Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

39. Chismis


Eva


.

Tahimik ako nang pumasok kami sa pribadong eroplano. Pagmamay ari raw ito ng isang sikat na congressman. Bilyonaryo raw iyon, ayon pa ni Amye. Hindi ko kilala, at wala akong balak na halungkatin ang mga kilalang tao sa paligid ni Sebastian.

I saw down comfortably, smiling at the flight attendant. Kabado man sa sarili ay masaya na rin, dahil sa wakas, sa loob ng lagpas limang taon ay makakabalik na ako ng Cebu. Namimiss ko na sina Mama at ang kapatid ko.

I looked ahead, and saw Judge Del Romero. Sumabay siya sa amin dahil may aayusin lang daw muna siya sa Cebu, at babalik rin pagkatapos. Katabi niya si Graham. At sa unahang bahagi niya naman ay may iilan pa na hindi ko kilala. May kasama rin silang mga bodyguards. Marami ito.

Tumaas bahagya ang leeg ko at hinanap ang isang tao na ayaw ko.

Saang bahagi kaya siya naupo? Baka naman sa likod ko.

"Hi..."

My mouth fell a little bit when our eyes met.

Wait, what? Is he going to sit beside me? What the. . .

Napayuko akong saglit at saka tinitigan na ang paa ko. 

Kung malas ka nga naman oh. Sinasadya niya ba ito? Ang maupo talaga sa tabi ko!

"How's your morning?" in his baritone low voice.

I sighed before answering him. "Yeah, not bad. I supposed." I twisted my lips. Sabay na naming ni-lock in and seatbelt.

After a few minutes on air, it was safe to take off the belt.

Hindi ko inalis ang akin, at tahimik lang ako sa sarili. Nagbibigay na ang flight staff ng refreshments at juice ang pinili ko. Juice rin kay Sebastian. Mukhang ginagaya lang ako.

Now that it's been five years, I'm more confident with myself around him, and I don't have the butterflies and troubles inside my heart anymore.

Sadyang hindi naman talaga nagwala ang puso ko noon noong una kong nakita si Sebastian. It was simply a sense of contentment, and I felt at ease with him. My instinct always tells me that he is a good man and quite different from the others.

Napatunayan ko naman iyon, dahil iba nga naman siya. Mahigpit siya sa ilang bagay at matigas ang ugali niya sa desisyon na gusto niya. Kaya nga siguro naabot niya ang posisyon na ito sa goberyno. Hindi siya magiging Gobernador kung wala siyang matibay na pondasyon sa sarili.

Sebastian is both perfect and imperfect at the same time. He can be as mean as ever, yet he can be better than you can imagine.

"May susundo ba sa 'yo sa airport?"

At sa wakas, hindi siguro siya nakatiis sa katahimikan namin.

"Wala."

"Then, go with me. I'll take you to your brother's place."

I let out a slight scoff as I looked him in the eyes.

"Close ba tayo? Are we even close to do that?" Tumaas bahagya ang isang kilay ko.

He smiled a little bit. "Eva, let's put the past behind us. Starting today, we'll be working as a team. As your boss, my employees' safety is my top priority. So, yes, we need to be aligned and work together... we are a team, Eva. Keep that in mind." 

Kumurap ako. Trabaho lang pala. Akala ko na kung ano na. Kung sa bagay ay tama nga naman siya. This is merely work, so I might as well engage with him as I do with my clients, free from any attachments or unusual emotions.

"Okay... sinabi mo." Ngumuso ako. Naiinis ako sa sarili. Pero kung magmamatigas ako ay mas lalo lang na iinit ang dugo ko sa kanya.

I haven't forgiven him. And I don't think that will ever happen.


The plane landed safely. Judge Del Romero was fetched by his brother, and Graham together with the rest of them part together on the white van. Umalis na sila, at naiwan ako kasama ang mga bagahe ko rito. Hinintay ko si Sebastian. Nasa tabi ko ang bahage niya. Isa lang ito.

Gusto ko sanang mag mura dahil mukhang pagsisisihan ko na naman ito, pero bahala na.

Huminto ang Ford bronco raptor na itim at iniluwa si Sebastian mula rito. His wearing a black rolled up polo, paired with black jeans. Itim rin ang sunshade niya. He looks sleek and handsome as ever. Hindi mo mapagkakamalan na ang matipunong gwapo na ito ay isang Gobernador sa syudad na ito.

"This is the only available car I have at the moment." Kinuha niya ang bagahe ko at saka ipinasok sa sasakyan.

"Nasa field ang mga kaibigan ko, at wala akong mautusan dahil on leave ang driver ko. Kaya ito ang gagamitin natin ngayon." Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Okay lang naman kahit na ano... Girlscout naman ako, Sebastian. Baka nakalimutan mo." I smirked while stepping into the passenger side.

I heard him chuckle, and before he shut the door, he reached for the seatbelt and put it around me.

"This car is a little bit rough, but don't worry. I will make it slow for you." He licked his lips as he looked at me.

Napalunok ako at uminit bahagya ang pisngi ko.

Pagsisisihan ko na yata ito. Ba't ba ako pumayag? My goodness, Eva! Nakarating ka lang ng Cebu ay nagbago na agad ang ugali mo.

Mukhang ang tanga na Eva ito noon... Ang Eva na patay na patay sa kanya.


I turn away from him again after providing the address. He inputs it into the car's GPS, and then we're off.

Walang imikan. Wala akong plano na kausapin siya, kaya ang Bluetooth na earphone ang nilagay ko sa kaliwang tainga para sa musika. Isa lang ito, dahil ang isa ay nasa loob ng bagahe ko. Nakalimutan kong kunin dahil sa pagmamadali.

Traffic din, at sa bawat tigil ng sasakyan niya ay lalong naiilang akong lalo sa sarili.

Teka nga lang, ba't ba ako naiilang? He explained earlier that I'm on his team and that he will look after all his employees under him.

So, in short, he is doing this because we are a team. Walang halong malisya ito, at trabaho lang din. Tama! Ba't ba kung ano ano na ang naiisip ko.

"We're nearly there..." Tiningnan niya ang gps. Hindi ako umimik. Alam ko na malapit na kami.

Huminto ang sasakyan niya sa residential condo building. Lumabas ako, at hindi na hinintay na pagbuksan pa ako ng pinto. Makabago na tayo ngayon. Wala na si Maria Clara, at si Crisostomo Ibarra ay iba na ang gusto.

"I got it." Hawak ko sa hawakan ng bagahe nang maibaba niya ito.

"Akin na rin ang isa. Okay na. Kaya ko na." Hinawakan ko ito at sapilitang kinuha mula sa kamay niya.

"I can help you get them inside." He sighed.

"Gov, may elevator sa loob at saka, may gulong ang luggage ko. Salamat, Gov!" Pormal sa tugon ko at saka tinalikuran na siya.

From now on, I will call him not by his name but Governor.


THE set up of my room my brother provided me made me happy. Talagang may study table sa gilid kahit na maliit lang ang kwartong ito. Sa sahig lang ako matutulog at may kutson naman. Ilalatag ko lang kapag gusto ko nang mahiga at liligpitin lang din pagkatapos.

Binuksan ko ang bintana at saka bumungad sa akin ang syudad ng Cebu. Presko ang hangin. May polusyon konti pero hindi gaya ng sa Maynila. Ma-traffic din naman pero hindi na masama, dahil dumadaloy naman ito ng tama.

I saw the pictures along the bookcase and on top of the appliances of my brother and his partner. May litrato rin kami ni Mama rito, at meron rin sa parents ng ka live in ng kapatid ko. Kinuha ko ang isang frame na silang dalawa lang, at naalala ko ang kung ano ako noon.

And now, seeing them living together and not yet married is what I disapprove of nowadays.

Pero syempre, kapatid ko ito. Iba ang opinyon niya sa ganitong bagay. . . I know my brother. He will never cheat. He is a man of his word.


The office is spacious, and everything seems new. Sa capitol ito, at naninibago lang din ako. Wala pa si Governor, at ang mga tauhan lang na kawani ng gobyerno ang nandito na para sa mga trabaho nila.

I made a new friend, her name is Jemma. Personal assistant siya ng isa sa mga kawani. May kasama rin kami sa office. Tatlo kami rito.

"Ang gwapo talaga ni Gov," si Myra, siya ang pangatlo sa grupo.

Lunchbreak na. Nakadungaw kaming tatlo sa bintana habang nananghalian. May baon silang dalawa at ako wala. May canteen sa baba at tanaw namin ito mula rito. Bumaba na ako kanina pa at bumili lang ng ulam at kanin. Bumalik din ako rito para magsabay kaming tatlo.

Sebastian just arrived. He has company. Nasa bungad sila ng canteen, at napapansin siya nang bawat dumadaan papasok at labas.

He smiles at them and shakes hands with the higher-ups who recognize him. He appears easygoing and radiates positive energy.

He's wearing a dark navy blue rolled long-sleeve shirt, black pants, and dark leather shoes. His black hair is neatly styled in a faux hawk. Nakabukas ang dalawang batones niya sa dibdib at hulma nga naman ang katawan niya.

"Kaya nga magpahanggang ngayon ay dikit na dikit pa rin talaga ang ex wife niya."

Namilog ang mga mata ko at tinitigan na ang dalawa.

"Sa tingin mo nagkabalikan ba sila?" tanong ni Myra kay Jemma.

"Ewan ko. Pero in fairness bagay naman talaga sila 'di ba?"

Nagpatuloy ako sa pagsubo at nakinig lang din.

Sebastian is a divorcee. He told me about it five years ago. I have no idea what his ex-wife looks like. I wasn't interested.

"Highschool sweetheart pala sila ano? Ba't kaya sila naghiwalay? Sayang naman kung ganoon..."

"Pero sa tingin ko mahal pa yata nila ang isa't-isa eh. Sasama ba sa mga special events ang ex-wife niya kung 'di niya mahal 'di ba? At isa pa, noong campaign last year, grabe kaya ang support ng ex-wife niya sa kanya."

"Oo nga ano? Nakapagtataka nga eh. Pero nagdududa pa rin ako eh. Marami akong naririnig na chismiss eh..."

Kumurapkurap ako at seryoso ang dalawa na tinitigan. Walanghiya ito. Nagiging chismosang abogada na ako rito.

"Ang ex-wife niya raw ang nagloko."

"Talaga? Gosh, ganoon ba? Nagloko siya?"

"Oo..." Tumango si Jemma. Nilingon niya muna ang paligid at nang makita na walang tao ay pabulong niyang sinabi ito.

"Bumabalik raw si ex-wife ngayon kay Gov dahil sa pera. Akalain mo na bilyonaryo iyan si Gov. Malaki ang mga hawak na project n'yan sa Dubai. At itong si ex ay gusto raw ulit na makuha siya, dahil sa pera."

Napalunok ako at kumurap ng makailang beses. Nagtagpo na ang kilay ko at dumungaw ako ulit para sana matitigan si Sebastian. Pero napaatras din ako, dahil nakatingala siya at nakatingin sa banda ko.

.


c.m. louden

Always vote for support.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro