Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

"Captain! mauna na kami." sabi ng iba sa teamates ko habang papalabas na ng shower room.

"Oo, ingat tol." maikli kong saad habang dinadama lalo ang lamig ng tubig.

Katatapos lang namin maglaro ng basketball. Naisipan na din naming maligo tutal may pupuntahan din ako. Dadaretso pa ako sa mall dahil may kailangan akong daanan doon.

"Mukhang problemado ang captain natin, ha?"  natatawang sabi ni Steven, ang shooting guard ng grupo.

"Halata nga pre, kita mo naman ang mukha, parang nalugi HAHA." sagot din ni Troy

Mariin lang akong napapikit dahil wala na akong lakas na makipag kulitan sa kanila dahil masakit pa rin ang katawan kk matapos ang nangyari kahapon. Kinabukasan din noon ay laro namin sa kabilang unibersidad kaya wala akong gana para makipagsabayan pa sa kanila.

"Manahimik nga kayo, baka mamaya ay umuwi kayong bugbog sarado," natatawang saad naman ni Daimon

Bago pa ako umalis sa pwesto ay binigyan ko na muna nang matalim na titig ang dalawa kaya natahimik din sila mula sa pagtawa.

"Tapos na ako, mauuna na ako sa inyo." malamig kong saad bago ko binalot ng tuwalya ang kalhati ng aking katawan.

Nang makabihis ay agad ko ding nilisan ang iskwelahan at mabilis na pinaharurot ang sasakyan ko. Gusto ko nang mahiga sa kama dahil sobrang sakit ng katawan ko.

Habang nag mamaneho ay nakatanggap naman siya ng mensahe. Sinigurado niyang naka red light bago niya 'to binuksan.

+09*********

Hey babe, how are you? I miss you so much. Btw, malapit na ako umuwi sa pilipinas! Let's meet at my condo when I get home, ok?"

Receive (5:48 PM)

Hindi niya alam kung sino ang nagmamay-ari ng numiro na'yon pero isa lang ang kilala niyang babaeng pumasok sa isipan niya.

Si Maddie Mendoza, she's a spoiled brat at hindi siya gusto ng magulang ko para sa'kin, especially my mom. Ewan ko ba pero stalker ko ang babaeng 'yon at wala akong gusto 'don.

Hindi ko na lang ito nireplayan dahil sayang lang sa load at nag green light na din kaya pinagpatuloy niya lang ang pagmamaneho.

Habang humaharurot ay doon ko lang napansin na may mali.

"What the?" irita kong saad.

Tangkang ililiko ko na sana ang aking sasakyan nang bigla akong naharang ng isang nakakotse at sa loob nun ay may lalaki na nakasuot ng all black at tinututukan na ako ng baril.

'Great' bulong ko pa.

Pinaandar ko na ang sasakyan ko na parang nangangarera sa bilis. Kasabay ng pagtakbo ng sasakyan ang siya ding bilis nang putok ng mga baril.

"Shit! Limited Edition 'tong sasakyan ko at bagong bili lang!" Sigaw ko ng biglang nabasag ang bintana sa likod ng sasakyan ko.

Bigla kong kinabig ang kambyo pakaliwa ng bigla akong pinaputukan ulit nito. Tinamaan ako pero daplis lang naman, malayo sa bituka.

Nag paputok itong muli ngunit natamaan nito ang gulong ng kotse ko kaya sumalpok ako sa puno, buti na lang ay hindi sumabog.

"Kapag minamalas nga naman oo."

Mabilis kong tinakbo ang gubat. Mabuti na lang ay sa dulo noon ay may highway at madaming mga tao. Kasabay nang paglabas ko  sa gubad ay nakarinig naman ako ng pagsabog. Paniguradong pinasabog nila ang sasakyan ko.

Tumakbo ako hindi dahil sa takot, kung hindi dahil sa mauubusan na ako ng dugo. Wala rin akong dalang armas para lumaban sa kanila. Habang tumatakbo ako ay may bus akong nakita kaya pinara ko agad ito. Mabilis naman akong pumasok sa loob dahil napansin kong malapit na ang mga humahabol sa'kin.

Nilibot ko ng mabuti ang aking tingin at napansin kong puno na nga dahil sa dami ng pasahero but I saw another seat in the last row kaya doon ako dumaretso.

Pero natigil ako sa pag upo nang mapansin ko na may natutulog. At base sa itsura niya ay babae 'to.

Nandidiri ko pang tinignan ang dalagang nakakanga. Pero no choice na kaya umupo na lang ako kaso siya namang pag hilik ng malakas ng babae.

Kahit nagsisisi ay wala na akong nagawa kung hindi tiisin ang hilik niya. Mabuti namang nadala ko ang wallet ko pero naiwan ko ang cellphone ko sa kotse.

"Fuck!"

Naramdaman ko na ang pagkirot ng sugat sa braso ko kaya hindi na ako nag dalawang-isip na hiklatin ang panyong nakatabing sa mukha ng dalaga at iyon ang pinangbalot ko sa sugat ko. Mabuti na lang ay nakasuot ako ng varsity jacket kaya hindi na mapapansin 'yon.

Habang nagtatali ay nakaramdam naman siya ng pagsandal at pagdantay sa kanya.

Sumandal lang naman sa'kin ang babae kaya bigla kong tinapik ang ulo nito dahil natamaan nya ang sugat ko sa balikat.

Nang nalihis ang ulo ng dalaga ay siya namang paghinga ko ng malalim at tinapos ang pagtali sa sa'king braso.

Napasandal na lang ako sa upuan dahil sa sobrang pagod pero napatigil ako ng may maramdaman akong pumatong ulit sa'king balikat.

"Great, so fckng great. Anong karapatan niya para gawin akong unan." Galaiti kong sigaw sa'king isipan.

Napatigil naman ako sa pagwawala sa isip ko nang mapansin kong may puting tumutulo sa labi niya at malinaw din iyon hindi ka--

"ohh shit, shit, shit!"

"Hey! miss, wake up!" Sigaw at yugyog nang malakad sa babaeng katabi ko pero hindi talaga nagpatinag.

"Anak naman ng teteng."

Wala akong pakialam kung pinag titinginan kami, ang mahalaga ay maialis ko ang babaeng daig pa mantika kung matulog.

"Panget! Wake up!" pinitik pitik ko na ang noo nito pati ang ilong ngunit ayaw pa rin talagang magising.

Sa sobrang inis ko ay nakaisip ako ng hindi maganda kaya napangisi na lang ako habang tinititigan ang babaeng payapang natutulog sa balikat ko.

"Ayaw mo gumisingn, ha."

"ARAY NAMAN!" nag angat na ito sa wakas ng tingin at daretso akong tinignan sa mata. Tila natulala pa siya at napanganga.

Okay, may itsura naman but ang creepy niya sa paraan nang pagtitig niya sa'kin.

Napakunot naman ako nang noo at ilang beses kong pinipitik ulit ang daliri ko sa harap n'ya at mabuti na lang dahil bumalik din ito sa katinuan.

"Finally, you're awake. Geez, muntikan na k--wait are you drooling?"

Wala na naman akong nakuhang sagot dahil nakatulala na naman ito. Natatakot na ako sa titig niya kaya lumayo ako at minabuti na lang na pumikit at bumulong para marealize niya kung ano itsura niya.

"Ampanget na nga, mukhang baliw pa. tsk!"

Kahit naiirita ay minabuti ko na lang na matulog kesa sa makipagtalo pa sa kanya.

Hindi ko namalayang huminto na kami sa isang bus stop. Nagising na lang ako ng maramdaman ang paggalaw ng katabi ko, kahit na pagod ay pinilit kong idinilat ang mga mata ko at matyagang nagiikot ng paningin hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang pagparada ng itim na sasakyan sa tapat ng bintana namin.

Napansin ko din ang pag akmang tayo ng katabi ko at saktong napatingin din siya sa itim na kotseng naka parke malapit sa'ming sinasakyan. Bigla naman akong kinabahan dahil may mga lalaking lumabas lunan nito.

Nakita ko pang nilingon kami ng isang lalaki kaya binaba ko kagaad ang kurtina kahit na magmukha akong bastos.

Marahas akong nitong nilingon at kinunutan ng noo pero napaiwas din siya ng bigla ko siyang tinignan.

Hinayaan ko na lang ito sa ginawa niya tutal sarado na man ang bintana. Pumikit na lang ako ulit at nakiramdam hanggang sa naramdaman ko ang pagtayo niya.. marahil ay lalabas siya. Pero nakarinig na lang ako ng yabag kaya mabilis akong napadilat at mabilis ko din siyang hinila sa kamay kaya napakandong siya sa'kin.

"Tiisin mo Pete," bulong ng utak ko. Sa sobrang kalikutan niya ay hindi na ako nagdalawang isip na yakapin siya at saktong nakapasok na din yung mga lalaki kaya napasubsob ako sa leeg niya.

"H-hoy! Anong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako! m-manyak ka!" Sabi niya at malakas na kumakalas. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko dahil dito.

"Amoy baby," bulong ng kanang utak ko.

"Nanay at Tatay, patawarin niyo po ako saking pagkakasala."  mangiyak ngiyak niyang bulong kaya hindi na ako nagdalawang isip sagutin siya.

"Pwede ba panget, huwag kang maarte. Alam ko naman na type mo ako kaya makisabay ka na lang." madiin kong saad habang sumisiksik lalo.

"A-Ang kapal naman ng mukha mo!"

"Stay. Bibigyan kita ng kiss mamaya." Masukasuka kong sagot at mas lalo pang sumiksik sa kanya.

Naramdaman kong malapit na sila dahil lalong tumatapang ang masangsang na amoy sa paligid.

"Nalintikan na."

-------------------------

Thank you sa pag hihintay!❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro