Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Faith's POV

Halos mailang ako sa sitwasyon at posisyon namin ngayon. Pero mas lalo akong naiilang dahil sa mga titig na nakatuon sa'ming dalawa.

"Oh, bakit kayo tumigil? Ituloy niyo lang. Ang ganda na ng palabas, ih" nakangiting saad ng ina ng lalaking nakayakap sa'kin ngayon habang kumakain ng popcorn.

Mabilis ko namang tinulak ang lintik na lalaki na 'to dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko.

"Nagkakamali po kayo ng iniisip," nahihiya kong saad. Gusto ko nang maiyak dahil sa nangyari.

"Ano ka ba hija. Alam na namin." natatawang saad ng ginang habang kumakain pa.

Alam? Anong alam na nila?

Nalilito ko naman silang tinitigan dahil sa sinabi nila.

"Po? Anong alam?" Kabado kong tanong habang pinag ki-kiskis ko ang mga palad ko.

"Tss. Mom! Stop. Mali ka ng iniisip, hindi ako pumapatol sa kagaya niya. Napaka-panget." Malamig na saad nito habang naglalakad papalayo.

'Gago pala siya!' sigaw ng isipan ko.

Halos madurog na ang mga kamay ko sa sobrang inis at galit. Kulang na lang talaga ay suntukin ko na ang pagmumukha ng impaktong 'yun sa galit

"Nako halika at igagala kita sa bahay," saad ni Manang para basagin ang katahimikang bumabalot sa paligid.

Napalingon naman ako sa kanila dahil sa sinabi niya.

"Final na po talaga 'yun?" mahinahon kong tanong sa kanila na ikinatango naman nila ng sabay. Saglit pa akong tumitig sa kanila bago lumapit para maayos na magpasalamat.


"Maraming salamat po talaga. Hindi ko po kayo bibiguin." masaya kong saad habang nakangiti sa harapan nila.

Nagkatitigan muna ang mag-asawa bago ako tinignan muli. Tumayo naman si Ma'am Clarise para lapitan ako.

Hinawakan pa ako nito sa kamay bago ako tinitigan ng daretso sa mata. "May isa pa pala kaming gustong ipagawa sayo." saad niya na ikanataka ko.

Ilang minuto na din ang lumipas ng makausap ko ang mga amo ko. Ngayon ay naglalakad kami papunta sa labas ng bahay dahil ang sabi sa'kin ni Manang Yolly ay ililibot niya ako bago ako magsimula sa trabaho bukas.

Halos mabali na ang leeg ko kakaikot nang tingin ko sa paligid. Masyadong malawak ang lupain ng mga Salvatore para malibot 'to ng isang araw lang.

"Dito naman ang daan papunta sa hacienda," saad ng matanda habang tinatahak namin ang daan papunta sa isang malaking at mataas na gate na kulay tanso.

"Wow. Masyadong malaki, parang nasa palasyo ako," mangha kong saad habang nililibot ang tingin ko sa tansong gate na may patulis sa itaas. Marahil eto ang mga ginagawa ng mayayaman para hindi makapasok o maka-akyat ang mga magnanakaw.

Nakita ko namang nakalayo na ng unti si Nanay Yolly kaya sinundan ko agad siya. Suot ko ang puti at luma kong converse ay nagdare-daretso kami sa isa pang pintuan. Sa tingin ko ay bodega ang tawag dito.

"Dito naman ang storage room o ang bodega. Dito iniimbak ang ibang kagamitan na hindi na kailangan o mga gamit na hindi madalas napapakinabangan." Saad niya habang binubuksan ang ilaw.

Tumambad sa'min ang napakalawak na bodega na kulang na lang ay maging kasing lawak ng buong bahay namin.

Nilibot ko ang mga mata ko para suriin ang mga gamit na nakaimbak. Karamihan dito ay puro pegurin, Mga kahon, at paintings. Hindi ko na alam ang iba dahil nakatakip din ng tela ang karamihan dito.

"Masyado naman pong madaming nakatago dito. Hindi na po ba lahat 'to kailangan?" tanong ko sa matanda habang nilalapitan ang isang motor na nakaparke sa sulok.

Narinig ko pa ang pagtawa nito bago ako sinundan.

"Hindi, hija. Ang iba dito ay bagong bili lang kaya dito naka-imbak."

Napalingon naman sa sinabi niya.

"Eh, bakit po andito? Sayang naman po kasi kung hindi gagamitin. Baka mabulok." saad ko at lumayo na sa mga gamit at baka makasira pa ako.

"Wala pa kasing mapaglagyan dahil hindi pa naipapa-ayos ang kwarto ni Peterson." mahinahong saad nito na nakapagpatango lang sa'kin.

Sinundan ko namang muli si Nanay Yolly hanggang makalabas kami sa bodega. Sunod lang ako nang sunod hanggan sa mapadpad kami sa hardin.

Sa sobrang ganda at lawak nito ay para na akong malulunod sa sobrang dami ng mga bulaklak.

"Mas maganda nga talaga sa loob. Grabe Nay! Para na akong nasa palasyo sa ganda." nakakanga kong saad habang nililibot pa ang tingin ko.

Tawa lang ang narinig ko hanggang sa maglakad kaming ulit papalapit sa may lumang pahingahan ng hardin. Sa gilid nun ay may fountain din na maliit at hindi na din gumagana. Halos mag-giba na din ang Resting Area na 'yon marahil sa tagal ng nakatayo.

"Dito naman ang dating pahingahan ng mag-asawa." saad niya habang tinititigan ako.

Muli ko pang nilibot ang paningin ko bago ko siya titigang muli. "Bakit po pala hindi pa pinapa-ayos yung Mini Cottage na 'yun pati po yung fountain? Sayang naman po kasi ang ganda-ganda na." Saad ko pa na nakapagpatawa sa kanyang muli.

'Mahilig tumawa si Nanay Yolly' saad ng isipan ko.

"Balak ipa-renovate itong hardin kaso hindi pa matuloy dahil wala pa si Madam Cecil"

Nagtataka naman akong napakamot sa ulo ko. "May bago po akong boss?" inosente kong tanong na nakapagpa-iling sa kanya.

Nilapitan naman ako nito at tinapik sa likod at muling naglakad. "Hindi. Siya yung lola ni Pete. Ay, maupo ka muna at ikukuha kita ng miryenda bago ka magpahinga."

Aangal pa sana ako pero naka-alis na siya kaya wala na akong nagawa kung hindi ang maglakad papalapit sa isang mahabang upuan para makapagpahinga na rin.

Tahimik lang akong nakatitig sa paligid at langit nang maisipan kong pumikit muna saglit hanggang sa Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako nang makaramdam ako ng may kung anong gumagalaw sa kamay ko at malakas akong napatili at nagtatalon nang makita ko ang kumpon na mga bulate.

Malakas kong binuwelta ang kamay ko at hinagis ang mga bulate. Mangiyak-ngiyak ko namang pinahid nang pinahid sa damo ang kamay para lang mawala ang pakiramdam kong 'yon. Sobrang laki pa naman ng takot ko sa mga bulate at uod.

"Sino bang gago ang may gawa no'n," nahikbi kong bulong habang kinikis-kis lalo ang kamay ko pati sa upuan.

Nakarinig naman ako ng tawa sa likod ng estatwa ni kupido kaya dahan-dahan ko itong nilapitan. At kulang na lang ay kumulo ang dugo ko ng makita ko ang isang batang lalaki na tumatawa at nakasuot pa ng panjama. Sa mga kamay nito ay may hawak itong isang garapon, garapon na puno ng uod at bulate.

Nakatitig lang ako sa ginagawa niya hanggang sa maglabas ito ng 'Walkie-Talkie'.

"Mission Accomplished." saad niya. Bago pa niya mababa ay narinig ko pa ang boses ng demonyong lalaking 'yon. "Good. Bumalik kana sa loob."

Halos masakal ko na ang batang nasa harapan ko dahil sa inis.

"Kung ganon, ikaw pala ang may kagagawan nun." mahina at pigil kong sigaw habang nakakuyom ang mga kamao ko.

Mukhang narinig naman niya ang boses ko kaya napaharap siya sa'kin. Pero hindi ko man lang nakita ang takot sa mga mata nito bagkus ngumisi pa siya sa'kin ng malaki.

"Pakialam mo ba, manang? Panget!" sigaw niya at nagtatakbo palabas sa hardin.

Natulala naman ako sa sinabi niya.

"A-ako? Manang? Aba'y lokong bata 'yon, ah!" sigaw ko at akma na siyan hahabulin nang makaramdam naman ako ng kamay sa braso ko.

Nilingon ko kung sino ang may kagagawan nun at tumambad lang naman sa harapan ko yung magiging amo kong siraulo.

"Bitawan mo ako." madiin kong saad.

Ngumisi lang siya at mas lalo pang diniin ang pagkakahawak sa'kin.

"Paano kung ayaw ko? May magagawa ka ba?" pang-i-inis niya.

Tinitigan ko naman siya nang daretso. "Bitiwan mo ako kung ayaw mong sayo ko ibuton yung galit ko." galit ko pang saad. Hindi ata siya natinag sa sinabi ko dahil tumawa siya ng malakas.


"Bakit ang tapang mo ata ngayon? Sabi ko na nga bang may tinatago kang kulo."

Halos mang-gigil naman ako dahil sa sinabi niya. "Gago ka ba? Hindi kita inaano tapos uutusan mo yung bubwit na yun na lagyan ako ng bulate sa kamay!" sigaw ko sa kanya na mas lalong nakapagpatawa sa kanya.

Tinitigan naman ako nito sa mata at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. "Mabuti nga 'yun, tutal naman madumi ka. Bakit ka mandidiri do'n. Diba mahirap ka lang?" natatawa niya pang saad. At dahil punong-puno na ako. Hindi ko na din napigil ang sarili kong suntukin siya ng napakalakas sa kanang mata niya, hanggang sa bumagsak siya sa damo.

"Fuck! Look what did you do!" galit niyang sigaw sa'kin habang nakahawak pa din sa kanang mata niya.

"Huwag na huwag mong minamaliit ang kakayahan at antas ng buhay ko!" malakas kong sigaw sa kanya.

Nakita ko naman itong tumayo at masamang tumitig sa'kin. "Totoo naman, andito ka lang naman para sa pera.. E, di mukhang pera ka, hindi ba. Sabihin mo. Magkano ba ang kailangan mo"

Halos manlumo ako sa sinabi niya.

Ako? Mukhang pera?

Pinipigilan kong lumabas ang mga luha ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Halos manlabo na ang tingin ko dahil sa luhang naiipon sa mata ko. Nakita ko pang lumapit siya sa'kin at bumulong muli.

"Sabihin mo. Magkano ka ba?"

Malakas ko naman siyang tinulak at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad, hindi pa man nakakalayo ay nakaramdam na naman ako ng marahas na paghila paharap.

Napapikit ako sa sakit at lakas ng pagkakahiklat sa'kin nito at saktong pagharap ko sa kanya ay nakaramdam naman akong muli na may kung anong malambot na bagay ang nakadikit sa labi ko. Ilang minuto din yun tumagal hanggang sa unti-unti kong dinilat ang mga mata ko, at pinagsisihan ko ang kilos kong 'yon.

Parehas kaming nakatitig lang sa isa't-isa hanggang sa makabawi ako at buong pwersa ko siyang tinulak papalayo sa'kin at malakas ko siyang sinampal ng dalawang beses.

Marahas ko pang pinunasan ang mga labi ko at galit na galit ko siyang tinitigan.

"Bastos!" sigaw ko sa kanya. Tulala pa rin siya dahil sa nangyari kaya nilayasan ko na siya ng tuluyan.

Nakasalubong ko pa si Nanay Yolly pero hindi ko na siya nabigyan ng sagot ng makita ako nito at tanungin dahil nagsisimula nang maghilam ang mga mata ko sa luha. Sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Hindi ko namalayang nasa loob na pala akong muli ng mansyon. Nakita ko naman ang mag-asawang nag u-usap kaya hindi na ako nagdalawang lumapit sa kanila.

"Excuse me po Ma'am, Sir. Binabawi ko na po yung sinabi ko." nanginginig kong saad haban nakayukong pinagki-kis-kis ang marumi kong kamay.

"What? Pero bakit? Anong nangyari? Anong problema, Iha? Sabihin mo sa'min." saad ni Ma'am Clarisse na nakapagpahikbi na sa'kin ng tuluyan.

"Hindi ko po kasi matatagalan yung anak niyo. Mas mabuti na pong magtanim na lang ako kesa alagaan siya." saad ko pa habang pinipilit kong huwag pumiyok.

Natahimik naman yung mag-asawa sa sinabi ko kaya nag-angat ako nang tingin para tignan ang ekspresyon nila.

"Hija." nag-aalalang saad ni Ma'am Clarisse habang nilalapitan ako. Marahil may idea na siya kung bakit ko na binibitawan ang alok nila.

Inilingan ko naman siya ng akma ako nitong hahawakan sa kamay. "Aalis na po ako. Pasensya na po talaga." mahina kong saad at kinuha na ang mga gamit ko at naglakad palabas ng mansyon.

Dare-daretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makakita ako ng isang habal-habal na pababa din kaya hindi na ako nagdalawang isip na sumabay hanggang sa makalayo ako sa mansyong iyon.

To Be Continue...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro