Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10. Apat







Sebastian

.

"Are you sure you're not joining us today?"

"No, Dad. I'm fine here with mum. But I will be home later. I will see you."

"Okay... you take care. I love you."

"And I love you too, Dad."

I sighed, ending the call. I whirl my body back to where my parents are standing, facing the glamorous display of Christmas lights.

Dapat sana ay kasama ko ngayon ang anak ko, pero dahil birthday rin ng ina niya, ay mas pinahalagahan niya ito. It's okay. It's best to spend it with her.

"Nakuha mo na ba ang imbetasyon ni Governor Richard?" si Papa sa akin. Pormal ang tayo niya at gaya pa rin ng dati ay perpeksyonisto siya sa lahat ng bagay. Kumaway siya sa mga taong na nasa baba, dahil nakatingin ang mga ito sa amin ngayon. Napaigting ang panga ko, at humigpit ang hawak ko baso na may lamang alak.

I have no plan to show up today, but because of my mother, I was forced against my will. I understand my father. He is involved in politics as the Mayor of this town.

Nilingon ako ni Mama sa tabi niya na nakangiti. "Huwag mong pilitin ang anak mo sa politaka, Alfred. Look at Martha? She run away, still hiding from us."

"Martha is a disgrace to this family, Catherine!" Papa speaks with a thunderous voice, yet his facial expression remains warm. He smiles at everyone below.

My shoulder sagged. I don't really regret coming here because I have other plans to make in the next few days, and I plan to organize all my stuff here at home before moving to my new home.

"Think about it, Sebastian. I know you are clever. Your heart belongs to the people," he proudly said.

I chuckled a little bit. "I will, but not now, Papa. I'm busy enough on my business."

He nodded a little. "That's alright. It's good to settle down a bit. Your divorce might affect whether you will run in the next election. I would say in five years?" His eyes beamed, and I nodded.

Mama just smiled and waved at the crowd below.

I did the same. My eyes scanned the crowd and spotted an old man with a walking stick. He was poorly dressed and selling wrapped popcorn.

Walang bumibili sa kanya at nilalagpasan lang siya ng karamihan. Kanina ko pa siya napansin.

"Excuse me, Ma, Pa. I will be back."

Tumango si Mama. "Make sure to come back before the lightning ceremony, okay? Don't go too far."

"No. I will not."

I looked at my father, and his political smile widened as his political mates approached.

Binilisan ko na ang hakbang pababa, at sa fire exit ako dumaan. I couldn't be bother using the lift as I will only meet my father's friends in politics.

Si Maxwell agad ang sumalubong sa akin mula sa exit sa likod ng gusali at dinukot ko na ang pera sa bulsa.

"Buy all the popcorn that the old man is selling. Iyong nakadamit pula at tsinelas lang." Sabay bigay ko sa pera.

"Anong gagawin mo sa mga popcorn, engineer?"

"Ipamigay mo sa lahat ng bata sa paligid. At huwag mo nang hingin kay Manong ang sukli. Sa kanya na, okay?"

"Okay, engineer."

Tumalikod agad si Maxwell at sekreto ko siyang pinagmasdan. Sekreto rin akong nakasunod patungo sa karamihan, at pumwesto ako sa isang bahagi na kung saan ay nakikita ko ang lahat ngayon. Sekretong kumaway si Maxwell sa akin. Nakikita niya ako mula rito.

I saw Maxwell buy a whole lot of popcorn and distribute it to all the kids. I couldn't help but smile, seeing the happy faces of all the children, as well as the vendor selling the popcorn.

The poor man appears to be pleased with what has happened.

Nang maubos ang mga popcorn ay nagpasalamat ang matanda kay Maxwell, at bumulong si Maxwell sa kanya, at saka itinuro ang direksyon ko.

Napansin ako ng matanda, at saka malugod niyang tinangal ang sombrero na suot at bahagyang yumuko ang katawan niya sa pasasalamat.

I smiled and nodded back at him, feeling happy that I was able to help him in some way.

***

Eva

.

Bukas na ang unang gabi ko sa Rampage Calendar at hindi ako mapakali sa sarili.

Milagro yata ngayon ah. Hindi maingay ang unit ni Tricia. Ano kaya ang nangyari sa bruha? Impossible ito. Unang beses yata ito sa buong paninirahan ko sa dorm.

Magsasaya na sana ako, dahil sa wakas ay tahimik ang gabing ito, pero tama nga naman ang hinala ko. Walang milagro.

"Damn you, freak! Jerk! Stupid! Asshole!" Ang malakas na boses ni Tricia ito mula sa loob, at ang kasunod ay ang napakalakas na tunog ng metallic music galing sa unit niya.

Napatakip agad ako sa tainga. Sandaling lumipad ang kaluluwa ko ah. Walanghiya talaga!

That's it! I'm done with this. I'm moving out soon! I've had enough of this.

Mag iipon ako. Siguro isang buwan lang ang gagawin ko sa Rampage Calendar. Okay na 'yon para sa bagong rerentahan ko. May nakita na ako kanina. Ten thousand iyon kada buwan, at malapit lang din sa Unibersidad. Maliit lang ang kwarto, pero may sariling banyo at lutuan. Okay na ako roon. Kukunin na iyon.

At kung saka-sakali man, ay babayaran ko ng dalawang taon para wala na akong iisipin. Babayaran ko rin ang utang ko kay Amye. Hindi ako hihinto sa Coffee Haus. Magta-trabaho pa rin ako doon. Iyan ang plano ko. Iyan ang gagawin ko.

-

Kabado akong nakatitig sa harapan ng salamin.

Ngayon ang unang gabi ko sa Rampage Calendar. Naka-full make up ako, at ang damit? Seksing-seksi na parang model ako ng Victoria Secret.

Ang akala ko ay makakasama ko ngayong gabi si Cristina. Hindi naman pala, dahil sa ibang gabi siya. Kaya heto, kabadong-kabado ako.

Dati na itong sinabi sa akin ni Madam. Wala na raw akong iisipin dahil sagot naman lahat ng Rampage ang damit at mag-aayos sa amin. Kung ano raw ang ibibigay ng make up artist ko na damit, ay ito raw ang susuotin ko.

Huminga ako nang malalim at bahagyang ngumiti.

This is it. There's no turning back anymore.

Okay lang, Eva... Apat na trabaho lang. Apat na gabi lang. Apat na eighty thousand pesos lang.





.

c.m. louden

always vote for support. thank you.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro