Chapter 7: Realization
Humugot muna ng malalim na hininga si Andie bago tuluyang pinihit pabukas ang pinto ng banyo. Kanina pa panay ang kabog ng dibdib niya kaya natagalan siya sa paglabas. Matapos niya kasing halikan si Dax, parang mas trip na niyang magpalamon na lang sa lupa kaysa lumabas pa roon.
Muli siyang nagbuga ng hininga at sinilip ang labas ng banyo. Agad siyang dumiretso ng tayo nang mapansin na wala si Dax sa kama nito at kahit na saang sulok ng kuwarto. Ang tanging naroon, ang isang bento box ng pagkain na nakalagay sa ibabaw ng kama niya.
Nagmamadali siyang lumabas ng banyo. Mabilis din niyang inayos ang mga gamit niya. Hindi na rin niya inubos ang pagkain niya. Nakailang subo lang siya. Basta nagmamadali siyang nahiga. Mariin din siyang pumikit pagkatapos.
Kaya lang, ilang minuto na siyang nakahiga, ayaw pa ring tigil sa pagkabog ang dibdib niya. Paulit-ulit kasi na nagre-replay sa isip niya ang nangyari kaninang paghalik niya sa pisngi ni Dax.
Again, she felt her cheeks heating up. May kung ano ring pakiramdam ang naglalaro sa sikmura niya.
Mahina niyang tinampal ulit ang bibig niya. Kasalanan iyon ng bibig niyang mukhang naka-detach sa utak niya!
Why did she refuse Dax's kiss only for her to kiss him first? Ano 'yon laro? Paunahan?
Mariin siyang napapikit at tumagilid ng higa, patalikod sa kama ni Dax. Gusto na niyang magwala, kanina pa. Hindi nakatulong ang warm bath para mapawi ang stress niya sa sarili niya.
Ano ba kasing nangyayari sa kanya? Ang sabi lang ni Chief, ayusin nilang dalawa ang working relationship nila, ang team work nila. Parte ba ng pag-aayos ng team work ang maghalikan?
Lalo siyang napangiwi. Nalukot na rin ang mukha niya. Pasimple niyang sinabunutan ang sarili niya.
Para siya talagang tanga?
Ano, naawa siya kay Dax dahil lang sa nabugbog ito?
Bakit nakakagaling ba ang halik niya?
Lintek talaga!
Kanina noong kino-consider niyang boyfriend material si Dax, kinikilabutan na siya. Ano pa ngayon na nahalikan na niya ito sa cheeks? Parang gusto na niyang magpalamon sa foam ng kama!
Jusko!
Ang sarap tuloy magnobena. Gusto niyang humiling ng take two o kaya rewind. Puwede kaya? Kasi kung mare-rewind niya ang nakaraang isang oras, hindi na niya gagamutin si Dax. Hahayaan na lang niya itong gamutin ang sarili nito para hindi siya nawindang at napasubo!
Maya-maya pa, umingit pabukas ang pinto. Mariin siyang pumikit. Kinontrol din niya ang paghinga niya. She wanted to look like she had been sleeping for a long time.
Ayaw niya munang makipag-usap kay Dax. Hindi pa siya handa. O mas tamang tanong ang, will she ever be ready to face him?
She heard Dax's footsteps behind her. Nalanghap din niya ang amoy ng sabon dito. Marahil naligo ito sa common bath sa bandang dulo ng hallway. Naamoy din niya ang pamilyar na amoy nito. He smelt of lemons and rainforest. Manly. Virile. Seductive.
Napamulagat siya sa naisip. Mabilis din siyang pumikit. Naeeskandalo na siyang talaga sa isip niya. Mukhang kailangan na talaga niyang magnobena.
Lintek talaga!
Narinig niya ang pag-ingit ng kama ni Dax. Nagpatuloy siya sa mariing pagpikit at pagkokontrol ng hininga. Kaunti na lang, matutulog na ito. Sigurado siya. Kaunti na lang---
"Are you awake, Andie?" bulong ni Dax, maya-maya.
Hindi siya sumagot, pinagpatuloy niya ang pagpapanggap na tulog.
"Sorry, kanina, ha? You have to see that," patuloy nito. "That man was my Dad. Dr. Andrew Lavigne. He used to be a protector too. He..." Nagbuga ito nang mabigat na hininga.
"You are a disgrace... Become a protector or never come back!"
Kusang bumigat ang dibdib niya sa naalala. How can Dax's father be that cruel to him?
"He's not really fond of me because when I was born, my mother have had medical issues that made her heart weak. Growing up, he has always been hard on me. Lalo pang naging mahirap when my mother was killed in a car crash few years ago. That's why I always need to work harder and be better than my brother in the hopes that I'd gain his approval. But..." Tumigil ito. Matagal. Tanging ang mabibigat na paghinga na lamang nito ang naririning niya. Tila ba ito nagbibilang ng mga alaala na ayaw na nitong balikan subalit kusang nagpaparamdam. "I am here because for once, I want him to notice that I am brave and strong. That I have what it takes to continue the legacy of our family in The Organization. Tinanong mo 'ko noon kung gaano 'ko kagusto ang mapunta rito? Hindi ko gusto pero kailangan ko. Baka sakaling matanggap na 'ko ng Tatay ko kapag nagawa ko 'to. Baka, pero hindi pa rin sigurado..."
Nakagat niya ang pag-ibabang labi niya. Hindi niya alam kung bakit masyado nang mabigat ang dibdib niya at naiiyak na siya.
She never expected that Dax's life is so broken like this. Kung susumahin, mas tanggap niya ang naging sitwasyon niya. Si Tiyo Kardo, hindi niya tunay na tatay. Naiintindihan niya ang pagmamalupit nito sa kanya. Pero si Dax, sarili nitong ama ang umaayaw dito. Nagtataboy. Nagtatakwil.
Tuluyan nang tumulo ang luha niya.
Maya-maya pa, tuluyan nang nag-lights off. Patuloy siyang nanatili sa pwesto niya, humihinga ng pigil at palihim na umiiyak.
Si Dax naman, nagpatuloy sa mabibigat nitong paghinga hanggang sa, "Good night, Andie. Bukas ulit."
-----
"Hoy, Andie! Bakit tahimik ka na naman?" tanong ni Ivan sa kanya, marahan pa siyang siniko. Katabi niya ito sa mesa. Kasalukuyan silang nasa mess hall at kumakain ng lunch.
Napadiretso siya ng upo at tumitig dito. "H-ha?"
Tumaltak na ito bago muling sumubo ng pagkain. "Alam mo, napapadalas na 'yang pagtunga-tunganga mo. Namumutla ka rin. Para kang hindi nakatulog ng sampung araw. Bakit ba, ha?" tanong nito, ang mga mata nasa pagkain pa rin nito.
Napakurap siya. Dapat na ba niyang sabihin kay Ivan na hinalikan niya si Dax at 'yon ang dahil kung bakit halos apat na araw na silang hindi nagkikibuan nito at kung bakit gabi-gabi siyang puyat?
Sumubo ulit ng pagkain si Ivan. Sa background nito naririnig niya sina Kevin, Ren, at Alessandro na nagku-kuwentuhan. Habang si Dax naman, tahimik na kumakain. Sumakto ang pagtatama ng mga mata nila nang mag-angat ito ng tingin.
Nagkumahog siya tuloy na ibaling sa iba ang tingin niya. Lihim siyang napamura. Nararamdaman niya, namumula na naman ang pisngi niya.
Lintek kasi talaga 'yong halik e! Ang hirap-hirap tuloy ng buhay niya.
"Pa-check up ka na kaya, Andie. Baka nagme-menopause ka na hindi mo pa alam, " si Ivan ulit, sandali pang sumulyap sa kanya bago sumubo ulit ng pagkain. Malakas ang pagkakasabi nito kaya naman natigilan ang lahat ng mga kasama nila sa mesa, napatingin sa kanya.
"Menopause? Are you not too young to be going through with that?" si Alessandro, sa mabigat na Italian accent.
Si Ren naman, nagsalubong ang mga kilay. Lalo rin naningkit ang mga mata. "My mother is not done and you are?"
"May sakit ka, Andie?" si Kevin naman, nalukot ang mukha. Inabot pa siya nito at sinalat ang noo. Agad niyang tinabig ang kamay nito at inirapan ito.
She did not dare to look at Dax's reaction. Ano siya bale? Baka makahigop na naman siya ng masamang hangin at kung ano na naman ang magawa niya. Danger zone para sa kanya ang mga mata nito. Buti na lang nitong nakalipas na mga araw, cooperative ito. Dumidistansya ito sa kanya nang husto. Na talaga namang mabuti.
Ibinaling niya ang mata kay Ivan na natatawang kumakain. Masarap dagukan ang bugok. Pati functionality ng matris niya inilagay nito sa hotseat.
She put on a practiced smile and said, "Don't worry. My eggs are working just fine. Right, Ivan?" aniya bago bumaling sa kaibigan. Panay pa rin ang pigil na pagtawa ng lintek. Kaya naman inabot na niya ang hita nito at kinurot ito doon nang pino.
Agad na nalukot ang mukha nito, napareklamo na rin. Minulagatan niya ito, signalling him to answer.
"R-right. Andie's eggs are unbreakable." Lalo niya itong kinurot. Lalo itong namilipit. "I-I mean, they are working just fine."
Nginitian niya ang mga kasama bago tinantanan ang hita ng lintek na si Ivan. Pinanay-panay nito ang paghagod sa nasaktan nitong hita. Panay din ang bulong nito at pagsulyap sa kanya.
Sigurado siya, matagal-tagal ulit siya nitong hindi pagti-tripan.
Mukhang kumbinsido naman ang mga kasama niya sa mesa sa sagot niya at ni Ivan. Agad na bumalik ang mga ito sa pagkukuwentuhan.
Maya-maya pa, napatayo na siya at mabilis na nagpaalam sa mga kasama. Paglabas niya sa mess hall at makasakay siya sa lift, imbes na sa AP quarters siya dumiretso, sa indoor shooting range siya nagtungo. Katabi lang iyon ng gym sa underground 2nd floor.
Bukas, shooting exercise na naman nila. Kaya naman imbes na mag-siesta siya at ihanda ang sarili para sa underwater training nila mamayang hapon, doon siya nagpunta dahil kailangan niyang maghanda.
Pagdating niya sa shooting range, muling kumabog ang dibdib niya. The state-of-the-art shooting range is overwhelming her again just like the many days that has passed. But she entered anyway. Both the rifle bay and pistol bay are empty.
Good, she thought. Ngayon puwede na siyang magpraktis na hindi nag-aalala sa sasabihin ng iba.
Agad siyang pumunta sa locker na naroon at kinuha ng baril niya at magazine. Kinuha rin niya doon ang eye protector niya at ear muffs. Mula nang mangyari ang panloloob ni Gail kay Dax, nag-decide si Sir Maxwell na tanging sa shooting range na lamang sila makakahawak ng baril while in training. Ayos na rin. Kapag pa naman sinusumpong siya ng lintek na kaba at gigil, bigla pa naman niyang nagiging bestfiend ang baril at mga bala.
Muli siyang napabuga ng hininga.
Sa totoo lang, alam naman niya ang basic shooting rules. Sinanay na siya ni Chief doon. Kaya lang, lagi talaga siyang mintis sa target. Maybe it's her stance or her hands. Or maybe, it's the memories.
Tinanong mo 'ko noon kung gaano 'ko kagusto ang mapunta rito? Hindi ko gusto pero kailangan ko.
She shook her head. Hindi. Hindi na siya puwedeng pumalpak bukas sa shooting. Halos isang buwan na kasi sila roon. Bukas na ang monthly evaluation sa shooting. Kapag pumalpak pa siya sa shooting, sigurado, laglag na silang dalawa ni Dax sa AP Program.
Muli siyang nagbuga ng hininga at naglakad patungo sa isang lane sa pistol bay. She quickly loaded the magazine to the gun and readied herself. Pinindot niya ang electronic machine sa tabi ng wall ng lane upang kusa nitong i-deploy ang floating target carrier sa layong 25m.
Pinakatitigan pa niya ang target carrier bago muling nagbuga ng hininga. Ayan na naman kasi ang kaba niya at mga alaala, nililigalig na naman siya.
Makailang beses siyang humugot at nagbuga ng hininga bago niya inangat ang baril na hawak niya. She closed her right eye to have a good view of the target 25 meters away. She had a good view of it, of course. She had a perfect vision. Kaya lang, ang mga kamay niya ang walang pakinabang. She's shaking. Again.
Disappointed with herself, ibinaba niya ang bari niya sa makeshift table sa harap niya.
"Pick up your gun, Andie," anang pamilyar na boses sa likod niya.
Paglingon niya, nakita niya si Dax na naglalakad palapit sa kanya. Awtomatikong naglaro ang mga kung anong lintek sa sikmura niya. Ang puso niya, lalong naging ganado sa pagtambol. Lalo siyang nainis. Hindi na nga niya maitama ang shooting niya, dumagdag pa talaga ito sa rason ng kaba niya. It's a double jeopardy! Unfair!
Umingos na siya. "W-why are you here?" aniya, alanganin.
"I'm here to help you," diretsong sagot nito nang tuluyang makalapit sa kanya.
There was no hint of arrogance in his voice pero nainis siya. More to herself than him. Hindi niya kasi alam kung bakit sa dinami-dami ng pagkakataon na nakasama na niya ito, why is her logic telling her now that he looks so damn gorgeous in his black shirt uniform.
Shit!
"Pick up your gun, Andie," pag-uulit nito. This time he stepped in closer hanggang sa wala nang isang hakbang ang layo nila sa isa't-isa. She found it hard to breathe kaya napaatras siya. Pero gano'n pa rin, mahirap pa rin huminga kasi nakatitig pa rin si Dax sa kanya. "Remember, you fail, I fail. So pick up your gun, and I'll help you shoot."
Napakurap siya. Tama ito. Kailangan niya ng tulong. At hindi ito ang panahon para mag-inarte pa siya dahil gahol na sila sa oras.
She cleared her throat and forced to composed herself. She mentally pushed aside that strange feeling she's been having for Dax these past few days and tried to focus on the task at hand.
She needs to shoot at the target.
She quietly picked up her handgun and positioned herself on the lane. Pagtaas niya ng kamay niyang nakahawak sa baril, humawak din si Dax sa kamay niya. Her mind went into a silent panic. He was so close. So close again. Hindi siya nagsalita. Sinarili lang niya ang lihim na pagpa-panic ng isip niya.
"Now put your left hand on the gun," utos nito, halos pabulong. Tumalima siya. "Now, clear your mind from any distractions. Think of the target like a balloon. That when you hit it, it will burst into a million little bubbles."
Napakurap siya. Balloons, bubbles and bullets. She cringed. Hindi bagay. Pero dahil ayaw niyang magsalita, o mas tamang sabihing wala siyang kakayanang magsalita dahil ganoon kalapit si Dax, sinunod na lang niya ang sinabi nito.
She cleared her mind from any distractions. She quickly dismissed the bad memory inside her head before she it could even start to overwhelm her. At that moment, all that mattered was the target-- the red balloon 25 meters away.
The muscles in her hands relaxed. Binitiwan na rin ni Dax ang pagkakahawak sa kamay niya. She aimed the muzzle on the target. And in time with her heartbeat, she pulled the trigger three times.
Agad niyang ibinaba sa mesa ang baril. Si Dax na ang pumindot sa retrieve button sa machine upang lumapit sa kanila ang target carrier. Ito na rin ang sumuri sa target.
"Well, well, not bad for your first try. Two aim, one miss. Kung alam ko lang sana na kailangan mo lang ng one-on-one na shooting lesson sa 'kin, noon pa natin 'to ginawa," anito sa amused na tono bago siya nilingon.
Napilitan tuloy siyang tignan ito. Muli, awtomatikong namula ang pisngi niya. May nangyayari talaga everytime they're looking at each other and this close. Kung ano 'yon, hindi niya alam. Basta nakakakaba na... masaya.
At bago pa man siya makahuma sa nagsasalimbayang emosyon na umaalipin sa kanya, nakalapit na ang mukha ni Dax sa kanya at mabilis na pinatakan ng halik ang pisngi niya. She stood there shocked, almost trembling, reeling.
Ngumiti ito, matamis. "Congratulations! Practice ka pa. Bukas, ayos ka na," sabi nito bago tuluyang lumabas ng shooting range.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatulala lang. Basta matagal.
Nang matauhan siya, alam na niya ang nangyayari sa kanya. Hindi man kapani-paniwala pero, mukhang may gusto na nga siya sa partner niya. ###
2553words/6:12pm/08102021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro