31. Eva
Five Years later.
Eva
.
Our human life can be compared to a dot, illustrating that everything is somehow interconnected. Connecting the dots represents our challenges. When we finally overcome them and succeed, we complete the dot and proceed to the next one.
Pero sadyang may mga tuldok na hindi natin naisasara at nilalagpasan lang para sa susunod. Hindi naman kasi lahat ng bagay sa buhay natin ay natutuldokan. Minsan, ang mga masasakit na nakaraan ay nagmarka na sa puso at kailanman ay hindi na mabubura ito.
Sometimes, we encounter events or problems that we cannot solve, and instead of confronting them, we often choose to avoid these challenges as a misguided solution.
We run away. That's easier than facing them.
"Congratulations, Eva! Party! Party!" Sigaw ni Tricia.
Sadyang party go lucky pa rin talaga ang babaeng ito. At kahit na limang taon na ang lumipas ay walang makakahigit sa kabaliwan niya.
"I'm so happy for you, bestie!" si Amye sa tabi ko. Itinaas niya ang glass wine at saka nag-cheers na silang lahat kasama ako.
"My God! I can't believe it! Nilampaso mo talaga ang lahat ano? Takot tuloy sa 'yo ang mga lalaki sa korte, dahil kinakalbo mo!" Lakas na tawa ni Tricia.
"That's girl power! Dapat lang!" sambit ni Amye. Akmang iinom na sana siya pero napigilan ko.
"Hoy, Juntis. Bawal ang alak sa 'yo." Kinuha ko agad ang baso sa kamay niya, at ininom ang laman. Napangiwi ako, kasi brandy ang laman.
"Hala! Amye naman... hindi iyan ang sa 'yo. Heto oh!" Ibinigay agad ni Tricia ang tamang baso sa kanya.
"Mabuti na lang at mabilis si Eva," Lakas na tawa ni Shasha.
Si Shasha ang bago sa grupo namin. Nakilala ko siya rito na sa Maynila. Kaibigan na siya ni Tricia noon, at siya ang unang taong tumulong sa akin nang mapadpad ako rito.
Kung babalikan ko ang nakaraan, ay sadyang magulo at masakit ito. Kinailangan kong mag move on at kalimutan ang lahat. At sa tulong ng mga taong nagmamahal sa akin, ay nabuo ko ulit ang sarili.
I never thought that Tricia would become my close friend after that. She helped and guided me when I first arrived in Manila.
Si Tricia rin ang kumuha ng lahat ng mga credentials ko sa school dahil hindi ko kayang gawin ito. Binigay ko lang sa kanya ang authorization noon para sa lahat sa school noon sa Cebu. Sumunod rin siya sa akin rito sa Maynila, at dito na nagtapos.
"Ba't niyo naman kasi pinagtabi ang baso ko sa mga baso ninyo? Alam n'yo naman na bawal," reklamo ni Amye, at natawa na kami.
"Huwag na kaya tayong uminom ng alak? Nakakahiya sa buntis. Kawawa naman..." anya ni Sasha.
"Oo. Coke na lang..." si Tricia. Binaba niya agad ang baso niya, pero wala ng laman ito. Naubos na niya.
"Kukuha ako ng isang litro, okay?" Pigil siyang ngumiti at napailing na ako.
"Salamat..." Amye pouted, acting sweet now.
"Mahal n'yo talaga ako. Thank you, friends!" Niyakap niya agad kami.
"Wala na tayong magagawa eh, may buntis." Humagikhik si Sasha.
"Let's support the pregnant, okay? Mahirap na, baka singilin pa tayo sa utang natin sa inaanak nating tatlo," si Tricia.
"Hala? Kailan ba ang birthday ni Jade?" Kumurap ako. "Malapit na ano?" Tagpo ng kilay ko.
"Oo. Sa susunod na buwan pa naman. Basta sa 'yo ang lechon baboy, Atty Eva, okay?" Nag-beautiful eyes agad siya. Ang hirap tuloy tangihan ang buntis.
"Oo na..."
"Ikaw naman sa three tier na cake, Tricia. Salamat, teacher Tricia!" Palakpak ni Amye sa kanya.
"At ikaw, Shasha - "
"Wala akong pera..." Ngumuso si Shasha at natawa kaming sabay tatlo.
"Huwag mo na lang akong e-sali, please, Amye. Nakakahiya sa mister mo kung banana cue ulit ang e-do-donate ko."
Nawala ang ngiti ko, at hindi lang pala ako dahil kaming tatlo ito!
"Sinong nagsabi na nakakahiya ang saging mo? Aber!?" Namaywang na si Tricia.
"Hindi ba nila alam na nabuhay ang buong pamilya mo dahil sa piniritong saging! Huwag mong ikahiya, besh! Tatlo na ang puwesto mo sa bangketa at may dalawa pa sa canteen ng mga hospital. May mga tauhan ka na, besh. Big time ang banana cue mo!"
"Oo nga. Imagine may iba't-ibang flavor iyon. Damihan mo ng caramel at ube flavor na saging please, favorite 'yon ng inaak mo eh..." si Amye.
"Kita mo? Mabenta talaga ang banana cue mo, Sha!" Pagmamalaki ko. Talagang masarap ang banana cue na business ni Shasha, at iba't-ibang flavor pa talaga.
I looked at them as successful as I am now, and I'm happy of what they have become. Kahit pa sa tagumpay nila ay hindi sila nakakalimot sa mga taong tumulong sa kanila. At nagpapasalamat din ako, dahil nakatagpo ako ng mga tunay na kaibigan sa katauhan nilang tatlo.
I currently reside in BCG temporarily and work at the Imperial Law Society, specializing in corporate, civil, and criminal law.
Experto rin ako sa divorce cases, at marami na akong naipanalo. I earn well, but most of my earnings are used for the house that is still under construction.
Nagpapagawa ako ng bahay at sa probinsya namin. Malaki iyon, compound ang style dahil kasali na ang bahay ng kapatid kong lalaki.
Samuel, my brother, has become a civil engineer and works for a private company.
Sinundo na si Amye ng mister niya. Kaya nag sing along na lang kaming tatlo natira. May konting ladies drinks cocktail, pagkain at chikahan. Ito na ang bounding namin tuwing Biyernes ng gabi dahil lahat kami ay walang trabaho bukas at Linggo.
"Susunduin ka ba ni Alex?" Itinali na Tricia ang mahaba niyang buhok. Naka-pony tail na ito.
Napatingin ako sa relo na suot at saka sa cell phone ko sa ibabaw ng mesa. Kanina pa pala ito tumutunog. Hindi ko napansin. Napansin ko naman kanina, pero binabalewala ko.
"Ewan..." I twisted my lips as I read Alex's messages. There are a few of them.
Huminto silang dalawa sa kantahan at nakatingin na sa akin.
Nagsalubong ang kilay ko.
"Ano ba si Alex sa 'yo, Eva?"
"Alam mo naguguluhan ako sa estado ninyong dalawa. Mahal n'yo ba ang isa't isa?"
Huh? Anong nakain ng dalawa?
Tumayo ako at kinuha ang Gucci Marmont. Inayos ko ang sarili at saka isinuot ang stiletto heels Vizzano.
"Uuwi ka na? Ang aga pa kaya?" Tricia groaned.
"I have a court case this coming Monday. I need to study the case."
"Ano? Eh, Sabado bukas at may Linggo pa, hoy!"
Sumunod agad silang dalawa sa akin nang mag martsa ako palabas.
"Hindi ko pa napag aralan ang kaso ng kliyente ko." Idinaan ko sa pa-cute na titigan dahil totoo naman.
Masyadong abala ako ngayon at dalawang court hearing ang ipaglalaban ko. Purong mga lalaki ang kliyente ko. Kalaban nila ang mga ex-wife nila. Kaya gusto kong pag aralan muna bago ang atake.
"Alam ko na... Iniiwasan mo si Alex ano?" Shasha crossed her arms as she looked at me annoyingly.
"Oh? I see. . ." Tricia laughed. "Hindi mo talaga mahal ano?"
I sighed, feeling annoyed at this.
"Goodbye, girls! I'll check on you tomorrow, okay?" I faked a smile and gave them a tight hug before walking away.
"Witch..." anya ni Tricia. Humalaklak ang bruha.
"Cold hearted witch," pagtatapos ni Shasha.
I smirked at the two and gave them a flying kiss. "Love you, girls! Muaawh!"
I got home and freshened myself up. After taking a warm bath, I savored a sweet dry red wine to end my night while looking at the city.
Maliit lang ang condo na ito, pero sapat na sa buhay na gusto ko. Lahat nakikita ko rito. Buo at marangya ang syudad at maganda ang mga ng mga ilaw ng mga gusali tuwing gabi.
I inhaled deeply and smiled bitterly. This view feels fulfilling yet is subjective to what I truly feel.
I feel lost, lonely, and angry.
.
c.m. louden
Always vote for support. Thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro