Chapter 4: Not An Ordinary Girl
Marahang nagbuga ng hininga si Andie habang nakahiga siya sa kanyang kama. It's already late at night but sleep is still elusive.
Hindi niya alam kung talagang namamahay lang siya o dahil ba kasama niya ang estrangherong si Dax sa loob ng kuwarto.
This is the first time that she's sleeping with a stranger in a room. But...
Dax is... okay... so far. By so far she meant is from the time they talked up until dinner.
Yes, finally she had her much deserved dinner. Sila pa nga ang nauna sa mess hall ni Dax. Napaghahalataang gutom siya. At saka, mukhang nagpapakitang-gilas ang partner niya.
Sabay-sabay silang kumain nina Kevin at Ivan, with their respective partners too, of course. And she must say, Dax gets along with her friends well.
Buti na lang din hindi mukhang gago ang mga partners nina Ivan at Kevin at kasundo rin nila ni Dax. She actually had fun having dinner. Because aside from the fun talk she and her new friends had, may pa-freebie pa na ice cream sa mess hall. Si Chief daw ang nagbigay niyon para sa kanilang mga APs.
Napangiti siya. Pakiramdam niya kasi, Chief had her in his thoughts when he had given the ice cream to them. Alam kasi ni Chief na favorite niya 'yon, cookies and cream flavor to be specific.
Chief had not called her yet. Gano'n din daw sina Ivan at Kevin, hindi pa rin tinatawagan ang mga ito. But she knew, Chief is busy.
Now she understands the many times when she, Ivan and Kevin were growing up that Chief wouldn't go home for days. Minsan nga inaabot pa ng linggo. Ganoon pala talaga ito kaabala sa trabaho. Sometimes, they'd just live by themselves. Minsan naman, kasama sila nito sa paglipat-lipat ng tirahan. Nitong huli, nag-settle na sila sa isang subdivision sa Makati. That was before they all got into college. Chief tried to balance his life between them and his work. But oftentimes, his work comes before them.
Ang sabi nito, the greater good must come first above all.
Chief married his work. At naiintindihan na rin niya kung bakit minsan malayo ang loob ni Ivan dito. Ivan, the real biological son of Chief, had lived in the streets like them for two years before Chief had found him. Nagsawa raw sa kakahintay ang nanay ni Ivan sa pagbabalik ni Chief kaya ito nagtago. Nang mamatay ang nanay ni Ivan, he was left with nothing and was forced to live in the streets.
Noong kupkupin sila ni Chief, hindi pa gaanong maayos ang relasyon ng mag-ama noon. Sa totoo lang, hanggang ngayon my unsettled differences pa rin ang mag-ama. Pero siya ang malimit na gumagawa ng paraan para magkabati ang mga ito.
Ayaw niya kasi ng gulo sa loob ng pamilya. She was from a troubled family. At ayaw niyang masira ang pamilyang kinalakhan niya gayong mayroon namang paraan para magkaayos.
Maya-maya pa, nagvibrate ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table. She quietly reached for it. It was a text message from Ivan.
Goodluck daw bukas sabi ni Chief. Katatawag lang niya. Sabihin ko daw sa inyo ni Kev. He's quite tired. Katatapos lang daw ng conference niya with CIA.
Napangiti siya. Kahit relayed lang ang message, masaya pa rin siya. Importante sa kanya na alam ni Chief na naroon na siya at handa na sa training.
Mabilis siyang nagreply kay Ivan bago in-off ang cellphone niya. Maya-maya pa, naglights-out na rin ang ilaw sa hallway ng buong wing, hudyat na kailangan na niya talagang matulog. Maaga raw sila bukas e, 0700 hour, sharp.
Muli siyang tumitig sa kisame. The lighted power button of the emergency light mounted on one of the walls was casting a small faint light on the ceiling. Keeping her thoughts awake.
She slowly released her breath and closed her eyes.
She must sleep now. She must sleep--
"Tulog ka na, Andie?" sabi ni Dax, just above whisper.
She silently groaned. Mukhang gusto pang makipagchikahan ni Dax. She balled her fist and tried to keep her cool.
"Malapit na. Bakit?" aniya, pigil ang inis habang nakapikit.
"Wala lang. Hindi ka ba natatakot na ano..."
Napakunot-noo siya. "Ano?"
"Na ano."
Napamulat na siya nang tuluyan. Kinukunsumisyon siya ni Dax kahit na gabi na. "Na ano nga?"
"'Yong ano... alam mo na 'yon."
Napabuga na siya ng inis na hininga. "Ni minsan, hindi ko pinangarap na maging manghuhula, Dax. Kung ano man 'yang gumugulo sa isip mo, the answer is no. Period. No erase!"
Dax chuckled, the kind that lingers and reverberates on ones' ears. "Okay, sinabi mo e. You trust me that much, huh?" dugtong pa nito sa amused na tono.
Lalo siyang napakunot-noo. What do I trust him for?
"Anyway, I wanted to say dream of me pero baka mabangungot ka. So, goodnight na lang," anito, pabulong ulit.
Mabuti na lang nakataligid na siya ng higa patalakod dito, kung hindi nakita nito ang muntik na niyang pagtawa. Mabuti naman at alam nito na isa itong bangungot in the making.
A handsome nightmare, sundot ng isip niya.
She rolled her eyes. Ayan na naman ang isip niyang mukhang hindi pa nakaka-recover sa pagka-alog kaninang first mission nila.
She blinked and cleared her thoughts.
"Goodnight, Dax. Now shut up," sagot nita bago muling pumikit.
Narinig pa niya ang mahinang pagtawa ni Dax bago ang paglangitngit ng kama nito. When blessed silence came, it took her just a few minutes before she finally fell asleep.
-----
"APs line up!" sigaw ni Sir Maxwell habang nasa lawn sila ng building.
Agad silang tumalima, all 20 pairs of them. Nang makapila sila in a platoon form, pinigilan niya ang mahikab bago ibinalik ang mata kay Sir Maxwell.
Hindi kumpleto ang tulog niya. Dahil fake news ang balitang nasagap nila ng lahat kahapon sa mess hall. Hindi 0700 hour ang umpisa ng araw doon kundi 0400 hours!
When the alarm blared at 0345 hours at the AP's quarters, halos magkumahog sila ni Dax sa paghahanda. They only had 15 minutes for both of them to be ready. Halos tig limang minuto lang sila sa loob ng banyo. Nakipagbalyahan din sila sa mga kasama nilang malalaking lahi para lang hindi na sila mahuli sa lift gaya kahapon. And now, her she is, with wet hair in ponytail and mismatched pair of socks, but ready for whatever AP mission Sir Maxwell had prepared for them.
"I hope you all had a good sleep. Because you will be needing all the energy you could get for the first training for today. Your next test is an endurance test. I want you and your partners to jog around the The Organization's compound ten times, all 100 acres of it." Nagsimula na ang bulong-bulongan. Nagkatinginan naman sila ni Dax. "Silence!" sigaw ni Sir Maxwell bago ngumisi. "And I hope you are all hungry. Because only the first pair to finish the test, gets to eat. Understood?"
"Sir, yes, sir!" sabay-sabay nilang sagot. Maya-maya pa, nag-umpisa na silan luminya sa starting point. "Are you ready, APs!"
"Sir, yes, sir!"
Bumaling sa kanya si Dmitri Antonov, isa sa mga sikat na APs sa batch nila dahil galing ito sa fallen royal family ng Romanov. Dmitri smirked and nodded at her before mouthing the word 'goodluck'.
Agad na nagrebolusyon ang inis sa dibdib niya, nangati rin ang kamao niya. Kahapon pa ito tingin nang tingin sa kanya na para bang isa siyang nakakatawang bagay. Kung siya ang masusunod, gusto niyang suntukin ang panga ng magaling na lalaki. Kaya lang hindi puwede.
Bumaling siya kay Dax na nasa tabi niya. Tipid itong ngumiti sa kanya bago marahang umiling. Tila ba nabasa nito ang nasa isip niya at sinasaway siya sa nais niyang gawin. "Just run," sabi nito. He even gave her a nod and a light tap on the shoulder. She nodded in response.
Yes. She will run and keep on running until that asshole Dmitri will eat her dusts.
Hinayon niya ng tingin ang langit, madilim pa rin ang paligid subalit unti-unti nang nahahawi ang dilim.
Maya-maya pa, hinipan na ni Sir Maxwell ang pito nito, hudyat na kailangan na nilang tumakbo.
A cacophony of uniformed footsteps were heard soon after. Kung paano nag-umpisa ang sabay-sabay nilang pagtakbo, ganoon din kadali na napunta sila ni Dax sa sa hulihan ng grupo-- nalulunod sa ingay ng mga yabag, alikabok at nerbyos.
But she tried to keep up with Dax's pace na nasa unahan lang niya. Sinubukan niya itong unahan kaya lang mabilis siya nitong sinaway. "Just keep your pace," anito sa pagitan ng paghahabol ng hininga habang patuloy pa rin sila sa pagtakbo.
She did not argue anymore. Sinunod niya ito. Maya-maya pa, nadaanan na nila ulit ang front lawan ng building. That was the first cycle of the run. Even the second cycle was easy. The third cycle was also a breeze. The strain came in the fourth cycle. Nag-umpisa na siyang mapagod. Because the terrain was not flat. There was a hilly part on the back side of the property surrounded by pine trees. Then the slope would go downhill again. However, it was not enough for her to give up. She knew she could do this. Mas mahaba pa ang tinatakbo nilang tatlo nina Ivan at Kevin noong naghahanda sila. This should be easy.
Kaya lang pagdating ng fifth cycle, marami na ang mga APs ang huminto at pagod na humilata sa front lawn. At natutukso siyang tumigil na rin at uminom na ng tubig na maagap na ibinibigay ni Sir Maxwell sa mga tumigil na sa pagtakbo. Sometimes when you are tired, it was easy to give up and lose your focus. Mabuti na lang panay ang tingin ni Dax sa kanya. Maya't maya ito kung kausapin siya. At kung hindi siya nito pine-pep talk, she would surely wont make to the eighth cycle moreso on the ninth where only 5 teams were left. Ang grupo na lang nina Dmitri, Ivan, Kevin, Hiro, ang Japanese-Swedish partners na hindi pa niya tanda ang mga pangalan, at sila ni Dax ang natira.
Dmitri and his partner was leading and they were behind by a few hundred meters.
Kung pa'no nila uunahan ni Dax ang mayabang na si Dmitri, hindi niya alam. She was already exhausted beyond her limit and an inch away of dehydration. Maya-maya pa bumaling si Dax sa kanya. He was panting and clearly exhausted as she is. His sweat glistened as the first ray of sun touched his face. Ngumiti ito pagkatapos.
"Are you ready?" he said in between breaths.
"H-ha?"
Hindi na ulit ito nagsalita. Pagliko nila patungo sa front lawn ng building, Dax grabbed her hand and said, "Run, Andie. As fast as you can!" anito, pasigaw.
Hinila na siya nito at nagpatiuna sa pagtakbo. She mustered all the strength she had left and tried to keep up with his pace. Hanggang sa maya-maya lang, magkapanabay na sila sa pagtakbo. At kung paano nila naungusan si Dmitri at ang partner nito hindi rin niya alam.
Ang alam lang niya, they were just a few meters away from the finish line habang magkahawak pa. Few steps more and she heard Sir Maxwell blew his whistle once again, signalling the end of the test.
They won!
She and Dax won the first test!
She fell on the lawn, exhausted beyond her imagination. Napahiga na rin siya roon habang hinahabol ang hininga. Uncaring of how ridiculous she must have looked. That's the end of her strength. Hindi na niya kaya.
Itinuon niya ang mga mata sa mga ulap, lumalagos ang sinag ng araw sa pagitan ng mga iyon. Like a happy ball of cotton greeting her goodmorning.
Maya-maya pa, humarang sa tinatanaw niya si Dax. He was still catching his breath like her. He extended his hand on her of which she gladly took. He gently pulled her up soon after.
"Lavigne and Cortez, congratulations. You may now eat your breakfast. The rest, go back to your quarters, have your rest till lunch," ani Sir Maxwell,bago tuluyang pumasok ng building.
Sumunod na rin sila sa pagpasok. Lumapit sina Ivan at Kevin sa kanila ni Dax at binati silang dalawa. Nauna na ang mga ito sa pagsakay sa lift.
"Nice game your playing, sweet ass. That would be your first and last win," bulong ni Dmitri sa kanya bago sila lumiko ni Dax patungo sa mess hall. Nang lingunin niya ito, sinalubong siya ng masama nitong tingin. Subalit hindi na rin siya nagtagal na makipagtitigan dito dahil hinila na siya ni Dax palayo.
Dax was static while eating breakfast. Siya, kahit gutom na gutom, hindi niya ma-enjoy ang pagkain niya.
Iniisip niya ang pagbabanta ni Dmitri. Pakiramdam niya kasi, pinag-iinitan siya nito dahil babae siya.
Sweet ass, my foot! Sipain ko siya sa mukha e!
Gigil niyang ipinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos nilang kumain, bumalik din agad sila ni Dax sa quarters. Subalit bago pa man sila makaliko sa East Wing, nakasalubong nila si Dmitri at ang partner nito sa common hallway. Mukhang paakyat ang mga ito sa upper floor.
Ngumisi agad si Dmitri nang makita siya. Nang-iinsulto ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
"There you they are, the champs!" anito, sarkastiko. Pumalakpak pa nang mabagal.
"We want no trouble, Dmitri," ani Dax sa seryosong tinig.
Mabilis na umiling si Dmitri. " Oh no, me neither." Muli itong bumaling sa kanya. "I'm just curious with your partner, Lavigne. I thought there was something special about her but you dragging her on the last lap just to win, made me think..." Umiling ito at umismid.
Kumulo agad ang dugo niya sa lalaking mapanghusga at feeling entitled! Bastos talaga ang bunganga nito. Ngayon siya naniniwala na hindi talaga nabibili ng salapi ang good manners!
Nagbuga nang marahas na hininga si Dax, inabot ang kamay niya. "Tara na," anito bago tumalikod at nagsimulang maglakad palayo habang hila ang kamay niya. Subalit hindi pa man sila nakakalayo, muling magsalita so Dmitri.
"Oh there's something special about her. I heard she's the ward of the Chief. Now I understand why all favor's on her, she's the Chief's favorite."
Humigpit pa ang kapit ni Dax sa kamay niya. Subalit mabilis niya iyong ipiniksi.
Masyado nang maraming sinasabi ang lintek na si Dmitri at hindi na niya iyon mapapalampas. Pagpihit niya paharap rito, inilang hakbang lang Niya ang pagitan nila.
Mabilis niyang binalya ang sikmura nito na nagpangyari upang mapauklo ito. She then grabbed him by the arm and flipped him through it. The arrogant royalty-wanna-be, fell on his back writhing and groaning for help.
Hindi pa siya nakuntento, gigil niyang pinagtatadyakan ang hita nito habang sinasabi ang, "I'm not an ordinary girl!"
"Shit!" narinig niyang anas ni Dax bago siya nito nilapitan at mabilis na isinampay sa balikat nito na parang isang sako ng bigas
Nagpumiglas siya, pinagsusuntok na rin niya ang likod ni Dax. Kaya lang parang walang bale sa lalaki ang pinaggagawa niya. Lalo pa nitong binilisan ang paglalakad pabalik sa kuwarto nila kahit na hindi pa siya tapos sa lintek na Dmitri na 'yon!
Pagbaba nito sa kanya, she was ready to charge at him too, but Dax was quick. He grabbed her arms, gathered them on one of his hands and pinned her on the wall, his face just inches away from him.
Agad na tumahip ang dibdib niya. Nablangko agad ang isip niya. Nahipit na rin niya ang kanyang hininga. Dax was so near. She can feel his caffein-tinged breath fanning over her face. And there was something in the way his brown eyes looking at her that's making her unbelievably weak. Ready to surrender.
Few seconds more, he said, "Okay, Miss Not-So-Ordinary-Girl, you better behave or I'll kiss you."###
2661words/9:33pm/08022021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro