19. Vansel
Eva
.
I wake up with a smile on my face, feeling Sebastian beside me. Hindi kapani-paniwala ito, at nandito siya sa tabi ko.
Maaga pa naman. Madilim pa yata sa labas, at nagising lang ako dahil talagang maaga naman akong nagigising. Nasanay na ang katawan ko sa routine sa dormitoryo.
We had a good night, and the lovemaking was absolute bliss. It was one of a kind—the best of the best.
"Good morning, Eva..."
Namungay ang mga mata ko nang mamasdan ko si Sebastian. He looked at me lovingly. That's how I describe it.
Nauna na akong nagising at nag ayos sa sarili. Kakatapos ko lang din na maligo, at hindi ko namalayan na gising na pala siya.
"Good morning, too, Mr. Grayson!" pa-cute na ngiti ko. Namumulaklak ang mga mata ko sa kanya at kakaiba ang pakriamdam ko ngayon.
Masaya ako!
"Did you sleep well?" he asked, looking pleased as he fixed his necktie.
"Oo...kahit na ilang oras lang iyon. Okay na." Humakbang ako palapit sa kanya. "Ako na..." At inayos ko ito.
"Wala ka naman sigurong trabaho ngayon ano?"
"Meron,pero mamaya pa. But I have to leave now. I need to stop by my place to pick up a few things before heading to work. Will you be okay by yourself?"
I lift my chin up for him. Ang gwapo niya talaga!
"Oo, okay lang ako. Bibisita ka ba sa coffee shop?"
Ngumisi siyang konti. "I won't, Eva. I will never go back there. Don't worry. I will catch up with you soon." Tumalikod siya at isinuot ang tuxedo jacket. Dumagdag ito sa polido at pormal na tayo niya.
I lost my smile again while looking at him.
Ayaw na niyang bumalik sa coffee shop. Bakit?
So, what will happen next? I thought there was something special with us. I thought we shared the same feelings after what had happened.
Ako lang ba ang nag-e-elusyon? What the...
"I've added your number to my phone and will give you a call," he said softly.
"Oh... I see..." Gumuhit muli ang ngiti ko sa labi.
"I have to go, Eva...you take care." Humakbang siya palapit sa akin at saka hinalikan ako sa noo.
Namilog ang mga mata ko. At nagwala saglit ang tibok ng puso ko.
Gusto rin niya ako! Alam ko na ito ang nararamdaman niya. Pareho kami ng nararamdaman talaga!
"You take care too, Mr. Grayson," I proudly stood, waiting for him to walk out.
"Drop the Mr. Grayson, Eva... it's Sebastian."
I pressed my lips together, and my heart fluttered.
"Okay. . . Sebastian."
"That's it. . . See you soon."
Kumaway akong konti at pinagmasdan siya hanggang sa makalabas siya rito. Napasayaw ako sa sarili nang paikot-ikot habang ginagawa ang kape ko.
It's my first experience of this after two years. I thought I would never fall in love again.
Sinumpa ko na ang mga lalaki noon, noong umalis ako, at pinangako na hindi na ako basta-basta ma-iinlove sa kanila. Pero heto ako ngayon, masaya sa nararamdam ko.
Sebastian, heal my broken bits and put them back together. I'm in love again.
THIS IS MY LAST SUBJECT FOR THE NIGHT, and I'm not looking forward to heading back to the dormitory.
Kung pwede lang sana na lumipat na ako, pero hindi pa. Hindi pa tapos ang proseso. Tinawaga ako kanina ng real estate agent, at on going pa ito. Siguro sa mga susunod na linggo pa raw, dahil nililinis ito ng may ari. Kaaalis lang daw ang renter, at marami raw aayusin. Kaya sa susunod na buwan pa raw talaga ako makakalipat.
"Eva!"
Napalingon ako sa pamilyar na boses. . . si Vansel.
"Here. I have something for you!"
May bitbit siyang supot at alam ko na agad kung ano ito.
Pagkain.
"Uuwi ka na ba sa dorm? Sabay na tayo. Hindi ka pa kumain ano? Bumili ako ng ulam at may kanin na sa dorm ko. Sabay na tayo. Paborito mo 'to."
Lumawak ang ngiti ko. Ang swerte ko nga naman! Wala akong gana na bumalik sa dorm, dahil mag-iingay lang si Tricia! Hindi na naman ako makakapag-review nito. Kaya mas mabuti na kay Vansel na muna ako.
"Okay. Let's go!" Pinalupot ko agad ang kamay ko sa braso niya at sabay kaming dalawa.
Vansel is like a brother to me. Ka-edad niya ang kapatid kong lalaki. Limang taon ang tanda ko sa kapatid ko. Namiss ko na tuloy ang bugoy na 'yon at si mama. Tatawag ako mamaya bago matulog.
"Uuwi ka na ba, Vansel?"
Nahinto kaming pareho ni Vansel at napalingon nang sabay sa likod.
"Desiree!" bati ni Vansel. "Oo. Sa dormitory na kami." Bumaling ang mga mat ni Vansel sa akin muna bago kay Desiree.
Nalungkot ang mukha ni Desiree nang matitigan niya ang kamay ko na nakapulupot kay Vansel. Tinangal ko agad ito.
"May study session ba kayo?" Kurap ko kay Vansel, at natulala siya.
"It's alright. Go ahead." Itinulak kong bahagya ang katawan ni Vansel palapit kay Desiree.
"Nakalimutan ko, may kukunin pala ako sa kaklase kong si Emerson!" Ngising aso ko kay Vansel.
Meron naman talaga akong kukunin kay Emerson. Ang dalawang libro ito ng the revised penal code. Noong isang linggo ko pa dapat ito kunin. Kaso naging abala ako at hindi kami mapang abot ni Emerson sa dormitory niya. Sa kabilang eskinita kasi ang sa kanya at palagi siyang wala.
"Are you borrowing it?" Vansel's brow furrowed.
"Oo." Tumango ako. "Dapat sana noong isang linggo pa, kaso hindi kami nagtatagpo. Wala siya palagi sa dormitoryo niya." Napatingin agad ako sa relo na suot.
"I'm sure he's home by now. I will catch up with you later, Vansel!" I was about to take a step, but Vansel's hand quickly looped around my wrist.
Napatingin na tuloy ako sa palapulsuhan ko.
"May libro ako ng penal code, commercial law at special proceedings, Eva." Higpit na hawak niya sa palapulsuhan ko.
Namilog ang mga mata ko. Hindi ko ito inaasahan na meron siya!
"At wala kaming study session ni Desiree."
Napatingin ako kay Desiree. Nalungkot lalo ang mukha niya.
"May Penal Code ka at iba pa?" Tumaas bahagya ang isang kilay ko at bumitaw na siya sa palapulsuhan ko.
Nakakatawa talaga ang batang ito.
"Kailan ka pa nahilig sa Law books ha?" Pamaywang ko. Hindi kasi law ang kurso niya, at malayo ang kurso niya sa preparatory nito.
"Sa daddy ko..." Umayos siya at saka tumabi na ulit sa akin.
"Daddy mo? Lawyer ang daddy mo?"
"Uhm, no. He is not a lawyer, but he has studied a few things about the law and knows about it. He's an Architect Engineer!"
Napangiti akong lalo. "Ahh..." Tumango ako.
It doesn't make sense, but an architect-engineer might need a background in the law anyway.
"My family is in politics, too. So, if you need any books in regard to its constitution and law, I can provide them for you."
Napaawang ang labi ko at napakurap na lang ako.
Hindi na siguro, dahil sisiguraduhin ko na makakabili na ako ng sarili kong libro. May pera na ako!
"Sige ba..." I nod just to make it all easy. I don't want to prolong the conversation anymore because Desiree is waiting, and Vansel is obviously ignoring her.
"So, let's go?" Hinawakan na ni Vansel ang palapulsuhan ko at agad siyang humakbang na parang kinaladkad ako.
"Ha? T-Teka lang... si Desiree, hoy!"
"Okay lang. Magkikita naman kami bukas." Nilingon niya si Desiree, at wala siyang balak na pakawalan ako.
"Kita na lang tayo bukas, Des! Mag-iingat ka!" Sigaw niya.
.
c.m. louden
vote for support as always. Salamat!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro