Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12: Token

Humugot ng malalim na hininga si Andie habang nakatutok ang mga mata niya sa nakangising si Dmitri. Today she finally gets the chance to spar for their hand-to-hand combat training-- her forte. Ilang linggo na niyang hinihintay iyon. Six weeks to be exact. At masuwerte siya dahil sa dinami-rami nilang APs, si Dmitri ang ka-sparring niya. Dmitri displayed his arrogance and intidimation with his grin. But she stood there unfazed. She's silently rejoicing actually. For at last, she'd get a chance to legally punch and kick the bastard Dmitri in the face!

Nagsalita si Sir Maxwell, pinaalala nito ang rules sa sparring session nilang iyon. They are using Krav Marga. One of the least restrictive and most efficient combat style. Subalit wala doon ang atensiyon niya, na'kay Dmitri na panay pa rin ang ngisi sa kanya. Idagdag pa ang bulong-bulongan ng mga kasama nito na pawang nakapaligid sa kanila at nakaupo sa matted floor ng training hall.

Napairap na siya. She knew Dmitri was just trying to annoy her so that she'd attack in anger. Gano'n ang ginagawa ng mga ito e na nakalipas na mga sparring sessions. Binubuyo ng mga ito ang hindi nila kasama upang mawalan ng confidence o kaya naman upang umatake nang galit.

The first rule in hand-to-hand combat, one should never attack in anger but always with wise precision.

Muli siyang humugot ng hininga, nagpakalma. She quickly calculated in her head the exact way to put Dmitri and his pride down.

"The first man down, lose. Remember, without mercy," ani Sir Maxwell, pinaglipat-lipat pa ang tingin sa kanilang dalawa.

"Yes, Sir!" sabay nilang sagot ni Dmitri.

Tumango si Sir Maxwell. Iminuwestra nito ang mga kamay at pinaglapit silang dalawa sa gitna ng hall. Sabay silang nag-bow. Nang umayos ang tayo nila, umpisa na. Umpisa na ng laban.

Unang sumugod si Dmitri. Tinulak siya nito sa balikat gamit ang dalawang kamay nito. Napaatras siya ng ilang hakbang subalit muli din siyang lumapit dito. Inulit nito ang pagtulak sa kanya. Mas malakas. Muntik siyang mapaupo subalit naagapan niya.

"C'mon, zhenshchina, fight!" gigil na sabi nito. Inutusan pa siyang lumapit gamit ang kamay nito.

This man is really hopeless, she thought. Kawawa ang ultimate client nito. Kung pagkatapos ng training ay talagang magiging ganap na protector ito. Because from the way she sees it, kapritso lamang ang pagpasok nito sa The Organization. Mukhang hindi lang ito nahindian ni Chief. Maimpluwensiya ang pamilya nito e. Minsan na rin naging ultimate client ang angkan nito. Or so she heard.

Damn entitled bastard!

Muli siyang lumapit sa lalaki. Hindi pa siya nakakarating sa gitna ng sparring area nang muli itong sumugod, aiming to push her again. She quickly made a side-step to block his attempt. Kamuntikan na itong ngumudngod subalit agad na nakabawi ng balanse. Mabilis siya nitong hinarap. Nagtangka ulit itong sumugod, subalit mabilis niyang sinapo ang baba nito at pilit itong pinatingala. Nagulat ito at naubo. Agad din niya itong binitiwan at makailang ulit na umatras.

Agad nitong hinawakan ang leeg nito bago siya pinukol ng masamang tingin. He was cursing her with his eyes. She smiled, satisfied.

Clearly pissed, muling sumugod si Dmitri. She readied her stance. He tried to attack her with a left jab of which she blocked with her palm. He tried to hit her again with a left punch but she blocked it off again with her palm. She even gave him a quick slap on the face, enraging him more.

"Ty naryvayesh'sya, zhenshchina!" gigil na sabi nito bago siya nito tinangkang suntukin gamit ang kanang kamay nito. She made a side step and block the blow with her elbow. He extended his right arm to punch again but she block it off again with her elbow. Dmitri cussed at her, pissing her off. Seeing an opening for a straight attacj, she gave him a two quick punches on his right jaw bago niya inigkas ang mismong siko niya sa ilong nito.

The annoying bastard feel on the floor bleeding and disoriented.

"I am not, zhenshchina. My name is Andrea," she said in between breaths before going back to her seat in the crowd.

Her fellow APs cheered for her. Si Kevin, niyakap pa siya. Gano'n din si Ivan, umakbay pa sa kanya habang binibigyan siya ng tuwalya at tubig.

Tinulungan ng mga kagrupo nito si Dmitri. Dinala nila ito sa infirmary. Nagtawag ulit si Sir Maxwell ng dalawang APs na susunod na sasalang sa sparring. Sunod na natawag sina Ren At Alessandro.

Noon nagtama ang paningin nila ni Dax. Saglit lang. But it made her heart ache.

It has been six weeks since they last talked. Mula nang mag-switch silang dalawa ng partners and that hot goodbye kissing session they had in the bathroom, umiwas na ito sa kanya. Sa mess hall, he'd act like he didn't know her kahit na sa isang mesa lang silang lahat na kumakaian gaya nang dati. Even in trainings, kusa itong lumalayo sa kanya. Gaya ngayon, nakaupo ito sa bandang likuran. Malayo sa partner nitong si Alessandro na nakapuwesto malapit sa kinauupuan nila ni Kevin bago ito tinawag sa sparring.

Kung anong pinaglalaban nito? Malay niya. Ayaw na rin niyang mag-isip. Nakakapagod na.

Ayaw din naman niya itong kausapin. Ayaw niyang magtangka baka mahiya lang siya. Kaya ganito sila ngayon, naghalikan pero parang hindi magkakilala.

Kung sabagay ayos na rin siguro 'yon. Alam niyang wala silang future ni Dax. Kung meron man, parang malabo. Kailangan nilang maging protector na dalawa e. Parehas silang nakatali sa mga pangako.

Siniko siya ni Kevin. "Andeng," tawag nito sa kanya.

Agad na dumiretso ang likod niya. "H-ha? Bakit?"

Humugong ito. "Tawag ka ni Sir Maxwell."

Nang balingan niya si Sir Maxwell, hindi naman ito nakatingin sa kanya. Abala itong nagbibigay ng instructions kina Ren at Alessandro.

Sinamaan niya ng tingin si Kevin. Natawa naman ito at pinindot ang ilong niya.

"Tulala ka na naman kasi e. Bakit ba?" anito, nakangiti pa rin.

Umiling siya. "Wala. Napagod lang."

Agad nitong kinuha ang mga kamay niya at hinaplos ang namumula pa niyang kamao. "Masakit?"

"Hindi. Sanay na 'kong suntukin ka e. Sintigas ng mukha mo ang mukha ni Dmitri," natatawang sagot niya.

Nalukot ang mukha nito at mabilis na binitiwan ang mga kamay niya. Nagreklamo ng pabulong.

Muli siyang natawa. Mula nang maging partner niya si Kevin, nagi-sparring sila tuwing free time nila. Hindi lang sa Krav Manga kundi pati na rin sa paggamit ng iba-ibang weapons. Minsan, sumasama rin si Ivan sa kanila. Bitbit pa nito si Ren. Gano'n din sina Alessandro at Dax. Pero hindi pa sila nagkaroon ng pagkakataon na mag-spar ni Dax. Na mabuti na rin.

Kung may naidulot na maganda ang pagsu-switch nila ng partners ni Dax, iyon na siguro 'yon--naging mas focused sila sa training. Not only that, the switch reminded her of her purpose and promise. Hindi gaya noong partners pa sila ni Dax. Naghahangad siya ng mga bagay na hindi dapat.

Gaya ni Dax.

She shook her head. Bawal si Dax, kaya bawal sila. At mananatili iyong gano'n hanggang hindi niya alam kung kailan.

Maybe she'll get over him. Maybe she'll forget about their passionate kiss na mukhang walang meaning. Maybe, in time, she'll forget about him too. Kung kailan, hindi pa rin siya sigurado. Isa lang ang alam niya, may isang sulok sa puso niya na umaasa. Umaasa na sa malayong bukas baka nga puwede rin sila.

Mabilis niyang nilingon ang kinaroroonan nito, sa likod. Ngunit wala na ito doon. Nang ipagala niya ang tingin, nakita niya ito na nasa bandang kaliwa niya. It was the closest he had ever been to her since six weeks ago. Kaya naman agad na kumabog ang dibdib niya. Kusa na ring namula ang pisngi niya.

Dax gave her a heart-stopping smile before mouthing you did good. Pinilit niyang gantihan ang ngiti nito pero mas pakiramdam niya ngiwi ang nagawa niya. Mahina siyang nag-thank you dito bago muling ibinalik ang tingin sa harapan niya.

Nakatingin siya sa iba pero nararamdaman niya ang pagtitig ni Dax sa kanya. She was becoming aware of Dax again. She even had a whiff of his addictive scent. At pigilin man niya, lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya sa nalamang malapit lang ito.

She mentally shook her head and reminded herself that what she's feeling for Dax is forbidden. Unlawful. Unsanctioned.

She had to endure an entire hour knowing Dax is near while pretending his presence does not bother her . Saka lamang bumalik sa normal ang pitik ng puso niya nang tuluyan siyang makabalik sa quarters nila.

-----

"Andeng, saan mo gustong mag-probation?" tanong ni Kevin sa kanya. Nakahiga sila sa kani-kanilang mga kama. Malapit na rin mag-lights out.

Sa susunod na linggo, under probation na silang mg APs. Magtatalong buwan na kasi sila doon. And the next phase of their training is probation. Ibig sabihin, sasama na sila sa mga Protectors na nasa field. They will experience to be a part of a real mission kung meron man.

"Hindi ko pa alam e. At saka mapipili mo ba 'yon? 'Di ba may rotation tayo?" sagot niya, bahagya pang nag-inat. Mayroong dalawang phase ang probation, sa control room at sa field.

"Gusto ko sana sa field agad. Nababagot na 'ko dito e. Namimiss na kong makakita ng babae. Tang*na! Nagmumukha ka na ngang maganda sa mata ko e," natatawang sabi nito.

Agad siyang bumalikwas ng bangon at binato ito ng unan. Kinilabutan siya sa sinabi nito e. Ginaya siya nito sa pag-upo sa kama. Marahan nitong ibinalik sa kanya unan niya.

"Ba't ka ba nambabato, Andeng?" painosenteng tanong nito, nakangisi.

"E pa'no lintek kang ugok ka! Pinagsasabi mo!"

Humalakhak ito. "Ayaw mo no'n gumaganda ka na sa tingin ko. Ibig sabihin, unti-unti ka nang nagta-transform na tao," hirit ulit nito.

Tuluyan nang nalukot ang mukha niya. Gabing-gabi niya pinagtitripan pa rin siya ng kababata. Lintek talaga!

"So ano 'ko dati sa tingin mo, alien?" nakatikwas ang ngusong sabi niya.

Natawa ulit ito, binato siya ng unan nito. "Ito naman hindi na mabiro. Pinapatawa lang naman kita a. Mamaya niyan tumunganga ka na naman. Hindi ka na naman makausap nang matino. Ano ba kasi iniisip mo kapag gano'n? Susunod na ulam?"

Umirap na siya. Talagang ayaw siyang tantanan ng kababata. Binato niya pabalik dito ang unan nito. "Iniisip ko kung paano kita lalasunin nang walang nakakaalam para tigil-tigilan mo na 'yang pang-aasar sa 'kin."

Humugong ito, hinagod patalikod ang buhok nitong hindi naman kahabaan. "Sus! Para ka namang hindi iiyak kapag namatay ako."

Lalong nalukot ang mukha niya. "Talagang hindi ako iiyak! Magpapaparty ako!"

Natawa ulit ito, umingos kunwari. "Suplada nito! Ang pangit mo tuloy ulit."

Nanggigil na siya. Tuluyan na siyang bumaba sa kama at plinanong sabunutan nito. Kaya lang mabilis itong lumayo at lumabas ng quarters nila. Hindi na niya ito hinabol. Papatulog na siya. Ayaw niyang magpawis. Sinarili na lang niya ang gigil niya. Bukas o sa mga susunod na araw, makakaganti rin siya.

Bumalik din agad si Kevin sa quarters nila. Kuntodo ngisi pa rin. Hindi na lang siya umimik. Kagaya ito ni Ivan e. Kapag nakitang naiinis siya, lalong pinag-iigihan ang pang-aasar. Mga anak ng ugok talaga.

Tumagilid na siya ng higa, patalikod dito para matapos na ang pangti-trip nito sa kanya. Narinig na rin niya ang mahinang pag-ingit ng kama nito. Mukhang pagod na ang ugok at nahiga na. Sa wakas.

Napapapikit-pikit na siya nang bigla ulit itong magsalita. "Anong plano mo kapag naging protector ka na?"

"E 'di magtrabaho," mabilis niyang sagot.

"Hindi mo na babalikan ang nanay mo?"

"Babalikan ko. Kung mahahanap ko sila. Ikaw?"

"Patay na raw si Nanay, Andie."

Agad na bumigat ang dibdib niya, pinigil niya ang mapasinghap. Unti-unti siyang bumangon sa kama at hinarap ito. Nahiga si Kevin, nakaharang ang braso sa mga mata nito. Hindi man niya makita, alam niya, umiiyak ito.

"K-kailan pa?" alanganin niyang tanong.

"Noong isang buwan lang daw sabi ni Chief."

"K-kailan mo nalaman na--"

"Noong isang araw, naglakas-loob akong lumapit kay Chief. Pinahanap ko sila Nanay para sana pagkatapos ng training, makumusta ko man lang sila pero... Kanina ko lang nalaman." Humugot ito nang malalim na hininga. Alam niyang sinusubukan nitong magpigil ng emosyon. Doon ito magaling, sa pagpipigil ng emosyon. Sa pagkukunwari.

Kaya minsan, kahit na matagal na silang magkaibigan, misteryo pa rin ang pagkatao nito sa kanya.

Hindi na siya nag-atubiling bumaba ng kama at lapitan ito. Umupo siya sa gilid ng kama nito at marahang hinaplos ang ulo nito.

"Nalulungkot ako para sa 'yo, Kev," aniya sa pinatatag na tinig. Hindi ito umimik. Huminga ulit ng malalim. "Hindi bale, nandito pa naman ako. Kami nina Ivan at Chief. Gaya nang dati, kami ang pamilya mo."

Hindi ulit ito umimik. Makailang ulit na humugot nang malalim na hininga. Maya-maya pa, inalis nito ang braso sa mga mata nito at hinawakan ang kamay niya. Pilit itong ngumiti bago, "Andeng, salamat."

-----

Marahang ipinapaikot ni Elias ang ice sa baso ng alak na hawak niya. That night is different. Dinalaw siya ng mga pagsisisi at kaba para sa hinaharap na hindi pa niya alam kung kailan siya hahabulin upang pagbayarin.

Hiling lang niya na sana, bago siya mahabol ng nakaraang kanyang tinakasan, handa na siya. O mas tamang sabihing sana bago pa man mangyari ang kanyang mga kinakatakutan, naihanda na niya ang lahat.

Sumimsim siya sa kanyang baso. Ninamnam niya ang pait na gumuhit sa kanyang lalamunan. Para sa kanya, iyon ang paunang lasa ng parusa. Muli siyang sumimsim sa baso ng alak na hawak niya habang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga paalala mula sa nakaraan na tila napakalayo na subalit ikinukulong pa rin siya.

Nnag maubos niya ang alak sa kanyang baso, maingat niya iyong ibinaba sa mesa.

Buo na ang pasya niya. Kailangan na niyang maghanda. Kailangan na niyang siguruhing handa ang lahat.

-----

Malas. Minsan pangyayari, madalas siya.

Napabuntong-hininga si Andie nang makita niya ang nakasulat sa hawak niyang papel. Control room. Iyon ang nakasulat sa kapirasong papel na nabunot niya. Ibig sabihin isang buwan pa silang mabuburo ni Kevin doon subalit naka-assign na sila sa control room.

Tikwas ang nguso niyang lumapit kay Kevin at inabot ang kapirasong papel. Pumalatak agad ito nang mabasa ang nakasulat doon.

"Ang malas mo talaga Andeng sa kahit na anong raffle draw," sabi ni Kevin, napakamot pa ng batok.

"E sinabi ko naman kasi sa 'yong ikaw na ang bumunot, 'di ba?" napapairap na sabi niya.

"Sa'n kayo? Sa Zurich ako. Sa President ng isang IT company," si Ivan nang lumapit ito sa kanila. Sinilip na nito ang papel na hawak ni Kevin. Palihim itong natawa. Sandaling nakipagbulungan kay Kevin. "Ano ba 'yan, Andie? Ang malas mo talaga sa raffle draw."

Nag-apir na ang dalawang ugok. Umikot na rin ang mata niya. Hindi naman siya ganoon kagalit, pero gusto niya talagang manakit!

Nagsalita si Sir Maxwell. Nagpaalala lalo na sa mga tutungo sa probation sa field na kailangan na nilang maghanda dahil bukas na ang deployment ng mga ito. Halos kalahati rin sa kanila ang aalis bukas. Sigurado siya, matatahimik nang husto ang mga quarters.

Si Dax kaya at Alessandro, saan made-deploy?

Mabilis siyang umiling. Hindi na niya dapat iniisip 'yon. Dapat ang focus niya sa sarili niyang probation. Tahimik silang lumabas sa training hall at dumiretso sa mess hall.

Doon niya nalaman na pati sina Dax at Alessandro naka-field deployment din for probation. Sa Paris to be exact.

Ibig sabihin, matagal-tagal niyang hindi makikita si Dax.

Pasimple siyang sumulyap dito. Muntik pa siyang mahirinan nang matanto niyang nakatingin din ito sa kanya. Agad siyang tumungo sa plato niya at ibinuhos doon ang buong atensyon kahit na naiilang na siya.

Maya-maya pa, natapos na silang kumain. Sunod-sunod silang nagsilabasan sa mess hall. Subalit naramdaman niya ang paglapit ni Dax sa kanya. Hindi ito nagsalita. Palihim lang na may isiniksik sa kamay niya. Hindi niya agad tinignan 'yon. Saka na lang niya tinignan nang makabalik siya sa quarters nila ni Ivan.

Maliit iyon na papel na may nakasulat na, Training hall, 8:00 pm.

Napakunot noo siya. Mabilis na tinignan ang digital watch sa dingding. Three minutes before 8 in the evening.

Kumabog ang dibdib niya nang bumukas ang pinto at iluwa niyon si Kevin.

"O hindi ka pa magsa-shower?" anito.

Sandali siyang nataranta. She decided to lie. "Mauna ka na. Puntahan ko lang si Ivan. May ibibilin ako," aniya, napapangiwi. It's the first time that she lied to Kevin. Nakukunsensiya siya pero hindi gaano. Mas mabigat ang kagustuhan niyang makita at makausap si Dax.

Tumango lang ito bago pinulot ang tuwalya at tuluyan nang pumasok sa banyo. Nagmamadali naman siyang lumabas ng quarters nila. Halos takbuhin niya ang lift. Pagbukas niyon, she quickly stepped inside it and press UG 2. Pagdating niya sa floor, walang tao. It's a given. Saka lang nabubuhay ang floor na iyon tuwing umaga at hapon.

Nagmamadali niyang tinalunton ang hallway patungo sa training hall. Subalit hindi pa man siya nakakarating doon, namatay ang ilaw ng hallway at may humila sa kanya patungo sa kung saan.

Maya-maya pa, nakarinig siya ng pagsara ng isang pinto. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Dahil bukod sa may kamay na nakatutop sa bibig niya, ang bigat ng kung sinumang humila sa kanya ay sumisiksik sa kanya sa dingding. Gusto niyang manlaban kaya lang natataranta siya. And the distinct smell coming from a cleaning agent is confusing her all the more. Maya-maya pa, nakarinig siya ng click.

Nagliwanag ang paligid. Unang sumalubong sa kanya ang mukha ni Dax. Noon niya napansin na sa lighter na hawak nito nanggagaling ang malamlam na ilaw na pumupuno sa silid na alam na niya ngayong janitor's room. Doon sila kumukuha ng cleaning materials and supplies noong naparusahan silang maglinis.

"We only have three minutes. That's the longest the light from the hallway can be out," anito, nagmamadali.

It took her sometime to relax. Tumango siya pagkatapos. Noon nito inalis sa bibig niya ang kamay nito. He quickly fished something from his pocket. It was his mother's necklace. Agad nito iyong binigay sa kanya.

"Why--"

"I want you to wear it while I'm away," sabi nito.

Napakurap siya. "H-ha?"

"Two months is a long time. Ayokong makalimutan mo 'ko," sabi nito bago inilagay sa kamay niya ang kuwintas nito.

Two months. Tama, dalawang buwan silang hindi magkikita dahil pagbalik nito para sa control room probation nito, siya naman ang lalabas para sa field probation.

Naguguluhan siyang tumingin dito. "A-akala ko ba... w-wala na 'to. 'Di ba dapat wala na 'to?"

Tumunog ang tactical watch nito. "Dammit! That's two minutes," anas nito. He threw a heated glance at her. "Just keep my necklace, Andrea. Kukunin ko kapag nagkita tayo ulit."

Napakurap siya, niyuko ang hawak niyang kuwintas. Naguguluhan siya. Bakit ibibigay ni Dax ang kuwintas nito sa kanya kung wala lang silang dalawa gaya nang inaakala niya nitong nakalipas na anim na linggo? Ibig bang sabihin...

Kumurap siya. Time is of the essence. Hindi siya dapat nag-iisip muna ng kung ano-ano

"W-wala akong puwedeng ibigay sa 'yo, Dax--"

Agad nitong inilapit ang bibig nito sa kanya. Pinatay na rin nito ang lighter. Hindi na malinaw ang mukha nito subalit ramdam na ramdam niya ito. His hot minty breath fanning her face brought her out of reverie.

"A kiss would suffice, Andrea," he said before crushing his lips on hers.

The kiss was langourous, taking its time; melting every hesitation she have had. Dax tasted of sweet nothings. Of tomorrows. Of promises. And she's too weak not to respond-- not to submit.

They were breathless when the delicious kiss ended.

"See you," bulong nito. His hands still cupping her face.

"S-see you," she replied in a shaky voice. She's still reeling from the kiss.

She heard him opened the door for her. After another brief kiss on the lips, he let her go. Nagmamadali siyang lumabas ng janitor's room at naglakad patungo sa lift. Papasara na ang lift nang muling mag-on ang ilaw sa hallway ng training hall.

Her heart was pounding, happily. Napatingin siya sa hawak niyang kuwintas at muling napangiti.###

3407words/6:35pm/08262021















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro