Chapter 8: Drowned
Alanganing pinagmasdan ni Andie ang sarili niya sa salamin. She's wearing now her black spandex crop top and cycling shorts swimwear. Ang sabi ni Sir Maxwell bago sila umalis sa training camp patungo sa secluded swimming pool na iyon, they should be ready to drown. Nagbanta pa ito, baka raw kalahati sa kanila ang hindi na makabalik pauwi.
Muli siyang napamura ng lihim. Kinakabahan na nga siya sa training pati itong suot niya, pinoproblema pa niya. It actually looks good on her. But she can't help but to feel awkward about it.
Siya lang ang babae sa batch nila na APs. Meaning siya lang ang naiiba. Even the changing room she's in is seperated from the boys. Ang sabi ni Sir Maxwell, ngayon lang daw ulit nagamit ang changing room na 'yon ng mga babae. Matagal na raw kasing walang nakakapasang AP na babae.
Kung siya ang tatanungin, mukhang alam na niya kung bakit. Dahil bukod sa tibay ng katawan at isipan, kailangan din niyang kaharapin ang mga kasama niya na kung tutuusin, wala halos bilib sa kanya. Sa halos isang buwan niya roon, madalas siyang tampulan ng tukso. Ang iba gusto lang mang-asar, ang iba naman... sadya lang talagang may pagkamanyak sa isip, sa salita, at sa gawa.
Kanina nga, sinabihan pa siya ni De Torres, isa sa mga kaibigan ni Dmitri, ng, "What trouble are taking with you again, Cortez?"
Inaamin naman niya, nitong nakaraan, marami siyang sablay-- sila ni Dax. But that doesn't mean she's not learning from it and pushing herself to improve. Lalo tuloy siyang nako-conscious ngayong alam niyang pati sa tubig sablay siya.
She hates big bodies of water as much as she hates guns.
Those two things uncover bad memories she had long been wanting to forget.
Subalit alam niya, kung gusto niyang maging protector, kailangan niyang harapin ang takot niya.
Sana nga lang, hindi masyadong mahirap ang unang sabak nila sa water training. Tutal ito naman ang una. Sana lang talaga hindi gaano kahirap.
Napabuga siya ng hininga.
I'll prove them wrong, aniya sa isip.
Right. That's what she'll do.
She quickly braided her shoulder length hair to keep it from blocking her face. Nang matapos siya, she took one final glance of herself on the mirror before she confidently walked out of the changing room to the lockers.
Agad siyang nakarinig ng bulong-bulongan. Ang iba nga sumipol pa. Lalo siyang namutla, nahiya, at ninerbyos. Kung hindi lang talaga kasalanan, kanina pa siya nanuntok ng mga kasama niyang AP.
Pinilit niyang h'wag na lang pansinin ang mga ito. Katatapos lang ng parusa nilang paglilinis ni Dax. Ayaw na naman niyang ma-involve sa anumang gulo at makatanggap na naman ng parusa.
Agad siyang pumunta sa locker na nakatalaga sa kaniya at inilagay doon ang hinubad niyang uniform. Abala siya sa pag-aayos ng mga gamit niya sa locker nang lapitan siya ni Dmitri. Abot-tenga ang ngisi nito.
"What do you want?" tanong niya agad dito.
Hindi ito agad sumagot bagkus ay pinasadahan muna nito ng tingin ang kabuuan niya. The audacity of the jerk to be checking on her in front of her face!
Kinagat muna nito ang pang-ibaba nitong bibig bago ibinalik ang tingin sa mukha niya. "Nice, Andie. Luscious," anito, pabulong. Want to hang out in our room, sometime? Before lights off, of course."
Lalo siyang nairita. This man, really, has no shame.
Nginitian niya si Dmitri, magaang tinapik ang pisngi nito bago, "I think I have to pass. I don't date pussies."
Awtomatikong lumutang sa ere ang kantiyawan. Namutla muna si Dmitri bago siya pinukol ng masamang tingin. She gave him a sarcastic smile bago ipinaikot ang tingin sa mga kasamahang hindi pa rin magkamayaw sa pangangantiyaw kay Dmitri.
"You'll regret this, zhenshchina!" gigil na sabi nito bago tuluyang lumayo sa kanya.
Maya-maya pa lumapit sa kanya si Kevin. "Anong sabi ni Dmitri? " tanong agad nito, salubong ang mga kilay.
"A, wala 'yon." Kinumpas pa niya ang kamay niya.
"Sigurado ka?"
Mabilis siyang tumango. "O-oo," alanganin niyang sabi bago sinara ang locker niya.
Sandali pa siya nitong pinakatitigan bago nagmamadaling iniyakap sa kanya ang hawak nitong tuwalya.
"Ilagay mo muna 'yan. Mamaya mo na lang tanggalin kapag tinawag na kayo ni Dax. By tens daw ang pagpunta sa pool. Roughly 15-20 minutes ang task. Puwede ka pang mag-ready kung hindi kayo matatawag agad," dire-diretsomg sabi nito. Alam na alam nito ang kahinaan niya.
Pinilit niyang ngumiti. "A-ayos lang ako, Kev. Handa ako," sagot niya.
Napabuga ito ng hininga. Mukhang hindi kumbinsido sa sagot niya.
Maya-maya pa, sumilip na sa locker room si Sir Maxwell. "Eyes on me APs!" anito, bago tuluyang pumasok sa locker room. "Today, you will have your first underwater training. You will all be given a task that you need to finish within twenty minutes. Failure to do so means you're out of the AP Program. Are we clear?"
"Yes, Sir!" sabay-sabay nilang sagot.
Sir Maxwell, instructed them to get their scuba gears outside. Agad silang tumalima lahat. Sadya siyang nagpahuli. Si Dmitri mismo ang nagbigay sa kanya ng scuba gear. Aayawan niya sana ang hawak nitong scuba gear kaya lang, iyon na pala ang panghuli. Tinanggap na rin niya iyon at paismid na nagpasalamat sa bastos na lalaki.
Habang pabalik siya sa locker niya, lalo namang tinambol ng kaba ang dibdib niya. Gaya ng shooting, hindi rin siya puwedeng magkamali ngayon. Itinuloy
niya ang pag-aayos ng gamit sa locker niya.
"Hey, are you okay?" untag sa kanya ni Dax na hindi niya napansin ang paglapit.
Agad niya itong nilingon. Like all the other men APs, Dax was just wearing black swimming trunks and nothing on top. Naka-display tuloy ang napaka-perfect nitong katawan.
Agad siyang pinamulahan ng pisngi. Naalala kasi niya ang nakakatangang realization niya kanina noong nasa firing range siya at naiwang nakatulala dahil sa pahalik nito sa kanya.
"Ayos ka lang? Namumula ka," sabi nito, tinangka pang hawakan ang pisngi niya subalit mabilis siyang umiwas.
Agad niyang hinawakan ang pisngi niya. Hiyang-hiya siya. Pati pisngi niya nagpapahalata.
"A-ayos lang ako," sagot niya bago muling bumaling sa locker niya. Panay-panay ang pag-alon ng kung anong damdamin sa dibdib niya. At hindi niya alam kung anong gagawin.
It's just a little crush, she reminded herself.
Yes, that's it. Just a crush. As normal as breathing. Nothing more.
Inulit-ulit niya iyon sa isip niya na parang mantra hanggang sa bumalik sa normal ang pitik ng puso niya.
She took a deep breath and closed her locker. Noon niya nakita ang first 5 pairs na lumabas na ng locker. Habang ang iba niyang mga kasama ay umupo na sa bench habang hinihintay ang paglabas nila sa pool.
She saw Dax sitting on the bench in front of their locker. Gaya niya, may tuwalya na rin sa balikat nito. Kalmado siyang umupo siya sa tabi nito. Noon niya napansin ang suot nitong kuwintas.
"Binalik na pala 'yan sa 'yo," aniya, bahagyang tinuro ang kuwintas nito.
Niyuko nito iyon at hinawakan ang pendant. Ngumiti ito. "Yeah. Binigay ni Sir Maxwell sa akin kanina."
Tumango-tango siya. "Glad you have it back."
Tipid ulit itong ngumiti, nilaro ang pendant ng kuwintas. Ngayon lang niya napansin na infinity ang pendant niyon. "Kay Mommy 'to," sabi nito maya-maya. "When she died, ako na ang gumamit. She had our names engraved at the back." Sinalat nito ang likurang bahagi ng pendant. "She said family is forever. We need to take care of it no matter what it takes."
His words struck deep something inside of her. A longing that she had long forgotten.
"That night, when your Dad... I heard you," pag-amin niya, pabulong.
Binitiwan nito ang kuwintas at bumaling sa kanya. Tumitig muna ito sa kanya bago ngumiti. "I know," sabi nito. May aliw na naglaro sa mga mata.
Napakunot-noo naman siya. "You know? P-paano--"
"Your foot was twitching the whole time."
"Ha?" Nalukot na ang mukha niya.
Napangiti na ito. "Before you fall asleep, your left foot usually twitch."
Napanganga na siya. Tama ito. Madalas niyang gawin iyon, pampa-antok. Minsan aware siya na ginagawa niya 'yon, minsan naman hindi. Maybe her foot muscles got used to the act and are now acting involuntarily. "How do you know I---"
"I usually sleep after you," pag-amin nito. "Part of habit maybe. Kahit sa bahay, ako ang huling natutulog." Isang walang tunog na 'ah' lang ang naisagot niya. Hindi niya alam kung bakit parang may humaplos sa dibdib niya sa sinabi nito. 'Yon na ba 'yong kilig? "Don't worry you're secrets safe with me," dugtong pa nito.
Tumango lang siya. Speaking of secrets, she needs to come clean to him.
"I have to tell you something," umpisa niya, kabado.
"Hm?" Tumitig muli ito sa kanya.
Napangiwi na siya. "I'm not good in the water. Sa totoo lang, takot talaga ako sa tubig. Pinilit lang gawan ni Chief ng remedyo para ma-overcome ko kaya lang... under pressure, I'm really not good. I'm sorry."
Sandali pa itong tumitig sa kanya bago walang sabi-sabi siyang inakbayan. "Don't worry, we can make it," anito, nakangiti.
She stilled like a stone. Nagulat siya kasi sa pag-akbay nito. Ni hindi rin siya makangiti pabalik dahil pakiramdam niya nilulunod siya ng iba't-ibang emosyon na hindi na niya mapangalanan kung ano!
Shit!
Mukhang dapat na nga siyang magnobena. Baka sakaling puwede pang maremedyohan ang nararamdaman niya.
She quickly slid off his arms from her shoulders. Sakto namang pumutok ang tawanan sa direksiyon ng grupo nina Dmitri at De Torres. Sabay silang napatingin doon ni Dax.
Nakatingin si Dmitri sa kanya. Ngumisi ito bago umiwas ng tingin at nakipagtawagan ulit sa mga kasama nito. Bumalik siya sa panggigigil.
"Asshole," bulong niya.
"Hey, ano bang sinabi niya sa 'yo?" pukaw ni Dax sa kanya.
"W-wala. Hayaan mo na 'yon," sabi niya in a dismissive tone.
Tumango lang si Dax bago nagbukas ng panibagong usapan. She tried so hard to be as casual as before. Training herself to be normal in front of him. Tutal naman, it's just a little crush. No fuss, really. Time passed and she relaxed.
Noon niya nalaman na kung gugustuhin lang niya talaga, marami silang puwedeng pagkuwentuhan ni Dax. Nauunahan lang kasi ng kaniya-kaniya nilang kapalpakan ang mga conversations nila.
Over an hour later, tinawag na sila ni Sir Maxwell. Sa last batch sila ng APs na sasalang sa unang training exercise.
Madilim na rin ang paligid. Sigurado, bugbog-sarado na naman ang pakiramdam niya pagbalik nila sa quarters.
Palabas na ng swimming area ang grupo nina Dmitri, na kasama sa 3rd batch, nang pumasok sila. Makahulugan ulit itong tumingin sa kanya bago ngumisi.
The grin did not settle well with her. It's giving her creeps!
She quickly shook her head and collected her composure. Hindi na niya dapat iniisip pa ang manyak at bastos na si Dmitri. Ang kailangan niyang gawin, mag-focus.
Luminya na silang limang pares na natitira malapit sa pool. Si Ivan at ang partner nitong si Ren ang kasama nila sa grupo. Ivan even gave her an assuring nod na lalong nagpalakas sa loob niya.
May kasamang dalawang diving instructors si Sir Maxwell. Both are Americans and are former members of Navy Seal. Ito rin ang tumulong sa kanila na isuot ang oxygen tanks nila. Kasabay niyon ang pagsusuot nila ng flippers.
"Eyes on me, APs!" ani Sir Maxwell maya-maya. "The test that you will have is a part of BUD/S or Basic Underwater Demolition by the Navy Seals. This pool is called the Combat Training Tank. Olympic size, 10 feet deep. For this pool exercise, you have to crawl on your knees at the bottom of the pool till you reach the other end. You will do that 3 times together with your partner. You are given 20 minutes to finish the task. This is a test of how comfortable you are in the water. Break the surface and you are out of the program. Are we clear APs?"
"Yes, Sir!" sabay-sabay nilang sagot.
"Okay, APs, mount the gunnel," sabi ni Sir Maxwell.
Sandali pa silang nagkatinginan ni Dax bago sila sabay na humakbang patungo sa gilid ng pool. Magkasabay nilang nilagay ang diving mouthpiece sa kanilang bibig.
"Enter the water," sunod na utos sa kanila ni Sir Maxwell. She took one final deep breath before jumping in the water.
Dax grabbed her hand and she relaxed until she finally reached the bottom of the pool. Puno ng ilaw ang ilalim ng pool. And she's clearly seeing the black lines that stretches at each end of the pool. Sumenyas si Dax sa kanya, tinuro nito ang black lines. Agad niyang naintindihan, susundan nila ang black lines sa paggawa nila ng task. Agad na pumuwesto si Dax sa unahan niya. Sumunod siya. Few seconds more, they began crawling on their knees towards the other end of the pool. She was calm and focused. Alam niya, just a few seconds of hesitation will lead her to panic. So she force her self put the nega6 thoughts at bay.
Subalit nakapangalahati pa lang sila sa pool, napapansin na niyang nahihirapan siyang huminga. Nagpatuloy siya sa paggapang subalit nang malapit na nilang makumpleto ang unang stop, tuluyan na siyang walang nahigop na oxygen mula sa gear niya. She took off her scuba. She held her breath and tried to signal Dax about her distress.
Nangunot-noo si Dax nang makita siya na walang scuba gear. Agad siyang umiling. He was quick to give him his mouthpiece so that she can breath air again. Nang makahinga na siya, muli silang nagpatuloy ni Dax sa paggapang-- sharing air once every twenty seconds. On their third and final go, she's beginning to feel tired. Malakas ang pressure sa loob ng training pool lalo pa at napakabagal nila ni Dax dahil sa salitan sila sa paghinga gamit ang scuba nito.
Few minutes more, the sounds blared on the surface. Signalling them that the 20 minutes is almost over. She picked up her pace but Dax grabbed her and let her carry the scuba gear. Noong una, umayaw siya. But he signalled her over and over to go first. Tumalima na lang siya at nagpalit sila ng puwesto. Binilisan niya ang paggapang nang paluhod. She reached the end of the pool in no time. Nilingon niya si Dax, nakasunod ito sa kanya.
She kicked the bottom of the pool to push her forward and break the surface. Agad siyang tinulungan ni Sgt. Hoover at inakyat sa gunnel ng pool. Panay-panay ang langhap niya ng hangin habang iniikot ang tingin. Nakita niya si Ivan, ilang metro ang layo sa kanya. Nakangiti ito. Nag-thumbs up pa.
Ibinalik niya ang tingin sa pool. May iba pa silang mga kasama na umaahon. Mabilis niyang hinanap si Dax ngunit hindi niya ito makita. Agad niyang binilang ang mga kasama niyang AP sa gunnel. There was just nine of them, including herself!
"Lavigne is not out, Sir. Lavigne is not out!" histerikal niyang sigaw kay Sir Maxwell. She was about to jump on the water subalit mahigpit na hinawakan ni Sir Maxwell ang braso niya. "Sir, Lavigne is not out! He gave me his scuba because mine was damaged! Sir, I have to save him! Please!" mangiyak-ngiyak na niyang pakiusap. Subalit nanatiling tahimik si Sir Maxwell na parang hindi siya naririnig. Bumaling lang ito kay Sgt. Masterson.
It was Sgt. Masterson who dived and went back to the bottom of the training tank. Pag-ahon nito, bitbit na nito ang walang malay na si Dax. Pinagtulungan nilang hilahin ang katawan ni Dax patungo sa gunnel. He looked pale, lifeless.
Natutop na niya ang bibig. Agad siyang nanginig. Tinangka niya itong lapitan subalit pinigil siya ni Ivan. Wala sa sarili siyang napayakap dito. Hindi na niya napigilan ang maiyak.
Kasalanan niya 'yon. Kasalanan niya!
Maya-maya pa, dumating na ang MedEvac chopper. And as the medical team took Dax's still unconscious body, she began to do something she had forgotten a long time ago. She began to pray. ###
2696words/6:23pm/081321
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro