Chapter 14: Heat
Kaya mo 'to, Andie! Kaya mo 'to!
Andie had been repeating that same line in her head for minutes now. Patuloy din siya sa pagbi-breathing exercise sa loob ng banyo kung saan siya naghahanda para sa pupuntahan nilang misyon ni Dax ngayong gabi.
Nang panandaliang kumalma ang nagwawalang mga kung ano sa dibdib niya, she opened her eyes and looked at herself on the mirror.
She's wearing a red formal form-fitting dress with low neckline and a high slit on the front for easier movement. She had put on her make-up and blonde bobcut wig.
She looks different.
That's the idea, her brain reminded.
Right. Protect her identity at all cost. That's the idea.
Maya-maya pa, nakarinig na siya ng katok sa banyo.
"Andie, we're going." It was Carlo.
"Just a sec," sagot niya bago muling pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin sa banyo.
Give the payment. Get the coordinates for the weapons transfer then leave.
That's the mission.
Ilang beses niya ulit iyong inulit sa isip niya bago kinumbinsing kaya niya iyon. Nang masiguro niyang nakatatak na sa isip niya ang gagawin at iba pang importanteng bagay, pumihit na siya patungo sa pinto.
Paglabas niya ng banyo, agad na tumutok ang mga mata nina Carlo at Dax sa kanya.
Hindi itinago ni Carlo ang pagpasada ng mga mata nito sa kabuuan niya. Sumipol ito pagkatapos.
"Damn!" bulong nito. May iba pa itong sinabi na hindi niya maintindihan. Ibang lengguwahe kasi. Bumaling ito kay Dax pagkatapos, natatawa.
Bumaling din siya kay Dax. Nakapagkit din ang tingin nito sa kanya gaya ni Carlo kanina. Hindi ito umiimik, parang hindi sure kung anong sasabihin lalo nang dumako ang mga mata nito sa kaliwang hita niya na hantad na hantad sa slit ng suot niyang dress. Hindi niya tuloy alam kung maiilang siya o matutuwa sa nakikitang epekto niya kay Dax.
Feel awkward is the most logical thing for them to get past that situation. Kaya naman nang hindi na siya makatagal sa pagkailang, nagmamadali siyang lumapit sa fake husband niya for the night na guwapong-guwapo sa suot nitong gray three piece suit. Pumitik siya sa tapat ng mukha nito.
"Hey, Lavigne! It's just legs," aniya, namaywang.
Kumurap-kurap naman ito, tumikhim. Mukhang nahimasmasan na. "Seriously, where's your gun?"
Muntik na siya matawa. "You don't want to know," mabilis niyang sagot bago humarap kay Carlo. "Hindi pa ba tayo, aalis?" she asked casually. Alas otso ang dinner party. She knew they need to leave.
Agad na kumilos si Carlo. Sinuot na rin nito ang chauffer's coat at hat nito bago nagmabilis na tumipa sa laptop nito. Pagbaling niya kay Dax, bahagya na nitong niluluwangan ang suot nitong bow tie.
"O bakit, hindi ka makahinga?" tanong niya, nakangisi.
He hissed before taking in a deep breath. "Don't tease me," bulong nito, with a warning in his eyes.
Lalo siyang napangisi. She leaned on him more. "Kiss me," she whispered seductively above his ear, teasing.
Napapantastikuhan itong tumingin sa kanya, naningkit ang mga mata, namumula ang mga pisngi. "I said don't... what the fuck, Cortez!" reklamo na nito, pabulong pa rin.
She chuckled. Nag-eenjoy siyang malaman na totoo nga, may epekto talaga siya kay Dax. Wala man silang pormal na usapan, sigurado na siya ngayon na may namamagitan nga sa kanila.
"I can't help it, Lavigne. I'm a natural," sagot niya bago pinaglandas ang kamay niya sa pisngi nito.
Mas pinalalim pa ni Dax ang paghugot ng hininga.
"I'm done. We're going," anunsiyo ni Carlo bago mabilis na tiniklop ang laptop nito at isinilid sa bag.
Agad naman silang naghiwalay ni Dax. Siya natatawa. Si Dax, mukhang may problemang hindi kayang banggitin sa kanya.
Napatiuna na si Carlo na lumabas ng silid. Nagsabi ito na ihahanda na ang limousine na sasakyan nila. She then grabbed her minaudiere before quickly turning to Dax. Maayos na ulit ang bow tie nito, wala na ang tensiyon na nilikha niya sa mga mata nito. Mukhang handa na rin.
"Let's go, Madame Archambeau," pahayag nito in a perfect French accent.
She bit the insides of her cheeks to keep herself from smiling. Tama si Sir Maxwell, Dax knew the language. Hindi naman na siya magtataka. His grandfather is pure French, ayon na rin sa mga kuwento nito. And she find him speaking French so damn sexy. Naging aligaga tuloy ang mga kung anumang naglalaro sa dibdib niya. Maya-maya pa maingat nitong kinuha ang kamay niya at dinala iyon sa bisig nito.
She faked a smile. Mukhang parehas lang sila. If he finds her presence effortlessly distracting, his nearness is her weakness too.
Fair and square, she thought. Sana lang mamaya, hindi niya 'yon maisip habang nasa misyon sila. This mission would define their careers as protectors in the future.
Tahimik silang sumakay sa lift. Pagdating sa lobby, agad nilang nakita ang sasakyan nila. Carlo opened the door for them. Habang nasa daan, Carlo gave them a brief rundown of what they're going to do. Doon na rin nito binigay ang earpiece nilang dalawa ni Dax.
They traveled outside the city. Few minutes more, they pulled over infront of a modern villa.
"Goodluck!" ani Carlo , bago lumabas ng limousine upang pagbuksan sila ng pinto. Unang bumaba ng sasakyan si Dax. Inilahad naman ni Dax ang kamay nito sa kanya nang makababa ito.
This is it! sabi niya sa sarili bago tuluyang tinanggap ang kamay ni Dax. She confidently walked out of the car. Awtomatiko siyang napakapit sa braso ni Dax pagkatapos.
"Nervous?" bulong nito.
"Don't tell me about it," mabilis niyang sagot habang ipinapagala ang mga mata sa kinaroroonan nila.
It was a two-storey huge white house made of wide glass panels. Nasisilip mula sa labas ang karangyaang naroon sa loob. From the chandeliers to the guests, all were screaming of wealth. Not to mention the perfectly manicured lawn matted with green grass and the immaculate fountain playing with water as blue as the sea.
Lavish.
That place is lavish screaming in all caps.
According to their intel, Monsieur Dufort, the owner of the place went to the same university with Chenkov in Switzerland. Dufort made his money from his fashion business. While Chenkov, secretly smuggles weapons to any country through his front tuna and crab business. Chenkov only transacts directly yet carefully to his clients. Ayaw nito ng middle man. Ayaw din nito ng tauhan. Chenkov works alone. And that has become one of his weakness. After a deal is settled and payment is made, the bastard will give a location where he can freely exchange his illegal goods at sea through his sham business.
At ngayon nga, nakaantabay ang InterPol at CIA sa kanila upang masabat ang illegal na mga armas. She learned that the growing mob Chenkov was dealing with was the one responsible for a recent train attack in Orleans killing at least twenty people, including infants. The mob was sending a signal to the police, they want to take over the city just like the olden days. So the French government tapped the CIA for help. And so here they are, undercover.
The Maître d greeted them. "Bonsoir. Pouvez-vous m'indiquer votre nom, s'il vous plaît ?:" (Goodeving. May I have your name please?")
Dax nodded curtly. "Monsiuer et Madame Archambeau."
Shit! bigla niyang naisip nang maging aktibo ulit ang mga kung ano sa dibdib niya.
Dax's french accent is a natural part of his charm. Parang gusto na lang tumunganga doon and oogle at him.
Dammit! Get your act together, Andrea!
Mabilis na tumingin sa listahan ang maitre d. Maya-maya pa nag-angat ito ng tingin, ngumiti. "Bienvenue à la fête, Monsiuer et Madame." Inilahad nito ang kamay papasok ng bahay.
"Merci," matipid niyang sagot bago nagpatangay kay Dax papasok ng villa. Tinumbok agad nila ang minibar.
"We're inside now," mahinang bulong ni Dax, kausap nito sa Carlo sa earpiece.
"Good," narinig niyang sabi ni Carlo sa kabilang linya. "Now, blend in. Check if you can ID Chenkov."
Noon bumitiw si Dax sa kanya. PInagala nito ang mga mata. "Negative," sagot nito.
"Okay, standby," ani Carlo.
Maging siya pinagala rin niya ang mga mata. Pasimple siyang tumingala. There are golden balloons even on the ceiling. Just right for the 50th birthday of Dufort. Napansin din niya na may mga nakabantay na apat na bodyguards sa second floor ng bahay. Bumaba ang mga mata niya sa sala na kinaroroonan niya. Sa bawat sulok ng sala, mayroon din apat na bodyguards. Tig-isa sa entrance at french door na patungo sa swimming pool. At ang dalawa naman, nakatayo malapit sa isang lalaki na naka-tuxedo ng blue at checkered na undershirt.
Dufort, naisip niya.
Pagharap niya kay Dax, inabot nito sa kanya ang isang champagne flute. May hawak din itong isa.
"Santé, mon cherie," ani Dax, before raising his glass a little. She raised her glass too before downing the champagne in one go.
Pagbaba nila ng mga baso nila sa counter nagsalita si Carlo. "Chenkov has arrived."
Agad silang nagkatinginan ni Dax. Their eyes fixated on the front door. Agad niyang nakilala si Chenkov-- tall, unshaven, pointed nose with deep set eyes. He's surrounded with five close in security, all taller than Dax.
Napabuga siya ng hininga. Si Dax naman humapit sa baywang niya. Tumingin ito sa kanya pagkatapos.
"Let the show begin," bulong niya.
Naging alerto sila ni Dax sa mga sumunod na mga minuto. Monsieur Dufort welcomed Chenkov to his home like an honored guest. They talked and laughed a little. Maya-maya pa, sandaling nagbulungan ang mga ito. Pagkatapos niyon, umakyat na sa second floor si Chenkov kasama ang mga close-in security nito.
Hinintay lang nilang makapasok ang grupo ni Chenkov sa isa sa mga kuwarto bago sila nagsimulang maglakad ni Dax patungo sa hagdan.
Nasa puno pa lang sila ng hagdan nang harangin sila ng dalawa sa mga bantay ni Chenkov. Her heart was pounding loudly on her chest, hindi na sa kilig kundi sa kaba. Chenkov's men are well-built. Pakiramdam nga niya isang pitik lang kaya na silang ibalibag ni Dax. Magaling pumili ng tauhan ang kriminal.
She quickly tugged her neckline lower before flashing her fake smile. Si Dax ang unang nagsalita.
"Monsieur et Madame Archambeau, we're here for Monsieur Chenkov," si Dax.
Nanantiya ang dalawang bodyguards. One surveyed them from head to toe. Ang isa naman may kinausaop sa smartwatch nito.
"Yest' yeshche ryby v more," aniya bago ngumiti. It's the Russian translation of there are more fish in the sea.
Agad tumitig sa kanya ang dalawang malalaking lalaki. Maya-maya pa, pinayagan na rin silang umakyat ng hagdan. Sinalubong sila ng dalawa pang kasama ng mga ito sa taas at iginiya sa kuwartong kinaroroonan ni Chenkov.
Pagbukas ng pinto, agad niyang nakita si Chenkov na nakaupo settee, naka-dekuwatro habang naninigarilyo. Nakatayo sa likod nito ang isang close-in security nito. Habang ang dalawang nagbukas sa kanila ng pinto, pumuwesto sa likuran nila mismo ni Dax.
Chenkov bore his eyes on her habang panay ang hithit nito ng sigarilyo. Panay man ang kabog ng dibdib niya she tried to smile at him sweetly. Noon niya napansin ang pagbaba ng mga mata nito sa nakahantad na hita niya. He let the bastard stare habang pasimple niyang kinakalkula at minamata ang exit points nila ni Dax kung sakaling magkaroon ng komosyon mamaya.
Maya-maya pa, Dax introduced themselves to Chenkov in French. Pinaupo sila ni Chenkov sa divan na katapat ng inuupuan nito. Pagkaupo niya, the slit of her dress hitched a couple of inches up, revealing more of her luscious legs. Nakita niya ang pasimpleng paggalaw ng mga mata ng mga bodyguards patungo sa kanya. Umigting naman ang panga ni Dax.
"Do you have the payment?" tanong ni Chenkov maya-maya.
"Oui!" mabilis na sagot nit Dax bago tumingin sa kanya.
Mabilis niyang binuksan ang dala niyang minaudiere at inilabas doon ang isang itim na pouch. Binuhos niya ang laman niyon sa palad niya. The diamonds sparkled under the faint light of the room. Gumalaw si Chenkov. Humugot ng isang pirasong papel sa bulsa nito bago iyon inilapag sa center table. She can see, that's the coordinates for the transfer.
Mabilis niyang ibinalik sa pouch ang mga diamante. Sumenyas si Chenkov sa tauhan nito na nasa likuran niya na kunin ang pouch sa kanya. Si Chenkov naman, itinulak palapit kay Dax ang hawak nitong card. Agad iyong kinuha ni Dax. Inianggulo nang maayos upang makita iyon sa hidden camera na nakakabit sa suot ni Dax na reading glasses. Segundo lang nagsalita si Carlo.
"Location verified," kalmadong deklara nito. "Shit! The real Archambeau couple has arrived! Get out of there!"
Umigting ang panga ni Dax. Nanlamig naman ang mga kamay niya. They only have minutes to get of there!
"Merci, Monsieur Chenkov," pormal na sabi ni Dax bago tumayo. Tumayo na rin siya bago nagpatiunang lumakad sa pinto. Kalmadong sumunod si Dax sa kanya.
"Wait!" ani Chenkov.
Magkasabay silang lumingon ni Dax. Umabot na sa langit ang kaba niya nang tumayo si Chenkov at lumapit sa kanya. Bakas sa mga mata nito ang labis na paghanga.
"It was nice meeting you, Madame," anito bago maingat na kinuha ang kamay niya at hinalikan iyon. She nodded respectfully before withdrawing her hand from Chenkov's hold.
That's when the door swung open. Gulat na mukha ng isa sa mga close-in security ni Chenkov sa labas ang sumalubong sa kanila. "The real Archambeaus are here!" bulalas nito pinaglipat ang tingin sa kanilang dalawa.
Agad silang nagkatinginan ni Dax. Sinuntok nito sa mukha ang bagong dating na bodyguard bago pa man ito makahugot ng baril. Siya naman, agad niyang inigkas ang tuhod niya sa maselang parte ng katabi niyang bodyguard. Umuklo ito. Kinuha niya ang pagkakataong upang patumbahin ito. She twisted the bodyguard's arm and flipped him over. Doon nito nabitiwan ang hawak nitong pouch ng diamond na binigay niya. She grabbed the pouch quickly before pulling her gun hidden on her inner thigh. Agad niyang pinaputukan ang isang bodyguard na inaatake si Dax. Tumama ang bala niya sa balikat nito. The man fell on the floor screaming in pain.
Noon na siya nakarinig ng sigawan sa baba. The gunshot might've alarmed the guests.
May isa pang pumasok na bodyguard, subalit agad iyong pinaputukan ni Dax. Pagpihit nila, sabay din nilang pinaputukan sa paa ang mga natitira pang bodyguards ni Chenkov na sinubukan silang daluhungin. They quickly closed the door.
Trapped and unguarded, Chenkov knelt down while raising his arms in surrender.
"Put your hands at the back of your head and get down on the floor!" sigaw niya, nakatutok ang baril niya rito. Mabilis itong tumalima.
Kinuha ni Dax ang pagkakataong iyon at pinaputukan ang glass door na patungo sa veranda ng bahay. Few seconds more, the glass came down with a shattering sound.
Mabilis na hinila ni Dax ang floor to ceiling na kurtina at itinali iyon sa steel balcony ng silid.
Dax reached for her and they both climbed their way down from the balcony to the swimming pool area. Nagkakagulo pa rin ang mga tao. Nagsisigawan at hindi alam kung anong tatahakin na direksyon. Pabor iyon sa pagtakas nilang dalawa ni Dax.
Maya-maya pa may dumungaw mula sa pinanggalinag nilang balcony. It was one of Chenkov's bodyguard. Agad silang tumakbo. They reached the enclosed garage in no time.
"I had to retreat, Dax. There's a dead drop location about five miles away. Doon na lang tayo magkita. I sent you the coordinates," anito Carlo sa earpiece. They heard a couple of gunshots and a screeching car after.
Agad na ipinagala ni Dax ang mga mata nito. There he saw a Harley Davidson motorcycle. Mabilis itong bumaling sa kanya.
"Do you still remember how to hotwire a motorcycle?" anito.
Agad siyang tumango. Pinag-aralan nila iyon sa schooling.
"Okay, hotwire the Harley while I cover for you."
Agad siyang tumalima. Dax gave him a swiss knife. She did the process easily. Minuto lang, napaandar na niya ang motor. Dax mounted on the motorcycle. Agad din siyang sumampa sa likuran.
Pinaputukan ni Dax ang glass panel sa tagiliran ng garage at doon sila dumaan. Sinalubong sila ng putok ng mga baril nang dumaan sila sa mismong harap ng bahay. But Dax maneuvered through it quickly hanggang makarating sila sa highway. Alam niya patungo sila sa dead drop zone na tinutukoy ni Carlo.
Dead drop zones are are used in espionage as secret places where spies trade or pass items in order to maintain operational security.
Maya-maya pa, nakarinig siya ng paghaging ng kung ano sa tenga niya. Nang lingunin niya, there were two cars tailing them.
"Shit!" anas niya.
"How many?" sigaw ni Dax.
"Two cars." She heard him curse. Alam niyang bubuntot lang sa kanila ang mga 'yon hanggang saan sila makarating. Agad siyang nagdesisyon. Mabilis siyang lumipat sa harapan ni Dax, pakandong na umupo sa mga hita nito bago inilabas ang baril niya. Dax cursed again.
"Blue balls or a hole in your head? You choose!"
"Dammit!" reklamo nito, lalong binilisan ang pagpapatakbo ng motor.
Nag-umpisa na namang mamaril ang mga nakasunod sa kanilang sasakyan. Gumanti rin siya ng putok subalit wala siyang tinamaan. Bumilis ang pagtakbo ng mga kotse at malapit na siyang maubusan ng bala. Saktong dumaan sila sa isang mababang tulay. Nagkatinginan sila ni Dax.
"Shit!" Agad niyang naintindihan ang binabalak nito.
"It's the only way. We're just a mile away from the drop zone. We can make it trust me."
Binitiwan na niya ang baril niya. Pumitik siya at kumapit nang mahigpit kay Dax. Nagrebolusyon ang makina nang motor. They sped up a little bago niya naramdaman ang sadyang pagpapatihulog ni Dax sa tulay. Few seconds more, she heard a loud splash followed by the strong gravity pulling her beneath the river. She filled her lungs with air before she allowed the current to drown her.
Madilim sa ilalim ng ilog halos wala siyang makita. Subalit, nakikiramdam siya sa paglangoy ni Dax. Ang paggalaw nito ang ginawa niyang mapa. After to what seemed like an eternity, Dax finaly pulled her out of the water patungo sa gilid ng ilog.
She was coughing and breathing air at the same time. That's the longest she's been breathless in the water. Five minutes or more. Malaking tulong ang tank exercises nila. She never really thought it would come in handy up until now.
Hindi pa man siya nakakabawi sa hingal, naglakad na sila ni Dax sa kakahuyan na katabi ng ilog. Sabi ni Dax doon daw ang drop dead zone. Kaya lang ilang minuto na silang naglalakad, hindi pa rin nila makita ang coordinate na binigay ni Carlo. At napapagod na siyang talaga. She needed to rest for a while. Sumakto namang umulan. Nakakita sila ng maliit at lumang tulay. Doon sila mabilis na sumilong.
Maya-maya pa, nangaligkig na silang dalawa sa lamig. Nagkatinginan silang dalawa ni Dax. The urge to just grab and kiss him was too strong it frightened her. And yet, she didn't want to break free from their eye contact. She needed Dax.
"I need your body heat," diretsang sabi niya.
She didn't need to ask twice. Dax quickly got rid of his undershirt and scooted beside her. Agad naman siyang umupo sa kandungan nito.
They were both breathing heavily. At sigurado siyang hindi iyon dahil sa pagod o kung anuman. It was the heat of passion burning inside of them that's making them pant. Consuming them.
"Dax..." she whispered before tracing his lips with her fingers. She remembered how addictive his kisses were. How they make her knees melt and her body weak. How those kisses make her forget things.
Dax didn't answer. He just cupped her face and kissed her lips hungrily.
She tried to think of something else. Of their mission. Of her dreams. Of sanity.
Subalit hindi niya iyon lahat maalala. Dahil ang importante sa mga oras na iyon ay ang halik ni Dax at ang init na pinagsasaluhan nila. ###
3216words/5:08pm/08312021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro