Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Take (38): Korea <3

Ashley's POV

Kinabukas tanghali ay umalis kami para mag mall ulit at kumain sa labas. Sobrang saya ko ng dumating kami dito sa korea dahil sobrang wish ko ito. At lagi pa kaming umaalis kaya mas nakikita ko ang laki at ganda ng korea. Ang hinihiling ko na lang na makita ang EXO.

Madalas lang kaming umaalis nila Mama madalas kaming tatlo lang lumalabas kasama Mama ni Justine pero minsan kasama namin si John minsan buong pamilya sila kasama ko pero sa totoo lang masarap silang kasama dahil ang Papa ni John mapag-biro Mama niya masarap kasama dahil bibilin niya lahat ng gusto mo minsan nag bibiro siya at kahit ayaw mo bilin pero na gagandahan ako bibilin agad niya.

"Nasan mga magulang mo?" Tanong ng Mama ni Justine.

"Nasa ibang bansa din po sila sa america po." Sagot ko na medyo nahihiya pero hindi ko inaalis ang ngiti ko para hindi mahalatang nahihiya ako.

"Oh? It's mean mayaman kayo?" Tanong ulit niya sakin.

"Opo, pero hindi naman po kasing yaman niyo." Ngiti kong sagot.

"Ano ka ba mare! Dapat ako nag iinterview sa kanya hindi ikaw!" Sabat ni Mama. May point naman si Mama dapat siya nag iinterview sakin kasi siya ang soon to be second parent's ko.

"Hahaha! Sorry mare! Sana kasing ganda at bait mo magiging girl-friend nitong anak ko." Sabi ng Mama ni Justine sabay akbay kay Justine kaya na pa kamot ng ulo si Justine na parang nahihiya.

Bumulong ako sa isip ko sa sinabi ng Mama ni Justine."Kung akala mo lang po na mas maganda at mas mabait ang dapat na girl-friend niya! Kaso niloko lang niya ang kaibigan ko!" Sigaw ko sa isip ko. Nagulat ako nang may tumapik sa likod ko.

"Iha! Okey ka lang ba? Bakit para nung sinabi ko yun tumaray mga kilay mo?" Tanong nang Mama ni Justine. Di ko na malayan na naka taray pala ako habang iniisip ko yun.

"Aaa?? Eee?? Okey lang po ako may na alala lang po ako." Kinakabahan kong sagot.

"Okey!" Sabi niya."So? Let's go home?" Habol na tanong ng Mama ni Justine dahil ilang oras na kami dito sa mall.

Umuwi na kami sa bahay nila John. Pag uwi namin kumain agad kami at na tulog sa sari-sariling kwarto.

3rd Person's POV

Tulad ng sinabi ng Mama ni John tunggol sa kasal nila sa korea totoo yun pero pag nag tapos na sila ng pag aaral.

Umuwi sila ng pilipinas para mag-aral ulit upang dito magtapos ng pag-aaral nila. Dahil dito mas lalong nagsipag ang dalawa para sa kasal nila at syempre para sa magiging future nila.

Nang matapos sila sa college ilang linggo lang umalis na sila sa pilipinas at pumunta sa bahay nila John sa korea tulad nga nang sinabi ni John sa korea sila ikakasal.

Pinag-handaan muna nila kung saan silang place ipapakasal sa korea kung anong design ng simbahan anong mga colors etc. About sa kasal nila. Sobrang ganda ng kasal na ginawa nila John kaya si Ashley tuwang tuwa sa sobrang excited niya ikasal sa korea.

Pinag-hiwalay nila muna sila John at Ashley. Si Ashley pinili niya ang simple pero magandang gown at si John pinili niya din ay simple pero bagay sa kanya at yung pogi siya sa style ng damit niya. Sa sobrang simple ng gown ni Ashley mala prinsesa na ang dating niya.

Pag pili ng susuotin nila sa kasal na tulog na sila sa kwarto nila sa hotel ng mag kahiwalay ang boys at girls.

Gagawin ang kasal nila sa july 15 kaya may dalawa't kalahating araw na lang sila para mag ready at maka pag plano ng maganda. Ang place kung saan sila ikakasal ay ayos na dahil inayos na ng designer nila iyon noong july 10 at nang pumili sila ng susuotin nila tapos na rin kaya ang mga flower girl's at iba bang lalakad sa harap ang inayos nilang dalawa si Ashley ang na mimili ng susuotin ng girl's at si John naman sa boy's.

Matapos nilang ayusin ang lahat nag practice sila kasama nila ang isang babae na mag tuturo sa kanila kung sino ang mauunang mag lakad sa harap kung panong lakad etc.

Pag tapos nila mag practice ng apat na araw na tulog sila nang mahingbing ng masaya at excited kaya pag gising nila halatang excited silang lahat sa kasal.

Inuna nang make-upan ang mga inivite nila tulad nila Raquel, Denise, at mga kaibigan ni Ashley nandun din ang pamilya ni Ashley. Ang boys naman ay bihis lang medyo nilagyan sila ng power sa mukha nila at pagkatapos ay agad silang nag picture taking.

Pinuntahan ng magulang ni John si Ashley para kamustahin at tignan kung maayos at maganda na ba si Ashley. Ang gusto kasi ng pamilya ni John maayos at maganda ang magiging kasal nilang dalawa dahil mahalaga din sa magulang niya ito.

Pumunta ang daddy ni John sa room kung saan sila nag pipicture at sumama ito sa picture nila John. Sinabi ng daddy ni John sa kaniya ay "Ready ka na ba John? Magkaka-asawa ka na sawakas at ang ganda-ganda ng iyong mapapangasawa para ang mommy mo lang." Kinikilig na kwento ng daddy niya sa kanya.

Excited na ang kahat sa kasalan na mangyayari mamaya kaya naman panay ang ayos ni John at Ashley sa isa't-isa. Pagkatapos nila ikasan sa korea humingi din ng hilig si Ashley na kung p'wede din ba silang ikasal sa pilipinas dahil nga gusto niya din na kasal sila sa sariling bansa nila hindi lang sa pangarap nilang sa korea ikasal. Mahal na mahal din kasi ni Ashey ang pilipinas dahil dito siya pinanganak at lumaki, marami din siyang mga alaala sa pilipinas tulad noong kasama pa niya ang lolo niya na ang huling sinabi pa sa kanya "Tandaan mo gusto kong ikasal ka dito sa pilipinas at gusto ko kung saan kami kinasal ng lola mo dun ka din dapat ikasal, apo." Ayan ang hilig ng lolo niya nung ito ay mamatay ng dahil sa sakit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro