Chapter 1
Halos maawa ako sa itsura ng aking ina habang pinagmamasdan ko ito.
"Nay naman, huwag ka na ngang umiyak. Babalik din naman ako kapag nakaipon-ipon na ako," sabi ko sa nanay ko na kanina pa ngumangawa habang nag i-impake kami ng gamit ko.
"Anak, alam mo naman na ikaw lang ang kaisa-isang anak namin ng tatay mo. Bakit hindi ka na lang kasi manatili dito sa probinsya at kami na lang ang mag hahanap ng trabaho. Mag ko-kolehiyo ka na, bakit hihinto ka pa?" Pa-iyak niyang sabi kaya napabuntok hininga na lang ako at pinanood siyang nagsasalansan ng damit ko sa malaking bag.
Nakatira kasi kami sa probinsya. Sa sobrang hirap ay kinailangan ko nang maghanap ng maayos na trabaho. Mayroon namang palayan dito na pinag ta-trabahuhan ng aking mga magulang, ngunit hindi sapat ang kanilang sinasahod sa pang gastos, lalo na sa gamot ni nanay.
Simula kasi nang atakihin ito ng sakit ay mas lalong dumoble ang palay na aming dapat anihin. Suma side-line din ako bilang kapalit ni inay sa pag-ani ng palay. Tutal, tapos naman ako ng sekondarya kaya hindi ako nahirapang maghanap ng trabaho dito.
Ang tatay naman ang gumagawa ng paraan para sa aking pag-aaral.
Pero laking pasasalamat ko pa rin dahil napaka swerte ko sa kanila. Lumaki ako nang may respeto at naging magalang sa ibang tao. Isa lang akong normal na babae. Hindi ganon kalakihan at kaliitan, may mapuputi at makinis na balat pero mas gusto kong itago ito sa ilalim ng mahahabang manggas at malalaking damit, in-short, manang.
Pero wala akong pake kahit tampulan ako ng tukso, dahil eto ang gusto ko. Hilig ko din ang magbasa ng mga libro at turuan ang mga bata sa kalye pero ngayon ay ititigil ko na ito.
Kaya din kasi ako pupunta ng maynila dahil sabi rin sakin ng tatay Noel ko ay may kilala daw siyang pamilya na makakatulong sa amin. Siguro sa tanda na rin nila ay hindi na nila makakayang bumyahe. Kaya bumalik na lang sila sa pag sasaka at ako na ang luluwas.
"NOEL!!"
Isang malakas na sigaw ang nakapag balik sa'kin sa ulirat at nakita ko ang aking nanay Flora na naka salampak sa papag at nagwawala na naman.
"Oh, bakit ba nakasigaw ka nang nakasigaw, ha?"
Pumasok sa kwarto ang ama kong medyo may katandaan na pero mababakas parin ang pagiging makisig nito kahit may kulubot at puting buhok na.
"Tay, andyan na po pala kayo, kumain ka na po ba?" sinalubong ko ito upang makapagmano ako.
Kinuha ko na din ang mga dala nitong gamit. Nang mailapag sa gilid ang mga gamit ay dumaretso ako sa kusina upang ipaghanda ito ng makakain.
"Nako, anak hayaan mo na ako dyan, naka-empake na ba ang mga gamit mo? andyan na yung tricycle sa labas. Nag hahantay na,"
Inagaw nito sa'kin ang hawak kong plato at mahinang tinulak paalis sa kusina .
"Atsaka hija, 'wag ka na mag-alala sa'min ng ina mo, ha? Ako na ang bahala basta, siguraduhin mo lang na mag i-ingat ka doon. Alam kong a-alagaan ka nila ng mabuti" ngiti niyang sabi
Mahina akong tinapik ni tatay sa likod bago ako talikuran upang kuhanin ang mga gamit ko sa sala. Tinitigan ko naman ang paligid at napaisip bigla, pero nakita ko si inay na humahagusgos papalapit sa'kin habang may hawak din na gamit.
Nakita ko pang pumasok muli si tatay sa bahay at mabilis namang pinagbabakal ito ni inay ng tsinelas.
"Noel naman! Hindi mo ba pipigilan ang anak mo?! Paano kung may mangyaring hindi maganda d'yan, ha?!"
"Aray! misis naman,"
"Heh! Misis mo mukha mo! Nako, anak ko, huwag ka makikinig sa ama mo. Sasama ako sayo." lalapit na sana sa'kin si nanay ngunit hinila siya ni itay papalayo.
"Flora, malaki na ang anak natin. Isa pa, 'yan ang gusto niya, wala na tayong magagawa." nangingiting sagot ni itay habang sumisimpleng inaakbayan si nanay.
Napatawa naman ako nang bigla itong kumindat sa'kin kaya ay nilapitan ko ito at niyakap ng mahigpit.
"Tay, Nay, para din sa'tin 'to hindi ba? Sabi ko naman sa inyo, na pag naka-ipon na akon, babalik ako dito at paniguradong mayaman na tayo no'n."
"Ikaw talaga, ah, basta. Mag iingat ka, yung mga bilin ko sayo, huwag mong kalilimutan. Huwag na 'wag mong pababayaan ang sarili mo, ha?"
Sa huli ay unang bumitaw sa pagkakayakap ang amain ko upang dalhin ang mga natirang gamit n'ya sa tricycle samantalang ang ina naman niya ay todo bilin pa sa kanya.
"Nanay, pinapangako ko sa inyo ni tatay na susuklian ko lahat ng hirap niyo sa pag dating ng panahon. Para sa inyo po ito."
Napangiti na lang ako bago kinuha ang aking bagpack "Opo inay, alagaan n'yo din po sarili niyo habang wala ako. Tatawag po ako tuwing sabado para kamustahin kayo dito."
Habang papalabas ay hindi ko maiwasang malungkot, dahil sa bigat ng aking nararamdaman habang pinanonood ko ang aking amain na ikinakarga na sa sasakyan ang iba ko pang dalang gamit.
Dala ko rin ang ibang impormasyon at papeles na makakatulong sa akin para makapag-aral muli ng kolehiyo at makapag hanap ng trabaho kapag hindi ako tumagal sa'king pagtatrabahuhan.
"Oo anak, mamimiss ka namin," Niyakap muli ako ng mahigpit ni nanay habang umiiyak na naman.
"Nay, magkikita pa tayo ano ka ba" tawa ko ng mahina habang hini-himas ang likod niya.
"Anak..."
Natigilan lang ako sa pag bibiro nang marinig ko ang kanyang seryosong boses.
"Nanay, bakit po?" binaklas ko ang aming yakap at hinawakan siya sa kamay habang tinititigan ang malungkot niyang mukha.
"Kapag dumating man yung araw na bawiin ka niya mula sa amin. Sana, huwag mo kaming kalilimutan ha?" puno ng lungkot at pangamba ang kanyang mga mata habang sinasabi sakin yun.
Kinutuban ako at natakot dahil sa aking narinig pero bigla rin nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ina nang mapansing hndi ako komportable sa aming usapan.
"Nanay, kahit anong mangyari hindi ako sasama kapag binawi ako ng kung sino man. Isa pa, sino-"
Naputol nalang ang sasabihin ko nang bigla niya akong tinulak palabas sa gate naming gawa sa kahoy.
Nakangiti na niyakap akong muli ngunit may lungkot pa rin sa kanyang mga mata.
"Sige na, balitaan mo na lang kami, mahal na mahal ka namin" Saad nito habang hindi parin n'ya tinatanggal ang kanyang pagkakayakap.
"Mamimiss ko din po kayo nay--"
Naputol na ang pag papaalam ko ng bigla nalang sumigaw ang aking ama.
"FAITH! HALIKA NA, BAKA MAIWANAN KA NA NG SASAKYAN" sigaw ng tatay ko mula sa kabilang kalsada at kinausap yung tricycle driver bago nag a-abot ng pang bayad sa pamasahi ko.
"AND'YAN NA PO!" sigaw kong pabalik
Hinatid ako ni inay kay itay at muli akong tinignan at hinalikan sa pisnge. Niyakap ko ulit sila at maayos na nagpaalam bago sumakay sa sasakyan at kumaway sa papalayo sa tahanan na aking kinalakihan.
"Mamimiss ko sila lalo na ang probinsya namin. Sana naman ay mabait ang magiging amo ko. Pag palain nawa ako ng panginoon."
Napabuntong hininga na lamang ako at sumulyap nalang ako sa mabukid na daan habang tinatahak ang daan papuntang bus station.
'Faith, kaya mo yan, para sa kinabukasan at sa pamilya mo'
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro