Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20: Gestures

Tumayo si Andie malapit sa railing ng boat na nirentahan nila ni Kevin. Inayos niya ang oversized beach hat niya at ang suot niyang yellow flowy maxi dress nang humangin bago muling hinayon ng tingin ang Isla Columbretes na pinanggalingan nila. They had a quick tour on the famous I'Illa Grossa and it's lighthouse. They took lots of pictures on the island. Na-excite siya kasi nang malaman niya na ang mga islang iyon ang parte ng isang ancient crater where the island emerged. Idagdag na rin na kamangha-mangha ang wildlife reserves ng isla. She had a chance to see rare flowers and wildlife. It was a fun morning, she must admit. Plus, na-enjoy din niya ang tour guide na kasama nila na si Adrian. 

 Mabuti na lang maaga silang bumiyahe.  Hindi sila masyadong naabutan ang kiinitan ng araw.

She inhaled and filled her lungs with air. The smell of the sea was welcoming. The steady waves clashing to the nearby shore was calming-- giving her a sense of peace. Somehow the sea gave her a sense of peace from the chaos inside her heart and head. 

Ginugulo pa rin siya ng mga nangyari kanina sa pagitan nila ni Dax. Marami pa ring katanungan sa isip niya na lahat wala naman sagot kahit pilitin niya. And going boating was a great help to keep the unwanted thoughts from bothering her for a while. Plus, ayaw din niyang makita ni Kevin na marami siyang iniisip. Kevin deserves to enjoy this getaway. And she didn't want to spoil this weekend for him just because of her personal affairs. Kaya pinilit talaga niyang umayos kahit na ang totoo, hindi siya maayos.

"Here," pukaw ni Kevin sa kanya, maya-maya. Nang lingunin niya ito, nakita niyang inaabot nito sa kanya ang isang canned mango juice. 

Tinanggap niya iyon at binuksan. "Thank you," sabi niya bago sumimsim ng juice sa lata. "Ikaw, hindi ka nauuhaw?" sabi niya. 

Umiling ito. "I had water," anito bago ngumiti. Marahan nitong hinawi patalikod ang buhok nito na ginulo ng hangin bago sinilip ang tubig dagat.

Bumaling din siya sa dagat. The clear sea water was showcasing the magnificent site beneath them. Different kinds of fish were swimming near their boat. Tila ba nakikisabay sa mga alon at inihahatid sila pauwi.

Maya-maya pa,  biglang tumigil ang makina ng boat. Bumagal din ang usad nila hanggang sa tuluyan na iyong huminto. Nagkatinginan sila ni Kevin.

Ilang sandali pa, lumabas mula sa control room si Adrian. Lukot ang mukha nito at panay ang iling.

"Qué ocurre?" agad na tanong ni Kevin sa lalaki.

Napakamot na ng ulo si Adrian. "El motor se detuvo. El capitán y su tripulación aún lo están revisando (The engine stopped. The captain and his crew are still checking it)."

Sabay silang napabuga ng hininga ni Kevin. Napatingin siya sa suot niyang tactical watch, it's almost 12 noon. They need to return at the hotel bago ang check out time na alas tres ng hapon.

" Cuánto tiempo llevará arreglarlo? (How long will it take to get fixed?)" tanong niya kay Adrian.

Mabilis na umiling si Adrian. "I don't know, Señora."

Noon naman lumabas sa control room ang kapitan. Agad itong nilapitan ni Adrian. Hindi malinaw ang pag-uusap ng mga ito sa kanya. But she understood the keywords. And it meant that the boat had an engine failure and that they are stuck there in the middle of the sea until the rescue boat comes in 3 hours dahil manggagaling pa iyon mismo sa Valencia.

Bumaling siya kay Kevin. "Pa'no na?"

Nagbuga ng hininga ang kaibigan bago nakipag-usap mismo kina Adrian at sa kapitan.

Pagbalik nito sa kanya, lukot ang mukha nito. "We're stuck here for the next three hours. The good news is, lunch is ready."

"You and your appetite." She rolled her eyes. Natatawa siyang nailing. "Pero pa'no 'yong sa hotel. We need to check out--"

"I'll call," putol nito sa kanya, magaang ngumiti. "Tara na sa upper deck. Gutom na ko," sabi nito bago siya marahang hinila paakyat sa upper deck.

The view from the upper deck is breathtaking. She saw how miles and miles of the Mediterranean Sea sparkled  under the light of the sun. It was as if they were surrounded by precious blue diamonds while the soft waves were whispering their hellos.

It was so beautiful.

Iginiya siya ni Kevin sa table set up for two na nasa ilalim ng tent. One of the crew opened the food trolley beside it. It was a a typical Spanish lunch. There's a soup,  2 main courses and desert.  She's excited to try the croqueta and the famous Paella Valenciana which originated from the region.

Pinaghila siya ni Kevin ng upuan. Agad naman siyang naupo. Nang makaupo ito sa tapat niya, agad na kumilos ang crew na nasa food trolley at nilagyan ng wine ang champagne flute na nasa tabi nila. After that, they served the soup. They started to eat in silence after.

"Let's come back here with Ivan and Chief next time. I'm sure they'd enjoy it her too," sabi niya maya-maya, mabilis na sumimsim ng wine.

Tumango-tango si Kevin. "Oo sa susunod, si Ivan ang taya," natatawang suhestyon nito, sumimsim din ng wine.

She chuckled. Na-iimagine na niya kung paanong pagtutol ang gagawin ni Ivan. May pagkakuripot kasi ito. "Let's explore all the Islas next time and recreate all we did today. Puwera na lang itong nasirang makina."

"Then let's rent a yacht next time. Kayang-kaya 'yon ni Ivan."

Napailing siya, nangingiti. "Asa ka pa? Sa kuripot no' n! Sigurado, hindi yon sisipot hanggang wala si Chief."

Ngumiti si Kevin. Muling sumimsim ng wine. "Speaking of Chief, anong plano sa birthday niya?"

Nagkibit-balikat siya, hiniwa ang croquet na nakasilbi sa plato niya. "I'll call Ivan about it."

Tumango-tango ito. "Ikaw anong plano mo sa birthday mo?"

In two-weeks time, birthday na niya, and she'll be 23. Dalawang araw lang ang pagitan ng birthdays nila ni Chief. Noon, sabay silang nagse-celebrate. Pero mahirap nang gawin 'yon dahil na rin sa schedule nila sa trabaho.

"Hindi ko rin alam e. Alam mo naman, masyadong busy si Don Miguel ngayon. Baka hindi rin ako bigyan ng off. Kaya nga pinush ko ngayon na magbakasyon. Advance birthday gift ko sa sarili ko," aniya bago sumubo ng pagkain.

"Ako rin, baka medyo matagal tayong hindi magkita. The Prime Minister will be having a series of state visits. Buti na lang talaga sumama ako ngayon sa advance birthday treat mo." Pinagkadiinan nito ang salitang advance. Which meant, the bill is really on hers.

Inirapan niya ito kunwari. Bahagya naman itong natawa.

Pinulot nito ang champagne flute nito. "Advance happy birthday, Andeng," nakangiting bati nito.
"I wish you everything in this world."

She smiled, a forced one. For she knew that wish will never come true. She cannot have everything in this world. No one can. But she obliged with the toast anyway. Sabay nilang inubos ang wine sa kani-kanilang mga baso. 

Nang mailapag niya ang champagne flute niya sa mesa, agad na inabot ni Kevin sa kanya ang isang itim na jewelry box. The box was small and square. It looked like it carries a ring inside. 

Umangat ang tingin niya kay Kevin. Nakangiti ito. "Advance birthday gift ko sa 'yo."

She gasped before picking up the box. "Ang galante mo naman." Natigilan siya pagkatapos. "Teka. Baka mamaya hulugan 'to at ako ang magbabayad. Alam na alam ko kaya ang galawan ninyong dalawa ni Ivan." reklamo niya. 

Natawa ito. "H'wag kang mag-alala, bayad na 'yan, Andeng. Fully paid. Go ahead, open it."

Ngumiti siya at niyuko ang box. Unti-unti niya iyong binuksan. Tumambad sa kanya ang singsing na may blue sapphire stone sa gitna. Napaangat siya agad ng tingin kay Kevin. 

"Akin 'to?" nanlalaki ang matang tanong niya sa kaibigan. Pormal itong tumango. "Seryoso?" Tango ulit. "B-bakit?" salubong ang kilay na tanong niya. 

"Anong bakit?"

"Bakit mo 'ko binibigyan ng ganitong singsing?"

Nagsalin ito ng alak sa champagne flute nito. Mabilis na sumimsim doon bago sumagot. "O, 'di ba, sabi ko nga, regalo ko 'yan sa birthday mo."

Napakurap siya. Muling tinungo ang singsing na nasa box. The blue stone mimicked the brilliance of the sea they're in. It was beautiful. 

But then...

"Kevin, mahal 'to," bulong niya bago muling nag-angat ng tingin dito. Pinagpatuloy ni Kevin ang pagkain na parang bale wala rito ang pag-aalala niya. 

"So? Para sa 'yo naman e. Ayos lang," anito bago sumubo ng pagkain. "Ayaw mo?"

"G-gusto ko. Pero..."

Muling uminom ng alak si Kevin. "O gusto mo naman pala. Anong problema?"

She bit her lower lip. Ayaw niyang sabihin kay Kevin na naiilang siya sa gift nito dahil pakiramdam niya puwede na iyong pumasang engagement ring e wala nama silang romantic relationship. 

"Give me your hand," anito maya-maya. Alanganin niyang tinanggap ang nakalahad na kamay nito. Ito na mismo ang kumuha ng singsing mula sa box at isinuot sa iyon sa ring finger niya. "There. See, bagay sa 'yo, Andeng. Kahit na sanay sa suntok 'yang kamay mo."

Bahagya siyang napangiti. The ring was even more beautiful when worn. The sapphire glistened under the afternoon light of the sun. Tama si Kevin, nagmukhang kamay ng babae ang kamay niya. 

The awkward feeling slowly melted away. Maybe Kevin was just giving her the ring as a sister. Right, they are not just of friends but sibling from the heart.

"Thank you," sabi niya nang balingan niya ito. 

Ngumiti na ito, a satisfied one. "You're welcome, Andeng," anito before kissing her hand where she wore the ring. 

The awkward feeling returned but she dismissed it quickly. Kissing a ladies' hand is common on that part of the globe as a sign of respect. 

Maya-maya pa, kaswal ulit silang nag-usap. Inubos nila ang oras ng paghihintay sa rescue boat sa pagkukuwentuhan. 

Pasado alas tres na ng hapon nang dumating ang rescue boat. Lulan nito ang mekaniko na mag-aayos ng nadiskaril nilang boat. Matapos kausapin ni Kevin ang kapitan ng boat na nauna nilang sinakyan, they gave them a discount of which she paid. Ilang sandali lang, lumipat na sila sa rescue boat. Kasabay nilang sumakay doon si Adrian. 

It was past five in the afternoon when they reached the port. Malapit na ring lumatag ang dilim kaya halos takbo-lakad ang ginawa nilang dalawa ni Kevin pabalik sa hotel. Magda-drive pa kasi sila pabalik sa Madrid dahil may pasok na silang dalawa bukas. At kapag ganoong weekend, nagbabalikan na ang mga tao sa siyudad after a short vacation just like them. Ayaw nilang maabutan ng traffic. 

Pagdating sa hotel, agad na inasikaso ni Kevin ang pagche-check out nila. "Mauna ka na sa kuwarto mo. Ako nang bahala rito," sabi nito bago kinausap ang receptionist ng hotel.

Tumango na lang din siya at naglakad papunta sa lift.  She was waiting for the lift to close automatically when someone familiar came in. It was Dax. He was wearing a casual boardshorts and shirt. 

Bahagya itong natigilan nang magtama ang mga mata nila. Bumaba ang mga mata nito sa kamay niyang may suot na singsing. Umigting ang panga nito pagkatapos. Kapag kuwan'y humakbang na rin papasok sa lift. Ito na rin ang pumindot ng close button ng lift. 

It was just the two of them in the lift. And the silence was deafening. 

"Y-you're wearing a ring," anito maya-maya, ang mga mata nasa floor counter. 

Bumaling siya rito, dinama ang singsing sa kamay niya. "Yeah," tipid niyang sagot. 

He slowly turned to her. His eyes were full of questions. "Why?" basag ang tinig na tanong nito.

"What do you mean, why?" she asked in confusion. 

Umiwas ito ng tingin, lalong nagtagis ang mga bagang. He was breathing heavily, like he was in a lot of pain. 

"Dax?" she called but he just remained silent. Enduring something she doesn't know.

Maya-maya pa, tumunog ang elevator. Nasa 4th floor na sila. She needs to get off. 

"Dax, I'm going," paalam niya rito, halos pabulong. Papahakbang na siya palabas ng lift subalit mabilis nitong hinagip ang kamay niya.

Agad siyang napabaling dito. "Dax?"

Muli, hindi ito sumagot. Maya-maya pa, kinabig na siya nito payakap. Mahigpit.  Binitiwan niya ang bitbit niyang summer hat at gumanti ng yakap dito.

"S'il te plait ne, Andrea," bulong nito, pinapatakan ng magaang halik ang buhok niya.

"W-what do you mean don't?" naguguluhan niyang tanong.

Hindi ulit ito sumagot, yumakap lang. Pagkatapos ng ilang sandali, pinakawalan siya nito. 

She looked at him. He looked... defeated and she doesn't know why.

"Go. Baka hinihintay ka na niya," malungkot na sabi nito.

Mabilis niyang pinulot ang summer hat niya. "A-are you okay?" tanong niya nang dumiretso siya ng tayo.

"I'll be," sabi nito. But he looked like he won't be.

Magtatanong pa sana siya kaya lang may dumating na ibang guests na sasakay sa lift.

Napilitan siyang lumabas na ng lift to give way to others who'll use it.

"Andie," tawag ni Dax ulit sa kanya. Nang lumingon siya, hindi ito nagsalita. Tumitig lang hanggang sa tuluyang sumara ang lift.

She wanted to follow him. Ask him about the things that's bothering her and maybe bothering him too. Nag-aalala siya kasi, baka matagal na naman silang hindi magkita. Subalit tumunog ang cellphone niya. Nang sagutin niya, it was Kevin. Sinabihan siya nitong sa parking lot na lang daw sila magkita.

She agreed and went on her room to fix her things.

She left Valencia that night with her head still full of questions. And all of it went unanswered for the next two weeks. ###

2279words/07:55pm/09212021


















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro