos at parang natutunaw ako sa harapan nilang lahat ngayon.
Sebastian's mother was dressed formally. She looks stunning, like a first lady of the country. Sebastian's father is what I expect him to be. Well, polished even at his age and prominent even in the way he smiled at me.
"Welcome to our humble abode, Attorney Serino." Inilahad ng Papa niya ang kamay at saka tinangap ko ito. May konting pisil ang dala ng kamay niya. Mas lalo tuloy akong kinakabahan ngayon.
His mother looked at me from head to toe and back, giving me her limited smile, of course.
"Hi, po..." Hiya akong ngumiti sa kanya. Hindi siya naglakad ng kamay at wala rin balak na maki beso-beso.
"It's finally nice to meet you, Eva!" Galak na boses ni Martha, siya ang kaisa-isang kapatid ni Sebastian. Niyakap niya ako.
"My God, you are so beautiful..." Titig niya sa mukha ko at huminto ang mga mata niya sa kung nasaan ang bandage ko sa noo.
"You are much beautiful, Martha. Nothing compares to your beauty."
"Oh, thank you." Kumurap siya sa akin, at tumikhim habang nakabaling ang tingin niya sa katabi. . . si Vansel.
"Hi, Eva... How are you? I'm glad to see you again."
Agad na yumakap si Vansel sa akin at natulala ako sa sarili. Kumurap ako nang makailang beses at napatingin kay Sebastian na nasa harapan namin.
Sebastian just nodded a little bit and sweetly smiled at me.
"I'm sorry for everything, Eva. What I did in the past was unforgivable. I hope you will forgive me," he whispered and then let go of our hug.
"It's alright...kalimutan mo na. Wala na iyon." Ngumiti ako pabalik at napatingin ako sa babae na nasa likod niya. May bitbit itong bata.
"This is my live-in partner Matilda." Vansel introduced her to me and their cute little baby.
The dining table was perfectly arranged. It's a long table adorned with plenty of items. The surface is old rustic oak wood topped with clear glass. Classic decorations included fresh red and white tulips, complemented by fairy lights strung around.
Medyo distansya rin ang pagkakaupo ng lahat. Nasa dulong kubyerta ang ama ni Sebastian at sa kaliwang bahagi nito ay ang Mama niya. Nasa gitna si Martha at kaharap niya sina Vansel at ang ka partner niya. At si Sebastian naman ay nasa dulong kuberyeta at nasa kanan niya ako. Magkaharap si Sebastian at ang Papa niya.
The discussion focused not on politics or business specifically, but rather on current events affecting them.
Bawal pag usapan ang negosyo at politika kung nasa hapag sila. Ito ang sinabi sa akin ni Sebastian. Ito raw ang isa sa mga golden rule ng ama niya.
"When are you getting your parents to join us, Eva? I would love to meet them," ang Papa ni Sebastian sa akin.
Napalunok ako. Medyo sumabit ang kanin sa ngalangala ko.
"P-Po? Uhm, hindi ko pa nakakausap si Mama..."
"I will visit Eva's mother these coming days, Papa. Don't worry. I have my plan already."
Tumango ang Papa ni Sebastian at ngumiti lang ako.
"What about your father?" ang Mama ni Sebastian sa akin.
"Matagal na pong patay ang Papa ko. Highschool pa lang po ako noong nawala siya..." pait na ngiti ko.
"Oh, sorry to hear that." Nag-iwas agad siya nang tingin sa akin. Ininom lang ang tubig.
"How many siblings do you have, Eva? And what does your mother do?" ang Mama ni Sebastian ulit.
Sabi ko na nga ba. Talagang gigisahin ako sa gabing ito. Inaasahan ko na.
"May kapatid po akong lalaki. Civil Engineer na po siya... si Mama naman po ay nasa Alegria. Wala na po siyang trabaho. Pinahinto na po namin ng kapatid ko. Nag aalaga na lang po siya ngayon ng mga manok at inaaliw ang sarili sa mga halaman."
"Oh, I see. . ." tumaas ang kilay niya at saka hindi na ulit ako tinitigan.
Marami pa silang tinanong at sinagot ko lang ito ng tama. Walang labis at walang kulang. Parang nakaupo nga ako sa question panel ng mga hurado.
Overall, my evening with them was alright, and I talked more with Martha after dinner. Martha was aware of what had transpired before with Sebastian and Vansel. She regretted it, believing as a parent that she bore some responsibility for Vansel's actions.
LUNES na ngayon at balik na naman sa abalang routine ang buhay sa kapitolyo. Dahil sa nangyari sa bahay ni Sebastian, ay mas pinahigpit na niya ang seguridad sa bahay. Si Anthony ang nag ayos ng mga connection sa bahay ni Sebastian. Magaling si Anthony, isa siyang IT software specialist. Baguhan lang din siya sa kapitolyo at siya ang head IT ng team rito. Magaan ang loob ko sa kanya, at mabilis kaming nag chikahan kahit na lalaki siya.
"Anthony, hindi ka ba abala sa susunod na linggo? May ipapagawa sana akong set up sa magiging bahay namin sa Alegria ng Mama ko."
Napatingin si Sebastian sa akin. Nagtagpo ang kilay niya. Napanguso ako. Mukhang nagseselos siya, eh, trabaho lang naman ito.
Nasa opisina kaming apat. Ako, si Sebastian, si Graham at Anthony. Inaayos ni Anthony ang internet at computer system ni Sebastian. Nasa tabi naman ni Anthony si Graham. Tinulungan ni Graham si Anthony at panay ang biro at tawanan nilang dalawan.
"Alam mo, nagdududa talaga ako kay Graham...Is he okay? Is he straight?" My eyebrows met, and Sebastian's forehead wrinkled.
"Wala kang dapat pagselosan, Gov. Para sa 'yo lang naman ang puso ko," Ngumisi ako. Napailing agad siya.
"No, I'm not jealous, Eva. . . I think I should have told you this better. You have to know this, at least."
Hinila niya ang baywang ko palapit sa kanya at bumulong siya.
"Graham is not into women like you...he's gay."
Namilog ang mga mata ko at napatingin agad ako kay Graham. Distansya silang dalawa ni Anthony sa amin, at malakas ang tawa ni Graham. Dikit na dikit din siya sa braso ni Anythony.
I twisted my lips when finally I witness the way Graham touch Anthony's shoulder. . . O M G.
.
c.m. louden
always vote. thanks.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro