Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

28. His father


Eva

.

SABADO ngayon at inihahanda ko na ang sarili para mamaya kay Vansel. 

Pantalon na kulay itim at floral na t-shirt ang suot ko. Mukhang mas bata nga naman ako sa hitsura ko, pero matanda ako ng limang taon kay Vansel. Plano ko rin na sabihin sa kanya ang totoo.

I understand that he has feelings for me, and I view him as a younger brother. He has always been kind and caring towards me. Recently, I've been distancing myself because I don't want to burden him too much. I don't want to give him the wrong impression. 

Inayos ko ang iilang libro na dadalhin ko mamaya sa hotel. Kailangan kong bumalik rito. May defend case ako sa susunod na linggo at pag aaralan ko ito sa hotel.

I closed the small dorm window and noticed the overcast sky. It seems likely to rain later tonight.

"Eva?"

Rinig ko agad ang pag-katok ni Vansel sa pinto at binuksan ko ito. Mabilis ko la ng na kinuha ang payong. Dadalhin ko ito. 

"Ready ka na ba?" Nakangiti siya at bumaba ang mga mata niya sa suot ko, at pabalik sa mukha ko.

"You look so beautiful and cute." Namungay ang mga mata niya. 

"Talaga?" Ngumiwi ako. Mukha nga akong bata sa hitsura ko tapos cute? Nagpapatawa talaga ito si Vansel ano?

"Hindi ba halata na limang taon ang tanda ko sa 'yo sa hitsura kong ito?"

Bahagya siyang natawa. "Hindi, Eva... you look the same age as me."

Humalakhak ako. Palabiro talaga si Vansel. Dinadaan niya ako sa matatamis na salita niya. 

"Ano? Hoy, Vansel. Limang taon ang tanda ko sa 'yo, okay? Isipin mo 'yan." Namaywang na ako, at ngumiti siyang lalo.

"At saka may sasabihin ako sa 'yo..."

"Mamaya na. Mahuhuli na tayo at mukhang uulan pa, Eva." Pinutol niya ako sa pagsasalita at sinara na ang pinto ng dormitory ko.

"T-Teka lang..."

"Halika na!"

Hinawakan na ni Vansel ang palapulsuhan ko para magsabay na kami. Hindi na tuloy ako makapag reklamo.

Tamang-tama rin ang pagkaladkad niya sa akin, dahil nakasalubong namin si Tricia. 

We paused a little bit as we looked at Tricia looking at us. Iba siya kung makatingin sa akin at pati na kay Vansel. Iba rin ang hitsura niya sa nakasanayan ko. Mukhang maayos siya at walang make up sa mukha. Nakakapanibago tuloy.


"Isang oras? Kaya pala nag do-dorm ka?"

Nasa loob na kami ng kotse at nasa likurang pasahero kaming dalawa ni Vansel. Driver daw ng Daddy niya ang driver namin ngayon at nakalimutan ko na ang pangalan nito. Kakakilala ko lang kanina, at heto nakalimot na. 

"Oo. At isa pa hindi naman madalas si Daddy sa bahay dahil sa kaliwat kanang project niya. Minsan nga lalo na 'pag construction period ay wala siya sa bansa. Madalas nasa Dubai siya sa mga naglalakihang skyscrapers project niya roon."

Umawang ang bibig ko. Nakakabilib nga naman ang Daddy ni Vansel. Siguro ang talino niya.

 Imagine that? He's the sole engineer that is trusted by many? That's awesome.

"What about your Mum? Ano ang work ng Mommy mo?"

"She has a business. A jewelry shop. Malayo rito."

"Ahh, I see. . . Hindi nakatira ang Mommy mo sa inyo?"

No, she isn't. Sharing the story of my parents is a lengthy tale filled with conflict, Eva. Kaya mas mabuti na huwag na natin pag usapan."

"Ahh, ganoon ba. . ." Nawala ang ngiti ko.

May point nga naman siya. Natahimik kaming saglit at inayos ni Vansel ang buhok niya. Pinadaganan niya ito gamit ang daliri at napangiti akong konti.

In fairness, gwapo naman si Vansel. Halata rin na mariming nagkakagusto sa kanya sa kampus. Lalo na ang mga babaeng kaklase niya. Hindi naman ako bulag pero hindi maramdaman si Desiree. Alam kong gusto niya si Vansel, at bagay silang dalawa. 

"You know what? You remind me of my brother."

"Ha? Who?" 

"My brother. . . I have a brother, Vansel, and he has the same age as you. Kasing katulad din ang buhok ninyo." Titig ko sa mga mata niya.

Nawala saglit ang ngiti niya at saka inayos niya lang lalo ang buhok.

"You have a young brother who is the same age as me?"

"Oo..." Tumango ako. "Madalas ko siyang naalala sa tuwing kasama kita." Lumawak na ang ngiti ko. Namimiss ko na yata ang bulakbol na kapatid ko.

"Kaya kampante ang loob ko sa 'yo," pagpatuloy ko.

Hindi na muna siya sugamot at iniwas ang mga mata sa akin. Natahimik siyang saglit. 

-

Napansin ko agad ang napakalahing gate sa unahan. Bumagal saglit ang takbo ng sasakyan at nahinto ito sa tapat mismo, na para bang hinihintay na magbukas ang malaking gate para makapasok kami.

"But I don't want you to treat me like your younger brother, Eva. . . I'm far different than that."

Parang natulala ako sa narinig mula sa kanya. Bumukas ang malaking gate at gumalaw na ulit ang sasakyan papasok.

Kumurap ako kay Vansel at nag iwas siya nang tingin sa akin.

Sabi ko na nga ba eh...iba ang kutob ko. Dapat sana noon pa lang ay kinalaro ko na, na kapatid lang ang tingin ko sa kanya.

Kung bakit ba naman kasi napakamabenta ko sa mga bata!

"We are here, Eva." Tipud siyang ngumiti at napakurap akong lalo. Kinabahan ako, at hindi ko maintindihan ito.

Lumabas si Vansel sa sasakyan nang mahinto ito mismo sa tapat ng entrada ng malaking mansyon. Bumukas ang side ng pinto ko, at si Vansel ang may gawa nito.

"Shall we?" He regarded me kindly, extending his hand for me to take.

I nodded while holding his hand.

Ang madilim na langit agad ang unang namataan ko nang makalabas sa kotse. Hinawakan ni Vansel ang kamay ko at umatras kaming saglit. Pinadaan lang ang sasakyan para makaparke ito sa parking spot.

At nang madaan na, ay pareho na kaming nakatingin ngayon ni Vansel sa laki ng pinto na para bang simbahan. Napakapulido ng architecto nito, at halatang pinag isipang mabuti ang bawat sulok at skulptura ng mansyon. Hindi tinipid sa pera ang desenyo. 

Humingan ako nang malalim, dahil biglang nakaramdam ako ng kaba. Kakaibang kaba ito, at hindi ko maipaliwanag.

I know I was suppose to tell Vansel something personal. Ayaw kong isipin niya na ginagamit ko lang siya sa lahat ng bagay at oras na nilalaan niya sa akin. Talagang kapatid lang ang tingin ko sa kanya.

"Vansel..." Bibitaw na sana ako sa hawak niya pero mukhang ayaw niya akong bitawan.

"Let's go." Siglang boses niya. Hahakbang na sana siya, pero nahinto.

"Teka lang, Vansel. . ."

We both paused, and he faced me. "Bakit?"

"May sasabihin sana ako, Vansel. Gusto kong maging patas at totoo sa 'yo." Nahinto akong saglit at nabalot ng kaba ang puso ko.

Ngumiti siya at saka hinawakang lalo ang kamay ko. Nasa tapat na kami ng pinto rito.

"Don't worry, Eva... I'm here for you. My dad is a great guy. He won't pass judgment." He smiled warmly and gently lifted the back of my hand to his lips. He kissed it!

Namilog ang mga mata ko. 

Dang it! Itong batang ito.

Ramdam ko agad ang labi iya sa kamay ko. 

"Ano kasi, Vansel. . ." 

Sasabihin ko na sana, pero biglang bumukas ang pinto at may isang tao na lumabas mula rito. Hindi ko pa naaninang ang mukha niya, pero parang may kakaiba. 

"Vansel? Son?" baritonong boses nito.

Bumitaw agad si Vansel sa kamay ko at napayuko akong saglit. Nakita siguro nang ama niya ang paghalik ni Vansel sa kamay ko. Kung sa angulo niya ito mula sa likod, ay parang naghahalikan kami ni Vansel. Nakakahiya!

"Oh, hi, Dad!" Humarap na si Vansel at saka masayang niyakap ang ama.

Napalunok ako at saka inangat kong konti ang mukha para matitigan ang ama ni Vansel, pero laking gulat ko nang magtagpo ang mga mata namin at napaku saglit ang paa ko sa kinatatayuan ko ngayon. 

"By the way, Dad. This is Eva, my girlfriend," ani ni Vansel sa ama niya. 

Namilog lalo ang mga mata ko, at hindi lang ang balikat ko ang bumagsak, dahil kasama na ang buong katawan ko. 

Sebastian's smile vanished the moment our eyes connected. My jaw dropped, and his gaze turned somber. 

"V-Vansel, hindi mo ako g. . ."

"Eva, this is my father." Humawak na si Vansel sa kamay ko. Hindi niya ako pinatapos.

Nakay Sebastian pa rin ang mga mata ko. Hindi ko maalis ito at nanginig ang tuhod ko sa sobrang kaba. At sa sandaling segundo ay nagbago ang lahat. Namuo ang kakaibang tingin niya sa akin, at napakuyom kamao siya sa sarili. 


.

c.m. louden


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro