11. Daddy Long Legs
Eva
.
There are twelve participants in the calendar rampage, including me. I was still backstage, waiting for my turn, when someone offered me a drink.
"Bago ka ano?" Ngumiti siya.
Tinangap ko ang mineral water at binuksan ito, at saka tumango bago ko ito ininom.
"Masasanay ka rin at magugustuhan mo ang trabahong ito. Good luck!" Kumaway agad siya at mabilis na umalis. Siya na kasi ang susunod. Pang apat siya na calendar.
Inayos ko ulit ang sarili at pati na ang pakpak na suot.
I dressed up as an angel, wearing only two sexy pieces of lingerie that covered my body. I look like a model of Victoria Secret. So sexy, tempting, and damn fuckable.
Natawa ako sa isipan habang nakapikit ang mga mata. Hulmang-hulma ang katawan ko, at hindi ko maitatago na may maipagmamalaki naman akong dibdib. Mahaba at makinis ang legs ko at mag konting glitters ito. Magaling mag-ayos ang bakla kanina, Jerard ang pangalan niya at sabi pa niya sa akin ay tiyak papatok raw ako ngayon.
Anong klaseng patok kaya ang tinutukoy niya? Eh, dito pa lang sa back stage ay parang lalabas na ang puso ko.
Huminga ako nang malalim, dahil ako na ang kasunod.
This is your opportunity, Eva! Embrace this job temporarily. Consider your needs and the financial benefits.
"Our next calendar girl is fresh. Bagong-bago sa rampage calendar. She's not your average calendar girl, boys, so keep an eye on her. And here she is, Miss Gladioli!
I put on my brightest smile as I walk towards my audience. Madam has named me Miss Gladioli. Mga bulaklak raw ang mga calendar girls at ako ay isang gladioli ayon sa kanya.
Nakalinya sa likod ko ang labing isang calendar girls. Nakatutok ang ilang sa akin nang rumampa ako, at nawala ang kaba sa puso ko nang makita ang mga kapwa calendar girls sa likod ko.
I don't feel shy now that I'm on stage. I just have to do what I did best back then. Naging modelo rin naman ako noon, noong nag-aaral pa ako sa koleheyo. Kaya hindi na ito bago.
"Tonight is Miss Gladioli's first night, boys. So get ready!" saad ni Madam.
Halata sa boses niya ang excitement. At nang huminto na ako sa gitnang bahagi ng stage ay umilaw na ang buong paligid. Nakikita ko na ang mga lalaki na nasa harapan ko, at sa unahan.
"Okay. Start the bidding!" saad ni Madam.
Tumayo agad ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad singkwenta na. "Fifty thousand!"
"One hundred thousand!" saad ng isa sa kabilang table.
"Two hundred thousand!" saad ng isang lalaki sa unahan.
"Three hundred thousand!" saad ng matabang lalaki sa harapan ko. Manyak siyang nakatingin sa akin na para bang naglalaway sa labi.
Eww. . . Makakayanan ko kaya 'to?
"Half a million!" saad ng isang pormal na lalaki sa likod.
"One million!" saad ng matabang matandang lalaki ulit sa harapan ko.
Kumurap ako. Baliw na yata ang mga lalaking ito!
Nagsitayuan ang halos lahat sa kanila at tumaas ang bidding ko sa 1.5 million. Halos malula na ako sa presyo na para bang wala lang sa kanila ang perang ito.
"Calm down, boys! Calm down," si Madam sa kanila. "Unang beses yata ito na nagkakagulo kayong lahat. Don't worry. Miss Gladioli will choose whom she wants to be with." Ngumiti si Madam.
Huminga ako nang malalim at saka nillibot nang mga mata ko ang mga VIP clients ni Madam. Kalat-kalat sila na nakaupo. Ang iba ay nasa pinakamalayo, pero maliwanag naman at nakikita ko ang mga mukha nila, hanggang sa nahinto ang mga mata ko at tumibok nang mabilisan ang puso ko sa isang tao na pamilyar sa akin.
What the. . . parte siya ng mga lalaking ito?
Kumurap-kurap ako. Hindi ako nagkakamali. . . Si Mr. Grayson.
Nasa pinakadulong bahagi siya at mag-isa lang sa mesa. Seryosong nakatitig ang mga mata niya sa akin at walang ngiti ito.
"I'll raise the bid into 2million!" sigaw ng isang lalaki na nasa tabing mesa lang ni Mr. Grayson.
Ngumiti ako kay Mr. Grayson, at hindi sa lalaking kaka-bid lang sa akin. Masaya ako, at hindi ko inaasahan ito. Pero ewan ko, baliw na yata ang puso ko dahil nakikita ko siya.
He seemed displeased to see me. His eyes darkened as he drank his drink, and he slightly shook his head. He even looked away, trying to avoid making eye contact.
"2.5million!" saad ng isang lalaki pa.
Kumurap ako. Nakay Mr. Grayson lang ang mga mata ko. Gusto kong mag-bid siya sa akin. Gusto ko na siya ang makakasama ko ngayong gabi.
Wala akong tiwala sa mga lalaking nandito. Takot ako sa pinasok ko, pero nang makita ko siya, ay may liwanag sa madilim na tunnel na tinatayuan ko ngayon.
"2.8 million!" sigaw pa ng isang lalaki.
"Calm down, boys, let Miss Gladioli choose whom she wants to be with."
Dalawang bidders na lang ang nanatili, at hindi ko parin inalis ang mga mata ko kay Mr. Grayson.
He is not bidding. He doesn't want me.
"Whom do you want to go with, Miss Gladioli?" tanong ni Madam.
Nakatingin pa din ako kay Mr. Grayson at tumayo na siya. Nataranta na akong bigla.
Aalis na ba siya? T-Teka lang. . .
"Remember, boys, that no matter how big your bid was, you are still not a winner. Miss Gladioli will choose whom she wants to go with."
Humakbang na si Mr. Grayson patungo sa malaking pinto.
Aalis na siya. . . Aalis siya!
"That man! I want that man!" Sabay turo ko sa kanya.
Lumingon ang lahat sa kanya, kabilang na si Madam.
"Oh, How lucky you are, Mr. Daddy Long Legs," tugon ni Madam.
Nahinto agad si Mr. Grayson at dahan-dahan na umikot ang katawan niya para matitigan ako.
Daddy long legs? Ito ang tawag nila sa kanya? Daddy long legs.
"I'm sorry, Madam, but I'm not interested," igting ng panga niya.
Nawala ang ngiti ko at hindi lang ang balikat ko ang bumagsak ngayon, dahil kasama na ang puso ko.
Hindi siya interesado? Bakit? Dahil ba hindi niya inaasahan na nandito ako? Na kabilang ako sa mga babaeng nandito sa stage? Eh, paano naman siya? Hindi ko rin naman inaasahan na isa siya sa mga VIP ni Madam ah.
"I'm sorry, Mr. Daddy Long Legs, but you know the rules regarding this matter. You can't say no to Miss Gladioli."
"Let me remind you that my girls will decide whom they want to be with tonight. If Miss Gladioli chooses you, you have no choice but to go with her. You can't defy the rules, and you know the consequences."
Mr. Grayson scoffed. He didn't look happy about it. He looked at me again, and I swear I could feel the disappointment in his gaze.
Great! Another slapped on my face.
Ang sakit lang sa pakiramdam dahil inayawan ako ng lalaki na interesado ako. Sa totoo lang, gusto na nang mga luha ko na tumakbo palabas sa mga mata ko. Talagang hindi niya ako gusto ano? Huh, ang sarap magwala rito!
"Mr. Daddy Long Legs?" si Madam sa kanya.
I licked my lips and felt the cold in my system. My hands started to get sweaty, too.
Mr. Grayson lowered his head and, with no choice, walked slowly towards the stage and towards me.
"3 million. . ." He gritted his teeth when he uttered the words, and his eyes darkened as they sought mine.
"That's the spirit. Congratulations! We have a couple tonight!" saad ni Madam at pumalakpak na ang karamihan.
Rinig ko pa ang pagbitaw ng salita ng isang bidder na interesado talaga sa akin. Na-dissapoint siya dahil hindi ko siya pinili. Pero kahit paman na hindi ko siya pinili, ay hindi naman bumaba ang bidding ko dahil ito, napilitan si Sebastian na gawin ito.
I swallowed hard when our eyes locked, and when he offered his hand, my stomach did a somersault.
"Let's go and get it done," he said coldly, tightening his grip on my hand.
.
c.m. louden
please keep on voting! Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro