Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16: Again

Dinama ni Andie ang mabining hangin ng gabi at tumingala sa langit. The sky is cloudless and starless. As if the heavens has lost all its hope and there's no joy that's coming in the morning. 

Puwede siyang dumamay sa kalungkutan ng gabi. Pero may mga bagay siyang dapat ipagpasalamat kaya hindi iyon puwede. 

Bukas, iba na ang buhay niya. Bukas ang unang hakbang niya patungo sa mga pangarap niya. 

Bukas, ang unang araw niya bilang protector. 

Kaninang hapon, opisyal niyang natapos ang AP Program. At masasabi niyang handang-handa na siya. Bukas magsasabi na siya kay Chief, ipapahanap na rin niya ang nanay at kapatid niya. 

Kaunting panahon na lang, matutupad na ang mga pangarap niya.  She'll soon be reunited with her family and she will provide for them. Plus, she will have the chance to make Chief be proud of her. 

Everything is falling into place. Sooner or later she will get to have everything she had wished for when she entered the agency. Everything. 

Everything?  tanong ng isip niya. 

Napakurap siya at niyakap ang sarili nang muling umihip ang hangin. Then, she remembered Dax. 

Hindi na bumalik pa si Dax sa training kaya wala ito kanina sa graduation. Ang huling balita niya, naka-deploy na ito sa isang kliyente na hindi naman niya kilala kung sino. Bukod kasi sa classified ang mga clients, lalong wala rin siyang lakas na magtanong kay Alessandro na dati nitong partner o kung kanino man sa mga ka-close niya sa control room. 

Plus, it would be too awkward to ask Chief about... her friend. 

Friend. She smiled dryly. That's all they were because that's all there is between them.  Maybe they really never get past being friends. They must've kissed and made out a couple of times but... they're just friends. Kissing friends. And if Ivan would put it, Make out- make out lang o MOMOL. 

She cringed at the term. It sounds... so fake and cheap. But that's the truth. They are just two consenting adults who got bored with their daily tasks so they kissed and played with feelings and emotions.

Right. That must be it. 

Kung sabagay, kasalanan naman niya 'yon. Dax didn't say anything about them. Pero siya, umasa siya. Naghangad ng higit pa kahit na alam niyang bawal sila. Maybe because Dax represents of something she wanted for herself in the future after being a protector. Dax is a hope for a normal life. Dax is a dream, the very first dream she wished for herself. 

Nagbuga siya ng hininga at napahawak sa kuwintas ni Dax na suot-suot pa rin niya. Hindi niya kasi mabitiwan 'yon.  Nakakaengot pero ayaw niyang bitiwan at hindi siya sigurado kung hanggang kailan niya susuotin. Maybe in the future, ibabalik niya rin 'yon. Pero hindi pa ngayon. 

She'll probably hold on to that necklace until it doesn't hurt to think about Dax anymore. Right. She'll give it back when she's ready. When she's not anymore grieving over her first heartache. When time will pass and heal her. 

"Kanina ka pa dito?" anang pamilyar na tinig sa likod niya. 

She turned and found Kevin walking towards her. Nitong mga huling linggo nila doon, madalas silang magpunta doon sa rooftop. Tahimik kasi doon. Payapa. 

"Hindi naman. Pababa na nga rin ako e," sagot niya. 

 Tipid lang itong ngumiti bago tumabi sa kanya. Tumingala rin ito, pumikit at huminga nang malalim. Nang muli itong magmulat, bumaling ito sa kanya. Hindi ito nagsalita, ngumiti lang bago marahang ginagap ang kamay niya. 

"Pahawak. Baka kasi matagal tayong hindi magkita," sabi nito, sadness in his voice. 

Maiilang sana siya kaya lang, alam niyang totoo ang sinabi nito. Bukas deployment na nila. At hindi sigurado kung saan-saan sila madedestino. 

Napangiti siya at inabot pa ang isang kamay nito. "Salamat sa pagsama sa akin sa lansangan hanggang dito."

Sandali itong tumitig sa kanya bago ngumiti. "Palagi, Andeng. Palagi."

Magkasabay na lumipad ang mga mata nila nang may tumikhim sa direksiyon ng hagdan. Nakita nilang nakatayo roon si Chief. 

"You look like a couple promising their love for each other," umpisa nito bago naglakad palapit sa kanila. Agad naman nilang binitiwan ang kamay ng isa't isa. "As your foster father, I like it. But as your boss, I know you both know that it is not the right time for romance."

Pinamulahan siya ng pisngi. Nasagi kasi ulit ang kunsensiya niya sa huling sinabi ni Chief. 

Si Kevin ang sumagot. "Wala po 'to, Chief. Ano lang... nagpapaalaman lang po."

Tipid na ngumiti si Chief bago tumango-tango. He looked at her lovingly and said, "You are doing a great job." Bumaling ito kay Kevin. "You both are doing a great job." 

"Thank you, Chief," sabay nilang sagot ni Kevin. 

"Halina kayo sa office ko. I have prepared a simple celebration for the two of you and Ivan. Hindi na makapaghintay ang  kaibigan ninyo doon sa baba. Baka nga nagpapapak na 'yon ng wine," natatawang sabi nito bago nagpatiunang naglakad pabalik ng hagdan. 

Tumingin si Kevin sa kanya maya-maya. Inilahad nito ang kamay nito sa kanya. Nakangiti naman niya iyong tinanggap. Magkahawak-kamay silang umalis ng rooftop. 

_____

"The boss is ready to go." 

Napatingin si Andie sa tactical watch na suot niya. It's fifteen minutes before 8 in the morning. The usual time Don Miguel De Braganza, her boss, goes to work. 

It's a Friday. Meaning off na niya sa susunod na dalawang araw

Finally, aniya sa isip niya. 

Finally, she'll have a 48-hour break from her safe and boring job. Don Miguel personally requested for her service when she graduated from the AP Program almost a year ago. At hindi siya makatanggi. Dahil hindi gaya ng iba niyang kasama na bagong protectors, wala pang tawag sa kanya ang ultimate client niya na hanggang ngayon hindi pa niya kilala. Ibig sabihin kung hindi siya tatanggap ng pansamantalang trabaho, mababakante siya. At lalong mas ayaw niyang maburo sa control room habang hindi pa siya pinapatawag ng ultimate client niya. Kaya heto siya, nagtitiyaga sa pagbabantay kay Don Miguel. 

"Location, Cortez?" narinig niyang sabi ni Crawford sa earpiece niya.

"Vehicle, Sir," mabilis niyang sagot. 

 Nagkatinginan sila ni Fischer, ang German protector na kasama niya. Fischer is 2 years her senior. At si Crawford naman ang pinakamatagal na sa kanilang nagsisilbi kay Don Miguel. Ten years. Crawford has been with Don Miguel for a decade now. That's the longest a protector could serve the ultimate client before force retirement.  At sa estado niya ngayon, mukhang matatagalan pa siya bago makawala sa The Organization. Ang plano lang namang niya talaga, aside from making Chief proud, ay ang makapag-ipon para na rin sa kinabukasan niya. 

Niya dahil hindi na kasama sa future niya ang Nanay at kapatid niya. Nang matapos niya ang AP program, una niyang ginawa, ang hanapin ang nanay at kapatid niya. Kaya lang gaya ni Kevin, wala na ang nanay niya. Namatay daw sa tuberculosis ayon sa result ng intel. At ang kapatid naman niya, nakulong sa Bilibid dahil sa drug trafficking. At doon na nasangkot sa rambol. Her brother  was stabbed to death by a rival group. Pero ang Tiyo Kardo niya, ayon sa intel, buhay pa. Nakakulong din dahil sa droga. Naniniwala na siya talaga na ang masamang damo, mahirap mamatay. 

Hindi na matutupad ang pangarap niyang bumalik sa pamilya niya at maiahon ang mga ito sa hirap. Isang taon na rin niyang tanggap na ang ibang mga pangarap, sadya talagang hindi natutupad. But here life doesn't end there. She needs to move on and continue to be hopeful. 

Who knows in the future, she can have a family of her own and finally be happy. But before that, she needs to do well with her job with Don Miguel. Because right now, all that matters is her job as a protector, nothing else. 

Tinanguan siya ni Fischer bago  ito naglakad patungo sa bagum-bagong Bentley na nasa unahan ng katabi niyang bulletproof black Audi A8, ang opisyal na sasakyan ni Don Miguel.

Bumukas ang front door ng mansiyon ni Don Miguel. Unang lumabas doon ang matangkad at blonde na lalaki, naka-suit at may suot na fully tinted shades. It's Crawford. Crawford is in his mid-30's and has a strict look in his face. Mas paborito nitong sumeryoso kaysa ang ngumiti.  Ito ang head ng security ni Don Miguel. Meaning, boss nilang dalawa ni Fischer. Kasunod nitong lumabas ng bahay ang  may katabaang lalaki na nakasuot ng puting amerikana, cowboy hat at may kagat-kagat na tabako sa pagitan ng mga labi nito. It's Don Miguel De Braganza-- one of the richest businessman in Spain. 

"Buenos dias, Senor," magalang na bati niya sa amo, bahagyang tumungo. 

Agad nitong inalis ang tabako ito sa bibig at ngumiti sa kanya. Si Crawford naman ay mabilis na pinagbuksan ng pinto ng sasakyan si Don Miguel. Nang makapasok na ng tuluyan sa sasakyan si Don Miguel, sumakay na rin siya sa shotgun seat ng Audi, sa tabi ng driver na si Sebastian.  Si Crawford naman ay tumabi kay Don Miguel sa backseat. Si Fischer lumulan na rin sa Bentley.

Ilang minuto pa, nasa daan na sila patungo sa opisina ni Don Miguel. The ride to work has always been silent. Kaya naman lagi niyang inaabala ang sarili sa pagtingin sa tanawin. Madrid is an old city attempting to co-exist with the new and modern structures surrounding it. The city is both a picture of the past and the future-- an evidence of development that has taken place for the past 100 years. And for the past year, that city has been very good to her. It is the place where she chose to start again. To dream again. 

The car pulled over to Torre De Cristal, one of the high-rise building in Madrid. Naroon ang opisina ng Grupo De Empresas De Braganza. Naunang bumaba ng Bentley si Fischer. Sumunod siya. Nakita niyang nakaantabay na sa entrada ng building si Santiago, ang personal assistant at secretary ni Don Miguel. She had a quick survey of the place bago niya binuksan ang pinto ng Audi. Unang lumabas si Crawford. Lumapit naman si Santiago at kinuha mula rito ang briefcase ni Don Miguel. Saka pa lamang lumabas ng sasakyan si Don Miguel.

Dire-diretso itong naglakad sa lobby habang nagbibigay ng rundown si Santiago tungkol sa schedule ng Don ng araw na iyon. Sa halos isang taon niyang pamamalagi doon, she is not yet that well-versed with the language. However, she can understand common and casual sentences lalo pa at palagi niya iyong naririnig. Gaya ngayon, Santiago was talking about a series of reunion de negocios or business meeting lined up for the day.

 Ibig sabihin,delikado na naman ang lunch break nila.  Kung sabagay, sanay na rin naman siya sa ganoon. Workaholic kasi talaga ang amo niya. At bitbit  silang tatlo ni Don Miguel kahit saan ito magpunta. Meaning, kung hindi pa ito kakain, hindi rin sila kakain. 

Pasimple siyang nagbuga ng hininga. 

All in a day's work, she thought.

Nasa lift na sila, hindi pa rin tapos sa pagbibigay ng rundown ng schedule of the day si Santiago. Si Don Miguel naman, panay lang ang tango. Hanggang sa marating nila  ang opisina ng Don sa 25th floor, hindi pa rin tapos sa pagsasalita si Santiago. 

"La fiesta de cumpleaños de Mariana será esta noche. Lo están esperando, Señor," ani Santiago bago bumaling kay Crawford na noon ay nakatayo na malapit sa swivel chair ni Don Miguel. "Tendrás que trabajar horas extras."

She bit her lip. Mukhang hindi siya agad makakabiyahe ngayong gabi patungo sa Valencia-- the place where she plans to spend her weekend. Second birthday party pala ng unang apo ni Don Miguel na si Mariana. Automatic na kailangan nilang mag-overtime na tatlo. 

"Estaría bien con todos ustedes? (Is that alright with all of you?)" si Don Miguel, pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo. 

"Si, Señor," sabay-sabay nilang sagot na tatlo. 

Pagkatapos niyon, lumabas na sila ni Fischer at nagbantay sa labas ng opisina ni Don Miguel habang si Crawford ay naiwan sa loob. 

Maya-maya pa, nag-vibrate ang cellphone niya. She quickly fished it out of her pocket. Kevin was calling her. 

Ngumiwi siya. Oo nga pala. She needs to tell Kevin na kailangan nitong mauna na lang sa Valencia dahil may trabaho pa siya ngayong gabi. Sayang ang hotel reservation nila kung hindi agad ito pupunta.

Gaya niya, sa Spain din ang destino ni Kevin. Isa ito sa security detail ng Prime Minister. 

"Kev," bungad niya sa kaibigan.

"Andie, anong oras kita susunduin?"  

Napabuga siya ng hininga. "Ano e... something came up. May pupuntahan si Don Miguel. We have to be there."

Hindi agad sumagot si Kevin. Marahan itong nagbuga ng hininga. "So, pa'no?"

Ngumiwi siya. "Ano... puwedeng mauna ka na lang? Susunod agad ako bukas or as soon as makauwi kami from the party." 

"Sige na, oo na. Wala naman akong magagawa e," anito, halatang dismayado. Agad siyang nakunsensiya.

They have been planning that short weekend getaway for months now. Kahit naman kasi nasa Madrid silang pareho, hindi sila madalas magkita dahil na rin sa trabaho. Kaya pinagplanuhan talaga nila ang bakasyon na 'yon. But here she is, ruining it before it even starts.

"Ako ang gagastos sa Sunday. Wala kang gagastusin. Sagot ko lahat, lunch, dinner at alak," aniya, sa pinasiglang tinig.

Humugong si Kevin. "Unlimited ba 'yang alak na sinasabi mo. Baka ilang shots lang tequila na naman 'yang Andeng ha. H'wag mo kong inuuto."

She chuckled. "Unlimited  siyempre. At saka h'wag mo kong igagaya sa 'yong kuripot ka. Ni pambili mo ng gel at aftershave mo sa akin mo inaasa."

Humalakhak na ito. "Ang sakit mo namang magsalita. Hindi ako kuripot, nagtitipid lang. At saka minsan lang naman akong nagpabili ng gel at after-shave sa 'yo a. Wala lang akong time pumunta sa grocery no'n e," paliwanag nito. 

Napangiti na siya. Tama ito, isang beses lang itong nagpabili sa kanya ng gel at aftershave pero tig-lilima naman. Nataon kasi siyang pumunta sa grocery bago sila magkita kaya ito nagpabili. Pero sinagad-sagad naman nito. Walang bale naman sa kanya 'yon talaga. She likes it when they are still dependent to each other like they used to. 

Pumalatak na ito sa kabilang linya. "O sige na, Andeng. Basta sumunod ka ha? As soon as you can."

"Promise, as soon as I can."

"Sige. Ingat."

"'Okay, bye." 

She stared at her phone for a while. Thinking of the long drive she'd have after work. 

-----

Inayos ni Andie ang suot niyang gray corporate suit habang nakaharap siya sa salamin. Buti na lang, lagi siyang may dalang spare suit sa kotse niya. She knew it would come in handy for important occassions like today.  She made sure her black spaghetti-strap undershirt was properly in place before buttoned her suit. Inayos din niya ang buhok niya. Siniguro niyang walang humuhulagpos na kahit isang hibla sa kanyang low bun. Naglagay din siya ng light make-up to perfect her look for tonight. Inayos din niya ang kuwintas ni Dax na hanggang ngayon hindi pa rin niya tinitigilang suotin. Hindi dahil umaasa pa rin siya sa kanila ni Dax but it was out of habit. Besides, the necklace looks good on her suit. 

Nang masigurong maayos na siya, lumabas na siya sa banyo at dumiretso sa garahe. Natagpuan niya roon si Fischer, nagpalit na rin ito ng gray suit gaya niya. Magkasabay nilang kinabit ang earpiece nila. Maya-maya pa, tumunog iyon. Nagsalita si Crawford na handa na raw si Don Miguel.

Paglabas ni Don Miguel sa front door, kasunod na nito ang isa sa mga katulong. Bitbit ang isang malaking box ng regalo. Si Fischer ang kumuha ng regalo. Habang dumiretso naman si Don Miguel sa Audi. Gaya kaninang umaga, pare-parehas ulit sila ng puwesto. 

Tumawag pa si Ignacio, ang panganay na anak ni Don Miguel at ama ng birthday celebrant, habang nasa daan sila. Hindi raw kasi mag-uumpisa ang party hangga't wala ang amo niya. Pinabilis tuloy ng Don ang biyahe. 

They pulled over in front of  Gold Hotel-Madrid. They were instantly welcomed by the maitre d at iginiya sa function hall ng hotel. They were greeted with the lavish pink and white circus-themed party. Clustered balloons of pink and white were all over the place-- from the ceiling to the carpeted floor. A replica of hot-air balloons and girrafes hung on the ceiling, leaving children and even adults in awe. There's also a white elephant statue standing on one corner of the hall, surrounded with flowers and balloons. But what really sold her off was the life-size replica of a carousel located in the middle of the hall. The beauty was loaded with donuts, chocolates and other desserts. 

Maya-maya pa, lumapit na si Ignacio at bumati kay Don Miguel. Iginiya nito ang amo niya sa makeshift stage sa harapan ng hall. Agad silang nagsisunuran na tatlo nina Crawford at Fischer. Ilang sandali pa, nag-umpisa na ang program. Nang matapos ang kantahan ng birthday song at nagsimula ang kainan, lalo silang naging alerto na tatlo ng mga kasama niya. Isa-isa kasing lumalapit ang mga tao sa amo nila. Karamihan mga businessmen at iba pang dignitaries. 

Mabilis niyang sinilip ang tactical watch niya. It's almost 9 in the evening. Tantiya niya, mahigit isang oras pa bago matapos ang party. Ibig sabihin kulang-kulang alas onse na siya ng gabi bibiyahe pa-Valencia. 'Yan ay kung hindi siya aantukin at matutulog na lang muna sa apartment niya. 

"Ahí estás, Lucía," bulalas ni Don Miguel maya-maya na nagpaangat sa tingin niya. 

Her boss was talking to a woman wearing a white body-contour dress. Hanggang baywang ang blonde hair nito na kinulot sa dulo. At maamo at maganda ang hugis ng mukha nito. 

She knows that woman. Naka-flash ang mukha nito sa anumang sulok ng malls at business district-- mapa billboard man o LCD screen. 

That woman is Lucia del Castillo, a successful model, endorser, and a daughter of a wealthy trader. 

"A papá le encantaría venir, pero no se siente bien, así que me envió," paliwanag nito nang matapos ito sa pakikipag-beso sa amo niya. 

Kaya pala wala ang Papa, may sakit. 

Sandali pang nag-usap ang dalawa. Ang iba naiintindihan niya. Ang iba hindi masyado. 

"Me gustaría que conocieras a alguien," sabi niya maya-maya. Tumalikod ito at nang bumalik, may bitbit na itong kasama. 

Hindi siya agad nakakilos nang mamukhaan niya ang kasama nito. Ilang beses siyang kumurap upang siguruhin sa sarili niya na hindi siya namamalikmata. But still the same, she's seeing Dax for the first time after more than a year. 

Ikinawit ni Lucia ang kamay nito sa braso ni Dax. Awtomatiko namang kumuyom ang kamay niya. She wanted to look away but she can't. She's on the job. It's her job to look over her boss and the people surrounding him. 

And so she endured. She was trained for that. To endure the unendurable and survive through whatever kind of pain. 

"Este es mi novio, Damien (This is my boyfriend, Damien)," ani Lucia matamis pang ngumiti. 

She swallowed the painful lump in her throat. Noong, namanhid lang siya. Subalit unti-unti, bumalik sa kanya lahat ng alaala ng pinagsamahan nila nang nakaraang taon kahit na ang alam niya matagal na niyang nakalimutan. Bawat alaala ng pag-uusap at halik, unti-unting sumusugat sa puso niya. Mga alaalang wala na sanang halaga. Mga alaalang hindi na niya dapat binabalikan pa. 

Kung kailan buong akala niya, nakalimot na siya, bumalik si Dax upang manakit ulit. Na parang hindi pa sapat ang sugat sa puso niya. 

Bakit kailangan pa nang gano'n? Puwede naman na sanang  hindi. 

Nakipagkamay si Dax kay Don Miguel. Nang ipagala nito ang tingin, doon nagtama ang mga mata nila. He was shocked at first, subalit muling nakabawi. Kaswal na itong nakikipag-usap kina Don Miguel at Ignacio kasama si Lucia.

Maya-maya pa, muli itong sumulyap sa kanya. Bumaba ang mga mata nito sa kuwintas nitong suot-suot pa niya. Nakakunot-noo itong tumingin sa kanya subalit hindi siya nagsalita.

Mabilis siyang sumenyas kay Fischer. Sinabi niyang mag-oocular siya kahit hindi kailangan. Buti, umoo lang si Fischer. Hindi pa siya nakakalayo, agad nang tumulo ang luha niya.

Hindi pa pala. Hindi pa siya tapos masaktan kay Dax.###

3409words/6:52pm/09062021















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro