Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

25. Conversation



Eva

.

"May anak ka?" I stared at him, shocked.

Ba't ko ba inisip na wala? Eh, sa edad niya, ay tiyak meron na.

He inhaled deeply against my ear and held my hand tightly. Pareho kaming nakatingin sa TV.

The lights are dim. It's four o'clock, and after making love over and over, we ended up having some snacks and are now spoon-cuddling.

Komportable ako sa ganitong posisyon namin. Naka on ang TV at news channel sa bansang Amerika ito. Nanonood kami, pero mukhang siya lang dahil panay ang talak at tanong ko. Hanggang sa heto, ang pamilya na ang naging topic namin dalawa.

"He means a lot to me, Eva...I love him so much."

My mouth fell a little bit.

Kahit na sino namang ama pagdating sa anak nila, ay tiyak mamahalin nila ito ng higit pa sa buhay nila.

"That's good," I smiled and touched his face.

"I want to know him. Will you introduce me to him one day?"

He sweetly smiles. "Of course. One day...one at a time." He planted a quick kiss on my forehead and then hugged me tightly.

Ibinaon niya ang mukha sa leeg ko at saka pareho kaming natahimik saglit.

I want to ask about his ex. I want to know what happens.

"I'm a divorcee, Eva. It's been three years now..." he started.

Okay, he is now beginning to open up about the past, which is a positive step.

"I thought I could never find love again, but that proves me wrong because I'm here with you, feeling like a brand new person, falling in love again."

So, tatlong taon na siyang divorcee?

Ngumiti ako at bahagyang gumalaw para matitigan siya sa mukha.

"Did you ever have regrets upon letting her go?" I swallowed hard.

He slightly chuckled. "I don't have any regrets, Eva. I don't want to talk about her anymore. She's not part of my life, and I'm glad that it was over." He let go of hugging me and rolled over to stand up.

Naglakad na siya patungo sa banyo at sinunod ko lang siya nang tingin.

Sana hindi na lang ako nag tanong. Mukhang hindi pa yata siya handa na pag usapan ito. Tumayo na rin ako at kinuha ang damit na nagkalat sa sahig.

Napangiwi ako, dahil napunit nga naman ang policewoman attire ko. Hindi ko na rin magagamit ito. Kaya itatapon ko na lang din.

Lumabas na siya mula sa banyo na naka boxer short. Tipid akong ngumiti nang matitigan sa liwanag ang kabuuan niya.

"I need to leave early today. I have an early meeting, and I might not see you tonight. I have to prepare something for my son."

"Okay. . . Walang problema sa akin." Lawak na ngiti ko.

Lumapit na siya at ulit na niyakap ako. Mahigpit ito at nagtagal ng iilang segundo.

"Ayaw mo na ba talaga sa macchiato ko?" I pouted. I really want him to visit me at work just once. I want to show him that my macchiato tastes better now.

"Eva...if I date you. I will not visit you at work anymore. That's me. I'm like that. . . I'm sorry if I wasn't what you expect from a boyfriend. I'm far from the perfect young prince you imagine, Eva... I'm no longer that."

I twisted my lips a little bit. "Okay..."

Inayos na niya ang buhok ko at saka malambing niya akong tintigan.

"I will see you again. . . You have fun, okay?"

"Okay." Tumango ako.


MAAGA akong pumasok sa coffee shop. Masaya ako at walang mapaglalagyan ang ngiti ko sa labi. Nakakatawa nga dahil ang bilis ko rin namemorya ang mga assignment ko.

Iba nga talaga kapag in love ang isang tao. Lahat nagiging impossible. The dopamine in my body is giving me a positive outcome of my memory.

Tumawag din si Amye sa akin. Nag uupdate sa kaso ko at sa ex ko. Wala pa ring usad ito. Nakakabagot. Pero hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang parte ko sa kanya.

"Lahat pala ng gamit mo ay kinuha ko. Nakatambak sa bodega. At ang kapal ng babae niya ano! Hay naku! Kung hindi ko lang kasama si Ben, ay tiyak sinabutan ko na."

Ben is Amye's young cousin. Nasa city hall ng Alegria siya nagtatrabaho, at kahit papaano ay natutulungan niya ako pagdating sa usapang ganito.

He serves as my solicitor and mediator. He is good and has somehow gathered a lot of evidence that will eventually pin my ex, David, in the future.

Nangangalap si Ben ng ebidensya para sa ikauusad ng kaso ko sa walang hiyang ex na 'yon! Mukhang aabutin pa yata ng sampung taon ito. Pero bahala na! Kailangan ko talaga makuha ang karapatan ko sa bahay na 'yon! Hindi ako papayag na hindi kami maghahati. Pareho kaming may pera roon at hindi lahat sa kanya!

"Siyanga pala. Hindi mo pa talaga sinabi kay Tita? Tinanong niya ako kahapon tungkol sa 'yo at kay David. Hindi ko alam ang isasagot ko!"

Napabuntonghininga ako at napapikit-mata.

"Sasabihin ko rin, Amye. Magtatapat ako kay Mama. Pero hindi pa ngayon."

"At kailan pa? Kapag pumuti na ang uwak? Ganun ba?" Humagikhik siya.

"Dios ko naman, Eva. Puwede ba sabihin mo na sa ina mo. Oo, masasaktan at masasaktan si Tita kahit na ano paman iyan ay masasaktan talaga siya! Pero mahal ka nu'n! Anak ka niya. Mas papanig siya sa 'yo!"

"Alam ko...pero..."

"Anong pero? Sabihin mo na. Baka ang babae pa ni David ang mag sabi. Mas masakit iyon, hoy! Inisip mo ba kung sakaling lilipad ang Mama mo at pupunta ng Alegria para bisitahin kayong dalawa ni David. Ano na lang ang gagawin mo, hoy!?"

"Oo na. . . Sasabihin ko na." Umismid ako. Mapapasubo yata ako ng wala sa plano.

"Sabihin mo ha! Maghihintay ako."

"Oo!"

Nakakainis, pero tama siya. Kailangan kong sabihin kay Mama ito. Ayaw kong pumunta si Mama sa Alegria para lang dito.


Pagkatapos namin mag usap ni Amye, ay dumiretso ako sa Unibersidad. Konting case study quiz ulit. Mabuti na lang at nasagot ko ito ng tama. Nakatulong ang paglagi ko sa hotel. Nakakapag koncentrate ako sa pag aaral.

"Eva!" Ang tawag ni Vansel ito. Nilingon ko siya at masayang masaya siyang tumakbo palapit sa akin.

"Where did you stay last night? I was waiting for you. Did you get my message?"

Kumurap ako at napangisi ng wala sa sarili.

I read his messages, and I was too busy with Sebastian of course for a reply. Hindi ko na inisip iyon, dahil hindi naman mahalaga.

"Ahh, I stayed at Emelda's place. It was her birthday!" I lied, but partly true.

Birthday ni Emelda kagabi. Inimbetahan niya ako, pero hindi ako pumunta dahil abala kami ni Sebastian sa ibang bagay!

"I see. . ."

"U-Uuwi ka na ba?" Nangarag ako. Wala pa naman akong plano na bumalik sa dormitory ngayon. Gusto kong bumalik sa hotel. Nandoon naman ang mga gamit ko at books. Mag aaral ulit ako.

Sebastian won't visit me tonight. It's good. Because it will give me time to study.

"Hindi pa. May group study pa kami."

"Okay. That's good! Keep it up!" Tapik ko sa balikat niya.

"Sige, alis na ako..." Tatalikod na sana ako, pero nahinto ulit dahil sa kanya.

"Teka lang, Eva. . ."

Humarap ulit ako sa kanya. "Bakit?"

Iba yata siya ngayon. Mukhang may gusto siyang sasabihin.

"This coming Saturday, free ka 'di ba?"

Dios mio. Alam na alam niya talaga ang libreng mga araw ko.

"Oo naman. Bakit?"

"Can I invite you for dinner at my place?"

"H-Ha?" Napaawang ang labi ko. "Sa bahay ninyo?" Napangiwi ako.

"Oo. . . Okay lang ba?"

Kumurap ako at nag isip saglit. "Uhm, ano kasi. . ." Sasagot na sana ako, pero biglang nag vibrate ang cell phone ko sa bulsa. Kaya nahinto ako at dinukot ito.


Sebastian message me...

Eva, can I see you tonight, baby? I'm not gonna be available tomorrow.


Ngumiti ako at nagtipa ng reply.

"Eva..." si Vansel sa harapan ko. "Ano, okay ka ba sa Sabado? Please, Eva..."

Nagtitipa pa ako ng mensahi at nakangiti ako ng konti. Excited ako, at wala sa sarili na napatango ako kay Vansel.


My message to Sebastian:

Sure, Seb. I'll see you tonight, babe...

Yikes! Kinilig talaga ako. Ano na naman kaya ang surprise ko? Ano ako?


"Yes! Thank you, Eva." Napahawak si Vansel sa balikat ko na parang nagmamadali na. "I have to go. They're waiting for me. I'll see you on Saturday, Eva! Thank you!" Sabay takbo niya.

"H-Ha?" Natulala ako at napakurap sa sarili.

Tang ina. Napa-oo ako sa kanya.

.

c.m. louden

please vote for support. Thank you.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro