43. Follow
Eva
.
Mukhang wala na yatang atrasan ito. Panay na ang pabulaklak ni Governor sa akin. Kung hindi man delivery man ay nasa ibabaw na ito ng mesa ko sa umaga.
Pinagtitinginan na rin ako ng mga kasamahan ko sa opisina, at parang na pu-puzzle na sila. Pero ang dalawang babae sa loob ng opisina ay alam kung kanino ito galing.
"Type nga naman siguro ni Governor ang mga matatalino at ipaglalaban ka sa batas ano?" Ngumiwi si Jemma, pero nakangiti naman sa akin. Nasa mga bulaklak ko na nasa mesa ang mga mata niya.
Nabuntonghininga si Myra at isinandal ang baba niya sa likod ng palad niya.
"Sinabi mo pa. Ang daming umaaligid kay Governor, at kasama na iyong ex niya! Pero waley... may nanalo na!" Humagikhik siya.
"Pang ilan na bulaklak na ba 'yan sa linggong ito, Attorney Eva? Magpapadala ba siya mamaya ulit ng snacks natin? Hindi na ako nagbaon ng snacks at hindi na rin ako bababa mamaya sa canteen. Mas masarap ang pa-snack ni Gov."
Nag-apir ang dalawa at napabuntonghininga ako sa sarili. Hindi ko na pinansin sila dahil hahaba lang ang kwento kung magk-kwento ako. Alam ko naman na atat sila sa kwento kung paano, bakit at ano!?
Nag-aayos ako ng mga papelis at may isang secretong dokumento na binigay si Sebastian sa akin kahapon nang hapon. Babasahin ko ito.
"Huwag mo pansinin ang mga chismosa rito, Attorney. Marami kasing dalagang matatanda. Sobrang pihikan ng lalaki!" Pinaikot ni Myra ang mga mata niya, at tumango si Jemma.
"I don't care about them." I shrugged my shoulders. "I didn't do anything wrong."
"Tama! Attorney ka talaga!" sambit ni Jemma na natutuwa.
And true to what they waited for, another set of snacks arrived at our office.
Attorney Serino,
Please enjoy together with your workmates.
Sebastian.
Binasa ko lang ito at saka tinikman ang dalawang klaseng snacks. Masarap ito at paborito ko.
"Come on, Jem and Myra. Let's eat first. Hindi kayo nananghalian 'di ba? Kain na tayo!"
Agad agad na tumayo silang dalawa at excited na tumabi sa akin.
"Thank you, Gov! Attorney!" si Jemma.
"Ano naman kaya bukas? Galante talaga si Gov ano? Kahit naman sa amin noon, palagi siyang nagbibigay ng snacks. Pero iba ngayon. Araw-araw pasko." Humagikhik si Myra.
Napailing na ako at kumain na lang. Dinaan ko na lang sa pagkain ito at nakangiti ako sa sarili. In fairness, consistent si Sebastian sa pinaggagawa niya ngayon. At araw araw ang pabulaklak ko. Pinagtitingnan na ako ng mga marites sa capitolyo.
After that snacks, I visited Sebastian's office for the meeting. Madam Marianna, Congressman Santiago's wife will be joining us. Kahit na wala akong alam kung ano ito, ay minabuti ni Sebastian na maisali ako, para sa legal na prosseso.
He wants me to take note of everything. He told me that this case is crucial and that we must take extra precautions.
Nasa loob na si Madam nang pumasok ako. I greeted her and she hugged me. Mukhang stress is Madam, at tahimik si Graham.
Napatingin akong saglit kay Sebastian. Tipid siyang ngumiti at hindi na inalis ang mga mata sa akin nang magsimula kami.
I listened to the case, and I was bewildered. I didn't know that this is happening now and that a private team of investigators are working on it already.
Nang matapos ay bumalik ako sa opisina at inayos ang ginawa ko sa meetings. Isa na ito sa hahawakan kong kaso kung saka-sakali man na magkabulalayaso ang lahat. Matindi ito, at nakasalalay ang reputasyon ni Sebastian.
Nailigpit ko na ang lahat ng gamit para makauwi na. Bukas, wala akong trabaho rito dahil sa Imperial Law ang duty ko. Nakaalis na sina Myra at Jemma kanina pa. Naiwan ako, dahil tinatapos ko ang minutes, at saka nag email pa ako sa iilang importanteng tao.
Hahakbang na sana ako palabas ng opisina nang biglang bumulaga ang kabuuan ni Sebastian sa bungad ng pinto.
Namilog ang mga mata ko at tulala ko siyang natitigan. Nakangiti siya, at malawak na malawak pa.
"What's wrong?" I twisted my lips. He seems different today. He's not the typical, dead-serious Governor. He looks like the playful, naughty Sebastian that I know.
Mukhang tinanggal niya ang maskara dahil tapos na ang trabaho. At siya na ngayon ang normal na Sebastian na kilala ko. Hindi ang Gobernador na kakabahan ako.
"You're going home now, right?" He invited himself, and I took a step backward.
"Oo..."
Napaawang ang labi ko nang humakbang siya palapit sa akin. Napatingin siya sa labi ko, at agad ko naman na pinagtagpo ito.
"Let's go together. I'll drop you home," he sweetly smiled.
"Ano? Papaano naman ang sasakyan ko, aber? Alangan naman iwan ko rito."
Gusto ko sanang mamaywang, pero hindi ko magawa dahil may hawak kong bag at papelis.
"Just leave it here. I will pick you up tomorrow for work, too. I don't mind it. I have plenty of spare time ahead."
"Huh? But I have no office here tomorrow. I'll be at the Imperial Law." I bit my lower lip as we stared.
The heck! Ano ba ang meron sa kanya ngayon? Madalas naman ay pabulaklak lang naman siya at snacks. Araw araw nga ito, pero ano ito ngayon? Gusto niya akong ihatid sundo?
"Hindi ko kailangan ng driber, Sebastian. Gobernador ka at hindi driber."
"I'm not a Governor when it comes to you, Eva. It's after hours already. I can become me at this hour onwards." Namunggay ang mga mata niya, at umisang hakbang pa talaga.
Konti na lang at didikit na ang katawan niya.
"Okay, then, be you. Pakialam ko ba!" Tumalikod agad ako at saka nagkunwaring may naiwan sa mesa ko.
I wanted to pick something, but nothing was left on my table anymore except for the ruler. Kaya ito na ang kinuha ko!
"Uuwi na ako, Sebastian. Marami pa akong gagawin. Kailangan ko pala ang ruler na ito." Ngumiwi ako at saka iniwasan siya. Napansin ko agad ang mga mata niya sa bulaklak na nasa mesa ko. Tatlong vase ang nandito at lahat ng mga ito ay punong-puno.
"And also, please stop sending flowers to me here. Pinag pyestahan na ako nga mga chismosang matatanda rito. Pero huwag mong e-hinto ang pa-snacks mo, okay? Hindi na kasi ako nagbabaon ng lunch eh. Inaabangan ko na ang pabigay mo." Ngumisi ako. Talagang kumapal na ang mukha ko simula nang maging Attorney ako. Iba na rin ako magsalita.
Diretso, impronto!
"Sure. I'll see what can I replace with the flowers." Nakasunod na agad siya sa akin ngayon.
Sabay kaming lumabas sa hallway naglakad. Mabuti na lang at nakauwi na ang lahat ng mga empleyado sa bahaging ito. Pero sure ako, sa baba, ay may natitira pa roon.
"Let me help you."
He was about to hold the papers I was carrying, but I quickly moved them away from him.
"No, Sebastian. Umayos ka nga! Nasa kapitolyo pa tayo, hoy! Huwag mo naman akong landiin rito!" I gritted my teeth as we stared. He laughed a little bit at that.
May mga tao na kasi sa baba, at timing ang pagtingin nila sa amin ni Sebastian. Iyong tipong inilapit ni Sebastian ang katawan niya sa akin na parang hahalik!
Dios mio! Baka gagawan pa ako ng issue.
"Move away! Shoo!" I purposely bumped him using my hips.
Dumikit kasi siya na parang close kami. E, nakatingin na kaya ang mga gwardiya na nagititipon at may iilang mga tauhan pa.
"Gov, good afternoon. Have a great night, Gov!" tugon halos nilang lahat.
Sebastian smiled at them, giving them a warm welcome.
"June, may ibibigay pala ako sa anak mo. Nasa kotse ko. Halika sabayan mo kami ni Attorney." Imbeta niya kay Manong June.
"Oy, talaga, Gov. Nakakahiya naman. Itong anak ko talaga. . ." Napailing si Manong June, at sumabay na sa amin ngayon.
Mabuti na lang talaga! Dahil kung kami lang si Sebastian, ay tiyak ma-i-issue na naman ito bukas. Pero bahala na sila. Sanay na ako na ako ang laman chismis at balita. Hindi na bago sa akin ito.
Dumating kami sa parking lot, at nabigla ako dahil katabi na ng sasakyan ko ang sasakyan ni Sebastian. E, may sariling parking space siya ah!
Napatingin agad ako sa kanya. Nginitian niya lang ako. May halong kapilyohan ito. Sinasadya niya!
"Here, Manong. Tell Junior to study hard. This is my gift for him for marking it as the top honor of his class. Tell him to keep up the good work. Hope this helps."
Mangiyak ngiyak si Manong June. "Naku, Gov, salamat. . . Mag-lo-loan sana dapat ako para sa laptop niya, pero ngayon hindi na. Salamat talaga, Gov." Napayuko si Manong June. Naghalo ang tuwa, hiya na mukhang maiiyak na.
"It's alright, Manong June. Remember it's for your son, okay? Not for you." Pagbibiro ni Sebastian at nakitawa na ako.
Nang umalis si Manong June ay agad agad na humarap si Sebastian sa akin. Kumurap ako. Iba talaga si ngayon. Nakikilabutan ako sa ganitong ugali niya.
"So, shall we?" He positioned his arm and was about to guide me to his car.
"Hindi nga pwede. Ang sasakyan ko! Hindi ko puwedeng iwan." Ngumuso ako. Ang hirap kausap nito!
"Alright, then, I will follow you."
Nalaglag ang panga ko. Akala ko susuko na. Hindi pa pala!
"You will drive all the way to where I live, and then what?"
Kabaliwan na. Ayaw kong magpahatid. Ayaw kong iwan ang sasakyan dito. Gusto ko umuwi na siya dahil nalibadbaran ako, pero susunod pala!?
"Then, I will invite myself for a coffee at your place," he mischievously uttered.
"No! My place is not my place, Sebastian. It's my brother's place!" My eyes widened. Kung gusto niyang lumandi sa akin, ay bawal at hindi puwede!
"That's more convenient. I want to meet your brother. That would be great. Let's go!" Pumasok na agad siya sa kotse niya at bumagsak ang balikat ko.
Walang hiya naman oh. Si Sebastian ba ito?
.
c.m. louden
always vote for support. Thank you
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro