Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

38. Boyfriend


Eva

.

"Ano ba, Sam. Ba't wala? Gawan mo naman ng paraan!" 

Huminga ako nang malalim habang nakatitig sa madilim na langit.  Desperada na ako. Bahala na kung saan ako titira, huwag lang roon sa sinasabi ni Sebastian.

"Ate, you informed me too late. I can't complete that in just two or three days. Why can't you stay at the reserve unit? The Governor has provided that for you. Just take it."

Shit. Wala na talaga akong pag asa ano? Iniisip ko pa lang ang  mukha ni Sebastian ay umuusok na ang dugo ko.

Hindi puwede! Ayaw ko sa ni reserved niya! Kahit sabihin pa niyang 'no feelings involve' ay mukhang impossible. Dahil iba ako, baka lalasonin ko siya at mapatay ng wala sa oras.

"What about your place? Hindi ba may study room ka? Doon na lang ako..." kinagat ko ang labi.

"Ate. . ." He paused and took a deep breath.

Natahimik ang linya. Halatang nag iisip siya.

I know that his girlfriend Nicole lives with him in his two-bedroom unit. One bedroom is for Nicole and the other is for him. Naghahati sila sa lahat na bayarin at lahat-lahat na din. Nagpa-practice na yata ang kapatid ko kung paano mamuhay may asawa.

"You can stay at my place for a while, Ate. I can accommodate you for a few days or weeks. I will talk to Nicole."

Ngumiti ako. Alam ko naman na hindi niya ako matitiis.

"Yes! Thank you, Sam. I love you! Promise hahanap ako agad ang matitirhan. Madali lang naman."

"I know... but anyway. I will see you Monday."

"Oo... huwag mo na akong sunduin. Mag ta-taxi na lang ako. Tutal alam ko naman kung saan papunta. At may trabaho ka rin at si Nicole 'di ba?"

"Uhm... but still, think about the Governor's offer, Ate. Let's talk about it when you are here. I miss you."

"I miss you too! Good night!"

"Night, night."

Naligpit ko na ang lahat ng gamit at temporary na si Tricia ang titira muna rito. Siya na din magbabayad ng renta. Wala akong masyadong gamit. Ito ang natutunan ko noon, dahil palipat-lipat ako ng ni-re-rentahan.

Huling araw ko na ito sa office. Wala na akong trabaho na gagawin, at mag-ha-half day na lang din. I will meet the girls for lunch and that settles for us. Amye and I will catch up in Cebu because she lives there anyway, while Tricia? She's staying, looking after my condo.

"Attorney Evangeline Serino?"

Sabay kaming lahat na napalingon sa bungad ng pinto. Isang delivery boy ito na may dalang bulaklak. Makapal at marami na parang natatabunan na ang mukha niya.

"A delivery for you, Attorney," saad niya.

"Huh? Galing kanino?" Tumayo ako at humakbang palapit.

Nagkatinginan sina Attorney Romualdez at Jaxton, at saka napatinging balik sa akin.

"Boyfriend? Who?" si Marshall, and secretary ni Atty. Romualdez. Nasa gilid ng pinto ang lamesa niya.

I scoffed when I heard her and smirked.

Wala akong boyfriend.

"Papirma ako, Attorney. Dito po... Salamat." At umalis na siya.

Nagtapo ang kilay ko, at nang mabasa ang maliit na note ay napangiti ako.

Si Alex. Galing kay Alex.

Tumikhim ang dalawang Attorney, at sinunod nang mga mata ni Marshall ang bulaklak ko.

"Galing sa boyfriend mo, Attorney Ev?" Ngumisi siya.

"Hmm..." Nagkibit-balikat lang ako. Ayaw ko magbigay ng detalye. Naupo na din ako pabalik at nilapag lang ang bulaklak sa lamesa. Tinitigan ko ito at napaisip ako kung alam ba ni Alex na aalis na ako rito.

I haven't talked to him, but I will tonight. I will give him a call.


Namilog ang mga mata ko nang makita si Alex kasama sina Amye, Shasha at Tricia sa iisang mesa. Napaawang ang labi ko. Bitbit ko ngayon ang bulaklak na pina deliver ni Alex kanina sa office.

Lunch break. May reserve table kaming apat na magkakaibigan dahil ito na ang huling araw ko rito sa Maynila. Hindi ko inisip na makakasama si Alex ngayon.

"Eva..." si Alex. Pormal ang tayo niya at saka mabilis niya akong niyakap.

"I miss you. I will follow you there," he whispered.

Ano?

Namilog ang mga mata ko at kumurapkurap ako nang bumitaw siya sa yakap at saka humalik sa pisngi ko.

"Do you like the flowers? I have the chocolates here." He moves his head to the table where the girls are seated.

Isang kahon. Isang kahon na chocolates ito mula sa bagong chocolate endorsement niya.

"Sana all. . ." Shasha murmured.

"Sinabi mo pa. Sana all, talaga." Tricia uttered disappointedly, twisting her lips, looking jealous at me.

Ngumuso ako sa dalawa at saka naupo na. A katabi ko nga naman si Alex ano? Huh, ano ba kasi ang ginagawa niya rito? At sino ang nagsabi sa kanya tungkol sa paglilipat balik ko ng Cebu? I'm sure it's Tricia.

Nilipat ko ang tingin kay Tricia at nakay Alex siya nakatitig.

"Sinabi ni Tricia sa akin na malilipat ang assignment mo sa Cebu. That saddens me, Eva. But I will find a way to see you. I will visit you in Cebu since I have relatives there."

Napailing ako. Talaga bang hindi ako tatantanan ni Alex?

"Stay here, Alex, and forget about me, for Christ's sake," I mumbled.

"I don't want to. I told you that I am sincere this time, Eva. You will see... I am the perfect guy for you."

Heck. Bumagsak na ang balikat ko at inilipat ko ang tingin sa katabing mesa namin. May nakasulat na reserve sa ibabaw.

I looked around and saw that few people were present. This section of the restaurant is designated for specific guests. At siguro nagkataon lang na nakakuha kami ng puwesto rito.

Walang nag iingay at kami lang. May naka dine-in pero medyo malayo sila sa amin.

"Nag order na kami. Okay na," agap ni Shasha.

"Ano? Nakahanap ba ang kapatid mo ng matitirahan mo?" si Tricia.

"Wala. Walang available, kaya pansamantala muna akong titira sa condo ng kapatid ko."

"Oh, si Samuel?"

"Oo..."

"If you like, I can help you with that, Eva," sumingit si Alex sa usapan namin. "I can talk to my auntie. She's one of the city councilors of Cebu."

Nalaglag ang panga ko. At talagang dumagdag si Alex sa problema ko.

"Uhm, no, no... May matitirahan na ako, Alex. Puwede ba manahimik ka!"

Humagikhik si Shasha, at inis naman na tinitigan ni Tricia si Alex na nakatitig sa kanya. Tahimik si Amye na parang binabasa ang nasa isip ng dalawa.

May dumating galing sa likod at pumwesto sila sa lamesa na naka-reserba. Hindi ko sila nakikita dahil nakatalikod akong na upo. Pero ang mga mata ni Amye at Tricia ay nakatitig sa mga ito mula sa likod ko.

"Oh my. . ." si Shasha. Mabilis niyang ininom ang pineapple juice at iniwas ang tingin sa mga tao na nasa likod.

Rinig ko ang pag galaw ng mga silya. At mukhang na upo na sila.

"Ev...uhm..." Napalingon si Amye sa iilang mesa rito na para bang may hinahanap siya.

"No, Amye..." Hinawakan na ni Tricia ang kamay ni Amye at napailing siya.

My forehead wrinkled as I looked at them.

"What's wrong?"

Shasha clears her throat and looks at Alex beside me.

"Alex 'di ba may endorsement ka sa susunod na linggo? Sa Cebu?"

"Oo, meron. How do you know that, Sha?"

"Tricia told me." She looked at Tricia.

"I was about to surprise, Eva." Bahagyang natawa si Alex. "Sayang. Ngayon alam mo na." Titig niya sa akin.

"I'll be in Cebu next week, Ev. . . magkikita ulit tayo. That's supposed to be a surprise, but anyway, it's no longer now."

Ininom ko ang pineapple juice ko. Mahihirapan akong makikipagtalo kay Alex. Alam kong matigas siya at hindi basta-basta umaatras. Okay lang, alam naman niya na ayaw ko na at hindi pa ako handa sa ano man na gusto niya.

Napatayo akong bigla at napaatras ang ang silya ko nang hindi ko sinasadya. Nasagi kasi nang kamay ko ang inomin ni Alex at natumba ito. Nabasa ako at natumba ang sila ko.

"Oops, sorry. . ." I turned around and smiled slightly at the people on the next table behind us.

Namilog konti ang mga mata ko nang makita na si Judge ito.

"Judge!" Humagikhik ako. "Ikaw pala." Akma ako humawak sa natumba na silya, pero mabilis si Alex. Siya na mismo ang gumawa.

"I see you're with your friends. No wonder you refused my offer of having lunch with us," si Judge sa akin.

Nakangiti ako kay judge at saglit kong tinitigan isa-isa sila, hanggang sa nawala ang ngiti ko nang matitigan ko si Sebastian.

Himala, kasama siya na wala si Graham?

Umirap ako. Siya lang ang inirapan ko, at ngumiti ulit kay Judge.

"Yes, Judge. I'm with my friends." I composed myself, wanting to introduce my friends to him.

Tumayo sina Amye, Sasha at Tricia at saka bumati sila kay Judge. Hindi ko alam kung naalala pa ba ni Judge silang tatlo. Isang beses lang niyang nakita ang mga kaibigan ko, at matagal na iyon.

Judge Del Romero also greeted back at them, but then his eyes were focus on Alex beside me.

I looked at Sebastian again, and his eyes never left me.

"Are you a celebrity?" si Judge kay Alex.

"Not really, Judge." Pormal siyang umayos. "I'm Alex Featherson, a basket player from team Clearwater, and also I'm Eva's boyfriend."

My eyes widened a fraction as Sebastian and I stared. Kumurap ako at nilingon ang nakangising mukha ni Alex sa tabi ko. Napa ubo si Tricia sa likod, at tumikhim si Amye.

"You're Eva's boyfriend? Oh, it's finally good to meet you, hijo." Pormal na inabot ni Judge ang kamay niya kay Alex at nagkumustahan ang dalawa.

Tang ina naman, Alex! Kailan ba niya matatangap na wala na kami. Tapos na kami. Noong isang taon pa!

I fake a laugh and secretly pinch Alex on the side. He moved a little when he felt the pang.

Bwesit ka talaga, Alex!

Pinalakihan ko siya nang mga mata ko at dinaan ko na lang sa tawa ang lahat.

Walanghiya naman oh! Parang hindi ako abogada sa estadong ito.

"Palabiro ito, Judge..." Hagikhik ko, at hindi ko sinasadya na mapatingin kay Sebastian.

He looked at me seriously, and his jaw ticked. Wala yata siyang pakialam kay Alex dahil kanina pa ang mga mata niya sa akin.

Mabilis nagbiro si Alex kay Judge, pero hindi niya binawi ang sinabi kanina na boyfriend ko raw siya. Nakilala agad si Alex ng mga kasamahan ni Judge, at nag kumustahan sila.

I looked at Sebastian again and just smiled at him, not minding what Alex had said to them.

Nawala rin ang ngiti ko kay Sebastian at tanging titigan lang ang nanatili sa amin ngayon.

.


c.m. louden

always vote for support.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro