Chapter 5: Testing The Waters
Tahimik si Andie habang nag-hahapunan siya sa mess hall. Maingay kasi sa tenga niya ang bibong pagkukuwentuhan ng mga kaibigan niya, lalo na si Ivan. Ito kasi ang nanalo sa gun shooting test kanina.
Ivan had always been good with guns. Ito ang forte nito. Siya, hanggang hand-to-hand combat lang kaya kulelat sila ni Dax kanina.
Dax.
Kusang umikot ang mga mata niya nang maalala na naman niya ang ginawa nito noong isang araw na pagbabanta ng halik sa kanya.
"Okay, Miss Not-So-Ordinary-Girl, you better behave or I'll kiss you."
Muling nanikwas ang nguso niya. Of course she stilled. Ayaw niyang mahalikan ni Dax e. Ito na nga ang unang kumapa-kapa at pumisil-pisil sa suso niya, ito pa ang magiging first kiss niya?
Ano ito sinusuwerte?
So, she stilled and promised him to behave. After a few seconds of hesitation, he let her go. Nauna pa itong gumamit ng banyo pagkatapos. Habang siya, naiwan doon sa pader na nakatanga at tinitimbang ang sarili kung tama bang hindi siya nagpumiglas o dapat ba nagpumiglas siya nang slight.
Napatuwid na siya ng upo. May umalon kasi na kung ano mula sa tiyan niya patungo sa dibdib niya. At nabubuwisit na siyang talaga dahil hindi niya alam kung ano 'yon.
Kung ninenerbyos ba siya o nauutot!
Lintek na Dax!
Gigil siya ulit na bumaling sa plato niya. Mula noong isang araw, halos hindi na sila nag-uusap matapos nilang manalo sa unang agility test. Well, kapag may training sila, nag-uusap sila. Sininghalan pa nga siya nito kanina kasi para daw siyang lutang e magpapaputok lang naman sila ng baril. Pride prevented her to tell him that she's not good with guns. More like, she dreads shooting. And she's still trying to get the hang of using guns as a tool for defense.
She slowly shook her head and tried to ward off an unpleasant memory from visiting her head.
Napabuntong-hininga siya at pasimpleng nagpalinga-linga. Hindi niya kasi alam kung bakit kapag eating hours, laging nawawala si Dax. Gaya ngayon, wala na naman ang lintek. Kanina, pagpasok nila sa mess hall, dumiretso ito kay Calvin. Ewan niya ulit kung bakit.
Oh well he can go to hell for all I care! Napairap siya sa naisip bago sumubo ng pagkain.
Nang matapos niyang kumain, nauna na siya sa mga kaibigan na bumalik sa quarters nila. Pagod siya at gusto na niyang magpahinga. At wala siyang planong mamuti ang mga mata habang hinihintay ang pagbabalik ni Dax na mukhang nakalimutan na ang existence niya!
Pagdating sa quarters nila, she stripped off her clothes, grabbed her things and went straight to the bathroom. She had a warm bath. Pamparelax sa mga nananakit niyang kasu-kasuan.
As the fog from the hot water formed around the bathroom, her mind has relaxed and released her from negativity.
She was reminded of her hope and dreams. Of how she can almost reach all of them.
Soon, Chief will be proud of me.
Napangiti siya. Kapag ganap na protector na siya, babalikan niya ang nanay at kapatid niya. Hindi lang naman para sa kanya ang mga pangarap niya e. Para rin sa kanila. Para gaya niya, makatakas na rin sila sa hirap ng buhay. Para maramdaman niya ulit ang maging kumpleto. Buo.
Nang magsawa siya sa hotbath, pinatay niya ang dutsa at sinimulang tuyuin ng tuwalya ang sarili. Nang tuyo na siya, nagsimula na siyang magbihis ng pantulog. Kaya lang, agad siyang nakunsumi nang makitang hindi niya nakuha ang panty niya mula sa mga gamit niya!
Hindi niya napulot o baka nalaglag sa sahig?
Agad siyang nahindik sa naisip. Nagmadali niyang itinapis ang tuwalya niya. Kailangan niyang mahanap ang panty niya habang wala pa si Dax.
Kaya lang, katok sa pinto ang lalong nagpatunganga sa kanya.
"Andie, you dropped something," anang pamilyar na boses ni Dax sa labas ng banyo.
Napangiwi siya. Agad na nag-orasyon ang isip niya ng, H'wag sana ang panty ko. H'wag sana ang panty ko.
Kaya lang pagbukas niya ng pinto, nasa dulo ng hawak na stick ni Dax ang loud and proud na yellow Spongebob panty niya! Agad siyang pinamulahan ng mukha nang makita ang kakaibang ngisi ng lintek.
Jusko, bakit may pahabol pa po na kahihiyan kahit gabi na? paghihimutok niya, napapangiwi.
"A-ano, ngayon ka lang n-nakakita ng panty?" pilit niyang pagtataray bago mabilis na hinablot mula sa stick ang panty niya at muling sinara ang pinto ng banyo.
Gigil siyang nagbihis pagkatapos. Bakit ba lagi na lang siyang nalalagay sa mga awkward na pangyayari kasama si Dax? Pinagti-tripan ba siya ng langit at si Dax ang dapat na witness? At kung bakit nahiling niya na sana 'yong mga panty na lang niya na hindi pang-nene ang nakita nito, malay niya ulit!
Baka kasi dahil gusto niyang manatili ang image niya rito na aastig-astig. At ang mga panty ng matured na babae ay hindi si Spongebob!
Mangiyak-ngiyak siyang napapadyak. Hiyang-hiyang siyang tunay! Abot hanggang kaibuturan ng kaluluwa niya.
Marahas siyang umiling at nagbuga ng hininga. She tried to collect her wits and reminded herself to just act cool. Maya-maya pa, napagdesisyonan niyang lumabas na ng banyo. Agad niyang nakita ang bulto ni Dax na nakatayo sa paanan ng kama nito. Wala itong pang-itaas at nakalaylay sa magkabilang balikat nito ang tuwalya nito.
The jerk gave her a meaningful grin. Agad na kumulo ang dugo niya, mas sa kagagahan niya kaysa sa lihim na pang-aasar nito.
"P-panty lang 'yon. No big deal. At saka ano... ano... favorite ko si Spongebob, bakit ba?" aniya, tunog defensive.
Lalong lumawak ang pagkakangisi ng lalaki. Nag-thums up pa. Na lalo niyang kinairita.
At bago pa man siya tuluyang ma-stroke sa inis sa kinatatayuan niya, naglakad na siya patungo sa kama niya upang mag-ayos ng gamit. Kaya lang, hindi pa man makapasok ng banyo ang lintek na lalaki, bumanat muna ito ng isang, Who lives in the water under the sea? SpongeBob SquarePants!
Babatuhin na niya sana ito ng unan, kaya lang, mabilis nitong sinara ang pinto ng banyo.
Tinuloy-tuloy nito ang pagkanta habang naliligo.
-----
"Fuck!"
Napakislot siya nang biglang magmura si Dax habang palabas sila ng training hall, which is located to the lower level 2, just a floor lower than their quarters. Sa loob nang halos isang linggong pamamalagi sa The Organization, halos doon nila ginugugol ang karamihan ng mga oras nilang APs. At ngayon nga katatapos lang ng shooting test nila and as usual, kulelat na naman silang dalawa ni Dax all because she can't shoot the target well.
What can she do? Nanginginig ang kamay niya tuwing nakakahawak siya ng baril. Sa totoo lang, matagal na nilang problema iyon ni Chief. Guns and ammunitions are her weaknesses. Kung siya ang papipiliin, hindi siya gagamit niyon bilang self-defense. Kasya na sa kanya na alam niya ang iba't-ibang uri ng martial arts. But in her line of work, guns are indispensable. The fastest weapon she can use to protect her would be ward is a gun.
Muli siyang napakislot nang gigil na buksan ni Dax ang kuwarto nila. Nagdadabog din itong natanggal ng uniporme nito bago kinuha ang tuwalya nito.
"I'm sorry, Dax. Hindi lang talaga ako--" Nabitin sa ere ang sana'y sasabihin niya nang tuluyang pumasok sa banyo si Dax.
Niyuko niya ang mga kamay niya at pinakatitigan iyon. An awful scene burned in her memory. She quickly shook her head at filled her lungs with air.
Matagal na 'yon, Andie. Matagal na matagal na, aniya sa sarili.
Matagal na pero dala-dala pa rin niya. Matagal na pero hindi pa rin niya makalimutan. How awful it is that one single moment can scar you for the rest of your life?
Nangilid na ang luha niya. Subalit mabilis din niyang pinalis iyon nang lumabas si Dax sa banyo. Bihis na ito. Wala ring imik na humakbang patungo sa kama nito at nag-ayos ng gamit.
"Dax, I-I'm sorry," alanganin niyang umpisa. Hindi ito umimik. "Dax."
"Maligo ka na. Malapit na ang lunch," anito, walang emosyon.
"Pero--"
"What do you want, Andie?" Hinarap na siya nito. In his eyes were controlled anger.
"I said I'm sorry," aniya sa mababang tinig.
"Will your sorries shoot for you, Andie?" She bit her lip. Ayaw niyang sabihin na walang magagawa ang mga sorry niya. She's way too proud to do it. Dax chuckled, sarcastic. "You call yourself an AP and you can't even shoot a single target. Tatlong beses na tayong nagsho-shooting test ngayong linggo, hanggang ngayon hindi pa rin ba sanay? At ang masama do'n, hinihila mo 'ko pababa kasama mo! Look, I'm doing my end of the bargain, Andie. I'm expecting you do yours. Akala ko ba gusto mo 'to? Mukha kasing hindi. Maybe Dmitri was right. Nandito ka lang dahil kay Chief."
Kumuyom na ang mga kamao niya. She wanted to charge at him. But he was quick to walk away. Masakit pala kung galing mismo sa bibig nito ang insulto.
"Mauna na 'ko sa mess hall. H'wag kang ma-late. Gutom ako," anito bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
And for the first time in a long time, she cried for the wrong she did but never meant too.
-----
Hindi mapakali si Andie habang nakahiga sa kama. Malapit nang mag-lights off ang hallway pero wala pa rin ang lintek na partner niya. Kung saan na naman ito nagsusuot, hindi ulit niya alam.
Matapos ang pagtatalo nila kaninang umaga, matipid kung kausapin siya nito, Mabuti na lang kaninang hapon, nag-schooling sila tungkol sa mga war strategies. Umupo siya malayo rito para hindi sila mairita sa isa't isa. Mahirap na baka magpang-abot ang mga init ng ulo nila.
Kanina sa dinner, matapos nilang pumasok sa mess hall, bigla ulit itong naglahong parang bula. At gaya nang dati, bumalik siya sa quarters nila nang mag-isa. At heto pa rin siya, iniisip pa rin ang lintek na hindi niya alam kung saan nagsusuot!
Napabuntong-hininga siya at muling bumangon. Hinila niya ang drawer sa bedside table niya at kinuha ang baril na issue sa kanya. The feel of steel on her hands sent a familiar scary shiver down her spine.
"It's just a gun. You're holding it. It can do you no harm," bulong niya. Ilang beses din niyang inulit iyon hanggang sa kumalma siya. Maya-maya pa, muli siyang nahiga at itinago ang baril sa ilalim ng kanyang unan.
Sa susunod na shooting session, ipapakita niya kay Dax na kaya na niya. Na hindi na ito dehado dahil lang sa siya ang naging partner nito.
If the feel of a gun in her hands are inevitable for her profession, then she must live and breathe with it. Ayaw na niyang magpatalo sa takot. Hindi na siya matatakot.
Tama. Hinding-hindi na siya matatakot.
Sandali pa niyang hinintay ang pagbabalik ni Dax bago siya tuluyang nagpagupo sa tulog.
-----
Naalimpungatan si Andie dahil sa mahihinang ungol na naririnig niya sa silid. Nang mag-mulat siya, tanging ang malamlam lang ulit na ilaw mula sa power button ng emergency light and namulatan niya.
"Stop it, Gail. I said stop!" bulong ni Dax, gigil.
"One more. Please," anang boses babae. She heard a soft moan and kisses after.
Nahindik na siya. May kalampungan ang partner niyang missing-in-action nang ilang oras! At hindi na nahiya. Gumagawa pa talaga ng milagro ang mga ito gayong heto siya,just a bed away. Hindi naman niya nakikita ang ginagawa ng mga ito dahil nakatagilid siya ng higa, patalikod sa mga ito. Pero kahit na! Maimagine pa lang niya ang ginagawa ng mga ito, kinikilabutan na siya at nahihiya.
Why wouldn't she, she's a virgin. Well, she knows how lovemaking woks but just the basics. She had seen a porn clip or two in her lifetime but just a glimpse of it. Hindi rin niya pinapatapos dahil siya ang nahihiya sa pinaggagawang mga actors. Tapos itong si Dax, nagdala ng live action porn sa kuwarto nila!
Lintek talaga! Talagang sinusubukan nito ang kanyang pasensiya.
Kung alam lang niya na ganito ang gagawin ni Dax, hindi na sana siya nag-aalala rito bago siya natulog. Plano pa naman niyang kausapin ulit ito bukas at humingi ng sorry dahil sa kapalpakan niya. Tapos ganito?
Hindi man siya ginalang ni Dax at nang kalampungan nito.
Gigil na gigil siyang tunay!
Marahan siyang humugot at nagbuga ng hininga. Gusto pa rin niyang pakalmahin ang sarili niya. Mariin niyang pinikit ang mga mata niya at sinubukang ignorahin ang mahinang pag-ungol ng babae na kasama ni Dax. Kaya lang, everytime she tries, lalong lumalakas ang ungol nito na para bang talagang nananadya ang malantod na haliparot!
Kumabog na ang dibdib niya sa sobrang inis. Pakiramdam niya, inaaltapresyon siya kahit hatinggabi. Hindi kasi puwedeng dumaan ang gabi na ganoon. Gusto na niyang ibalibag ang babae na ipinaglihi 'ata sa ungol!
She took a few more deep breaths habang nagbubulungan ang dalawa. Si Dax panay pa rin ang tanggi. Ang malandutay na babae, sige nang sige sa gusto nitong gawin.
"Let me taste you, baby," anang babae maya-maya.
Taste? Napangiwi na siya. Nataranta.
Jusko, may tikiman nang magaganap!
Bumangon na ang matinding inis sa dibdib niya.
Shit! That's it!
Mabilis niyang hinugot ang baril niya sa ilalim ng unan niya at tumayo. Inabot niya ang table lamp at in-on. Agad niyang nakita ang nakakubabaw na babae kay Dax.
"A-Andie," ani Dax, taranta.
"I thought you're asleep," sabi ng babae na naka-bra at panty na lang. Malaki ang hinaharap nito, halos bumulwak ang mga iyon sa cup ng bra nito. At ang panty nito, lace-- halos walang itinago. Tuluyang tumaob sa hiya ang lintek na Spongebob panty niya.
Lalo siyang nanggigil. Tinutukan na Niya ng baril ang babae.
"Moan again and I will shoot you!" banta niya.
Napasinghap ang babae, nanlaki ang mga mata. Dali-dali itong tumalon pababa ng kama at nagtatakbo palabas ng kuwarto nila habang tumitili.
Few seconds more, the light was restored both inside their room and at the hallway. The alarm blared. Commotion followed.
Not a minute longer, Sir Maxwell appeared at their door in his white and blue striped pajamas. He looked so pissed.
"Lavigne and Cortez, in my office, now!"
Oh shit! ###
2393words/6:340m/08042021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro