Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

"Hija, gising!"

"Ano ba, ang ingay naman!" Naiinis kong sabi dahil naririnig ko sa paligid pero bigla akong napabalikwas ng maalala kong nasa bus station na pala ako.

"Nakatulog pala ako.." mahina kong tinapik ang pisnge ko habang pipikit-pikit pa pero nawala agad ang antok ko nang marinig ang pagtikhim ang taong nang gising sa'kin

"Nako naman manong, pasensya na nakatulog po ako. Hindi ko po kasi namalayan," nahihiya kong saad.

Lumabas ako ng tricycle upang mag pasalamat at para na rin ibaba ang aking mga bagahe pero napansin kong lahat ng iyon ay naka hilera na sa labas ng motor.

"Manong nag-abala pa kayo, sana ginising niyo nalang po ako. Nakakahiya naman po, maraming salamat po" kamot ulo kong payahag samantalang ang driver naman ay napa iling na lang at nag paalam nang aalis.

Hindi pa man din ako nakakapag inat ay may sumigaw na.

"MANILA, MANILA, MANILA... AALIS NA ANG BUS PAPUNTANG MANILA!"

Dali-dali kong binuhat ang gamit ko kahit na may kabigatan. Pinilit ko ding tinakbo ang kondoktor na nagtatawag sa huling pasahero.

"Hija, manila ka din ba?" Tinanong agad ako nito ng ako'y makalapit kaya tango na lamang ang aking naisagot

"Akin na ang bagahe mo ng maisilid na sa compartment. Dalhin mo na lang ang kailangan mong dalhin."

Bago niya kuhanin ang gamit ko ay kinuha ko muna ang isang maliit na baunan sa bagahe at mabilis nang pumasok sa loob upang mag hanap ng pwesto.

Halos mapuno na ang bus nang makapasok ako pero laking pasasalamat ko pa din dahil may isang pwesto pa sa dulo. Pang dalawang tao ang upuan kaya doon na lamang ako uupo. Sasakupin ko na lang ang isa pang upuan sa tabi.

Sa sobrang antok ay minarapat ko na lamang matulog sa byahe dahil panigurado ay malayo pa ang babyahihin ko.

"Shit!"

Tila naalipungatan ako ng marinig ko ang mura na 'yon.

"Hmm, bakit nagsasalita yung unan? ats'ka ang bango," sabi ko sa isip ko.

Dahil sa kalambutan ay mas lalo ko pang sinandal ang ulo ko dito at marahang yumakap.

"Anak naman ng kabayo." galit na bulong nito

Isang kalabit naman ang nakapag pagising ulit saglit sa'kin pero binaliwala ko na lang ito dahil na rin sa pagod at antok na aking nararamdaman.

"Hey! Miss, Wake up!" galit na bulong nito.

Dahil sa kaantukan ay hindi ko na alam kung kaninong boses ba 'yon. Wala pa naman siguro ako sa maynila kaya matutulog muna ulit ako kahit kaunti.

"Unti pa," bulong ko na para bang may kausap.

Sinilip ko saglit ang bintana sa'king tabi at nakita kong medyo makulimlim na pero kahit ganun ay hindi ko pa rin mapigilan ang mapapikit at maglikot.

"Great, so fckng great. Anong karapatan niya para gawin akong unan?" rinig kong bulong nito.

Pero nilamon lang ako lalo ng antok ulit kahit na rinig na rinig ko pa ang huling sabi nito.

"Ayaw mong gumising, ha"

Natigil naman ako sa pag kislot nang may maramdaman akong matigas at mabangong amoy na ngayon ay nakadikit sa'kin kaya mabilis akong nagangat ng tingin dito.

Kahit nanlalabo ay pilit kong dinidilat ang aking mga mata kaya lang naramdaman ko namang tila may bumubunot sa'king buhok.

"ARAY NAMAN!" Sigaw ko napaayos ako bigla ng upo.

Nababadtrip kong nilingon ang taong kanina ko pa naririnig na nag mumura at ang may kagagawan ng pagkagising ko.

"OH, MY GOSH" tili ko sa aking isipan

Halos lumuwa ang mata ko dahil sa kakisigan nito at daig ko pa baliw dahil sa pagtitig ko ng husto sa kaniya.

"Finally, you're awake. Geez, muntikan na k- wait, are you drooling?"

Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya dahil pinagmamasdan ko pa rin ito at pakiramdam ko ay naglalaway na nga ako.

Alam kong pumitikpitik lang ito ng daliri sa harap ko ngunit nakatitig lang talaga ako sa kanyang mukha.

Sa sobrang kinis ay nahiya ang mukha ko. Ang labi niyang mapupula at mukhang malambot, Ang ilong niyang matangos at ang kanyang mata na tila nang aakit ganun din ang mala berde nitong kulay.

"Napakagwapo ng lalaking 'to" sigaw ko sa'king isip

Mukhang natakot naman ang katabi ko dahil sa pagkatulala ko kaya lumayo ito pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang kaniyang bulong.

"Ampanget na nga, mukhang baliw pa. tsk!"

Bigla naman ako natigilan at nahiya sa'king inakto kaya sumiksik na lang ako sa bintana at yumuko upang takpan ang pamumula ng aking mukha.

'Faith! umayos ka, nakakahiya ka masiyado!' galit na sigaw ng isip ko

Kahit gusto ko mang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan ay hindi pu-p'wede dahil may nais pa 'kong gawin at dapat ayusin.

Magtatalukbong na sana ako ng panyo nang mapansin ko na may nawawala na sa kadungan ko.

"T-teka? Nasaan yung panyo ko?" taranta kong bulong upang hindi magising ang antipatikong katabi ko.

Dumaretso ang tingin ko sa lalaki na ngayon ay nakapikit at naka crossed arms. Dumapo din ang aking tingin sa braso nitong may mantyang pula at may nakaawang na tela mula sa jacket nito.

Biglang nanlaki ang mata ko nang mapagtantong panyo ko 'yon. Gusto ko pang gisingin ang lalaki pero naawa lang ako dahil bakas sa gwapo nitong mukha ang pagod.

Kaya napabuntong hininga na lang ako at tumingin na lang sa binta, hanggang sa makarating sa kami sa may isang bus stop.

Sinulyapan kong muli ang katabi ko. Alam kong nakakatakot pakinggan ngunit buong byahe ay pinanonood ko siyang natutulog kahit palihim.

Hindi rin nag tagal ay nakarating na kami sa aming destinasyon. Habang nag iinat ako ay napansin ko yung kuyang pogi na parang balisa habang may tinataguan. Kahit nalilito ay pilit ko na lang ipinagsawalang bahala ito at baka mapansin pa ako nito.

Akmang tatayo na ako nang mapatingin ako sa itim na kotseng naka parke malapit sa aming sinasakyan. Bigla naman akong kinabahan dahil may mga lalaking lumabas lunan nito.

Nakita ko pang nilingon ako ng isang lalaki ngunit bigla na lang bumaba ang kurtina sa'king harapan.

Kinunutan ko naman ito ng noong nilingon ang may kagagawan nito, pero napaiwas din ako ng bigla ako nitong tinignan.

Hinayaan ko na lang ito sa ginawa niya at dahil na rin sa nakakaramdam na ako ng uhaw ay minabuti ko nang tumayo para bumili ng maiinom pero may bigla na lang humila sa 'king kamay.

Halos mahimatay ako dahil sa nangyayari dahil napakandong ako ngayon sa poging lalaki, pero bigla din naman akong natauhan kaya nag pupumiglas ako sa pagkakayakap niya sakin.

"H-hoy! Anong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako! m-manyak ka!" Sabi ko habang kumakawala sa mahigpit niyang yakap.

Pero napasinghap na lang ako nang maramdaman kong sinubsob nito ang mukha nito sa aking leeg.

"Nanay at Tatay, patawarin niyo po ako saking pagkakasala," mangiyak ngiyak kong bulong pero natigilan na lang ako dahil hindi pa rin nakatakas sa'king pandinig ang sinabi ng mokong na 'to.

"Pwede ba panget, huwag kang maarte. Alam ko naman na type mo ako kaya makisabay ka nalang."

"A-Ang kapal naman ng mukha mo!" namunula kong saad at mas lalong nagpupumiglas sa kaniya.

"Stay. Bibigyan kita ng kiss mamaya" rinig kong bulong nito habang sinisiksik ng todo ang kanyang sarili sa'kin.

Lalo akong namula at napatulala dahil sa sinabi niya ngunit nabalik din ako sa katinuan dahil napansin kong nasa loob ng bus yung mga lalaking nakasakay sa magagarang sasakyan.

"Nalintikan na." dinig kong bulong nito

Sinulyapan ko naman ang lalaking nakasiksik sa'kin at mas lalo pang sumubsob sa leeg ko.

Kahit nangnginig ay tinapunan ko ng tingin ang mga lalaking naka soot ng itim na suit at tila ba may hinahanap pero napatigil din sila nang magtama ang aming mga paningin.

----

To be continue...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro