Chapter 6: Confusion
Pasirko-sirko ang magkakahalong inis, nerbyos at gigil sa sistema ni Andie habang naroon siya sa opisina ni Sir Maxwell. Nakaupo siya sa receiving chair katapat si Dax.
Napairap siyang ulit. Mula pa kanina nang magkagulo sa AP Quarters, hindi na ito nagsalita. Wala man lang sorry o anuman. At lalo lang siyang naiinis.
Ano, ito ngayon ang biktima e ito ang gumawa ng kababalaghan?
Lintek din talaga ito! Kapag talagang na-bad shot siya kay Chief, ku-u! Ewan na lang niya talaga kung anong puwede niyang gawin dito.
"Chief is coming,"deklara ni Sir Maxwell matapos nitong ibaba ang cellphone nito sa mesa. Si Chief pala ang kausap nito.
Shit! Napadiretso siya ng upo, nginatngat ang pang-ibabang labi.
"It's my fault, Sir. Leave Andie out of this," biglang sabi ni Dax.
Agad na lumipad ang tingin niya rito. Sandali lang nagtama ang mga mata nila, agad din itong umiwas.
"Why would I? She's the one pointing a gun at you?" sagot naman ni Sir Maxwell, humalukipkip pa. Napabuka na siya ng bibig. Gusto niyang magprotesta subalit tama ito, tinutukan niya ng baril ang partner niya.
"Gail from the mess hall came for me. She sneaked into our room and... tried to have sex with me," umpisa ni Dax bago nag-angat ng tingin. "I tried to say no but she was persistent."
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Sir Maxwell. "And since when are you getting comfy with this lady from the kitchen?"
"J-just a few days ago," sagot ni Dax sa mahinang tinig.
Nagbuga ng hininga si Sir Maxwell. "You've been here barely a week Lavigne and you're already back at the dating scene." Umiling ito. "Haven't your father told you about the rules? Dating is not allowed in The Organization--"
"I was not dating Gail, Sir," mabilis na putol ni Dax. "I was just retrieving something from her."
"What something?" Si Sir Maxwell.
"My mother's necklace," ani Dax sa mababang tinig.
Nagbuhol na ang mga kilay niya. E 'di ba ang sabi nito hindi mahalaga ang kuwintas na 'yon? Just given by someone unimportant.
"You gave the kitchen lady a necklace?" Si Sir Maxwell ulit.
"No, Sir. I exchanged my necklace for the protein bar I had given Andie on our first day here." Sa simpleng mga salita, kinuwento nito kay Sir Maxwell may kamalasang inabot niya noong unang araw nila doon. "I can't let my partner go hungry because of me. So, I gave Calvin my necklace in exchange of a protein bar and a meal. I promised that I'll take it back but Calvin gave Gail the necklace and wouldn't want to return it. I was begging her for days but she just won't return it. She said she's going to give it back if I'll agree to her terms which she did not discussed last night. I just agreed into it." Nagbuga na itong hangin, frustrated. "I didn't know that sex is what she wants from me."
Kumurap siya. Kinakain na naman siya ng kunsensiya niya. So habang naiinis siya rito dahil ilang araw itong hindi sumasabay sa kanya sa pagkain, pilit pala nitong binabawi ang kuwintas nito na pag-aari ng nanay nito.
Sir Maxwell turned to her. "So you got pissed and pointed a gun at him, Cortez? Is that it?"
Lumunok siya. "T-they were noisy," alaganin niyag sagot.
Tipid na ngumiti si Sir Maxwell. Mukhang naaliw sa sagot niya. Maya-maya pa bumukas ang pinto ng opisina nito. Iniluwa niyon si Gail na naka-robe na ngayon. Namumutla ang mukha nito. Magulo rin ang buhok. Kasunod nito si Chief.
Dahan-dahan siyang napatayo. This is the first time she's seeing Chief since she arrived there.
"C-Chief," bulong niya. Hindi ito sumagot.
Tumayo na rin si Dax, yumuko. Si Sir Maxwell naman nanatili sa pagkakatayo sa likod ng mesa nito. Humakbang si Chief palapit dito.
"Is it true that you seduced again one of my AP's into having sex with you, Ms. Benson?" si Sir Maxwell.
Again?
Bahagyang nag-angat ng tingin ang babae, sumulyap kay Dax bago sa kanya. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Mukhang nasa mukha talaga nito ang manggapang.
Napamaang ito, mukhang natakot sa ginawa niya, bago tumango.
Bumaling si Sir Maxwell kay Chief. "Chief?"
Pinaglipat-lipat muna ni Chief ang mga mata sa kanilang dalawa ni Dax bago, "Right at this very moment, you are no longer working for The Organization, Ms. Benson. We were linient with you the first time, but we couldn't let it pass this time."
"B-But, Sir..." mangiyak-ngiyak nitong sabi.
"No more buts. You know the rules, around here. My decision is final. Maxwell, please escort Ms. Benson to her quarters. And please arrange the necessary papers for her dismissal," seryosong sabi ni Chief.
Gail pleaded some more but Sir Maxwell dragged her away from the room. Ilang sandali pa, naiwan na silang tatlo sa silid-- siya, si Dax at si Chief.
"Maaring nalusutan ninyong dalawa ito ngayon pero sa susunod hindi na," umpisa nito bago namulsa. "You just got lucky this time dahil may record si Ms. Benson sa ginawa niya. Pero sa susunod na pagkakamali, I won't be considerate as this anymore."
Napayuko na siya. Pakiramdam niya naninikip ang dibdib niya. It was clear, Chief was disappointed. She came here to make Chief proud of her but...
"You are partners. You work as one. You should, by now, have at least tried to workout your differences. But the from the way I see it, you both are a far cry from working as a team."
Nag-angat ng mata si Dax at mabilis na sumulyap sa kanya. Inirapan naman niya ito.
Marahas na nagbuga ng hininga si Chief. "I will give you a punishment." Magkasabay silang bumaling ni Dax dito. "You will clean the Training Hall and gym every day for a week, kayo lang dalawa."
Nalukot na ang mukha niya. Gusto niyang magreklamo kaya lang pinigil niya. This is not a good time to whine. Chief is pissed. Baka mamaya dagdagan pa nito ang parusa sa kanila.
Kung naghihimagsik ang kaloob-looban niya, si Dax naman, parang wala lang. Wala itong imik na nakatayo sa harap niya, tila tanggap na tanggap ang kapalaran nila.
"Kung hindi maayos ang trabaho ninyo, the punishment will extend for another week and another week until you get the hang of each other working together." Lalo siyang napangiwi, pero hindi nagsalita. "Are we clear?"
"Yes, Sir," sabay nilang sagot ni Dax sa mababang tinig.
Tumango-tango na si Chief. "You may now return to your quarters," utos nito. Agad na tumalima si Dax, nagpatiunang lumabas ng pinto habang siya, muling bumaling kay Chief.
"C-Chief, I-I'm sorry," aniya, alanganin.
Tumitig sandali si Chief sa kanya bago, "Make your actions do the talking, Andrea," anito bago nagmamadalig humakbang ng silid.
Agad na nangilid ang luha niya. Nang tuluyang tumulo ang mga iyon, marahas niya rin iyong pinalis ng mga kamay niya. She took a deep breath and tried to compose herself. Dahil tama si Chief, she needs to make her actions do the talking.
-----
Napahatsing si Andie habang tinutuklap niya ang mga black rubber mats sa sahig ng gym. Gusto na talaga niyang magreklamo dahil kahit na tatlong araw na nilang ginagawa ni Dax ang paglilinis doon, parang hindi nawawalan ng alikabok at kung anu-ano pa mang elemento ng dumi ang gym.
Ang gym ay nasa 2nd ground floor level. Katabi nito ang training hall na tapos na nilang linisan.
Open sa lahat ang gym. Hindi lang sila na mga APs ang gumagamit niyon. Pero dahil subsob silang mg APs sa training, madalang lang silang pumunta roon. Ang karaniwang gumagamit ng gym ay ang mga in-house employees at protectors.
Which gets her to thinking, gaano ba karurumi ang mga ito at puro alikabok at dumi ang pinapagpag doon sa gym?
Ganoon karaami ang dead cells sa katawan ng mga empleyado doon? Hindi ba uso ang hilod?
"Ano, tapos ka nang magpagpag ng mats? Magma-mop pa 'ko o. Malapit nang mag-alas otso," ani Dax, tunog reklamo.
Sumulyap siya sa wall clock na nasa likod niya. Two minutes before 8 in the evening.
Tikwas ang ngusong ibinalik niya ang mga mata kay Dax. "E kung tinutulungan mo kaya ako? Mas mabilis siguro tayo," gigil niyang sabi bago muling pinagpag ang mat at ipinatong iyon sa stack ng iba pang rubber mats.
"Hey, namili ka na ng gagawin, 'di ba? Ikaw ang magtatatanggal, ako ang magma-mop tapos ikaw rin ang magbabalik ng mats in their place," ani Dax, itinukod pa sa tiled floor ang hawak nitong mop.
Lalong nalukot ang mukha niya. "E ang hirap pala nito e. Ang alikabok pa," reklamo niya.
Sanay siya sa gawaing bahay. Kahit na de-katulong sila noon sa Makati, pinipilit pa rin niyang tumulong sa mga gawaing-bahay. Pero hindi naman laging ganito kabigat ang mga trinatabaho niya sa bahay. Tapos paulit-ulit pa.
"Kaya mo 'yan, nakalahati mo na, o. Sige na, tuklapin mo na lahat 'yan para makapag-mop na 'ko," susog pa ulit ni Dax sa kanya.
Hindi na lang siya sumagot. Minadali na lang niya ang ginagawa dahil kapag sinagot pa niya si Dax, alam niya, mag-aaway na sila. Kinailangan pa niya ng dagdag na sampung minuto bago matanggal lahat ng mat bago tuluyang nag-mop si Dax.
Siya naman, nagpahinga muna sa gilid at uminom ng tubig. Sa totoo lang, kung tamad siya, hindi na niya lilinisan ang tiles sa ilalim ng mats. Kaya lang, natatakot siya na baka buong training na nilang gawin ni Dax ang paglilinis ng training hall at gym. Hindi naman siya nagpunta doon para lang maging janitress. She went there to be a full-pledged protector. Kaya kailangan, ayusin nilang dalawa ni Dax ang paglilinis para matapos na ang paghihirap nila.
Napabuga siya ulit ng hininga. She watched Dax as he mopped the tiled floor clean. Basa na ito sa pawis. Bakat na bakat na ang katawan nito sa gray v-neck t-shirt nito. And she's seeing how the perfect muscles in his body move with him.
Bigla niyang naalala ang hitsura nito noong unang araw niya sa quarters nila. His hair was dripping wet and he arrogantly displayed his perfection in front of her. Hindi na naulit ang tagpong iyon. And she wondered how those muscles feel against her palm.
Nanlaki ang mga mata niya, napatuwid na rin siya ng upo. She let out a harsh breath when she felt the air sizzle around her.
Jusko! Parang gusto nitang kutusan ang sarili niya.
She quickly shook her head and found a logical explanation for her thoughts.
Hunger.
Yes. She's just hungry and tired kaya niya naiisip ang mga naiisip niya ngayon tungkol kay Dax.
Tama 'yon lang 'yon.
But hey, Dax is not a bad catch either. So, you can reconsider, sabi ulit ng isang parte ng isip niya.
Well, she can't argue with that. Guwapo naman talaga ang lalaki. Mabait din naman talaga ito. Minsan prone lang talaga sa kapalpakan. Gaya rin niya.
That makes you a perfect match.
Lalo siyang nataranta sa naiisip. Napakurap-kurap na siya. Gano'n siya kagutom? Pati si Dax kino-consider niyang boyfriend material?
Dating is prohibited in The Organization. You need to render your service to the ultimate client first for at least five years before you can build a life outside the institution.
Lalong nalukot ang mukha niya nang mag-echo sa tainga niya ang sinabing iyon ni Sir Maxwell sa isa sa mga schooling sessions nila.
Right. She should never ever consider Dax.
Hindi puwede si Dax. Hindi puwede si Dax. Hindi puwede si Dax!
"Hey, Cortez, why are you mumbling my name?" pukaw sa kanya ni Dax maya-maya.
Gano'n siya ka-engross sa pagma-mantra at hindi na niya namalayang napapalakas na pala ang pagkakabigkas niya? Pinamulahan na siyang pisngi.
She cleared her throat and composed herself. "I-inoorasyunan k-ko 'yong ano... 'y-yang paglilinis mo para bumilis ka. O-oo 'yon!" aniya, tunog defensive.
Sandaling tumitig sa kanya ang lalaki bago tumawa. "Orasyon?" Muli itong umiling, natatawa pa rin . "Patutuyuin ko lang 'tong side na 'to, puwede mo na ulit i-assemble 'yang mats. Malapit nang mag-alas nueve. Baka magsara na ang mess hall. Gutom na 'ko," dire-diretsong sabi nito habang patuloy sa pagpasada ng mop nito sa tiled floor.
Hindi na siya sumagot. She just went straight and re-assembled on the floor the rubber mats she took. Pagpatak ng eksakto alas-nueve, nagpaalam na si Dax sa kanya. Sinabi nito na muuna na ito sa mess hall at kukuha na lang ng pagkain nila. May special instruction si Sir Maxwell sa crew sa mess hall tungkol sa food ration nila. Um-oo na lang din siya. Ilang piraso na lang naman ng mats ang ibabalik niya. Ayos na rin 'yon para hindi na siya aakyat sa upper floor.
Agad din niyang natapos ang trabaho niya. Paglabas niya ng gym at nang makasakay siya sa lift, agad siyang napasandal sa dingding niyon. She's exhausted, again. Pero sana gaya ng nakalipas na ilang araw, okay kay Sir Maxwell ang trabaho nila ni Dax para hindi na ma-extend ang paghihirap nila.
Tumunog ang lift at kusang bumukas. Paglabas niya, napahikab pa siya. Parang mas gusto niyang matulog na lang kaysa kumain. She really can't wait for their punishment to be over.
Tahimik niyang binaybay ang hallway patungo sa east wing. Kaya lang, malayo pa lang siya, kitang-kita na niya ang sunod-sunod na pag-unday ng suntok ng isang mama kay Dax. Ibinalya pa nito si Dax sa dingding bago sinikmuraan.
Her heart began to drum wildly against her chest. She panicked and ran to her partners aid. Kaya lang, bago niya malapitan ng husto ang mga ito, bumaling sa kanya ang mama.
The older man had the same striking honey-colored eyes as Dax.
She stopped just a few steps before she reached them. Noon bumaling ang mama kay Dax, na noon ay tumutulo na ang dugo sa gilid ng bibig.
"You are a disgrace!" sabi ng mama, puno ng diin ang bawat salita. "Become a protector or never come back," banta pa nito bago tuluyang binitiwan si Dax. Walang imik itong umalis pagkatapos.
Agad niyang dinaluhan si Dax na dumausdos na sa dingding dahil sa panghihina. Ngumiwi ito, sapo ang tiyan bago tumingin sa kanya. Lalo siyang nag-panic.
"Dax," tawag niya rito mangiyak-ngiyak. "Kaya mo bang tumayo?" dugtong niya. Hindi ito sumagot, ngumiwi lang ulit.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Isinampay niya ang kaliwang kamay nito sa balikat niya at inalalayan ito sa pagtayo bago ito iginiya papasok sa kanilang kuwarto. Mabilis niya itong pinaupo sa kama nito bago niya nagmamadaling kinuha ang first-aid kit sa banyo.
Pagbalik niya, sinimulan niyang gamutin ang sugat sa mukha nito. Noong una, panay ang reklamo nito. Nang lumaon tumigil din ito.
The silence made her realize their distance. Dax was too close that she could even feel his hot breath fanning her face. Once again, she felt the air sizzle around them. Hanggang sa tuluyan na niyang bitiwan ang bulak na hawak niya. At tanging ang mararahas na lamang na paghinga nito ang naririnig niya habang mataman itong nakatingin sa kanya.
Different emotions crossed his eyes-- mostly unfamiliar to her. At pigilan man niya, panay-panay na rin ang kabog ng dibdib niya.
She tried to break free from his eyes but she can't. There was a force in Dax's eyes imprisoning her to his will. At nalilito siya. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin at maramdaman.
Maya-maya pa, unti-unting inilapit ni Dax ang mukha nito sa kanya. Lalo siyang nataranta. She's not that naive. She knew, Dax would kiss her. Pero hindi niya alam ang gagawin-- kung papayag ba siya o hindi. Kaya nang gahibla na lang ang pagitan ng mga labi nila, agad siyang umiwas.
Kumurap ito, tila natauhan. Kusa itong lumayo sa kanya. Mahina itong nagmura, panay pa ang hagod ng buhok patalikod. Nang tumayo ito, tumayo na rin siya. Kung bakit, malay niya ulit.
There's something inside her reeling, anticipating, wanting for a kiss from Dax.
Kaya naman nang muling magtama ang mga mata nila, she tiptoed and kissed him on the cheeks.
Nang muling magtama ang mga mata nila, naramdaman niya ang unti-unting pagkalat ng init sa pisngi niya. Taranta siyang humakbang patungo sa closet niya. She quickly grabbed her clothes and towel bago halos patalon na pumasok sa banyo.
Nagkulong siya doon nang mahigit isang oras.###
2774words/6:58pm/08062021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro