33. Position
Eva
.
Sumakit ang ulo ko pagkatapos na kape. Ang hirap kausapin ni Alex. Walang basihan ang apat na taon sa kanya dahil hindi naman kami palagi. Nangyayari lang naman ang pakikipagtalik ko sa kanya noon sa tuwing naalala ko ang sakit na pinagdaanan ko kay Sebastian.
Kailangan ko lang si Alex noon. Iyon lang iyon at wala na. Nakakalimutan ko rin ang lahat. Pero bumabalik rin para sirain na naman ako.
I needed Alex at that time to help me get through my studies. I needed to concentrate and be happy.
Wala akong pakialam noon kahit sapilitan na kaligayahan iyon. Gusto ko lang na makalimot at nang sa ganoon ay hindi naapektuhan ang pag-aaral ko. Pero para lang akong baliw sa pinaggagawa kong iyon! Dahil sa imahinasyon ko, ay ang tao pa rin na iyon ang naiisip ko sa tuwing gagawa kami ni Alex ng milagro.
I was stupid! And now I'm angry.
"Mahirap ba? Hindi ka pa ba nakapag move on, Eva?"
Nagsalubong ang kilay ko. Parang kabute si Tricia mula sa likod. Napatingin na ako sa reko na suot.
"Wala ka ng pasok? Pinauwi mo na naman ang mga studyante mo?" Napangiwi ko. Ibang klase talaga ang babaeng ito. Iniisip ko kung instructor ba siya o sadyang tamad lang talaga?
"Pinauwi ko na. May assignment na sila, at tama na iyon. Masyadong maraming gwapo sa Engineering Department at hindi ako maka-concentrate. Ang yummy nila eh." Pinaikot ng daliri niya ang dulo ng buhok habang nakanguya.
"I saw Alex this morning."
"Uhm..." Nagpatuloy ako sa pag basa ng cases.
"He did not see me though. But I saw him with someone else... iyong babae ay hindi si Sharon. Iba na naman, gurl. Kaloka..."
I smirked and shook my head.
"Pare-pareho lang yata ang mga lalaki ano? Ano ba kasi ang hinahanap nila? Eh, tayong mga babae ay stick to one naman tayo kapag nahanap na natin ang 'the one' 'di ba?"
Huminto akong saglit at tinitigan na si Tricia.
"Are you in love? Who?"
"M-Me? Of course not! I'm not!" Ngumuso siya. Halata masyado.
"It's you, Eva! You still haven't moved on. Alex wants you back. Mahirap ba 'yon?" She crossed her arms together.
I slightly laughed. "I'm not interested to Alex anymore, Tricia..." Umayos ako sa pagkakaubo at saka hinarap siya.
"I'm done dating him. We are over a year ago. Tapos na kami at pareho kaming nakinabang sa nangyari. We were never in love, Tricia. You know that."
Ibinalik ko ang sarili sa posisyon at dumating na ang order ko. Late lunch na nga ito.
"Salamat," tugon ko sa waitress.
"O-order rin ako, miss, ng ganito." Tinuro ng kamay ni Tricia ang pagkain ko. "With extra rice, please. Thank you."
"So, wala ng pag asa? Game over na? Puwede ko na bang agawin siya sa 'yo?" Ngumiti siya na parang aso.
Tumango ako habang kumakain.
"Yes!" Palakpak niya. "Kaso hindi ako type ni Alex eh. Ayaw ko rin ng rebound. Tsk, kainis!"
"Eh 'di pumila ka sa mga babaeng gusto niyang e-sex. Gusto mo?"
Napaubo siya. "Ayaw ko nga. . . Pagod na ako sa ganyang gawain. Gusto ko iyong pakakasalan na ako." Iniwas niya ang mga mata sa akin.
"Gusto mo ng mag asawa?" Napa inom ako ng tubig.
"Oo naman! Tumatanda na tayo, Eva."
"Ikaw lang. 30 pa ako!"
"Ganon na rin 'yon! Ang bilis ng taon kapag nasa 30 plus ka na. Isang tulog mo lang, ay 32, 33, 34, 35! Shit. Wala na...ubos na ang mga lalaki dahil may mga asawa na. Paano na ako?"
I chuckled a bit. Tricia is witty and clever, but when it comes to love, she can be pretty clueless.
Ganito nga siguro ang mga matatalino. Pagdating sa pag-ibig masyadong bobo.
"E 'di mag foreigner ka."
"Ay, ayaw ko! Puro matatanda na sila. Tapos ang mga type nila iyong nasa 20 plus lang din." Napanguso siyang lalo. "Wala na talaga... si Alex na lang talaga ang pag-asa ko." Idinaan niya sa biro at tawa ito.
"Then pursue him. Mabait naman si Alex. Playboy nga lang. Habulin ng mga babae. Kaya mo?"
Namilog ang mga mata niya.
"Kakayanin... okay lang ba sa 'yo?"
Humalakhak na ako. Alam ko na ito. Noon pa naman ay ramdam ko na ang gusto ni Tricia kay Alex. Kahit noong mga panahon na studyante pa kami pareho.
"Tricia, Alex was never mine to begin with, and I was never his. Kung ano man ang nangyari sa amin noon, ay hanggang doon na lang iyon. Wala na. Kaya go!"
"Sinabi mo ha. Okay, aakitin mamaya!"
Lumakas ang tawa niya at napailing ako. Ibang lebel nga naman si Tricia. Pero in fairness, seryoso na siya ngayon pagdating sa lalaki, at ayaw na niya sa mga short time happiness. Nag mature na nga siguro siya. Ako lang yata ang hindi at sadyang pihikan at galit pa rin sa lahat ng lalaki.
Huwebes ngayon, tapos na ang court hearing ko noong Lunes at naipanalo ko ang isa kong klieyente. Ang isa naman ay may kasunod pang hearing sa susunod na linggo. Wala na muna akong tinatangap na bago, dahil utos rin ng boss ko. Naghihintay na lang ako sa kanya.
Three months ago, I applied for the legal advisor position as a representative in the House of Imperial Law Society. That position was vacant a while ago because Atty. Venus has now migrated to America.
Walang sumalo sa posisyon niya, at minsan na akong na salang sa trabaho niyang iyon noon. Mas gusto ko, kasi hindi masyadong puno ang schedule at naka-concentrate lang ang propesyon ko sa representative ng gobyerno. At kung papalarin, ay swerte ko na. Umaakyat na ang career ko.
"Good morning, Judge."
I raised my head when I heard Atty Julian greet Judge Del Romero.
"Atty Serino?" Buo at polido ang boses niya nang matitigan ako.
"Yes, Judge?" I stood up, smiling at him. It's good to see him after a long time. Dumadulaw lang siya rito sa division namin kung may importanteng kaso siyang ibibigay. At madalas ay sa akin ito.
"Follow me."
"Yes, Judge!"
Mabilis ang hakbang ko. Bitbit ko ang Ipad air note at ang diary. Kabado akong konti, dahil mukhang mahalagang assignment ito.
Pumasok kami sa opisina niya at naupo agad siya sa silya. Nakatayo ako ng iilang distansya mula sa mesa niya. Seryoso siya.
Palagi naman. Iyong tipong matigas ang mukha at nakakatakot. Pero sanay na ako kay Judge. Kahit pa magpagulong-gulong si Joker sa harapan niya, ay hindi pa rin matatawa si Judge.
"Congratulations, you've secured the position," he stated flatly, lacking any expression. He quickly reviewed the documents before handing them over to me.
My mouth fell. Did I pass? I got the position. Really?
"Take that with you and read the rules and obligations, Eve. And when you're done, sign the NDA."
"S-Sure, Judge. Thank you."
I want to smile, but the heck. I can't seem to believe it.
Oo, nag apply ako sa posisyon, pero talaga? Nakuha ko ito?
"In the following week or two, you will fly to Cebu with the team."
Kumurap ako. Hawak ang papelis ngayon.
"P-Po, Judge?"
He inhaled deeply as he looked at me seriously.
"You will be moving to Cebu for the time being. You are from Cebu, right?" His brow raised a little bit.
"Yes, Judge."
"Great. Graham will be your mentor there. He's a political spokesperson and, at the same time, a historian doctorate. You will be on a special task with the new Governor."
My mouth fell again. I know Graham. Kilala ko siya.
Ano ulit? Ano raw? Special task with the Governor there? Sino?
"Nandito sila ngayon sa Manila, at nasa Shangri-La. I've arrange dinner to introduce you tomorrow night. Wala ka siguro namang date ano?"
"Wala, Judge..." Napanguso akong konti.
As if naman may boyfriend ako! Si Judge talaga oh.
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Judge.
"Good to know... Then, I will see you tomorrow night at Shangri-La."
"Okay, Judge." I swallowed hard as I glanced at him.
.
c.m. louden
Always vote for support. Thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro