Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17: Mi Amor

Andie was downing a glass of brandy when the bartender asked her if she'd have another glass. 

Ngumiti siya. "Si. Si," sagot niya sa bartender bago ibinaba ang baso niyang wala nang laman sa counter. 

Ngumiti lang ang bartender. Sa tantiya niya, halos kaedaran lang din niya ito. Pilipino ito just like the rest of the crew in the pub. Hindi na siya magtataka, the pub is owned by a Filipino. At ang bartender ang madalas magsilbi sa kanila tuwing nagagawi sila roon ni Kevin. Mabilis ang kilos nito. Wala pang isang minuto, inaabutan na naman siya nito ng isang baso ng alak. 

"Mukhang wala si Sir ngayon, Ma'am a," komento nito, referring to Kevin. 

Inabot niya ang baso ng alak at ngumiti. "May trabaho e," sabi niya.

Ngumiti rin ang bartender. "Sige Ma'am, enjoy!" anito bago bumaling sa ibang customers. 

She took a sip of the brandy and swallowed its bitterness. Gaya na rin ng pagmamapait niya ngayong gabi habang ipinaparada ni Dax ang girlfriend nito sa harap niya. 

Ni hindi siya nito kinausap. He was just throwing quick glances at her the whole duration of the party. 

That bastard!

Kung sabagay, bakit siya nito kakausapin? Magkaano-ano ba sila? At saka nando'n ang girlfriend nitong si Lucia. 

Umirap siya at nagbuga ng hininga. Gumagapang na ang init ng alak sa katawan niya. Wala sa sarili niyang tinanggal ang coat niya bago itinuloy ang pag-inom. 

Maya-maya pa, may lumapit sa kanya. "Hola!" 

Bumaling siya sa kaliwa niya. Nakita niya ang lalaking halatang lango na sa alak subalit may hawak pang isang bote ng beer sa kamay. 

"Estas borracho. Vete a casa. (You're drunk. Go home.)" aniya, seryoso. 

Nangunot-noo ito. "Ano? Hindi...ka ba Pilipino?" nabubulol na sabi nito. 

Hindi na lang siya sumagot. Iritado siya at gusto niyang mapag-isa. Wala siya sa mood na kumausap sa lasing. Baka masapok lang niya. 

Umalis din agad ang lalaki. Nang mapag-isa siya. Nagsimula nang umingay ang pub. May videoke sa gitna ng stage, salitan ang mga kagaya niyang Pilipino sa pagkanta. Somehow the noise drowned her thoughts. Most of it but not all. 

May mga bagay kasi na kahit hindi mo isipin, nararamdam mo pa rin. Parang pilat, maghilom man, may palatandaan. Nananakit sa mga oras na hindi mo inaasahan. 

Parang si Dax. 

Damn that jerk! 

Dapat maayos na siya e. Dapat okay na siya. Masaya na nga dapat siya e. 

Dapat. 

Pero hindi pa rin. 

And she finds it so unfair! Dahil ang dali niyang nahulog dito. Ni hindi nga ito nag-effort. Dinaan lang siya nito sa mga kapalpakan nito at effortless na pagpapacute. Tapos nanghalik na lang bigla and then... she just realized that nahulog na pala siya rito. Tapos bigla itong umalis nang walang paalam. Ininjan pa siya. Tapos babalik-balik ito na... mas guwapo at may girflfiend na artista!

Gago talaga! gigil niyang sambit, palihim, bago muling inubos ang laman na alak ng basong hawak niya. 

Muli siyang nag-order ng refill sa alak niya. This time, a whiskey. Dapat siguro gano'n katapang na ang iniinom niyang alak para makalimot siya kahit paano. Paulit-ulit kasing nagre-replay sa isip niya ang eksena kanina sa birthday party. 

How confident he was when talking to Don Miguel and Ignacio. How he looked good on his suit she's sure costs a thousand dollars. And the way he lovingly gazes at Lucia, like the way he used to look at her. O siguro ngayon mas tamang sabihin na, she thought he looks at her. 

She thought. Yes. Lahat nasa isip lang niya. Lahat nang nangyari sa kanila ni Dax, bunga lang ng mga interpretasyon niya ng mga bagay-bagay. Walang basis. Walang halaga. 

Nangilid na nang tuluyan ang luha niya. Para siyang tanga. Iniiyakan niya ang isang relasyon na hindi naman naging malinaw kahit kailan. Ang masaklap, a year into it, nando'n pa rin siya nasasaktan. 

"Shit!" anas niya bago inisang lagok ang laman ng hawak niyang baso. "One more," sabi niya sa bartender.

Mabilis namang kumilos ang bartender at nalagyan ng refill ang baso niya. Tinungo niya iyon. Sandaling dumoble  ang tingin niya roon bago bumalik sa normal. Napakurap-kurap siya. Sandali niyang inisip kung tama ba na uminom pa siya gayong nagsisimula na siyang malasing. 

One day, I'll forget about you
You'll see, I won't even miss you
Someday, someday

Napabuga siya ng  inis na hininga at marahang nilingon ang mga nagkakantahang Pilipina sa videoke. Magaling din ang timing ng mga ito. Parang nananadya. Ang sarap tuloy sirain ang mic. 

Wala tuloy sa sarili niyang inisang lagok ang baso ng alak sa harap niya. Napapikit na siya pagkatapos. Nagsimula na kasing umikot ang mundo. Nilagay niya ang mga braso niya sa counter bago sumubsob doon. Magpapalipas muna siya ng hilo bago siya umuwi. Kung kaya nga niyang magmaneho pauwi. 

Natawa siya sa sarili. Kaya niya 'yon. Kinaya nga niyang umasa kay Dax kahit wala naman itong sinabi tungkol sa kanila.

"Shit na 'yan," bulong niya, natatawa pa rin.  Isanlaksang tanga siyang talaga e. 

Maya-maya pa, may nagsalita sa tabi niya. Marami itong sinasabi. Pero halos hindi niya maintindihan. Maingay sa pub tapos kalahating gising na lang ang isip niya. Ayaw niya munang mag-isip, mas gusto niya ang matulog. 

"Should I take you home?" anang nagsasalita. Pamilyar ang boses kaya ikiniling niya ang ulo niya at sinilip ang nasa tabi niya. Pinilit niyang tumuwid ng upo nang makita niyang kamukha ni Dax ang kumakausap sa kanya. 

Kumurap siya, marahang umiling. Shit. Lalo siyang nahilo. 

"Kilala ba kita? Ba't kamukha mo 'yong kakilala ko," sabi niya, inabot pa niya ang mukha ng lalaki. "You looked exactly like the jerk," bulong pa niya bago binitiwan ang mukha nito. 

"Ma'am, kilala niyo po ba siya?" anang bartender. Nilingon niya ang bartender. 

"Oo. Kamukha e. Gago rin siguro," natatawang sabi niya bago muling sumubsob sa  counter. 

Muling umingay ang paligid at nilunod ng alak ang huwisyo niya. Maya-maya pa, naramdaman niyang may bumuhat sa kanya palabas ng pub. Pinilit niyang ibukas ang mga mata niya kaya lang nakakasilaw ang mga ilaw sa parking lot. Napapikit siya ulit. 

Ilang sandali pa, naramdaman niya ang pagdeposito ng bumuhat sa kanya sa kung saan. Basta naramdaman niya malambot iyon sa likod niya. Para siyang niyayakap. Lalo tuloy niyang gustong matulog.  Pilit siyang nagmulat ng mata. Madilim pero may naaaninag siya. Agad na umigkas ang kamay niya sa isang mahinang suntok. May natamaan siya. Sure siya. 

"'Wag... kang gago ha? Kaya kong durugin mga buto-buto mo 'pag may ginawa ka," sabi pa niya, mabagal, nakahiga pa rin. Tuluyan na siyang pumikit.

Akala niya makakatulog siya agad. Pero mas lalo niyang naramdaman ang hilo.  Tapos naalala niya ang nanay niya, ang kapatid niya... at si Dax.  Tuluyan na siyang napaiyak. 

Iniisip niya kung bakit madamot ang mundo. Bakit may mga bagay itong ipinagkakait sa kanya kahit na mabuti naman siyang tao? Bakit kahit na anong plano niya sana sa buhay niya, plano pa rin ng tadhana ang nasusunod. Ang masaklap do'n kailangan niyang tanggapin iyon kahit na pakiramdam niya luging-lugi siya. 

"Si Nanay wala na raw. Si Karl,wala na rin. Tapos ikaw Dax...gago," napahikbi siya. Masaklap nga ang buhay niya. 

Masaklap. 

"Manghahalik ka tapos wala lang. Mag-aaya kang makipagkita, tapos hindi ka sisipot. Gago ka talaga no? At ako, anong tingin mo sa feelings ko? Swing? Kapag ayaw mo na, ayaw ko na rin, gano'n?" Humikbi siya ulit. "Guwapo ka sana e. Tarantado ka lang. Babaero ka pang hayop ka! Matapos mo kong paasahin. Matapos kong itago ang kuwintas mo nang mahigpit isang taon, ipaparada mo sa harap ko ang girlfriend mong artista? How dare you, Lavigne! How dare you!" Humagulgol na siya. Masamang-masama ang loob niya. 

Siguro iiyak na lang niya 'yon hanggang maubos ang sakit. Kung nauubos man. 

Maya-maya pa, naramdaman niyang bumabagal na ang pag-ikot ng mundo niya. At pilit siyang tinatangay niyon sa kung saan. Inihehele. Pinapatahan. 

Ilang sandali pa, tuluyan na siyang nagpatangay. 

-----

Napasinghap si Andie nang marinig niya ang pamilyar na alarm mula sa kanya cellphone. Agad siyang bumalikwas ng bangon upang mapasapo lang ulo niya nang mamintig iyon. 

Shit!

Sumubsob siyang ulit sa kama at kinapa sa side table niya ang cellphone niyang tumutunog. Singkit ang mga mata niyang inaninag iyon at pinindot ang off button ng alarm. Muli siyang sumubsob sa unan niya. Pumintig ulit ang ulo niya. 

Napabuga na siya ng hininga. Ano ba kasing ginawa niya kagabi at ganoon kasakit ang ulo niya?

Kagabi.

Napamulagat siya. Tumambad sa kanya ang pamilyar na mga kagamitan sa apartment niya. Paano nangyari 'yon kung hindi niya maalala kung paano siya nakauwi kagabi?

Ang huling natatandaan niya, nasa pub siya kagabi. She have had too many drinks kaya siya sumubsob sa counter. 

That's it. Wala na siyang naaalala pang iba. 

Tinampal niya ang noo niya baka sakaling may maalala siya kaya lang, lalo lang pumintig ang sentido niya. 

Maya-maya pa, tumunog ang cellphone niya. Nang abutin niya iyon, nag-flash sa screen ang number ni Kevin. 

Oh my god! She's supposed to travel to Valencia as soon as she can. 

Agad niyang sinagot ang tawag. "Kev."

"Hey, gising ka na? Anong oras ka pupunta?"

Napangiwi siya. "Uhm... ano... siguro after lunch. May... ano... may gagawin lang muna ako. Pero sabay tayo sa dinner mamaya. Promise."

Hindi agad sumagot si Kevin. "Ayos ka lang? You don't sound good."

Tumikhim siya. "O-oo naman! Medyo napuyat lang kagabi. Maraming... guests sa party e. Ano... medyo mahirap pumusisyon," pagsisinungaling niya. 

Nagbuga lang ito ng hininga. "Okay sige. Kita na lang tayo mamaya."

"Okay," aniya bago tinapos ang tawag. 

Muli niyang tinampal ang noo niya. Napangiwi siya ulit. Pero ayos na 'yon nang magising siya at mahimasmasan. She needs to get rid of the damn hungover she's having. Kailangan niyang makarating sa Valencia, ASAP!

Nang sandaling kumalma ang ulo niya, marahan siyang bumangon. She was still wearing her spaghetti-strap blouse and her boxer shorts. Ang suot niyang coat at trousers mula sa trabaho, maayos na nakasampay sa vanity chair. Gano'n din ang lagi niyang suot na black shoes, nasa paanan niyon. 

Napakurap siya ulit. Wala kasi talaga siyang matandaan sa mga nangyari kagabi. She cursed her self silently. Minsan na nga lang siyang malasing, ginawa pa niya habang wala si Kevin. 

Inis siyang bumaba ng kama. That's when she heard movements outside the room. Agad niyang kinuha ang baril niya sa bedside table at maingat na tinungo ang pinto. Muli siyang nakiramdam. Nang masigurong may tao nga sa labas ng kuwarto niya, maingat niyang binuksan ang pinto at lumabas ng kuwarto. 

Agad na kumabog nang todo ang dibdib niya nang makita ang lalaking nakatalikod at nakaharap sa coffee maker. Pamilyar ang tindig nito pero hindi siya sigurado. 

"Quién eres tú?(Who are you?" lakas-loob niyang sabi sabay tutok sa lalaki ng baril.

Agad itong natigilan bago unti-unting humarap sa kanya. Muntik na niyang mabitiwan ang baril niya nang mapagsino ito. 

"D-Dax?" 

Ngumiti ito. The kind of smile she'd always remember him for. 

"This is the second time you pointed a gun at me, Andrea. That's becoming a habit," kaswal na sabi nito bago kumuha ng mug sa cupboard. "Coffee?" alok nito.

Kumurap lang siya. Pakiramdam niya kasi nananaginip lang siya at wala siyang kakayanang magsalita.

Nando'n talaga si Dax? Sa bahay niya. Sa mismong kusina niya.

Imposible!

Her mind was still arguing what to think and how to think when Dax moved closer. He then planted a quick kiss on her lips.

"Buenos días, mi amor," bati nito pagkatapos.

1938words/5:21pm/09092021





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro