Chapter 13: Mission
Mabigat sa kamay ni Andie ang hawak niyang duel sword na gawa sa kahoy. Subalit lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak doon bago magalang na yumukod kay Grayson-- ang Amerikano niyang ka-duel ngayong araw. Nang tumuwid siya nang tayo, agad siyang naging alerto.
Isinabay ni Grayson ang pagsigaw sa pagsugod nito, ang dulo ng espadang kawayan nakaturo sa kanya. Mabilis niyang sinalo ang pag-atake nito at sinalag iyon ng hawak niyang sandata bago ito buong lakas na tinulak. Malaking tao si Grayson, a little over 6 feet in height. Subalit napaatras ito nang itulak niya. Halatang hindi ito handa. She then extended her arm and point the tip of her weapon at Grayson's neck. Grayson sighed and cussed under his breath.
"Grayson, you're out!" pahayag ni Sir Maxwell.
Grayson tsked and walked away from the sparring platfrom. Nagtawag ulit si Sir Maxwell ng makakalaban niya sa sword duel. Tinawag nito si Garcia, ang mexican na partner ni Grayson. Mabilis nitong kinuha mula kay Grayson ang wooden duel sword bago naglakad patungo sa sparring platform.
She heaved a deep sigh. Kailangan pa niyang makatalo ng lima sa mga kasama niya bago siya matapos sa sword duel. Maisip pa lang niya napapagod na siya.
It has more than three weeks since she started the control room probation. Subalit patuloy pa rin ang weapons training nilang mga naiwan sa in-house training. At kahit na magaan ang trabaho sa control room dahil validation ng intelligence reports lang naman ang madalas pinapatrabaho sa kanila doon, mas gusto pa rin niya ang ganito na nasa combat training siya. Mas nabubuhay ang dugo niya sa combat training. Hinahanap ng katawan niya ang aksiyon. Aksiyon na wala sa control room at intelligence gathering.
Kahit pa mas intensified na ang combat training nila ngayon at totoong nakakasakit na ng katawan dahil mas pinahaba na ang kanilang training hours, mas gusto pa rin niya iyon. Pakiramdam niya kasi trabaho lang ng mga petiks ang ginagawa roon sa control room. At hindi siya taong petiks upang maburo sa control room.
Mabuti nga at ilang araw na lang matatapos na ang control room probation niya. Sa wakas makakalabas na siya roon. At kapag nakalabas na siya roon para sa field probation, she will start counting the days until she sees Dax again.
Dax.
Kumurap siya nang kusang kumabog ang dibdib niya nang maalala si Dax. Iniisip niya kung kumusta na ito. Kung maayos ba ang mga kasama nitong mga senior protectors. At kung gaya niya, iniisip din siya nito.
Wala sa sarili niyang sinalat sa leeg niya ang kuwintas nito. Maayos iyong ikinukubli ng suot niyang uniporme. And everytime she thinks of him. She'd touch the necklace and look forward to the day that they'll meet again. Gaya ngayon.
Sa totoo lang, minsan nawi-weirduhan siya sarili niya. How can she expect more from Dax, from them, when she knew too well that whatever they had as kissing friends, will remain as that? Dahil pagbali-baliktarin man ang mundo, nakatali ang buhay nilang dalawa sa The Organization. They might be enjoying what they have now but she knew, when push comes to shove, their duty as protectors will come first.
"Cortez, bow!" marahas na utos ni Sir Maxwell. "What's wrong with you? Were you daydreaming in the middle of a sword fight?"
She mentally shook her head. She quickly dismissed Dax from her thoughts and focused on the task at hand.
"I-I'm s-sorry, Sir," aniya bago tarantang nag-bow sa harap ni Garcia.
Ngumisi lang si Garcia sa kanya at umiling. Maya-maya pa, nag-umpisa na ulit ang duwelo. Garcia is a weak opponent. Ilang beses na niya itong naka-duwelo at pamilyar na siya sa galaw nito. Sumusugod ito pero walang lakas, walang diin ang bawat hampas nito ng espada. Parang wala itong balak na manakit ng tao kahit kailangan. Kung sabagay, noon pa niya napapansin na magaling ito sa intelligence work. Baka doon ang forte nito. Sumugod ulit ito, malamya. She quickly turned. Pagharap niya rito, saktong nakaamba na ang espada niya sa leeg nito.
"Garcia, you lose. Good job. Cortez!" anunsiyo ni Sir Maxwell bago muling nagtawag ng makakalaban niya.
Maya-maya pa, bumukas ang pinto ng training hall. Iniluwa niyon ang bulto ni Chief. Kasunod nito ang close-in detail nito na si De Rossi. Tipid itong ngumiti nang makita siya. Tinanguan niya ito.
She'll think of Dax later, she decided. For now, she needs to impress Chief.
Nang matawag ni Sir Maxwell ang susunod niyang kalaban, tinalo niya ito in just three moves.
When she looked at Chief again, he gave a satisfied and proud smile.
Ngumiti na rin siya. Right at that moment, she promised herself she'll only do things that would make Chief smile like that more in the future.
-----
Abala sa pakikinig ng tapped phone recordings si Andie sa control room nang tawagin siya ni Sir Maxwell sa opisina nito. Maingat niyang inalis ang headset sa tenga niya at umalis sa upuan niya sa control room. Sinenyasan pa niya si Kevin na abala rin sa pakikinig ng recording bago siya tuluyang lumabas.
Tinalunton niya ang daan patungo sa opisina ni Sir Maxwell. Pagdating niya roon, napansin niyang nandoon din si Chief.
"Sir? Chief?" tawag niya sa mga ito sa alanganing tinig.
Si Sir Maxwell ang unang kumilos. Sandali itong tumipa sa laptop nito bago in-on ang plasma TV. Tumambad sa kanya ang mukha ng isang lalaki na hindi man niya kilala ay alam niyang may ginawa nang hindi maganda.
"Vladislav Chenkov, a Russian weapon's dealer, will attend his friend's birthday party in Paris. Our intel said that they will be closing a deal with a French couple connected to a local arms dealer at Orléans whose client is a mob group. The CIA wants us to intercept the deal. You will go undercover as the French couple. You will pose as the wife. Lavigne will be the husband."
Napakurap siya. Kusang kumabog ang dibdib niya. Tama ba ang dinig niya. "L-Lavigne, Sir?"
Tumayo na si Chief mula sa swivel chair. Tumitig ito sa kanya bago nagbuga ng hininga. Nilapitan ito ni Sir Maxwell. Pabulong na nag-usap ang dalawa.
"Lavigne knows the language, Sir. He is perfect for the job. And Cortez is the only available female protector we have right now. We have no choice," narinig niyang sabi ni Sir Maxwell.
Salubong ang mga kilay ni Sir Chief na muling bumaling sa kanya. Maya-maya pa, lumambot ang mga mata nito at naglakad palapit sa kanya.
"You will fly to Paris this evening, Andrea. Get yourself, ready," sabi ni Chief. Alanganin pang tinapik ang balikat niya bago ito tuluyang lumabas ng silid.
Naghalo ang kaba at excitement sa dibdib niya. Hindi na niya matukoy kung dahil ba sa sasabak siya sa unang misyon niya o dahil ba sa makikita niya ulit si Dax kaya ganoon ang nararamdaman niya. Isa lang ang sigurado siya, she will never let Chief down.
Muli siyang nakinig sa briefing ni Sir Maxwell sa sumunod na ilang minuto.
-----
Inayos ni Andie ang suot niyang trenchcoat bago siya tuluyang lumabas mula sa Charles de Gaulle Airport sa Paris. Bahagya pa siyang napahawak sa sa itim na wide brimmed fedora hat niya nang bahagyang humangin. It's a little over one the afternoon, subalit malamig pa rin ang paghaplos ng hangin.
This is the first time that she traveled alone in a foreign country. At paulit-ulit niyang ini-rereplay sa isip niya ang mga instructions ni Sir Maxwell sa kanya.
Kailangan niyang sumakay ng taxi papunta sa sa isang hotel located near the heart of the city.
Nagbuga siya ng hininga at pinakalma ang sarili. Pumara siya ng taxi at sumakay. Baluktot ang French niya. Pa'no, nag-crash course lang siya ng French kagabi habang sakay siya ng eroplano. At aminado siya, pilipit ang dila niya. Buti na lang nakakaintindi ng English ang driver ng cab. Kaya naman mabilis silang nagkaintindihan.
The travel from the airport to the city is over an hour. Kaya naman binusog niya nang husto ang kanyang mga mata sa tanawin ng Paris. The country is welcoming. With the bright afternoon sun bathing and surrounding her, it instantly gave her a feeling of happiness. Panandalian din niyang naiwaglit ang kaba na kanina pa niya nararamdaman. Pakiramdam niya, bata siya ulit at nasa isang masayang field trip.
Malaking tulong din na friendly at accomodating si Jean-Pierre, ang cab driver. Madaldal ito. Puwedeng tourguide.
Maya-maya pa, tumigil ang taxi sa tapat ng isang modernong hotel. Agad siyang nagbayad ng pamasahe. She even gave Jean-Pierre a tip. Pagkatapos niyon, dumiretso siya sa reception.
"Bonjour! Reservation pour Veronique Granger," sabi niya in a perfect French accent. Sa lahat ng inaral niya kagabi sa crash course niya sa French, iyon lang 'ata ang nakuha niya ang tamang pronunciation.
Ngumiti ang recepcionist. "Un instant s'il vous plait," anito bago tumipa sa computer nito. Inayos naman niya ang pagkakasuot niya sa heavily tinted shades at sumbrero niya. Kabilin-bilinan ni Sir Maxwell na kailangan niyang pangalagaan ang identity niya.
"Chambre 804," sabi ng receptionist maya-maya. Inilahad pa ang kamay patungo sa direksyon ng elevator.
Bahagya siyang tumango. "Merci," sabi niya bago tuluyang naglakad patungo sa lift. Saka lang siya ulit nakaramdam ng kaba nang gumalaw na ang lift. Kung bakit? She had no idea.
Maybe because after almost a month, magkikita ulit sila ni Dax. Para siya talagang gaga. Sa basagan ng mukha at sakitan ng katawan ni hindi siya kinakabahan nang ganoon. Ngayon lang ulit na makikita niya ulit si Dax. Wala namang bago doon. Wala ngang bago pero kasi maraming naglalaro na eksena sa isip niya.
Dapat na ba niyang ibalik ang kuwintas nito? Or should she keep it some more? H'wag naman pa sana. She likes keeping the necklace for him. Pero pa'no kung hingin na nito pabalik ang kuwintas nito? Ibabalik ba niya nang hindi niya ito napipingot o nadadagukan?
Napangiwi siya. At bakit niya sasaktan si Dax kung gusto na nitong bawiin ang kuwintas nito e hindi naman kanya 'yon? Pinatago nga lang.
Kumurap siya. Wala sa sariling hinawakan ang pendant ng kuwintas sa leeg niya.
And then she realized, the necklace was more than a necklace. It represents a promise. An unspoken promise between her and Dax.
Tumunog nang pabukas ang elevator. Humakbang siya palabas at tahimik na tinalunton ang walang katao-taong hallway. The tiled floor was white granite with streaks of gold. Maganda ang contrast niyon sa oakwood doors na may modernong disenyo.
Maya-maya pa, tumapat na siya sa Room 804. She took another deep breath and knocked hesistantly. Ilang sandali pa, bumukas iyon. Her heart instantly skipped a beat when Dax greeted her with a smile. He looked... different. He is unshaven pero guwapo pa rin. With his looks, he's giving out an unruly and naughtier aura. And she must admit, she likes it.
"Hello, mon cherie," sabi pa nito bago niluwangan ang pagkakabukas ng pinto. Ito na rin ang kumuha ng hawak niyang bag. Alanganin siyang pumasok ng silid. Agad niyang tinanggal ang suot niyang fedora hat at sunglasses.
She anxiously pressed her lips and tried to survey the room. The room was fine. Light was pouring out from the big windows. And the high-ceiling gave it a more airy feel.
Good, naisip niya. Mas marami siyang mahihingang oxygen. Sigurado siya, mamaya lang, malulunod na naman siya sa presensiya ni Dax at mahihirapan na naman siyang huminga.
Nang humarap si Dax, sinalubong niya ang tingin nito. Nakita niya kung paano nagbago ang tingin ng mga mata nito. From light, to dark, to mysterious.
"W-what?"
"I missed you," anito bago humakbang palapit sa kanya. Hindi siya agad nakapagsalita. Bumaba ang tingin nito sa kuwintas na nasa leeg niya. "You're wearing my necklace," bulong nito habang ipinapasada ang daliri nito sa kuwintas.
"Y-you asked me to keep it," she said in a shaky voice. "But... if you want to take it now, I can give it back."
He smiled. "Keep it some more, Andrea."
Hindi siya sumagot. She just looked at him. Maya-maya pa, tumitig na rin ito sa kanya bago masuyong hinaplos ang pisngi niya. Lalong kumabog ang dibdib niya. Pakiramdam niya, nalulusaw na naman siya. Nagiging mahina.
"I want to kiss you," bulong nito.
"Kiss me," she replied hurriedly.
Dax held her closer before lowering his head on her face. Subalit bago pa man tuluyang maglapat ang kanilang mga labi, bumukas ang pinto. She almost jumped away from him.
"Sorry, I'm late. The CIA has some quick errands for me," anang lalaking bagong dating.
He was tall and had a striking gray eyes. Sigurado siya, gaya ni Dax may lahi rin itong banyaga. Mabilis nitong ibinaba ang laptop bag na bitbit nito sa sofa bago dumiretso sa mini ref at kumuha doon ng bottled water.
"What the hell, Carlo!" angil ni Dax dito.
"What? What did I do?" tanong nito bago muling humarap sa kanila. Noon nagtama ang mga mata nila. Agad nagsalubong ang mga kilay nito. Kapagkuwan ay ngumisi bago bumaling kay Dax.
"Siya ba 'yong sinasabi mo sa 'kin?" anito, nakangisi pa rin.
"I told you nothing, psycho!"
Natawa na ang lalaki. Hinimas pa ang baba nito bago sumulyap sa kanya.
"Were you in the middle of... something?" tanong nito sa kanya. Napakurap siya. Pinamulahan ng mukha.
"Tumigil ka na Carlo!" gigil na saway ni Dax.
Humugong na ang lalaki. Inabot nito ang balikat ni Dax at minasahe iyon kunwari. "Chill out, psycho. I was just asking." Muli itong bumaling sa kanya. "I'm Carlo Reyes. Bestfriend ni Dax. Nauna lang ako sa inyo ng 2 years sa Org. I am working as a protector and ghost in the CIA," sabi nito.
Ghosts are the IT specialists in the CIA. They can manipulate the cyberspace and leave no trace after hence the name.
Tinanguan niya si Carlo. "Andrea Cortez. You can call me Andie," pormal niyang pagpapakilala sa sarili bago nakipagkamay dito.
"Nice to meet you, Andie," sabi nito bago nagmamadaling inilabas ang laman ng bag nito. Pagharap nito sa laptop nito, biglang nagbago ang aura nito. " Okay, lovebirds. Work starts now," pahayag nito bago tumipa sa keyboard.
Nagkatinginan silang dalawa ni Dax. He gave her a reassuring smile before mouthing the word later. Whatever he meant by that she's not quite sure.
However, later came after two hours when Carlo went out of the room to answer an important call. Dax kissed her and more.###
2422words/10:43pm/08272021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro