Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17. Change



Eva

.

Parang gusto ko ng lamunin na ng lupa. Sana nga magbukas ang langit at kumidlat ng malakas. At sana tamaan ang gusaling ito, at nang sa ganun ay magunaw na ang mundo.

Peke akong ngumiti habang iniinom ang malamig na inomin.

Nasa loob na kami ng penthouse. Ibang kwarto ito. At kagaya ito ng naunang kwarto ko kay Sebastian noon, magarbo rin.

"Alam mo, Eva, noong isang linggo pa talaga kita inaabangan. Kaso hindi mo ako pinili. Kaya ngayon, sinigurado ko talaga na ako ang mananalo."

Ngumisi siya at litaw ang dalawang malalaking ngipin niya sa harap. Napangiwi akong konti, at tumango na lang.

I'm not in the mood to talk to him or to play with what he wants. I'm so buggered. I feel like shit, and I want to go home now.

Pero paano ko ba gagawin ito? Anong excuse ko? 

Puwede ko naman siguro sabihin na red flag ako ngayon dahil meron ako. O, baka, puwede ko rin naman sabihin na masakit ang tiyan ko.

Hay naku, Eva!

"Ilang taon ka na ba, Eva?" Ngising aso niya. Kanina pa siya titig na titig sa akin na parang naglalaway.

"Twenty four. . ." Nahinto akong saglit. Gusto kong magtanong ulit sa pangalan niya. Sinabi na niya ito kanina sa akin, pero nakalimutan ko.

"Ano ulit pangalan mo?"

Wala na talaga ako sa tamang huwisyo!

"James... James Reid."

Kamuntik na akong maubo. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili. Napatingin ako sa kanya, at bakas sa mukha niya ang seryosong mukha. Nakatingin lang siya sa akin na para bang nahihiwagahan siya sa. . . ganda ko? Ewan!

"James... Reid?" Nangunot ang noo ko.

"Oo, James Reid. I come from the Reid family, the only heir of Reid Corporations. Have you heard of it?"

Ay ayon, ang galing mag English. May pinag aralan 'te. Iyon nga lang mukha siyang. . . 'di bali.

"Uhm, h-hindi eh. . ." pekeng ngiti ko. Hindi ko naman talaga alam ito. Wala akong alam sa kalakaran ng syudad ng Cebu, at wala rin akong alam sa mga opisyal at mga matataas na negosyanteng tao rito.

I only come here to continue my study of law at the University of Cebu School of Law. Limang taon pa ang kulang ko. Kaya heto, bugbog sarado na agad sa gasto. Isama mo na rin ang utak ko. Minsan hindi ko alam kung may utak pa ba ako, o nagpapakagaga lang din sa pinasok kong trabaho.

"Oh, hindi mo alam? I will give you pamphlets. I will also give you my card. You might want to apply for me. You can become my worker."

"Ha?" Nganga ko.

Dios ko po, tulungan niyo naman ako, please...

"I really like you, Gladioli. Hindi ka mawala sa isip ko noong nakita kita noong nakaraang linggo. Ang ganda mo. . ." Bumaba ang tingin niya sa legs ko.

Pinagdikit ko ito. "S-Salamat. . ." Tumingala ako at inubos na ang pangalawang cocktail. Nagsalang ako ulit.

"Tell me what you like to do, Miss Gladioli. I can accommodate you with what you want, and if you like, I can be your boss... magaling ako sa maraming bagay, at tiyak magugustuhan mo."

I looked away, trying to calm my senses, but the heck! I want to run away.

"I will be gentle, Miss Gladioli. You can do whatever you want to do with me. I can become your baby toy, if you like..." Namungay ang mga mata niya, at kinilabutan ako.

Trust me! Konti na lang talaga at sasabunutan ko na ang sarili.

"Uhm, Mr. James Reid. . . I-I can't—"

Magsasalita pa sana ako, pero biglang may nag doorbell sa pinto. Kinabahan na tuloy akong lalo.

Tumayo si James at saka pareho kaming nakatitig sa pinto ngayon.

"Sino ba ang estorbo? May ini-order ka ba na room service, Miss Gladioli?" Balik na tingin niya sa akin.

"Ako? W-Wala. Baka ano, care taker team? Buksan mo kaya." Utos ko sa kanya. 

Naaalibadbaran na ako sa James Reid na 'to. Konti na lang talaga at magpapaalam na ako sa kanya.

Inubos ko nang mabilisan ang cocktail. Gusto kong lakasan ang sarili at nang sa ganun ay hindi masyadong masakit kung sakaling sampal ang aabutin ko sa customer na ito.

I don't want to spend a night with him. I will tell him that I'm not in the mood to become his sex slave. And I do hope he is good enough to listen to my request. 

Okay lang naman ako kung gusto niya nang makakasama buong gabi. Magkukwentuhan kami. Kakayanin ko. Puwede akong tumambling at maging joker sa harapan niya. Huwag niya lang hingin ang katawan ko, dahil talagang hindi ko maibibigay ito sa kanya.

Bumukas ang pinto at rinig ko agad ang kausap niya. Napatayo ako sa upuan at saka naglakad ako palapit sa kanya.

Nahinto akong saglit nang makita na si Sebastian ito.

What the. . . What the hell is he up to?

"Oh, there she is. . . Hello, Miss Gladioli." He swiftly smiled at me and then stepped inside the room.

"I have a proposal to make, James." Hakbang niya patungo sa maliit na stool bar ng kwarto.

Kinabahan ako at sinunod ko si Sebastian nang tingin. Hindi lang ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa kwartong ito.

Sebastian's gaze locked onto mine. He stared at our drinks, particularly at mine. I swallowed nervously, my cheeks turning red.

Apat na cocktail na ang naubos ko. Binilisan ko ito, dahil gusto kong lakasan sana ang sarili. Ayaw kong mahiya kung sakali man na may ipapagawa si James Reid sa akin. Pero hindi ko rin kakayanin ito, dahil hindi ko naman talaga gusto.

"What brings you here, Sebastian?" I finally speak up.

Parang naipon yata ang lakas ng loob ko at sa kanya ako naging matapang ngayon.

He smirked and then ignored me for a moment, shifting his gaze to James.

"We have to change partners, James."

"H-Ha? Bakit? Ako ang pinili ni Gladioli, Sebastian!" Matapang na sumagot si James sa kanya.

My mouth fell open. . . They know each other. Sebastian and James knew each other!

"Yes, she choose you because she has no choice." Tinitigan ako ni Sebastian. "It's me she wants and not you, James." Igting ng panga niya at sa akin lang siya nakatingin kahit na si James ang kausap niya.

"At bakit naman? Si Hyacinth ang ka-date mo, Seb. Akin si Gladioli ngayon gabi!" Tumaas na ang boses ni James.

Nagpakawala ng hangin si Sebastian at saka inis na tinitigan si James.

"If you don't want me to call security, leave the room nicely, James... I've already spoken with Miss Hyacinth. I can't be with her tonight, so I mentioned this to her. She agreed. Miss Hyacinth is interested in you, James. Tonight is your opportunity to be with her," he elaborated.

"Too bad...I don't want to be with Hyacinth anymore, Sebastian! You can go back to her. I want Miss Gladioli tonight! She's mine!"

"Miss Gladioli will not offer you anything tonight, James." Sebastian's jaw tightened.

Napatingin si James sa akin at saka pilyo siyang ngumiti. "I pay for her! She will perform for me, Sebastian!" Lakas na boses niya, at pumukaw ito sa tulalang isip ko.

Napakuyom-kamao si Sebastian, at kitang-kita ko ang biglang pamumula ng tainga niya.

"Miss Gladioli will never offer sex for you tonight. Kung iyan ang habol mo sa kanya ngayong gabi, ay hindi mo makukuha ito. She will never offer sex!" Diin ang boses ni Sebastian. Galit na siya.

"But I pay her for that!" Itinuro ng kamay ni James ako.

Namilog ang mga mata ko.

Napailing si Sebastian at kakaiba na ang tingin niya sa akin. Ibinalik niya ang mga mata kay James.

"You better listen to me, James..." he clenched his jaw and tightened his fist. "If you are not going to get out, I will fucking drag you out of here," he warned. He looked at James furiously, ready to throw a punch at him.

Napakurap akong lalo, at bahagya akong natawa sa sarili. Natahimik ang dalawa at saka nakatingin na sa akin ngayon.

"Both of you, get out," kalmado itong lumabas sa bibig ko. I clenched my teeth while staring at the two of them.

Bahagyang napayuko ang ulo ni Sebastian at ngumisi siya.

"I will not offer my body tonight! Walang sex! Walang hawakan at wala lahat! Lumabas kayong dalawa rito!" Itinuro ko ang pinto.

Tulalang nakatitig si James sa akin, at umiigting lang ang panga ni Sebastian habang seryoso ang mga mata sa akin.

Ngumisi ako at saka napailing.

"Walang lalabas!? Okay, I will call security." Agad kong dinukot ang cellphone sa bulsa.

That's it. I've lost my patience. I've had enough, and I will call security to escort these two bastards out! I want them out. I don't want anything to do with them!

.

c.m. louden

always votes for support! :) Leave your comments if you want to say hello, haha. Salamat!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro