Chapter 3: Rules
Hindi mapakali si Andie habang nagapaparoo't parito sa loob ng kanilang kuwarto ni Dax. Pilit niyang kinakalma ang sarili kahit na kanina pa niya gustong magwala at magtaob ng mesa.
Sa dinami-rami ng protectors sa batch nila, bakit si Dax pa ang roommate niya?
Kung hindi ka ba naman isanlaksang malas, Andrea! gigil niyang sabi sa sarili.
Lumipad ang tingin niya sa mga gamit ng lalaki na nakapatong pa rin sa kabilang kama. Kasalukuyang itinutuloy ng lintek ang pagbibihis sa loob ng banyo. Dahil sabi nito bago nito isara ulit ang pinto, he's not quite done freshening up.
Napairap siya. Why would he need to freshen up? Babae ba ito at kailangan nitong mag-freshen up? At saka, bakit kailangan nitong mag-freshen up when for her, he doesn't look that bad anyway.
Natigilan siya, nalukot na ang mukha. If he doesn't look bad then for her, he looks good?
Nanlaki na ang mga mata niya. Napasabunot na rin siya sa sarili. Kung anu-anong iniisip niya! The man inside the bathroom is Dax , ang lalaking nanlait sa future niya matapos nitong pisil-pisilin iyon!
So saan niya nakukuha ang mga gano'ng ideya patungkol kay Dax? Ganoon ba kalakas ang naging impact ng pagbasak niya kanina sa lupa during their first mission at mukhang naalog ang utak niya?
She should hate Dax. Hate him until kingdom come. Hell, should she have the chance, she should also wring his neck and throw him to the ocean for the sea creatures to feast on.
And if she's s till in the right mind, she must not take a bath while Dax is still inside the room.
Nagbuga siya ng hininga. Yes. That's what she must do.
Nunca siyang maliligo habang nasa kuwarto nila si Dax the manyak. Ano ito sinusuwerte? Baka mamaya mamboso pa ito. Ku-u! Talagang paduduguin niya talaga ang bibig nito kung sakali.
She took a glance at her tactical watch, regalo iyon ni Chief sa kanya bago noong nakaraang Pasko. It reads 11:45 A.M.
Umingay sa pandinig niya ang bilin ni Sir Maxwell kanina.
Don't be late or eat nothing.
Shit! Gahol na siya sa oras. Hindi na siya talaga makakaligo. She needs to be at the mess hall kung gusto niyang makakain ng lunch.
Muli siyang sumulyap sa pinto ng banyo. Mukhang pagkatapos ng pananghalian na nga siya makakaligo.
-----
Breathe in. Breathe out.
Breathe in. Breathe out.
Marahas na nagmulat ng mata si Andie mula sa pagkakasandal niya sa dingding na malapit sa pintuan ng mess hall. The mess hall is located on the upper floor and getting there, from their room, would require at least 3 minutes.
Mabilis niyang sinipat ang tactical watch niya.
Two minutes before 12:00 noon.
Muli siyang pumikit. Kahit kasi na gusto niyang kumalma, hindi niya magawa. Dahil kahit na anong aga niya sa pagpunta sa mess hall, hindi rin siya pinapasok dahil wala ang roommate niya. The mess hall releases a bar code they'd use to claim food for two. And since her roommate is not around, they didn't let her in.
Muli siyang nanggigil.
Why was he taking so long anyway?
Lintek talaga!
Kumuyom na ang kamao niya. Kung kanina, inis lang siya kay Dax, ngayon galit na siya. Galit na galit na.
Maya-maya pa, tumunog ang tactical watch niya. Napilitan siyang magmulat ng mata.
Alas-dose na ng tanghali.
Sinubukan pa niya ulit pumasok sa loob ng mess hall, kaya lang, again, the man guarding the door didn't let her in.
Gigil siya tuloy na tumalikod at nagpasyang bumalik na lang sa kuwarto. Sa kuwarto kung saan naroon ang malas at manyak na roommate niya na siya Dax.
Kung kasama ang pagtiisan si Dax sa training niya, parang gusto na niyang 'atang mag-quit! Why, the man is getting to her nerves by the second!
She stomped her feet in frustration before continuing her short travel to their room. Pagbaba niya sa lift at pagliko niya papunta sa east wing, nakasalubong niya si Dax. Malayo pa lang amoy na amoy na niya ang aftershave nito.
The asshole took his time pampering himself!
Lalo siyang nanggigil!
"O, bakit pabalik ka na? Tapos ka nang kumain?" anito, kaswal.
She balled her fist and tried to keep her calm. "Apparently, you cannot eat alone. You have to be with your roommate."
Nawala na ang ngiti sa mukha ng lalaki. Sinilip na rin nito ang orasan nito sa kamay bago unti-unting nag-angat ng tingin sa kanya. "So, we're late?"
"Obviously!" She huffed and rolled her eyes. Nagtanong pa talaga ito. Nagpatiuna na siyang naglakad pabalik sa kuwarto nila. Sumunod ito.
"Hey, Andie, I'm sorry," umpisa nito nang nakabalik na sila sa kuwarto. Hindi ko lang talaga napansin ang oras at saka--"
"At saka ano?" inis niyang putol dito bago ito hinarap.
Hindi ito umimik. He just looked at her with his apologetic eyes. But she's not buying any of his excuses now! She's tired. She's hungry. And she's pissed beyond reconciliation!
"Sige nga Dax, sabihin mo sa 'kin, how much do you want to be a protector?" aniya, nakapamaywang.
Sandaling nagsalubong ang mga kilay nito. "More than anything. Why do you ask?"
"Because you don't look like it!" singhal niya rito. "You keep messing things for me! Una kanina sa parachuting exercise. Your chute bag was tagged defective and you still took it. Kaya kita tinignan before I jumped. I was sending you a signal that your bag was defective. Yet the stupid you still jumped!" She scoffed and angrily ran her fingers through her hair. "Tapos kaninang tinulungan kita, kung anu-ano na naman ang ginawa mo. And now this! Mas pinili mo pang magbabad sa banyo kaysa kumain. At dinamay mo pa 'ko talagang, lintek ka! Tapos sasabihin mo sa 'kin gusto mo talagang maging protector when you can't do anything right!"
Hindi umimik si Dax. Tumitig lang sa kanya. Maya-maya pa, kuyom ang mga kamaong nagyuko ito ng ulo. He looked... defeated. Worthless.
Lihim siyang napabuga ng hininga, nakunsensiya. Did she go too far?
Pero kahit na masaktan ito, wala siyang pakialam. He has to know what she feels para alam nito na hindi tama ang mga pinaggagawa nito at nadadamay siya sa kapalpakan nito.
"I'm sorry, Andie," anito sa mababang tinig bago nag-angat ng mukha. "I'm sorry for dragging you into my mess. H'wag kang mag-alala, hindi na talaga mauulit," anito bago kinalas ang suot nitong kuwintas at lumabas ng kuwarto.
Muli siyang napabuga ng hininga. Kinakain pa rin siya ng kanyang kunsensiya.
Bahala na, naisip niya.
Agad siyang kumuha ng kanyang bihisan bago pumasok sa banyo. Hoping the water will help cool her down.
-----
Paglabas niya ng banyo, wala pa rin si Dax pero mayroon siyang nakitang isang pakete ng protein bar sa ibabaw ng kama niya.
Kung kanino galing? Hindi siya sigurado. Wala naman kasi siyang kasama sa kuwarto na puwede niyang mapagtanungan.
Baka kay Dax, anang isang bahagi ng isip niya.
Rumolyo ulit ang mga mata niya. Naisip niya, hindi siya mabilis madala sa mga peace offering.
Her stomach grumbled in response.
Lalo siyang napairap, napahawak sa kanyang tiyan. Hindi nga siya mabilis madala sa peace offering pero mukhang may ibang desisyon ang tiyan niya.
Kagabi pa ang huling kain niya sa plane. Kaya naman sobrang inis siya talaga na hindi siya nakakain ng tanghalian.
Pinulot niya ang protein bar at pinakatitigan iyon. In the end, ibinalik niya iyon sa bedside table na nakapagitan sa mga kama nila ni Dax bago niya itinuloy ang pag-aasikaso sa mga gamit niya.
Patapos na siya sa pag-aayos nang biglang mag-flash ang isang prompt sa flat screen TV na nakamount sa dingding.
Get your gears at the Supplies Room, UG North Wing before 15:00.
Muli siyang napabuga ng hininga. Gaya rin kaya sa kaninan, kailangan by-two's ang pagkuha sa gears?
Nanirik na ang mga mata niya. Pakiramdam niya inaaltapresyon ulit siya dahil ang magaling niyang roommate, missing-in-action ulit!
Mabilis niyang sinuot ang rubber shoes niya bago sumulyap sa tactical watch niya. She still has at least an hour to look for Dax kung saang sulok na naman ito nagsusuot.
She quickly went out to the room and began her quest. Una siyang pumunta sa South Wing— sa kuwarto ni Ivan. Kaya lang hindi niya ito naabutan doon. Ang sabi ni Ren Furukawa, ang Japanase roommate nito, matapos ang tanghalian, may pinuntahan daw ito.
Sunod niyang pinuntahan ang kuwarto ni Kevin. Kaya lang, gaya ni Ivan, wala rin ito doon. May pinuntahan din daw sabi ni Alessandro Bernasconi, ang Italian roommate nito.
Sigurado magkasama ang dalawang bugok. Ngayon, hindi na niya tuloy alam kung saan na niya hahanapin si Dax.
She decided to go to the 2nd floor of the upper floor. Kung saan niya hahanapin doon si Dax, malay niya ulit. Lalo pa at hindi pa siya pamilyar sa mga opisinang naroon.
If all else fail, maybe Chief could help her.
Tama. Kapag hindi pa niya talaga nahanap si Dax, magpapatulong na siya kay Chief.
Pagbukas ng pintuan ng lift sa 2nd floor, tumambad sa kanya ang hilera ng mga glass panels enclosing to what seem to her is the main control room of The Organization. She slowly walked towards one of the panels and watched in awe the amazing things happening inside that room. Hindi na niya alam kung gaano siya katagal doon. All she knew was that she can see through were she's standing at, several big monitors and an endless stretch of computers and control panels. And all those men and women inside the room were expertly working on those.
It's just like what she had seen on those spy movies. Which get her to thinking, what kind of gears will she be getting? Will she get one of those gadgets like James Bond or Ethan Hunt had? Or will she be driving a sweet ride that transforms into a boat or a plane?
Her stomach lurched in excitement.
Naroon na siyang talaga sa The Organization. Her dream of becoming a real protector is just within her reach!
Pero malapit ka na ring mapatalsik dahil wala pa si Dax na roommate mo, paalala ng isip niya.
Agad siyang napabusangot. Makita lang niya talaga si Dax, tatalakan ulit niya ito at hindi na siya makukunsensiya.
"Hey, what are you doing here?" anang baritonong tinig sa likuran niya. Paglingon niya, nakita niya ang isang matangkad na lalaking blonde ang barber's cut na buhok at nakakunot ang noo habang nakatitig sa kanya. Ni hindi niya namalayan ang paglapit nito kanina.
"I-I was..." She cleared her throat and straightened her back. "I was looking for Chief."
Sandaling ipinasada ng lalaki ang tingin sa kabuuan niya, tila ito diskumpiyado. "Are you an AP?"
"Yes, Sir!" she replied confidently.
"AP's are not allowed here unless called. Besides, Chief is having a conference with the CIA. He can't be disturbed," paliwanag ng lalaki bago tumingin sa tactical watch nito. Nang muli itong mag-angat ng tingin agad itong nagtanong. "What's your name?"
Kumurap siya. Hindi pala siya matutulungan ni Chief. "C-Cortez, Sir. Andrea Cortez," alanganin niyang sagot.
"You're one of the Chief's ward." Kabado siya ulit na tumango. "I'll tell the Chief that you dropped by. He'll contact you once he's done with work."
"But—"
"Go," mabilis na putol sa kanya ng lalaki. Ito pa ang pumindot ng lift na agad namang bumukas.
Wala na tuloy siyang nagawa kundi ang pumasok doon at bumaba sa first floor ng north wing. Madali siyang pumunta sa mess hall. Hindi gaya kanina, wala na ang nagbabantay sa pinto kaya malaya siyang nakapasok doon.
Halos wala nang tao sa mess hall. Tanging ang mga crew na lang na naglilinis doon. She was about to exit the hall when she heard two of the crew talking.
"That guy's half crazy," komento ng isang lalaki na naka-apron at nagpupunas ng mesa. The guy is African-American and quite on the huge size. Kausap nito ang isang amerikana na hindi nalalayo ang bigat dito.
"Hunger can make you do things, you know. In this case, anything for a protein bar," sabi ng babae, bahagya pang natawa.
"But that necklace is real gold. How much do you think can Calvin can exchange it for?" Nagkibit-balikat lang ang babae, itinulak ang cart nito patungo sa kabilang mesa. "Damn! I'd better man the door next time," dugtong pa ng lalaki bago umusad sa sunod na mesa.
Napakurap siya.
Protein bar.
Necklace.
I'd better man the door next time.
Hindi niya alam pero pakiramdam niya, pamilyar siya sa eksenang pinag-uusapan ng dalawang crew.
She quickly shook her head.
Hind iyon ang oras upang making siya sa mga chismis. She needs to look for Dax, fast! Mabilis siyang lumabas ng mess hall.
Nasa lift na siya nang makita niyang malapit nang mag-alas tres ng hapon. Nawili siya talaga siguro sa panonood sa main control room.
Frustrated, hindi na niya itinuloy pa ang paghahanap kay Dax. She went straight to the Supplies Room. Handa siyang makiusap makuha lang niya ang gears niya na kakailanganin niya sa training. But to her dismay, pagdating niya sa supplies room, issued na raw lahat ng gears for APs at wala nang natira.
Pakiramdam niya, umakyat lahat ng dugo sa ulo niya. Mukhang totoo na talaga! Inaaltapresyon na siya!
Kasalanan ulit ni Dax kaya siya naubusan ng gears!
Nanggigigil siyang bumalik sa kuwarto nila. Unang bumungad sa kanya ang mukha ng magaling na lalaki. Ngumiti pa ito at kumaway sa kanya.
Ugh! The nerve!
Nagmadali siyang humkabang papasok ng silid at sinara ang pintuan.
"Where the hell have you been?" tanong niya rito sa mataas na boses, nakapamaywang.
Natigilan naman ito, nangunot-noo. "Sa mess hall tapos sa supplies room."
Napabuga na siya nang inis na hininga. It was clear, nagkasalisihan sila ng lintek na lalaki. "Hindi mo ba alam na kanina pa kita hinahanap?"
Lalong nagsalubong ang mga kilay. "Bakit?"
Tuluyan nang sumulak ang inis niya sa lalaki. "To get our gears, you idiot! Ngayon, naubusan na naman ako ng gears dahil ulit sa 'yo!" singhal niya rito, mangiyak-ngiyak.
Hindi ito sumagot, tumuwid lang tayo bago malumanay na sumagot. "You mean, those gears?" Tinuro nito ang isang bag na kaparehas ng bag na nakapatong sa ibabaw ng kama nito.
Inilang hakbang niya ang kama niya at hinalungkat ang laman ng bag. Naroon ang ilang pares ng uniform, combat boots, sneakers, pati na rin ang issued pistol niya naroon din.
"I asked the lady in-charge at the supplies room, hindi mo pa raw nakukuha ang iyo kaya kinuha ko na rin no'ng kinuha ko 'tong akin," mabilis na paliwanag ni Dax nang mag-angat siya ng tingin dito.
Relief suddenly washed over her. Pakiramdam nga niya, binuhusan na rin siya ng malamig na tubig at biglang nawala ang galit niya sa lalaki. She had spent the last hour hating this man and yet here he is handing her the things she'll be needing in training.
Agad na lumipad ang mga mata niya sa leeg nito. Wala pa rin doon ang tinanggal nitong kuwintas kanina. Mabilis na dumaan sa isip niya ang usapan ng dalawnag crew kanina sa mess hall.
"Where's your necklace?" diretsang tanong niya rito.
Agad itong napahawak sa leeg nito. Maya-maya pa, ipinagala nito ang tingin at pinulot ang protein bar na inilapag niya kanina sa bedside table na nakapagitan sa kanilang mga kama.
"I had it exchanged for this," anito bago itinaas ang hawak nitong protein bar.
Tama siya ng hinala. Si Dax nga ang pinagchi-chismisan ng dalawang crew kanina sa mess hall.
"W-what? Why would you do that?" nagtataka at naiinis niyang tanong.
"Gusto kong bumawi sa 'yo e," umpisa nito, ang mga mata nakatitig sa kanya. "I know I messed up, Andie. Our first meeting was a disaster. That I have to admit and sincerely apologize for. But please believe me when I say that I really want to be a protector, probably even more than you do. I need to be a protector. There would be no life for me other than being a protector." Napakurap siya. She felt the weight of his sincerity. "And if we want to make this partnership work—"
'Wait, wait, wait hold on." Itinaas niya ang kamay upang pigilin ito sa pagsasalita. "What do you mean partnership?"
Nangunot-noo ulit ito. "Don't you know, we are not just roommates. We're also training partners. You pass, I pass. I fail, you fail."
Napakurap-kurap siya. Napahawak siya ulit sa batok niya. Mukhang bumalik na ang pag-aalta-presyon niya. Paanong nangyaring nakasalalay kay Dax ang pangarap niyang maging protector?
Caring for your team is caring for yourself.
Malimit iyong sabihin sa kanya ni Chief noon tuwing may group sparring sessions sila noong nagsasanay pa siya ng combative skills.
Team spirit. Isa iyon sa mga itinuturo ng The Organization mula pa kaninang lunch. And there she was instead of learning from it, she resented every minute of it.
She huffed and composed herself.
Tama si Dax. Kung gusto niyang mag-survive sa training at maging ganap na protector, they need to work as a team.
Nag-angat siya ng tingin kay Dax. "You're right. We need to work as a team. But I have rules."
"Rules?" Nagsalubong ang mga kilay nito.
"Yes. Rules. First, don't you ever lay your hand on me again," seryosong pahayag niya.
Nalukot ang mukha nito. "You know we have sparring sessions right? That would be impossible."
"What I mean is outside training! You better keep your hands to yourself Dax or I swear dudurugin ko 'yang mga buto sa kamay mo," gigil niyang banta sa papahinang tinig.
Ngumiti ang lalaki, idinisplay ang mga mapuputi nitong ngipin. "Hands to myself, noted."
Lihim siyang tumikhim. Parang may umakyat kasi na kung ano sa kanyang tiyan patungo sa kanyang dibdib. "Second, don't ever ever touch my things. I mind my space, you mind yours, okay?"
Mabilis na tumango-tango ang lalaki. "Hands to myself, space, what else?"
She paused and looks at him intently. "Don't quit. If you really want this more than I do, don't quit. Never ever."
Sandaling tumitig si Dax sa kanya bago tipid na ngumiti. "I won't quit, Andie. Never ever."
"Deal," aniya bago inilahad ang kanang kamay dito.
Mabilis naman iyong tinanggap ng lalaki. "Deal," anito.
Dax's hand is warm and weirdly something more. Kung ano man 'yong more, ewan niya. Basta for her, his hand felt something more.
Ang importante, they have sorted out their differences and off to start their partnership anew.
Maya-maya pa inabot nito sa kanya ang protein bar. "Here. Eat this. I know you're hungry," anito.
Alanganin niya iyong tinanggap. Nakukunsensiya pa rin kasi siya. Ipinagpalit nito ang valued necklace nito para lang makakuha niyon.
"What about you?" aniya matapos niyang kumagat sa protein bar. "At saka 'yong kuwintas mo, pa'no na 'yon?"
Nagkibit-balikat ito, ikinumpas pa ang kamay. "Hayaan mo na 'yon. Bigay lang naman 'yon ni Nica, one of my casual, you know. At saka h'wag mo 'kong alalahanin, kumain na 'ko."
"Sa'n ka kumain?" takang tanong niya.
"Sa kitchen sa mess hall. Binigyan ako ng pagkain ni Calvin, 'yong nagbabantay sa pinto. Nakunsensiya 'ata sa kuwintas, kulang na bayad d'yan sa protein bar. Sige alis muna 'ko. Puntahan ko lang sina Ivan at Kevin."
Napanganga na siya. Pakiramdam niya inaaltapresyon ulit siya. Napayuko siya sa hawak niyang protein bar. Nakunsensiya pa siyang talaga kanina gayong nakakain pala talaga ito nang husto kaninang lunch tapos siya protein bar lang!
Ang lintek!
At bago pa man siya makapagngingit at magtaob ng mesa sa inis, nakalabas na ito ng kuwarto ang magaling na lalaki. ###
3193words/6:05words/07302021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro