Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11: In The Absence

"Andeng, ayos ka lang?" pukaw ni Kevin Kay Andie. Agad siyang napatuwid ng upo sa harap ng hapag. For the nth time since this morning, tulala na naman siya.

Agad na lumipad ang mga mata niya sa puwesto ni Dax. Patuloy lang ito sa pagkain na parang walang narinig.

"Ha?"

"Tinatanong ka ni Ivan, gusto mo raw ba sumama mamaya, practice shooting ulit," pag-uulit ni Kevin.

"A... 'yon ba? O-oo, puwede naman," aniya bago muling tumungo sa plato niya. Inabot din niya ang mug ng kape niya at pasimpleng sumimsim doon. Marahan din siyang sumulyap sa puwesto ni Dax only to catch him staring at her too! Nahirinan siya sa gulat. Agad niyang ibinaba ang mug niya sa mesa at umubo.

"Ano ba 'yan, Andeng? Sabi nang dahan-dahan kasi sa pagkain," ani Kevin, napapalatak. Inabutan siya nito ng bottled water bago hinagod ang likod niya.

Nang umayos ang lalamunan niya, wala na siyang mukhang maiharap sa mga kasama sa mesa.

"I-I'll go ahead," aniya. "Shower lang ako then sa shooting range na 'ko," nagmamadaling dugtong niya bago tuluyang tumayo at naglakad palayo.

Nang makarating siya sa lift, doon pa lamang siyang nakahinga ng maluwag. Pagod siyang napasandal sa dinding niyon. Mabuti at wala siyang ibang kasabay.

Wala sa sarili siyang napahawak sa dibdib niya. Palala nang palala ang epekto ni Dax sa kanya. Kapag malapit ito, natataranta siya, natutula, at nahihirapang huminga. Tapos kagabi, pinag-alala siya nito nang husto dahil hindi niya alam kung saan ito natulog. Muntik na siyang magtawag ng search party. Buti na lang bumalik ito bago ang wake-up call nila kaninang madaling-araw. Pinag-alala siya nito nang husto.

Hindi kaya ang lintek ang maging sanhi ng kamatayan niya?

"Lintek na 'yon," bulong niya bago mabilis na ipinilig ang ulo.

Hindi. Hindi pa siya in-love kay Dax. Attracted lang siya rito. Oo 'yon lang 'yon. Matagal-tagal na siyang hindi nagkaka-crush kaya siya siguro naninibago.

Pagbukas ng lift, agad siyang lumabas at dumiretso sa quarters nila. Talagang sinadya niyang mauna sa quarters nila dahil hirap talaga siya kapag nandiyan lang si Dax sa malapit. Gusto niya munang mag-time out sa pagtulala nang hindi sinasadya.

Mabilis niyang kinuha ang tuwalya niya at nagtungo siya sa banyo. Mabilis siyang naligo at nagpalit sa kanyang training jumpsuit. Tinali na rin niya ang buhok niya kahit na hindi pa 'yon gaanong tuyo. Ayaw niyang magmabagal. Baka maabutan siya ni Dax doon, delikado.

Subalit paglabas niya ng banyo, naroon na si Dax sa tapat ng pinto. May nakapatong na tuwalya sa balikat nito.

Napakurap siya. Hindi pa man ito nagsasalita, natataranta na naman siya.

She thought of closing the door, pero mabilis siya nitong pinigilan. Lalo tuloy itong lumapit sa kanya. Agad niyang sinalubong ang mga mata nito. Na dapat pala, hindi niya ginawa. Dahil nag-umpisa siya ulit malunod. Malunod sa sari-saring emosyon. Emotions that have rendered powerless over and over. Emotions too strong for her to ignore. Emotions she had only felt for Dax.

"If you're done using the bathroom, you may step out,"anito, halos walang emosyon.

Kumurap siya ulit. Noon tumimo sa isip niya na mukhang wala naman palang balak gawin si Dax sa kanya na maari niyang ikatulala. He's just going to use the bathroom. Plain and simple.

She slowly stepped out of the bathroom, walked towards her bed and cussed under her breath. Nahihiya siya para sa sarili niya. What was she expecting Dax to do? Pin her on the wall and kiss her? Again?

Napasabunot na siya sa buhok niya, lihim na rin siyang napaungol. Nagiging isang laksa na siyang gaga.

Kagabi, hinindian na niya ang kung anumang damdamin ang namamagitan sa kanila nito. Tapos heto siya ngayon, nagpapalunod sa iba-ibang emosyon na may kaugnayan kay Dax at sa halik nito noong isang gabi?

Kumpirmado, gaga nga siya.

Muli siyang nagbuga ng hininga. She reminded herself again of the reason she was there: to become a protector, nothing else. At ganoon din si Dax, naroon ito upang maging isang protector. At walang puwang ang kung anumang nararamdaman niya para sa partner niya.

It's just a silly feeling, sabi niya sa loob-loob niya.

Right, just a silly feeling. Makakalimutan niya rin 'yon. Hindi naman kasi importante.

Maya-maya pa, may kumatok sa pinto. "Andie, nandiyan ka pa? Tara, na!" It was Ivan.

"Susunod na 'ko," mabilis niyang sagot bago nagmamadlaing sinuot ang kanyang combat boots.

-----

Lunch

Wala nang kasama sa shooting range si Andie subalit naroon pa rin siya. Sa totoo lang galing na siya sa mess hall, pero hindi siya kumain. Nag-attendance lang siya para makapasok doon si Dax. Hindi naman puwedeng dahil ayaw niyang kumain, hindi na rin kakain si Dax dahil sa kanya.

Masyado naman siyang abusada.

Hindi sa wala siyang ganang kumain. Sa totoo lang, gutom siya. Kaya lang, naiilang pa rin siya sa presensiya ni Dax.

Sa totoo lang wala naman itong ginagawa upang mailang siya. Siya lang talaga itong mahilig mag-interpret tungkol sa mga bagay-bagay.

Kaya heto siya ngayon, nasa shooting pa rin, trying to clear her head from the silly feeling.

Bumuntong-hininga siya bago siya nag-deploy ng target. Gugugulin na lang niya siguro ang free time niya roon hanggang sa schooling nila mamayang alas-tres.

Plano niyang maging crackshot gaya ni Ivan.

Kaya lang hindi pa man nakakarating sa puwesto nito ang dineploy niyang floating target, tumunog pabukas ang pinto ng shooting range.

Nang lingunin niya, nakita niya roon ang bulto ni Dax, naglalakad palapit sa kanya. Nagsimula na namang mataranta ang lohika niya.

What's he doing there? Sinusundan ba siya nito? Tapos na itong kumain? Ang bilis naman. Nananadya ba ito? Anong gagawin nito? Naghahanap ng pagkakataon para halikan siya ulit?

A, lintek! Hindi na siya magpapahalik! Ano ito sunuswerte? Sisikmuraan na niya--

Nalunok niya ang sunod-sunod na pagbabanta sa isip niya nang kusa siyang lampasan nito patungo sa katabi niyang line na parang hindi siya nakikita.

Kumurap siya, nanikwas din ang nguso. "W-what are you doing here?" tanong niya, nagsusuplada.

"This is a shooting range, Andrea. What else am I gonna do here but shoot," kaswal na sagot nito habang inaayos ang baril nito. Hindi siya agad nakasagot nang gumapang ang init sa pisngi niya. May point ito at napahiya siya nang slight. Nang matapos ito sa ginagawa, nag-angat ito ng tingin sa kanya. "What? May kailangan ka?" tanong nito, kaswal.

Kumurap siya, umiling. Aminin man niya o hindi, nadi-disappoint siya. Gano'n lang talaga 'yon? Matapos nitong makuha ang first kiss niya, windangin siya at patulalain siya nang paulit-ulit, gano'n na lang talaga 'yon?

What do you want him to do? Suyuin ka? Pilitin ka? You clearly drew the line last night. Hindi kayo puwede, panenermon ng isip niya.

Napilitan siyang bumalik sa line niya. Nag-concentrate siya, gigil na inasinta ang target. Ilang sandali pa, sabay silang nagpaputok ng baril ni Dax. Sabay din nilang ni-retrieve ang target.

Napairap siya. Wala siyang tinamaan. Nanginginig kasi ang kamay niya, hindi sa nerbyos kundi sa inis-- para sa sarili niya.

The silly feeling is getting the better of her and she can't help but feel stupid! E ano naman kung ayaw na siyang pansinin ni Dax? E ano kung hanggang halik lang ang gusto nito sa kanya at wala nang iba? What's the big deal anyway?

Inis niyang tinanggal ang target sa harapan niya at pinalitan iyon ng bago.

"You're anger won't help you with shooting, Andrea," narinig niyang sabi ni Dax. Nakatuon pa rin ito sa target nito bago marahang bumaling sa kanya.

"So what's with you if I'm angry," aniya. Inirapan pa muna ito bago muling dineploy ang floating target.

Dax chuckled. "Bakit ka ba kasi nanggigigil? C'mon tell me about it. I'm your partner, anyway."

The audacity! she thought

She scoffed and rolled her eyes. "Why would I tell you? It's not about you anyway," she replied casually before picking up her gun.

Kaya lang na-distract siya sa pagngiti nito. Lihim siyang napangiwi nang maramdaman niya ang pag-alon ng kung anong damdamin sa dibdib niya.

Damn it! Kasalanan 'to talaga ng halik. Kung hindi dahil sa halik na 'yon--

"Why did you kiss me, Dax?" bigla niyang bulalas. Napasinghap siya pagkatapos. Pati siya nagulat dahil naisatinig niya ang iniisip. Pero anong magagawa niya, nasabi na niya ang hindi dapat.

Dammit! Nasabi na siya. Paninindigan na niya.

Sandaling natahimik si Dax. Kung sasagot o hindi, hindi niya alam. His face was void of any emotions. Nakatitig lang ito sa kanya.

"Want to play a game with me?" anito maya-maya.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "H-ha?"

Ngumiti ito. Shit! Lalong gumuwapo.

"I said do you want to play a game with me?" pag-uulit nito.

"Ano namang game?"

"We're in a shooting range, Andrea. Malamang shooting game," anito, nanunudyo ang mga mata, nakangisi.

Nagsimula na siyang mainis. She laughed sarcastically. "Ang husay mong kausap, 'no?"

He chuckled. "Ito naman 'di na mabiro." Inayos na nito ang floating target nito at idineploy iyon sa kaparehas na distansiya ng kanya. Bumaling ito sa kanya pagkatapos. "Just one bullet, the closest to the center wins."

Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. "O e ano namang premyo?"

"I'll decide later," anito, nakangisi.

Nalukot na ang mukha niya. "Ano ba 'yan, ang labo! At saka bakit ikaw ang lang magde-decide?" Inilapag niyang muli ang baril niya.

Lalong lumapad ang pagngisi nito. "Kasi ako ang mananalo."

She scoffed. Tumikwas na ang nguso niya. Hindi malabong mangyari 'yon. Ito ang nagturo ng effective shooting sa kanya e. "Ayos ka rin, 'no? Hahamunin mo ang weakest link para magmukha kang magaling."

Tipid lang itong ngumiti. "Okay, if you win, you get to ask me a question and I'll answer it. Kapag natalo ka, I'll get to decide my prize."

Nagbuga siya ng hininga. Malabo pa rin. But at least she knows what she'll be getting, if she wins.

"Fine! Let's play your game, Mr. Lavigne," sabi niya bago muling pinulot ang baril niya. Inayos na rin niya ang earmuffs niya at eye protector. "One bullet to the center wins."

Tumango lang si Dax bago inihanda ang sarili. Segundo lang ang binilang, sabay na nilang inaasinta ang target. Maya-maya pa, umalingawngaw sa paligid ang pagputok ng bala.

Agad niyang pinindot ang retrieve button ng floating target. Malayo pa lang, nakita na niya, she shot near the center. Lihim siyang napaungol. Agad niyang tinanaw ang kay Dax.

The jerk shot the center, bullseye!

Napairap na siya. Well, she's expecting that. But still she won't get to ask him a question he's required to answer. Sayang.

Hinarap na niya si Dax. He was smiling from ear to ear. Then he began to fix his things. Isa-isa na nitong niligpit ang laman ng gun bag nito.

"Okay, you win. What's your... prize?" pukaw niya rito maya-maya.

Nang mai-zipper nito ang gun bag nito, pinulot nito iyon bago nagsimulang humakbang palayo.

"Hey, where are you going?" tawag niya rito.

"Claiming my prize," kaswal na sagot nito. "Remember I get to decide my prize when I win. This is my prize, walking away."

Nalukot na ang mukha niya. "What kind of prize is that?"

He chuckled. "Why, would you have given me a different prize, Andrea? A kiss perhaps."

Napakurap siya. Ramdam niyang nataranta ang buong sistema niya sa pagbanggit nito ng salitang kiss.

Mabilis siyang umiling. "H-hindi," sabi niya, alanganin. "J-just walk away. Enjoy your prize."

Lalong ngumisi ang lintek. Lalo din umalon ang kung anong weirdong damdamin sa dibdib niya.

Pinagmasdan niya ang papalayong bulto nito. Bigla niya kasing nahiling na sana ang mga damdamin ganoon din kadaling talikuran at kalimutan. Kapag ayaw na, kapag bawal, kapag hindi na puwede, sana madali din makalimutan. Nagkukusang mawala. 

Kaya lang...

Forgetting is an effort. A struggle. A battle. 

She shook her head. Muli niyang hinarap ang floating target. She loaded her gun and shot the target to her heart's content. 

Umaasa siyang malulunod ng ingay ng baril ang katotohanang naghuhumiyaw na hindi lang niya gusto si Dax, nahuhulog na siya rito. 

-----

Tapos na ang schooling nila nang tawagin ni Sir Maxwell sina Andie,  Dax, Alessadro at Kevin.

Hindi naiwasan ni Andie ang kabahan. Iniisip niya kung may violation na naman sila at mapaparusahan. Subalit kahit na anong gawing piga niya sa isip niya wala naman siyang maisip na ginawang masama. Maliban na lamang sa ginawa niyang tambayan ang shooting range. Bawal ba 'yon?

Sir Maxwell was silent for a moment bago ito nagsalita. "Do you have any idea why I called you?" Pinagala nito ang tingin sa kanilang apat. "Lavigne?"

Mabilis silang nagkatinginan ni Dax bago nito ibinalik ang tingin kay Sir Maxwell. Marahan itong umiling. "None, Sir."

"How about you, Sarmiento?" ani Sir Maxwell kay Kevin. Mabilis din itong umiling. 

Sir Maxwell heaved a deep sigh. "Very well. Starting tomorrow, you will be switching partners. Kevin your partner will be Andrea. And Dax your partner will be Alessandro."

"Sir?"si Dax, lukot ang mukha, Pasimple pang sumulyap sa kanya. 

Subalit parang walang narinig si Sir Maxwell. "Sarmiento will stay with Cortez. And you Lavigne will move to the south wing with Bernasconi. I hope that you finish the move before light's out. That would be all.  I'm expecting you and your new partners tomorrow," anito bago tuluyan lumabas ng silid. 

Nagkatinginan sila ni Kevin. "Mag-empake lang ako. See you sa mess hall," paalam nito sa kanya. Tango lang ang naisagot niya. Sumama si Alessandro dito sa paglabas. 

Si Dax naman nanatiling nakatayo roon, bagsak ang mga balikat. Napilitan siyang lapitan ito. 

"Hey," bulong niya rito. "I-I'd still be your... friend."

Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Dumaan din ang iba't-ibang emosyon sa mga mata nito, ngunit nangibabaw ang galit. Galit kanino, hindi niya alam. Pero sigurado siyang hindi sa kanya. 

Kung siya ang tatanungin, hindi siya galit. Pero nagulat siya sa pangyayari. 

"Tara na," aya niya rito. 

Nang hindi ito matinag, tumalikod na siya. Subalit nang akma na siyang hahakbang palayo, mabilis nitong hinagip ang palapulsuhan niya at hinawakan nito iyon nang anong higpit. Mabilis niya itong nilingon. 

Hindi ito umiimik subalit nalulunod siya sa iba-ibang emosyon na nasa mga mata nito. 

"Dax?" tawag niya ulit dito, pabulong. 

Hindi ulit ito umimik, tumitig lang. 

"I'm sorry," anito bago atubiling binitiwan ang kamay niya. "You're right, I better go pack my things," anito na parang nahimasmasan. "Tara na," sabi pa nito bago nagpaitiunang lumabas ng silid.

Dadalawa lang sila pagsakay nila ng lift. At pagkasarang-pagkasara ng pinto niyon, Dax  reached for her hand and held it gently. Agad na kumabog ang dibdib niya. Muli na naman siyang nalito, nataranta. 

"D-Dax?" tawag niya ulit dito. Hindi ulit ito umimik, magaan lang nitong pinisil lang ang kamay niya habang nakatingin sa floor counter ang mga mata.

Pagbukas ng lift. Mabilis din nitong binitiwan ang kamay niya at nagpatiunang lumabas ng lift. Tahimik siyang sumunod dito. Pagdating nila sa quarters nila, nag-umpisa na itong mag-empake. Tahimik niyang pinanood ito.  At bawat gamit na nilalagay nito sa bag, bumibigat ang dibdib niya, hindi niya alam kung bakit. Pinagkasya nitong lahat ang mga gamit nito sa itim na duffle bag na may tatak ng logo ng The Organization. 

Nang matapos nito ang pag-eempake, inilapag nito ang duffle bag sa ibabaw ng kama nito. Puno na ng gamit ang duffle bag. Puno rin ng maraming katanungan ang dibdib niya. Mga tanong na siguro, kahit tanungin niya ngayon, hindi rin sasagot si Dax. 

"That's it. I'm going," anito. 

Malungkot siyang ngumiti. "Goodluck," aniya. 

Tumango-tango ito bago tuluyang lumabas ng quarters. Siya naman ay napatunganga sa kawalan. Hindi niya kasi alam kung maiiyak ba siya o magagalit. At mas lalo siyang naiinis dahil hindi rin niya alam kung kanino siya iiyak o magagalit.

Wala na si Dax. Mamaya, si Kevin na ang partner niya. 

And for the life of her, hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya para siyang nawalan, namatayan. 

Mabilis niyang kinuha ang tuwalya niya. Ililigo na lang niya siguro ang inis niya. Hindi pa man niya naaalis ang jumpsuit uniform niya nang biglang may kumatok sa pinto ng banyo. 

Nagulat pa siya ng makita niya roon si Dax, namumula ang pisngi nito, naghahabol din ng hininga. 

"Dax, anong--"

"I forgot something," he said in between breaths. 

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ano--"

"This," he replied urgently before crushing his lips on hers. Sa gulat niya napaatras siya na nagpangyari upang mapahakbang ito papasok sa banyo. Ito rin ang nagsara ng pinto. 

Dax's mouth was filled with wonders she had never tasted before. He was heat, a delicious heat that kept sending her a plethora of unfamiliar emotions. Then he was power, a power she gladly embraced and be enslaved with. And he was weakness, a weakness she would definitely surrender to over and over.

She was drowning, drowning sweetly to that oblivion she willing plunged in.

And now she understood, in the absence of words, action will speak. 

They kissed some more until they're breathless. 

Now she's sure, the silly feeling is not as silly as she thought it was. It's deeper and more.###

2772words/4:52pm/08242021




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro