14. Goodbye
Eva
.
Hindi dapat ako maapektuhan dahil wala namang kami. Nagkataon lang iyon. Isang beses lang, dahil VIP siya sa Rampage. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ako mapakali. Hindi ako makatulog, at parang nababaliw na ako sa kakaisip kay Sebastian.
Ano ba ang maling nagawa ko sa gabing iyon? Wala... wala akong maalala na mali.
Akala ko ba gusto niya rin ako? Mali ba ang naramdaman ko mula sa kanya?
Pang anim na araw na ngayon, at bukas ng gabi ay duty ko na naman sa Rampage. May eighty thousand na ako sa bangko, at nakuha ko na ang bahay na gusto ko. Malapit lang iyon sa University. Limang minutong lakaran lang at mas peaceful roon kumpara sa tinitirahan ko ngayon. Pero hindi pa ako makakalipat, dahil on the process pa ang mga papelis.
Tulala ako habang naghihintay sa eskinita na kung saan dadaan si Sebastian. Nakita ko siya kahapon, at sadyang hindi na siya pumupunta talaga sa coffee shop.
Nakakabaliw. Oo, baliw na ako, at kahit pa magmukhang baliw ulit ay gagawin ko ito. Gusto ko lang na mailabas ang nararamdaman ko kay Sebastian.
He judge me that night, calling me a whore. I did not defend myself from his harsh words. He had already judged me before even asking me.
Ano ba pa ang silbe kung pinangalanan na niya akong babaeng mababa ang lipad?
Iyan ang tingin niya sa lahat ng mga babaeng nasa Rampage. VIP siya ni Madam, at alam niya na nagbebenta ang mga babae roon ng mga katawan nila sa mga luho na gusto nila.
Masakit man, pero totoo naman ito. Nagbebenta kami ng mga katawan namin dahil sa sariling pangangailangan.
Pero mali eh... sana nga pala ay sinabi ko kung bakit ako napadpad sa Rampage. Sana nga pala ang sinabi ko na siya ang una kong customer, at wala pa akong nakasiping na mga lalaki.
Pumikit ako at huminga nang malalim. Lalakasan ko ang loob ko ngayon. . . I will confront him!
Insaktong alas utso ay lumabas si Sebastian mula sa gilid ng eskinita ng kanto. Nakangiti siya sa isang matanda na sumalubong sa kanya. May binigay ang matanda. Mukhang pagkain ito. Nagpasalamat si Sebastian at saka nag-abot ng pera sa matanda, pero hindi tinangap ng matanda ito, at nagpasalamat lang siya sa lahat ng kabutihan na ginawa ni Sebastian sa kanya.
Napalunok ako dahil malapit na siya sa banda ko, at nagsimulang magwala ang tibok ng puso ko na para bang gusto na yata itong lumabas sa dibdib ko ngayon.
Naka putting rolled long sleeve polo at slacks na itim ang suot niya. Plantsado at malinis. Maaliwalas ang mukha at maayos ang buhok. Medyo humaba na nga ito ng konti dahil halata na ang konting kulot sa dulo ng buhok niya sa likod.
My eyes magnify his lips, and the lingering hot feeling crawls into my skin when I remember his lips to mine.
Masarap siyang humalik. Kakaiba at nakababaliw. Kakaiba si Sebastian sa ex ko. Mabilis niyang nabura ang apat na taon ko sa ex kong walanghiya na iyon.
Sebastian's kisses, hugs, and moans linger behind my mind, and I can't take them away. It haunts me.
"Mr. G-Grayson!" I squeak like a rat. "Mr. Grayson!" Ulit na tawag ko. Nilampasan niya lang kasi ako, na para bang wala ako sa gilid niya.
Huminto siyang saglit at saka nilingon ang banda ko.
"H-Hi!" Taas ng isang kamay ko.
Nakakahiya man, ay nilakasan ko ang loob, at matapang akong ngumiti.
"Good morning... k-kumusta ka na?" Hakbang ko patungo sa kanya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para kahit papaano ay makontrol ko ang tibok ng puso.
"Eva..." he looked at me coldly. His jaw tightened.
"What do you want?" his cold voice.
"H-Hindi ka na kasi pumupunta sa coffee shop," pait na ngiti ko. Pakiramdam ko ay kaharap ko ang makapal na bloke ng yelo.
Bahagya siyang ngumisi. "I don't need to go there anymore, Eva. I have no reason to go back there."
Bumagsak ang balikat ko kasama ang puso, at kumurap ako.
Tama nga ako. . . wala na siyang plano na magpakita pa sa akin.
Tulala ko siyang tinitigan at saglit lumiit ang katawan ko sa harapan niya. Gusto ko pang magtanong, pero wala na... wala nang lumabas sa bibig ko at tanging titig na lang ang natira.
Tumaas bahagya ang kilay niya. Hinihintay kung may sasabihin pa ako.
"Anyway, it's good to see you, Eva... Goodbye." He looked away and whirled his body back in the other direction.
Binilang ko ang hakbang niya habang papalayo siya sa akin. Kumurap ako nang makailang beses, dahil pinupulot ko pa ang puso ko sa paanan.
I want to say more! I want to explain myself to him.
I deserve to be treated equally and with respect, Sebastian! I'm not a whore!
"T-Teka lang, Sebastian!" Agad na takbo ko. Parang robot ang katawan ko, at hinahabol ko na siya ngayon. Nakatawid na siya, at tumawid na rin ako. Mabuti na lang at walang masyadong tao.
Naramdaman niya na nakasunod ako, kaya huminto siya at nilingon akong muli.
"Apat na linggo lang..." Huminto ako sa harapan niya na habol ang pag-hinga. Napahawak ako sa tuhod saglit, at saka tiningala siya.
"Hindi ako ganun, Sebastian... Unang gabi ko pa lang iyon. Ikaw pa lang ang unang customer ko." Sabay hawak ko sa puso. Huminto akong saglit at saka inayos ang sarili.
I smiled. "I'm studying and supporting myself," I started. My eyes are begging of him.
"Apat na linggo lang...iyong lang at hihinto na ako. Kailangan ko lang ng pera para sa tuition ko na tatlong taon, at para na rin sa renta," saad ko. Parang maiiyak na ako sa harapan niya.
"Babalik ako bukas ng gabi, at umaasa ako na ikaw pa rin ang magiging customer ko, Seb... ayaw ko ng iba." Pinagtagpo ko ang labi at mabilis kong pinunasan ang katiting na luha sa mata. At saka, matapang akong ngumiti.
There was no words from him, and he just stood quitely in front of me. Walang emosyon ang mukha niya habang nakatitig sa akin. Samantalang ako? Heto, halos matutunaw na sa harapan niya dahil sa inasal ko.
"Babalik ka pa ba sa coffee shop?" I croaked, forcing myself to smile.
"No... I will never go back to that coffee shop, Eva," he coldly said and walked away from me.
I blinked, holding my tears not to fall as I looked at him walking away from me, but I wavered, and my tears fell.
Sadyang ganito ba talaga siya? Wala lang ba iyon? Tapos na ba?
Napangiti akong bahagya at naghalo ang kahihiyan at galit sa puso ko. Humakbang na ako patungo sa direksyon ng coffee shop.
Gusto ko sanang matawa, pero masakit masyado ito, at hindi ko alam kung makakangiti ba ako sa mga customer ko ngayon.
Wala man lang siyang sinabi. Wala talaga...hinintay ko eh, pero wala na.
Okay lang. Nasabi ko na ang gusto ko, at nasa kanya na iyon. Hindi siya kawalan ano!
.
c.m. louden
please vote vote hehe, salamat. Happy New Year!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro