Chapter 19:Bound
"Andie, estás conmigo? (Andie, are you with me?)" untag ni Kevin kay Andie habang naghahapunan sila sa restaurant ng hotel kung saan sila naka-book na dalawa.
"H-ha?" wala sa sarili niyang sagot, ibinalik sa kausap ang mga mata.
"Ang sabi ko, mag-sailing tayo bukas. Gusto mo?" pag-uulit ni Kevin.
"Y-yeah, p-puwede," alanganin niyang sagot bago tumungo sa plato niya. Nag-init kasi bigla ang pisngi niya dahil nahihiya siya kay Kevin. There they are eating a sumptuous dinner under the summer starry sky of Valencia, yet she can't stop thinking about Dax, her friend.
She cursed silently, mabilis na uminom ng wine sa goblet na nakasilbi sa harap niya.
"Sigurado ka bang okay ka lang? You look... tensed. Parang anytime susugod ka ng suntok at sampal. Galit ka ba sa 'kin?" tanong ni Kevin.
Agad siyang nag-angat ng tingin sa kaibigan. Salubong na ang mga kilay nito. "H-hindi. M-medyo ano... may... may iniisip lang ako," pagdadahilan niya, taranta.
Humugong si Kevin bago ngumisi. "May hungover ka pa, 'no?"
Lalong nag-init ang pisngi niya. "H-ha? H-hindi... ang ibig kong sabihin ano... wala."
Tumawa si Kevin, magaan. "Puwede kang magsinungaling sa lahat pero sa akin hindi."
Kumurap siya at muling inabot ang wine glass sa tabi niya. Alam niya, kinukunsensiya siya ni Kevin para umamin siya. Most of the time, napapaamin siya nito. But of course she can't tell him now about Dax. Nobody can know about her and Dax!
"I had a few shots," composed na sagot niya, matapos ibaba ang wine glass sa mesa.
"Just a few?" nakangising sabi nito.
Rumolyo na ang mga mata. She knew that tone. "I'm not a kid anymore."
"Pero kailangan mo pa rin mag-ingat."
"Sesermonan mo lang ba 'ko hanggang bukas?"
"Depende."
Lalong nalukot ang mukha. "Anong depende?"
"Depende kung sasama ka sa akin na mag-sailing bukas."
She scoffed. "Di ba, oo na nga."
"Sa boat na rin ang lunch no'n, okay lang?"
"Okay lang."
"Ikaw magbabayad?" Alanganin siyang tumango. Narinig naman niya ang mahinang yes Kevin.
She picked up her knife and fork and began cutting her steak once again. Maya-maya pa, may naalala siya. Nag-angat siya ulit ng tingin sa kausap."Teka, magkano bayad do'n sa sailing?"
Ngumisi ito lalo. "200 euros."
Doable, she thought.
"Per hour," dugtong nito.
Pinanlakihan na siya ng mga mata. She only makes a little over 4000 euros a month. Kalahati doon napupunta sa basic needs at renta sa bahay niya. At itong magaling na Kevin na ugok na ito balak sairin ang sweldo niya ngayon buwan dahil sa paandar nitong sailing!
"Mag-sailing kang mag-isa mo!" gigil niyang sabi bago nilagyan ng refill ang wine glass niya.
Natawa ulit ito. "Ikaw naman hindi ka na mabiro. Bayad na 'yong sailing. In-arrange ko kagabi pagdating ko rito. At saka discounted 'yon. I used my connections. Aalis tayo dito ng alas otso ng umaga. Babalik tayo after lunch. Ano, okay sa 'yo?"
Umirap siya. "Siyempre okay sa 'kin. Para pagdating natin sa gitna ng Mediterranean Sea, itutulak kita!"
Lalong itong natawa. "I know you wouldn't do that. Importante ako sa 'yo."
Umirap siya, nalukot din ang mukha niya. "Yabang!"
Ngumisi lang ito. Muling uminom ng wine. They talked some more hanggang maubos nila ang dinner nila. After that, nagkayayaan silang magpunta sa beach at doon magpalipas ng oras. Mainit-init pa ang white sand ng beach nang maupo sila roon.
For a while they just sat there gazing at the starry sky, listening to the soft whispers of the sea, reveling the beauty of nature.
It's a perfect time to wish, she thought.
Kaya lang hindi niya alam kung ano ang hihilingin niya. Lahat kasi ng pinangarap niya bago siya pumasak sa agency, hindi naman na matutupad.
Naramdaman niya ang marahang paghaplos ni Kevin sa likod niya. Bumaling siya rito.
"Anong iniisip mo?" tanong nito.
Malungkot siyang ngumiti bago muling ibinalik sa langit ang tingin. The stars are shining brightly against the dark sky. Masarap sanang humiling pero...
"When dreams don't come true, what will you do?" malungkot niyang tanong.
Hindi agad sumagot si Kevin. Siguro gaya niya, hindi rin nito alam ang sagot. Nasa punto kasi siya ng buhay niya gano'n, hindi alam ang gagawin. Planado niya ang buhay niya e. And when her life didn't go the way she wanted to, she seemed...lost-- afraid to dream and hope again.
"E 'di mangangarap ulit ako. 'Yong bago at 'yong puwede," sagot ni Kevin maya-maya.
Muli siyang bumaling dito. Ngumiti ito bago humiga sa buhanginan. Ginaya niya ito. Sabay ulit silang tumingin sa langit.
Mas maganda ang view ng langit sa puwesto nila ngayon. Parang payapa ang mundo-- walang nakakatakot, walang nakakalito. It's just them and the stars.
"Wala namang bayad ang mangarap, 'di ba? Kaya mangangarap na lang ulit ako. Kakalimutan ko na lang 'yong una na hindi na puwede."
Kumurap siya. Pangarap na hindi puwede.
She smiled bitterly. Si Dax ang pangarap niyang hindi puwede... sa ngayon.
"Pero pa'no kung 'yon kung 'yong pangarap gusto mo pa rin kahit hindi na puwede?" wala sa sarili niyang sabi.
Pasimple nitong sinundot ang tagiliran niya. Napaigtad siya. Natawa naman ito. "Ang kulit mo rin talaga, 'no? Hindi na nga puwede gusto mo pa?"
"Kasi..." She bit her lip. Gusto pa sana niyang magpaliwanag, relay about the circumstances between her and Dax. Kaya lang, pinigilan niya ang sarili niya.
"If the dream didn't come true, then maybe, it's not for you," sabi Kevin maya-maya.
Bumigat ang dibdib niya sa sinabi ng kaibigan. Alam naman niya 'yon pero masakit pa rin pala kung sa iba niya maririnig ang katotohanan.
Bigla niya tuloy naisip na if feelings can just be thrown away, she'd do that. Para sana hindi na siya nahihirapan ngayon.
"Pero kung 'yang sinasabi mong pangarap mo, kagaya ng pangarap ko, I'll still hold on to that dream kahit na masakit na. Kahit na alam na alam kong hindi para sa 'kin, hahawak pa rin ako. Kakapit pa rin ako. Aasa pa rin ako."
Bumaling siya kay Kevin. Bumaling din ito sa kanya.
"Are you talking about a girl?"
"Yes."
Napanganga siya, bumalikwas ng bangon sa buhanginan. "Who's the girl? Bakit wala kang nababanggit sa 'kin?" Sinundot-sundot niya ito sa tagiliran. Nagmamadali itong bumangon, natatawa.
"Secret nga kasi 'yon," anito, panay ang iwas sa mga kamay niya.
"Pero bestfriend mo 'ko. I should know that," pagrarason niya.
"'Pag sinabi ko sa 'yo, e 'di hindi na secret."
Lalong nalukot ang mukha niya. "Ang showbiz mo naman kahit hindi artista."
Inabot nito ang pisngi niya ang magaang kinurot. "Ang chismosa mo naman kahit hindi ka reporter."
Mabilis niyang tinabig ang kamay nito at minasahe ang pisngi niyang kinurot nito. Tatawa-tawa ito habang nakatingin sa kanya. Maya-maya pa, natigilan ito at tumitig sa kanya.
"B-bakit?" tanong niya, alanganin.
"Iniisip ko lang kung anong mararamdaman mo kapag niligawan kita?"
She snorted. "Iuuntog kita sa pader para matauhan ka! Lasing ka na niyan? Kung anu-ano tinatanong mo a."
Naihilamos na nito ang kamay sa mukha. "Tang'na, ano ba kasi 'yong inorder mong alak kanina, Andeng? Ginugulo utak ko."
Natawa siya. "Ang sabihin mo, hindi ka lang sanay uminom."
"Bakit ikaw, sanay ka ba? Kagabi nga lasing ka--" Natigilan ito.
Nangunot-noo naman siya. "Pa'no mo nalaman na lasing ako kagabi?"
Umiwas ito ng tingin, nag-umpisa nang tumayo. "O... 'di ba... ano... sabi mo uminom ka kagabi?" anito habang nagpapagpag ng buhangin sa pantalon.
"A oo nga," sabi niya, nanikwas ang nguso bago pasimpleng naghikab.
"Tara na. Maaga pa tayo bukas," anito, nakalahad ang kamay sa kanya. Agad niya iyong tinanggap. Tinilungan siya nitong makatayo. Ito rin ang nagpagpag ng ilang butil ng buhangin na dumikit sa buhok niya. After that, magkahawak kamay silang naglakad pabalik sa hotel.
Habang nasa lift sila, hindi pa rin nito binitiwan ang kamay niya. Nakakailang pero hinayaan lang niya. Pagdating sa 4th floor, lumabas na siya. Doon siya kasi sa floor na 'yon naka-book. Si Kevin naman sa 5th floor. Iyon na lang kasi ang available room noong nag-book sila nang last minute for that short trip.
Hinatid siya ni Kevin hanggang sa tapat ng kuwarto niya.
"See you bukas," sabi niya bago isinubo ang key card sa access ng door. Papasok na sana siya sa sa kuwarto niya nang bigla siyang yakapin ni Kevin at halikan sa noo. Hindi siya agad nakagalaw sa ginawa nito. She just stilled in shock and confusion.
Tinapik nito ang balikat niya nang bitiwan siya nito. "Good night," anito bago naglakad pabalik sa elevator.
Matagal nang wala sa paningin niya si Kevin subalit nakatanaw pa rin siya sa dinaanan nito.
It's just the wine, she thought.
Yeah. It's because of the wine that Kevin acted weird.
Tuluyan na siyang pumasok sa kuwarto.
----
Naalimpungatan si Andie nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok mula sa pinto ng kuwarto niya. Hindi sana niya papansinin kaya lang ayaw tumigil ng kumakatok at naiirata na siyang talaga.
Nagdadabog siyang bumangon sa kama at nagsindi ng ilaw. Lumipad ang mata niya sa orasan.
Dammit! It's just a little over 12mn. And whoever was knocking on her door better not be a prankster dahil babalian niya talaga nang buto kung sakali!
She picked up her small handgun from the bedside table bago maingat na naglakad patungo sa pinto. Sumilip muna siya sa peephole.
Nagulat pa siya nang agad kumaway si Carlo sa kanya, ngumiti pa. May bitbit itong lalaki sa balikat nito, nakayupyop ang ulo at tila walang malay.
"Help," ani Carlo.
Shit!
Agad niyang ibinalik sa bedside table ang baril niya at agmamadaling binuksan ang pinto. Agad namang pumasok si Carlo, hila-hila ang kasama nito. Mabilis nitong idineposito ang kasama nito sa kama. Nang tignan niya ang lalaking walang malay, it was Dax.
The jerk was reeking in alcohol!
"Bakit mo siya dinala rito? At saka pa'no niyo nalaman itong suite ko?" naguguluhang tanong niya kay Carlo.
Imbes na sumagot, humihingal na binuksan ni Carlo ang mini ref at kumuha doon ng tubig. Nang maubos nito ang isang bote ng tubig, saka pa lamang siya nito hinarap.
Humihingal pa rin ito pero hindi na gaya kanina. "Ikaw ang hinahanap e. Kaya dinala ko rito. Our boss and his family checked in at the penthouse suite earlier this evening. Alangan naman doon ko 'yan siya dalhin e 'di pati ako nadamay."
Napakurap siya. Tama ba ang dinig niya? Nasa Valencia rin ang amo nito at ni Dax at naka-book sa mismong hotel kung saan siya naroon?
Umupo na si Carlo sa sofa. Panay ang mura nito habang nagtatanggal ng suit.
She shook her head. Naguguluhan pa rin kasi siya.
"Teka lang ha? If you're here for work, why did Dax get drunk?"
"Beats me. Kausapin mo na lang. Mabilis naman 'yang mahimasmasan."
Dax groaned. Agad niya itong nilapitan.
"Mon cheri, s'il te plait ne le fais pas," he murmured bago tumagilid ng higa.
Lumipad ang tingin niya kay Carlo. "Ano raw?"
"I don't know. Italyano ako, hindi French." Tumayo na ulit ito, isinabit sa balikat ang suit. "Balik na ko sa penthouse. Sabihin mo na lang kay Damiano 'pag nagising, bumalik agad sa taas," anito, bago naglakad patungo sa pinto.
"Sandali," pigil niya rito. "Anong gagawin ko?"
Napakamot na ito ng ulo. "Sabihin mo na lang nang dapat mong sabihin. H'wag mo na lang paasahin."
Nagsalubong na ang mga kilay niya. "Ano? Hindi ko naman siya pinaasa--"
"Look, Andie, I know you're a good woman. But Dax has been my friend since we were kids. Kilala ko 'yan. Alam ko rin ang nangyayari sa inyong dalawa kahit hindi pa umamin 'yang si Damiano kahit na anong pilit ko. Please be easy on him. H'wag mo nang pahirapan. Sagad na 'yan." Bumuntong-hininga ito. "Mauna na 'ko."
Hindi na nito hinintay ang sagot niya, tuluyan na itong lumabas ng silid.
Naiwan siyang nakatayo sa gitna ng kuwarto, inaantok at nalilito.
-----
It was 4 in the morning when Andie heard the toilet flushed. Agad siyang napamulat at bumalikwas ng bangon sa sofa.
She saw Dax's familiar form emerged out of the bathroom. He had nothing on, just his boxers. His ripped body was very much exposed. Pinunasan niya kasi ito kanina ng basang hand towel para mabilis itong mahimasmasan.
Dax was murmuring things kanina habang pinupunasan niya ito. At dahil mapurol ang French niya, wala siyang naintindihan kahit isa. Malikot din ito kanina. Ilang beses nagpabiling-biling sa kama. That's why she ended up sleeping in the couch.
"Andie," he whispered nang makita siyang gising.
"I hang your clothes on the veranda. Baka sakaling mawala ang amoy ng alak," paliwanag niya bago tumayo sa couch. Naglakad siya patungo sa veranda at kinuha ang mga damit nito. Hindi na iyon masyadong amoy alak nang mahanginan, pero lukot pa rin.
Pagbalik niya sa loob ng kuwarto, sinuot na nito ang extra robe sa banyo.
"Here," sabi niya bago inilapag ang mga damit nito sa kama.
"Thanks," sabi nito bago muling bumalik sa banyo. Paglabas nito, suot na ulit nito ang damit nito except the suit. Agad itong napahawak sa ulo nito at ngumiwi.
"Coffee?" alok niya.
Tumingin ito sa kanya. "Yes, please."
Naglakad siya sa tabi ng coffee maker. She grabbed two paper cups and made coffee for both of them. Tahimik silang uminom ng kape pagkatapos.
Ilang sandali pa, naging awkward na ang pakiramdam niya dahil hindi sila nag-uusap. Funny how they can kiss more and talk less.
Tumikhim siya. "A-ayos ka na?"
Ngumiti ito, more like ngiwi. "Medyo."
"You were drunk."
"I was."
"Because of me?"
Hindi ito sumagot, muling humigop ng kape.
"C-Carlo said you got wasted because of me. Which... I don't understand because you clearly said that we're just--"
"Friends. We're just friends."
She scoffed, annoyed. "Friends? We've kissed and made out and for you we're still friends? What kind of a asshole are you, Dax?"
Bumaling ito sa kanya. "Andie..."
"Ano?!" singhal niya rito.
Stupid as it seemed pero naiiyak na siya. Naiiyak siya sa sitwasyon nila. Naiiyak siya dahil kahit gustong-gusto niyang magkunwari na wala lang sa kanya ang lahat gaya nito, hindi niya kaya. At lalo siyang naiiyak sa katotohanang, si Dax ang pinakaimportanteng pangarap niya na hindi magiging kaniya.
Napayuko na siya at humikbi. Tuluyan nang pumatak ang luha niya. They were trained to endure extreme pain. But the confusion is too much, it's breaking her from the inside out.
"Hey," ani Dax maya-maya bago tumabi sa kanya. "I'm sorry. I'm so sorry," anito bago siya hinila patungo sa dibdib nito.
Lalo siyang naiyak. Ngayon pa lang kasi iniisip na niya kung paano na naman niya kakalimutan itong nangyayari ngayon sa kanila.
How can one forget a hug that brings so much warmth? How can one forget a kiss full of promises? How can one begin to pull away from her gravity?
Questions. Just questions. And when she tries to answer them, lalo lang gumugulo. Lalo lang bumibigat ang sitwasyon. Lalo lang siyang nalilito.
Nang sandali siyang tumigil sa pagsigok, she pulled away from Dax. He gently cupped her face and dried her tears with his fingers. Pinakatitigan siya nito pagkatapos.
His eyes mirrors the same confusion as hers.
"I am bound by a promise, Andie. I can't tell you anything even though I want to," anito sa hirap na tinig bago hinaplos ang pisngi niya.
Kumurap siya. "A promise?"
Marahan itong tumango, umiwas ng tingin.
"What does that promise got to do with us?"
He reached for her hand and gently squeezed it. "Everything," he whispered.
She tried to comprehend, but all he was saying was beyond her grasp. Pakiramdam niya lalo lang gumulo.
Maya-maya pa, tumunog ang cellphone nito. Binitiwan nito ang kamay niya at sinagot ang tawag. "Yeah, I'm awake, psycho. Ba't dito mo 'ko dinala. What?" Sumulyap ito sa kanya, nahihiya. Napahawak ito sa ulo nito. "I'll be there in a while," anito bago tinapos ang tawag. Bumaling ito sa kanya. "It's almost five in the morning. I need to go back to our room and prepare for work."
Tumango-tango siya, tumayo sa sofa at niyakap ang sarili. At gaya ng ilang pagkakataon na nagkausap sila, aalis na naman si Dax na hindi malinaw kung ano nga talaga ang mayroon sa pagitan nilang dalawa.
"What are your plans for today?" kaswal na tanong nito maya-maya habang isinusuot ang suit nito.
"Kevin and I will go sailing."
Natigilan ito, mabilis na lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. "Can you... not go?"
Naguguluhan man, gumanti rin siya ng yakap. "Why?"
Hindi ito sumagot. Niyakap lang siya lalo.
"Dax?" untag niya rito maya-maya. Alanganin siya nitong binitiwan.
Maya-maya pa, muling tumunog ang cellphone nito. He was cursing under his breath before he answered the call. It was a quick call. Ni hindi ito sumagot. Nakinig lang sa tumawag. When the call ended, he turned to her again and hugged her tightly.
He gave a gentle kiss on the lips before letting her go. Gusto niya sanang magtanong ulit. Kaya lang, alam naman niyang hindi ito sasagot.
"I'm going," anito bago naglakad sa pinto.
"Dax?" tawag niya rito bago ito tuluyang makalabas.
Nilingon siya nito. "Hm?"
"Your necklace. When are you going to take it back?"
"Give it back when you don't feel like keeping it anymore," anito bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
Wala sa sarili siyang muling nahigasa kama pagkatapos. And even though she barely slept last night, ni wala sa isip niya ang muling matulog.
Questions. Her mind was filled with so many questions. She stared at the ceiling for hours.
Thirty minutes before 8 in the morning, she began preparing herself for the sailing.###
2968words/08:54pm/09162021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro