1. My life now?
Eva
.
"Ayaw niyang ibigay sa 'yo ang pera mo? Bakit? Ang kapal naman ng mukha niya! Siya pa ang may ganang mag reklamo sa 'yo gayong siya naman ang may kasalanan, Eva!"
"Kailan ka ba babalik? You have to come back for your rights, Eva! Why did you run away? Why!?"
I shut my eyes and my tears fall. Mabilis ko itong pinunasan sa mukha. Hindi ako umiiyak dahil sa gagong iyon.
No! He is not worth it! What really frustrates me is my current life, in which I'm living in dirt and mud with no money in my pocket. Kung may pera man ako, ay kakarampot lang din.
Isang taon at kalahati na simula nang umalis ako ng Alegria. Hindi ko makakalimutan ang pait na araw na iyon nang lumuwas ako at rito nagtago sa syudad ng Cebu. Wala akong bitbit kung 'di ang sariling damit at bag na laman ang mga importanting papelis ko. Kompyansa ako sa sarili na walang ibang babae si David sa kabila nang mga naririnig ko sa mga kasamahan niya sa trabaho. Pero mali ako. Matagal na pala niya akong niloloko.
I can't blame them for admiring David. He is attractive, friendly, and approachable. He captivated me from his first hello, and we quickly became a couple.
Dumaan sa sari-saring pagsubok ang relasyon namin, hanggang sa nag live-in kami. Masaya naman sa simula. Nakapag ipon kami pareho ng pera at saka ibinili namin ito ng bahay. Parehong pangalan namin ang nakasulat sa titulo. Plano na rin namin na magpakasal sana sa katapusan ng taon sa kabila ng mga away-bati namin na eksena.
It's true that we should trust our instincts as they will give us answers to any doubt we have in mind. That night, when I got home unnoticed, I witnessed the most horrifying moment of my life. I caught him making out with someone on our bed... both of them were naked.
Ang akala ko ay matapang na ako. . . Ang akala ko ay kaya kong harapin ang lahat, pero kabaliktaran ito, dahil umalis ako at iniwan siya at ang lahat-lahat sa aming dalawa.
I never blamed myself, nor did I regret leaving him. He is an asshole! Jerk! Cheater! And the worst part? His bad behavior!
Alam niyang mali siya, pero 'di kainlanman ay humingi siya ng tawad. Hindi kailanman ay sinuyo niya ako. Hindi nangyari iyon, dahil sanay siya na ako ang sumusuyo sa kanya. Pero wala na! Patay na ang Evangeline na iyon! Ibang-iba na siya ngayon.
I filed for my rights to claim half of what I owned, but the jerk ignored and threatened me. Wala raw akong karapatan dahil halos pera raw naman niya iyon. Malaking kalokohan!
I am unable to access our savings account. He blocked me and removed my access. He changed the password and PIN code, which left me with no money. Now, after six months of fighting for my rights, I received a letter from the court stating that I'm not entitled to anything unless it is proven otherwise.
What the heck! Anong klaseng batas ba ito!? Napaka-unfair naman sa isang tulad ko.
I have no lawyer. Ako lang mismo ang nagsisikap at pabalik-balik ako sa public attorney's office para mabigyan ako ng numero sa kaso ko. Pero magpahanggang ngayon ay wala pa rin. Kesyo wala raw available. Kesyo marami raw hawak si Atty at baka sa susunod na dalawa o tatlong taon pa ang lakad na kaso.
Wala akong pera. Mas mahirap pa ako sa daga!
"Hindi na ako babalik d'yan, Amye." Pikit-mata na saad ko.
"Ano!? So ano? Pababayaan mo na lang ba ang lahat? Ang swerte naman ni David kung mapupunta lang sa kanya ang lahat, Eva. Alam mo ba na nagsasama na sila ng babae niya sa bahay ninyo?"
"Wala akong pakialam! Magsama sila sa imperyno! Pero hindi ko sila patatahimikin, Amye! Babalik ako at kukunin ko ang lahat ng akin na may kasamang interest!" Tumayo agad ako mula sa pagkakahiga at ramdam ko agad ang sakit sa ulo. Alas tres na at wala pang laman ang tiyan ko.
"At paano mo naman gagawin iyon, aber?"
"Tatapusin ko ang pagiging abogado ko, Amye, at babalikan ko sila pareho." Igting ng panga ko. Nanginig ang laman ng tiyan ko dahil sa gutom.
Natahimik si Amye sa kabilang linya at rinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"Then do it. Even if it takes longer, still do it. . . Hindi ko alam kung paano kita tutulungan, Eva, pero nandito lang ako para sa 'yo."
"Salamat, Amye. Malaki na ang naitulong mo sa akin, at habang buhay kung tatanawin na malaking utang na loob ito sa 'yo." Ininom ko ang maligamgam na tubig. Kahit papaano ay naibsan ang gutom na naramdaman ko.
"Papasok pa ako sa trabaho, Amye. Mag-usap na lang tayo mamaya."
"Sige. Mag-ingat ka, okay?"
"Okay." Pinatay ko na agad ang tawag.
Part time akong nagt-trabaho sa isang restaurant at kada Sabado at Linggo lang din. Tuwing Lunes hanggang Biyernes ay sa isang coffee shop naman ako sa sentro ng Cebu. Nasa gitna ito ng mga higanteng gusali at establishemento. Kada umaga lang ako roon dahil may pasok ako sa unibersidad hanggang hapon.
Hapon hanggang closing mamayang gabi ang duty ko. Naka-depende kasi ito sa kung sino man ang mag-d-day off na regular worker ng restaurant.
Bitbit lang ang maliit na bag na may lamang cellphone at wallet, ay nilakad ko lang ang eskinita patungo sa restaurant. Mga fifteen minutes na lakaran mula sa dorm ng unibersidad. Mala-sardinas ang dormitoryo na iyon at ang presyo? Two thousand pesos kada buwan, dahil sagot naman talaga ito ng unibersidad. Kuryente at tubig lang din ang binabayaran namin. Magulo, mainit, maingay ang dormitoryo.
Napansin ko agad ang mga nagtitinda sa tabi ng daan. Puno ito sa ganitong oras. Nilalapag nila ang mga paninda. Sari-sari ang mga ito, pero ang tanganging nagpapalambot ng puso ko, ay ang mga matatanda.
Halata sa mga mata nila ang kakulangan sa buhay. Salat sa pera. Mahirap.
Kung mayaman lang ako, ay tiyak bibilhin ko ang mga paninda nilang prutas at gulay. Pero wala eh, kakarampot lang din ang pera ko.
Nahinto ako saglit nang tumunog ang cellphone ko sa loob ng bag. Pumwesto ako sa gilid at saka dinukot ito. Mensahi lang ito galing sa isang trabaho na in-aplayan ko noong nakaraang linggo.
'Sorry to inform you that you did not meet our requirements. We wish you all the best in your upcoming endeavor.' - HR Team Megaleon-
I heaved in disappointment, and my shoulder sagged as I chuckled.
"Engineer...kumusta na, anak? May binalot ako para sa 'yo, anak. Ang paborito mo." Ang garalgal na boses ni Nanay ang umagaw sa atensyon ko. Nasa harapan ko ang puwesto niya. Sari-saring gulay ang paninda niya.
"Naku, Nay. Ba't pa po kayo nag abala? You don't have to do this, Nanay."
Baritono ang boses, polido at nakakaakit. Ang likod niya lang ang nakikita ko sa ngayon. Pormal ang damit niya. May dinukot siya sa bulsa at pera ito. Ibinigay niya ito kay Nanay.
"Naku, anak. Masyado naman itong malaki. Bente lang naman ang babayaran mo."
"Okay lang, Nay. . . keep the money and buy something for yourself."
"Nakakahiya, anak. Pero salamat. Palagi mo talaga itong ginagawa. Salamat."
"Not a problem, Nay."
Napangiti akong konti at humanga sa kanya. Kumaway siya kay Nanay at nasulyapan ko ang gilid ng mukha niya bago siya tuluyang umalis. Sinunod ko siya ng tingin, at huminto siya sa bahaging unahan na kung saan ay may isang pulubi na bulag. Inabutan niya ito ng pera.
Kahit papaano ay may mga tao pa rin pala na katulad niya. Nakakahanga.
Alas utso natapos ang shift ko at bumalik akong dormitoryo. Bumili lang ako ng ulam at gulay. May natira pa namang kanin sa rice cooker.
I need to concentrate on my studies because our preliminary exams are approaching. Attending law school is challenging, and I must focus and study diligently. However, it's difficult to do that when my housemate next door has parties every night.
At tama nga naman ako, nasa paanan pa lang ako ng hagdanan patungo sa hallway ng unit ng dorm ko, ay rinig ko na ang malakas na musika na galing sa unit ni Tricia. Tinakpan ko agad ang tainga at saka dabog na pumasok sa dorm.
How many times do I have to report her to the head of this dormitory? There is no point. That hungry dog shuts his mouth because Tricia will offer sex in return. Iyon lang at wala na ulit problema! Porket boyfriend ni Tricia ang head ng dormitory ay bulag na sila.
This is one reason I work two shifts a day. I need to save to move out! I need to focus on the exams, but hell, I can't. It was hard.
Kakalabas ko lang din mula sa pambabaeng banyo. Ganitong oras na ako naliligo dahil wala masyadong tao. Abala kasi ang paliguan at banyo tuwing umaga. Nag-aagawan ang lahat.
"Oh...fuck, Tricia...ride deeper, baby."
Napaigting ang panga ko nang marinig ko sila.
Walanghiya talaga oh! Kung 'di man malakas na musika ay ganitong inggay naman ang naririnig sa bawat gabi.
I'm so sick of it!
"You are welcome to stay in my unit, Eva. I know you can't sleep during the night because of Tricia."
I crossed my eyes and jerked my head. Exam kanina, at wala ni akong tama na naisagot. Kung meron man ay hindi ako sigurado kung tama ito.
"First subject pa lang naman iyon, Eva. . . Stay with me tonight. You can study with me."
I sighed as I looked at Vansel in the eyes.
His cute little eyes are adorable, and his warming smile reminds me of my younger brother, Samuel. They're the same age, but I'm five years older.
"Okay lang ba?" Pagod na ako at ang totoo, ay gusto kong mag-concentrate mamaya para sa exam ulit bukas. Kung mananatili ako ngayong gabi sa dormitoryo ko ay tiyak ang malakas na naman na musika ni Tricia ang kalaban ko, o 'di kaya ang halinghing niya sa mga lalaki.
"Of course, it's okay, Eva! I'll see you tonight, then."
"Okay..."
.
c.m. louden
Always vote for support. Thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro