Chapter 15: Silence
Malakas sa tenga ni Andie ang pagtiktak ng suot niyang tactical watch. She was pacing back and forth inside their quarters waiting for Kevin to come back. Kababalik lang nila ni Kevin mula sa isang buwan na field probation. At imbes na dalawa sila, si Kevin lang ang pinatawag ni Sir Maxwell sa opisina nito. Kung bakit? Wala siyang ideya.
Kung siya ang masusunod, gusto na niyang sumugod sa east wing. She wanted to see Dax na parang hindi. She wanted to talk to him na parang hindi. She wanted to be with him na parang hindi.
Ngumiwi na siya. She's getting anxious again. Hanggang ngayon, magulo pa rin ang emosyon niya basta si Dax ang ang pinag-uusapan.
Two months away from him is not enough for her to sort out her feelings. She's sure of one thing though, Dax will forever be her confusion and clarity. Confusion because whatever they have between them is uncertain. Heck! She's not even sure if they'd even move forward with their feelings or hanggang doon na lang 'yon lalo na at hindi naman nila pinag-uusapan ang tungkol doon. They just remained to be kissing friends if she'd put it. And clarity because, no matter what she does, she already defied that one rule that sets them apart from the others living a clandestine life like theirs: she had already fallen in love with Dax.
Noong gabi ng misyon nila sa Paris, they made out under the old bridge. It was the first time that they did go pass more than kissing. At alam niya kung hinayaan lang ni Dax, baka tuluyan na talagang may nangyari sa kanila. But Dax was sane. Nadadarang ito sa init na nilikha nilang dalawa subalit alam pa rin nito ang mga hangganan. Hindi gaya niya na magdikit lang sila sandali, nalalango na, nalulunod na.
Yes, she was having a fever pitch that night. Maybe it was the adrenaline. They just had a quick brush with death that night.But luckily, they survived. Or it's really possible that at that moment, when she was braving the cold under that bridge and waiting for help to come, insanity really took over and so she seduced Dax into kissing her. Sa madaling sabi, malandi lang siya talaga.
Napangiwi siya ulit. Pangit mang pakinggan pero 'yon talaga ang nangyari. Siya ang nag-suggest ng body heat exchange. Pero hindi naman siya ang may kasalanan na naghalikan silang dalawa. Dax initiated the kiss.
Pero hindi mo pinigilan, anang isip niya.
Tumikwas ang labi niya. Totoo 'yon. Hindi niya pinigilan dahil nga gusto rin niya. Dax was heat and she's always ready to embrace his flames and get burned.
They were already both half naked when Dax hesistantly answered a direct call from Chief. Mabuti na lang tumawag si Chief kung hindi...
She sighed. She can't even begin to think of the consequences should she and Dax really went all the way that night.
Baka lalong hindi na niya hindi ito maharap. Tapos lalo siyang makunsensiya kapag kaharap si Chief o kahit na sino pa man sa mga kaibigan niya.
They trusted her. At itong nangyayari sa pagitan nila ni Dax, kahit saang anggulo niya tignan, mali talaga.
But how can she tell that to herself, to her heart?
Humiga na siya sa kama niya at tumitig sa kisame. Napapagod siyang mag-isip. Kababalik lang niya doon pero napapagod na naman siya sa kakaisip.
Maya-maya pa, bumukas ang pinto ng quarters nila. Agad siyang bumangon.
"O, bakit hindi ka pa naligo?" si Kevin.
It was a Sunday. Off nilang APs sa training.
"E baka may iutos kasi kaya ka pinatawag. Ayokong magpawis naman nang bagong-ligo," sagot niya, kaswal. "O, anong sabi ni Sir Maxwell?"
Nagkibit-balikat ito. "Wala naman. Kinumusta lang 'yong trinabaho natin sa Madrid. Sabi ko okay naman," sagot nito bago dumiretso sa duffle bag nito at sinimulang mag-ayos ng gamit.
Nangunot-noo siya. Bakit si Kevin lang ang pinatawag? May mga puwede rin naman siyang sabihin tungkol sa naging client nila na business tycoon sa Madrid a.
"Maligo ka na, Andeng. Malapit na ang lunch. Para pagkatapos ng lunch, puwede na tayong mag-siesta agad," paalala pa ulit ni Kevin, ang atensiyon nasa ginagawa nito.
"Ipapatawag din ba ako ni Sir Maxwell?" bigla niyang tanong.
Natigilan ito, nangunot-noo "Ha?"
"Kakausapin din ba ako ni Sir Maxwell tungkol sa naging client natin?"
"Ewan ko. Bakit?"
Humaba ang nguso niya. "Bakit ikaw lang kasi ang pinatawag? May mga insights din ako sana tungkol sa naging assignment natin doon like they are too lenient on us. Mas madalas nga na petiks ang gawain natin doon. At sa isang buwan na pagbabantay natin sa kliyente, hindi man lang ako pinagpawisan ni minsan."
Natawa si Kevin. "Grabeng reklamo a, Andeng. Hirap ka na niyam?" anito bago naiiling na ibinalik ang mga damit nito sa closet.
Namaywang na siya. "E bakit kasi gano'n? Wala man lang... thirll!"
Humarap si Kevin sa kanya. "May hangover ka pa siguro sa mission ninyo ni Dax sa Paris kaya ka ganyan. Remember, we are protectors. We protect our clients no matter who they are and what they do. At saka, mabuti nga napunta tayo sa hindi kumplikadong client. Mabait nga si Señor De Braganza kumpara sa iba."
Lalong nalukot ang mukha niya. "Mabait na sa kung mabait, basta hindi ko gusto sa ganoong klaseng client in the future. Gusto ko 'yong may aksyon kahit paano."
Nagsalita si Kevin. Kaso hindi niya naintindihan agad dahil isinasalansan ulit nito ang mga damit nito sa closet. Basta ang mga salitang naintindihan niya lang: hindi, ilalagay, at Chief.
Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. "Ha?"
Mabilis itong humarap sa kanya. "Wala. Ang sabi ko, maligo ka na, Andie. Bilisan mo."
Umirap siya at tumalima. She quickly unloaded her duffle bag at kumuha ng pamalit doon. She had a quick shower. Paglabas niya, sumunod na naligo si Kevin.
Five minutes before lunch time, nasa mess hall na sila ni Kevin. Panay na rin ang kabog ng dibdib niya.
Paulit-ulit niyang pinaalala sa isip niya na gumalaw nang normal gaya nang dati kaya lang, hindi niya kaya. She's too excited and anxious to see Dax.
Why wouldn't she? After the heat they've shared under the old bridge, halos hindi na sila nag-usap na dalawa matapos silang makuha ng reinforcement team. Mahirap din kasi na makapagsarilinan pa sila, they were already surrounded with CIA's field agents. Dumagdag pa na pagbalik nila mismo sa city, nando'n na si Chief at sinusundo siya. Bumalik siya sa Washington kasama si Chief nang gabi ring iyon. Meaning, natengga ang sana'y dapat na pag-uusap nila ni tungkol sa kanila.
"Ayos ka lang?" untag ni Kevin sa kanya habang nakapila sila papunta sa food counter.
Napakurap siya. "H-ha? O-oo naman. Bakit naman hindi?" alanganin niyang sagot.
"E kasi namumula ka," anito bago sumandok ng mash potatoes at baby asparagus.
Lihim siyang napangiwi. Mabilis pang hinawakana ng pisngi niya. "W-wala 'to. Ano... mainit lang," tanggi niya.
Nagkibit-balikat lang si Kevin. "Halos parehas lang naman ang climate dito sa Washington at Madrid a. Baka jetlag lang 'yan. Itulog mo mamaya," anito bago pumihit paharap sa kanya at kinuha ang plato niya. Nilagyan nito ng pagkain ang plato niya.
Hindi na siya sumagot. She tried composing herself kaso ayaw talagang mawala ng pagkabog ng dibdib niya. She's excited, fidgeting, confused and anxious! Lahat na yata nararamdaman niya. At nabubuwisit na siya sa sarili niya.
Makakaharap lang naman niya ulit si Dax. Dinaig pa niya ang teenager na may crush sa inaasal niya. Ni hindi nga siya makalingon sa likuran niya dahil nate-tense siya baka isa sa mga nakapila sa Dax.
Consequence 'yan ng karupukan mo. Magdusa ka! pangagaral ng isip niya. Lalong namula ang mukha niya.
Parang hindi naman siya masyadong gutom. Kung hindi na lang kaya siya kumain ngayon? Kaya lang, tiyak na magagalit si Kevin. Abala pa rin ito sa paglalagay ng pagkain sa plato niya e.
Pasimple siyang nagbuga ng hininga. Mukhang wala talaga siyang lusot.
Nang matapos sila sa pagkuha ng pagkain. Umupo sila sa dati nilang puwesto. Noong una, nilaro-laro lang niya ang pagkain na nakasilbi sa kanya. Nakaabang siya kasi sa pagdating ng mga kaibigan nila. Sumunod na umupo sa kanila sina Ivan at Ren. Napalunok siya. Susunod na sina Dax at Alessandro.
Lalong kumabog ang dibdib niya. Pakiramdam niya nasa death row siya. Kung alam lang niya na magiging ganito ang epekto ni Dax sa kanya, she shouldn't allowed him to kiss her.
FYI, ikaw ang unang humalik, sermon ulit ng isip niya.
Napatungo na siya. Nahihiya siyang tunay sa sarili niya. Hindi niya talaga lubos maisip na sa pag-aastig-astig niyang iyon, may dumadaloy din pala na kalandian sa dugo niya. Nakakahiyang tunay!
"Hey, glad to know you're back," bati ni Alessandro.
Wala sa sarili siyang napaangat ng tingin. Unang bumati sa kanya ang nakangiting si Alessandro habang papaupo ito sa upuan. She tensed. Alam niyang nasa malapit lang si Dax.
Subalit dumaan na ang ilang minuto, hindi pa rin umuupo sa mesa nila si Dax.
"W-where's Dax?" alanganin niyang tanong sa partner nito.
"Chief called him. His Dad is here," sagot ni Alessandro.
Agad na dumiretso ang likod niya.Mabilis din na lumipad ang isip niya noong araw na nakita niya na sinasaktan si Dax ng Daddy nito. Bigla tuloy siyang kinabahan para dito. Lalo siyang hindi nakapag-concentrate sa pagkain. Natatakot siya na baka may ginawa si Dax na hindi nagustuhan ni Chief kaya nito pinatawag ang tatay nito.
"Kumain ka na, Andie," untag ni Kevin sa kanya, pabulong.
Tumango siya sa plato niya at nagmabilis na kumain. Plano niyang puntahan mismo si Chief. Kung anong sasabihin niya rito, bahala na. Basta gusto niyang makasiguro na maayos lang si Dax.
Hindi na niya inubos ang pagkain na nasa plato niya. Agad siyang nagpaalam sa mga kasama niya na mauuna. Pasalamat siya at hindi nagtanong si Kevin. Abala naman din kasi ito sa pagkain.
Paglabas niya ng mess hall, agad siyang sumakay sa lift at nagtungo sa upper floor.
Linggo, subalit nakita niyang abala pa rin ang control room. Ibig sabihin, abala rin si Chief.
But not too busy to personally talk to Dax and his Dad, she thought.
Tinalaunton niya ang daan patungo sa opisina ni Chief. Wala si De Rossi at iba pang kasama nitong close-in security. Pabor sa kanya iyon. Walang maninita sa kanya.
Lalo pa siyang humakbang palapit sa pinto. Kakatok na sana siya kaya lang may naririnig siyang dalawang boses na nag-uusap sa loob.
"...aalis siya agad," boses iyon ni Chief, sigurado siya.
"...maaga?"
"Alam mong kailangan..."
"That's bullshit, Elias!" Kilala niya ang boses na 'yon. She's sure, Daddy iyon ni Dax.
"Andrew, inintidihin mo 'ko."
"Sinusubukan ko!"
"Ilang taon pa ang kailangan para sa--"
Sunod niyang narinig ang pagbagsak ng kung ano.
Napaatras na siya. Maybe it's not the right time to go inside. Babalik na lang siya siguro mamaya. O kaya sasadyain na lang niya mismo si Dax sa mismong quraters nito.
Kahit naman kasi sabihin niya sa sarili niyang h'wag nang isipin kung bakit pinatawag ni Chief si Dax, hindi rin siya mapapakali. Kailangan niyang malaman kung bakit.
Pumihit na siya pabalik sa lift at hinintay ang muling pagbukas niyon. Kaya lang pagbukas niyon, she saw Dax casually leaning on one of the walls.
Agad siyang napasinghap nang kumabog ang dibdib niya. He's clean shaven. Hindi gaya noong huli silang magkita. He has mustache, beard and all. He was ruggedly handsome then. Naughtier. But she likes him just the same now.
Unti-unti itong lumabas ng lift at lumapit sa kanya. "Andrea," tawag nito sa kanya sa mababang tinig.
Napakurap siya. "Dax."
Ngumiti ito. "What are you doing here?"
"I was... I was going to Chief..."
"But..."
Kumurap siya. Inilihim ang ngiwi. "M-mamaya na lang. Ikaw, akala ko... sinabi ni Alessandro na kausap ka ni Chief. K-kayo ng Dad mo."
Sandali itong nangunot-noo. "Kaya mo ba pupuntahan si Chief dahil do'n?"
Tumuwid ang likod niya. "H-hindi a!" tanggi niya. "I told you, may sasabihin ako kay Chief."
Ngumiti na ito, amused. "Okay, I believe you, Andrea. I had to compose myself sa pagharap ko kay Dad. Kaya nagpahuli ako nang kaunti sa meeting. This is the first time I'm seeing him in months. Ayokong mauwi na naman 'to sa away. I've never talked to him since... that day." His voice trailed off. Umiwas din siya bahagya ng tingin.
Tumango-tango siya. She understood what he meant.
Maya-maya pa, "I need to go," sabi nito. "We'll see each other later."
Agad siyang pinamulahan ng mukha. Bahagya na ring nataranta ang lohika niya. "H-ha?"
"Dinner. I'm talking about dinner," anito.
Isang walang tunog na ah lang ang naisagot niya. Gumapang din ang hiya sa pisngi niya. "I-I'll see you then," aniya bago humakbang papasok sa lift.
Nakatingin sila sa isa't-isa hanggang sa magsara ang pinto ng lift.
-----
Dinner
Tahimik si Andie habang kumakain sila ng mga kaibigan niya ng hapunan. Nakatuon lang ang mga mata niya sa plato at nasa pagsubo ng pagkain ang full concentration niya. Naiilang kasi siya.
Kanina pa kasi nakatingin si Dax sa kanya na halos katapat lang niya sa mesa.
At kanina pa nagsu-swing ang mga emosyon niya dahil dito.
She realized that she wants him close but not so much because his nearness drives her mad. She wants to have a whiff of his smell because it's comforting to know that he is close. She wants to talk to him sans her heart racing. She wants to kiss him without her drowning, melting. She wants to be with him without all the crazy that's happening to her.
She wants Dax and her sanity at the same time. But that's impossible. He is her confusion.
Dax makes her weak. Dax makes her forget things. Dax is forbidden.
And it is frustrating!
Huli na nang marealize niya na naipukpok na pala niya ang kamay niya sa table. Sabay-sabay tuloy na lumipad ang mga mata ng kasama niya sa kanya.
"Something bothering you?" si Ren, nanlalaki ang mga singkit na mata.
Agad na nag-init ang pisngi niya. Natataranta siyang sumulyap kay Dax. Patuloy lang ito sa pagkain, parang walang ginawa.
"N-nothing. I-I just remembered something. Sorry," nahihiyang paliwanag niya bago muling tumungo sa plato.
Lintek na Dax 'to! Mukhang inorasyunan ako a! naisip niya.
Kung totoong ginamitan man siya ng orasyon o kung ano mang hokus-pokus ni Dax, hindi niya alam. Isa lang ang alam niya, mahal na niya ito at malabo na siyang bumalik pa sa noon.
Nanatili siyang nakatungo sa plato niya subalit hindi na siya kumain. Hindi rin niya naubos ang pagkain niya. Hinintay lang niyang matapos ang mga kasama niya sa pagkain bago siya sumabay sa paglabas sa mess hall.
Malapit na sila sa pinto ng mess hall nang muling lumapit si Dax sa kanya at may isiniksik sa kamay niya.
Nagkatinginan sila subalit hindi nag-imikan. They just casually walked out of the hall and towards the lift. Panay ang biruan ng mga kasama nila subalit tahimik lang silang dalawa.
Nang makarating siya sa quarters nila saka pa lamang niya binasa ang nakasulat sa papel na bigay ni Dax.
Training hall. 8 pm.
Sumulyap siya sa digital clock sa dingding. She still has half an hour para tumakas. Nagmabilis siyang naligo at nagbihis. Mabuti na lang at dumiretso si Kevin sa quarters nina Ivan matapos ang dinner. Hindi na niya kailangang magsinungaling dito at magpaalam.
Ilang minuto bago mag-alas otso, naglalakad na siya patungo sa training hall. Gaya nang huling pagkikita nila ni Dax doon, muling namatay ang ilaw ng hallway. Subalit walang humila sa kanya patungo sa kung saan. Siya na ang nagkusa na pumasok sa janitor's room.
Subalit walang tao.
Still, she waited patiently. Hanggang sa naubos na ang tatlong minuto, hindi pa rin dumarating si Dax.
She stayed for another thirty minutes inside the janitor's room-- waiting. But still the same, walang Dax na dumating.
Pasimple siyang lumabas ng maliit na silid at dire-diretsong naglakad pabalik sa lift.
Hindi niya makapa sa dibdib niya kung ano ang mararamdaman niya.
Naghahalo ang kaba, inis at disappointment. Sana may maayos na eksplanasyon si Dax bukas kung bakit hindi siya nito sinipot ngayon.
Nagpapasalamat siya na pagbalik niya sa quarters nila, wala pa rin si Kevin. Mukhang nawili sa pakikipagkuwentuhan kina Ivan at Ren. She didn't have to think of lying.
That night, halos hindi siya nakatulog. Tinitimbang niya kung paano niya pakikiharapan si Dax bukas. Mag-uusap naman siguro sila bukas. At umaasa siya na may maayos na paliwanag si Dax.
But when morning came, she learned that Dax had an early deployment to an important client in Morocco last night.
Lumipas ang mga linggo at buwan, hindi na sila ulit pa nagkita ni Dax.###
2833words/07:18pm/09022021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro