Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2. Mr. Grayson




Eva

.

Nakatulong ang pag-overnight stay ko sa unit ni Vansel. I managed to study for today's exam. Nakakahiya man sa kanya, ay nasanay na ako sa ganito.

Vansel will let me stay at his place and sleep in comfort. He always offered me his bed, but because I was the guest, I always chose to sleep on the sleeping couch.

Iba ang kurso ni Vansel, pero mag-pro-proceed raw siya ng law gaya ko. Masaya siyang kasama at magaan ang loob ko sa kanya.

"Kumusta ang exam? Nakasagot ka ba?"

Parang kabute si Vansel mula sa likod. Hindi ko siya napansin, at kakalabas ko lang din mula sa classroom.

"Pakihawak, Van. Naiihi na ako!" Mabilisan kong nilapag ang iilang libro sa kamay niya at kumaripas ako ng takbo patungo sa pambabaeng banyo.

Nahimasmasan ako pagkatapos ang hinugasan ang kamay. Nakangiti akong lumabas dahil nasagot ko ng tama ang lahat. Sana naman ay tamang eksplinasyon ko sa bawat batas, at sana ay sapat iyon para kay Judge.'

"Salamat ulit!" Kinuha ko lang din ang mga libro sa kanya.

"You look happy. You did good, right?"

"Yes, I did! Thank you for letting me stay at your place."

"Not a problem. Kung gusto mo ulit mamaya, ay okay lang din."

Naglakad na kami ng sabay.

"Wala na akong exams ngayong linggo, dahil sa susunod pa. Don't worry. Kaya ko na. Salamat talaga."

"All for you, Eva. Sige, hanggang dito na lang ang hatid ko. May tatlong subjects pa ako hanggang mamaya."

Nahinto kaming pareho sa bungad ng gate ng unibersidad.

"Okay. See you then!" Kaway ko at tumakbo na siya pabalik sa classroom niya.

Nakakatuwa talaga ang batang ito oh. Kahit pa alam ko na dikit ang subject schedule niya, ay talagang ginagawa niya ito madalas sa akin. Inihahatid niya ako sa mismong gate lang, at saka balik sa classroom. At kung sa dormitoryo naman, ay palagi niya akong ini-imbetahan sa unit niya, dahil alam niyang maingay at disturbo si Tricia.


I walked down our dorm hallway and heard the music from Tricia's unit. I twisted my lips, and my brows shot dead in disappointment.

Wala na talagang magbabago rito. Gustong-gusto ko ng umalis sa dormitoryo na ito, dahil hindi ito nakakatulong sa pag-aaral ko. Kung bakit ba kasi dito ang pwesto ko? Ang malas ko talaga! Ang tagal ko ng nag-request ng transfer, pero magpahanggang ngayon ay wala pang available unit.

Pahirapan naman kasi ang makapag-avail ng unit sa dorm. Itong unit lang na katabi ni Tricia ang bakante palagi, dahil lahat sila na galing sa unit na ito ay hindi nagtatagal.

"Hoy, Tricia, manahimik ka naman! Magpatulog ka!" Sapak ko sa dingding.

Alas singko na ng umaga at malakas pa rin ang musika niya. Martes ngayon, may trabaho ako sa coffee shop. Umaasa ako kanina na makatulog man lang, pero wala eh! Kahit anong klaseng posisyon ay pananakip ng tainga ay hindi talaga. Mukhang overnight jugjugan at party ang nangyayari sa loob ng unit niya.

Ilang lalaki ba ang nasa loob? Mukhang marami yata sila. Ano 'yon, threesome? Foursome? Six, fifth? Anong klaseng babae ba siya!

Lumabas ako na bitbit ang damit at tabo. Ganitong oras ay dapat hindi pa ako naliligo, pero dahil na-bwesit ako kay Tricia ay aagahan ko na lang ang duty ko sa coffee shop. Pero bago paman ako nagpuntong banyo, ay kinatok ko nang malakas ang pinto ng kwarto ni Tricia. Tahimik na kasi at mukhang tulog na ang gaga. . . Pwes, gigisingin ko siya!

"Tricia!! Tricia!!" Umuusok pa rin talaga ang ilong ko. Ang swerte naman niya. Matutulog na siya dahil papasok na ako sa trabaho?

"What the heck is wrong with you, bitch!?"

Ang magulong mukha niya ang bumati sa akin. Nagkalat ang lipstick niya sa mukha at naka-panty at bra lang din. Amoy alak at sigarilyo ang loob.

"Nakakahiya ka? Babae ka pa ba?" Takip sa ilong ko. Natawa siya at saka isindal ang likod sa gilid ng pinto.

"At least I look like a pretty bitch than you," she sarcastically said, looking at me from head to toe and back.

I chuckled.

Unbelievable! Does that mean I'm not pretty at all?

Oh heck, kung gaganda lang din ako na katulad niya, ay huwag na lang ano! Wala akong plano!

"Will you stop having party at your unit? Kung hindi man party ay kalandian naman. My God, ilang boylet ba meron ka?" Bumaba ang tingin ko sa panty niya. Naisip ko na maluwag na maluwag na yata iyon.

She laughed and shook her head. "That's none of your business, bitch. Ano? May sasabihin ka pa ba? Dahil kung wala na ay umalis ka na. Shushh!" At agad niya akong pinagsarhan ng pinto.

What? And she called me the bitch? Is she serious? Ugh!

Konting ipon na lang talaga at makakaalis din ako sa imperynong dormitoryo na ito. Makikita mo!

Imbes na sa nakasanayang daan, ay sa ibang eskinita ako dumaan patungo sa coffee shop. May trenta minutos pa ako, at ten minutes sobra lang naman na lakad ito patungo roon.

Abala ang lahat at mahaba ang traffic. Lahat ng tao na naglalakad ay parang mga zombie patungo sa trabaho. Walang pakialamanan. Walang ngitian na para bang normal na parte na ito ng mundo.

Iba sa Alegria dahil nakangiti ang halos roon. Kung naglalakad ka, ay may bumabati sa 'yo. Kung may isang tao na sa tingin mo ay kailangan nang tulong, ay maraming hihinto. Pero iba rito sa syudad, dahil mukhang manhid na ang mga tao.

"Manong..." Inabot ko lang ang sampung piso sa kamay niya. Pulubi siya, at madalas ay namamataan ko siya sa bawat kanto.

"Salamat, Inday." Ngiti niya at nagpatuloy na ako.

Huminto ako kasama ang kumpulan ng mga tao. Naka-red ang tawiran, at lahat kami naghihintay na maging green ito.

From where I stand, I saw another beggar across the side. That one looks more pitiful than the one before. Kinakalkal niya ang basurahan. Naghahanap ng makakain. Huminto ang isang pormal na lalaki at ang likod niya lang ang nakikita ko. Mukhang may ibinigay siya sa matandang nangangalakal. Pagkain ito, at inabutan pa niya si Manong ng pera.

Ngumiti ako. . . Sa kabila nang makabagong mundo ay may mga tao pa pala na katulad niya.

Ngayon ay naglakad na ako palapit sa kanila. Kasabay ko ang maraming tao. Hindi ko inalis ang tingin ko sa lalaki. Mukhang pamilyar kasi siya, hanggang sa naalala ko siya.

Oh, it's him! It's the same person the other day. Siya nga iyon! Ang lalaking bumili ng gulay kay Nanay na sobra-sobra ang binayad.

At sa pagkakataong ito ay namataan ko ang kabuuan ng mukha niya. May edad na yata siya, pero ang gwapo pa rin.

"Good morning!" I said as I entered the coffee shop.

"Oi, Eva! Salamat sa Dios!" si Emelda. "I need your help. I'm busting for a break."

"Oo na."

Umalis siya sa pwesto at ako agad ang pumalit. Early morning shift si Emelda. Bukas na kasi ang coffee shop na ito alas kwarto pa lang, at si Emelda ang opening.

Ngumiti akong tiningnan ang listahan ng orders sa counter, at sinimulang nang gawin ito. Hindi naman marami. Mga tatlo lang at alam ko agad ang uri ng kape.

Sinimulan ko at isa-isa itong ibinigay sa kanila. At nang matapos ay lumapit si John sa akin.

"Kaya mo naman na gumawa ng iba't-ibang klase na kape, Eva, ano?"

Nagtagpo ang kilay ko. "Oo, kung cappuccion, instant, okay lang. Pero-"

"Okay. Take over. I will do the big orders from the T&L now." He cuts me off, and then he goes inside the kitchen.

"Ha? H-Hoy, John!" Sinunod ko siya hanggang pinto.

"I'm running out of time, Eva. Wala pa si Michael, kaya ikaw muna."

Naiwan akong tulala. Ba't wala pa si Michael? E, madalas naman maaga siya.

"Hindi ako eksperto sa ibang klase, John," reklamo ko.

Nalukot ang mukha niya sa akin. "But you've seen me make every day, right? You can handle it. Give it a shot. Go!" Tinalikuran na niya ako.

Do I have a choice? Wala 'di ba? Kaya bahala na.

Bumalik ako sa counter at nalula ako sa pila ng mga customer.

Shit! Kung three in one na kape lang ito ay walang problem. Pero hindi eh.

"Excuse me, Miss. Two flat white with no sugar."

"Okay... we don't add the sugar, Sir, but we have packets of sugar in this corner. Thank you." at nagsimula na ako.

Adik na yata ako sa amoy ng kape, dahil ito na ang naging pabango ko. Kahit pa sa restaurant ay naamoy nila ito sa akin.

"Here you go, Sir. Thank you." Ngiti ko nang maibigay ko ang kape na order.

"Next? What can I help you with, Ma'am?" I smiled at her, but my eyes caught the third person in the line. He was looking at me. 

Oh my goodness! Siya iyon! Iyong lalaki kanina at noong isang araw. . . ang lalaking mabait!

Ngumiti akong lalo. Ngayon ko lang siya nakita rito. O baka naman nagpupunta na talaga siya, at hindi lang ako ang server.

"Thank you." Sabay bigay ko sa order ng babae, at kinuha ko agad ang order ng sumunod. I glanced back at him, and he is looking at me still. He will be my next customer.

"Thank you, Ma'am. Nasa gilid po ang asukal, Ma'am." Turo ko nito at tumango siya.

"Next? Yes, good morning, Sir. What's your order for today?" I widen my smile at him.

He looked at me without a single drop and said. "Can I have a macchiato, please?"

"M-Macchiato?" Kumurap ako at nawala bigla ang ngiti sa labi ko.

"Yes."

Shit. Sa lahat ng kape ay ang macchiato ang hindi ako pamilyar. Si John lang ang gumagawa nito sa tuwing may order, dahil siya lang ang may alam kung papaano. Pero nakita ko na siya na gumawa nito, at naalala ko pa.

Ma-try nga! Mukhang madali lang naman yata.

"Okay, one macchiato for Mr?" Taas ng isang kilay ko, sinusulat ko kasi ang pangalan niya sa coffee cup.

"Mr. Grayson," he sweetly smiled.

I nodded. "Mr. Grayson, your macchiato will be ready right away, sir!" I said with a smile.

Sa totoo lang, gwapo siya. Matangkad, pormal at propesyonal. Halatang may edad na nasa early thirties siguro.

His deep dimples are set perfectly on his cheeks. His friendly looks, beautiful eyes, and baritone voice soothe the hell out of me.

Not bad. He's an ultimate charmer. He can easily please any woman. 

Ramdam ko agad ang mga paru-paru sa tiyan ko nang matitigan ko ulit siya. Seryoso ang tingin niya sa akin, at mas binilisan ko na ang pag-gawa.

Dadamihan ko kaya ng coffee foam? Tama ba kaya ito? Sana nga.

"Mr. Grayson?" I squeak like a rat. What the heck?

"Uhm, Mr. Grayson?" Inulit ko ang pangalan niya at maayos na ang boses ko ngayon.

Walanghiya ka naman self! Nagpapa-cute ka lang naman pumalpak pa ang boses.

He strode closer and looked at me deeply with his dashing smile.

"Your macchiato, Sir. Thank you." Inabot ko ito sa kanya, at pormal niyang kinuha ito sa kamay ko.

"Thank you too, Eva."

Namilog ang mga mata ko. Alam niya agad ang pangalan ko? Oh my...goodness.

He cleared his throat. "Eva, right?" He pointed his eyes to the nameplate on my chest.

Ang tanga self! Of course, my nameplate ako. Tsk, tanga is me, you know na who!

"Yes, that's me," I forced a smile, and he nodded gently. Tumalikod din agad siya at talagang sinunod ko pa siya nang tingin hanggang sa makalabas siya.

.


c.m. louden
Always vote :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro